KABANATA 4

2956 Words
DAHAN-DAHANG IMINULAT NI Daisy ang kaniyang mga mata nang magising ang diwa niya. Kulay puting kisame ang kaagad na bumungad sa kaniya. Where is she? Due to confusion, nilinga niya ang kaniyang kaliwa't kanan. Mula sa hindi kalayuan, nakita niya ang isang pamilyar na mukha ng babae. It's Jamilla and her attention is on her phone. Nasaan nga ba siya? "J-Jamilla," tawag niya sa pangalan ng kaibigan saka marahang umupo sa kaniyang kinahihigaan. Nag-angat ng mukha sa kaniya si Jamilla kapagkuwan ay tumayo sa kinauupuan saka naglakad patungo sa kaniya. "Gising ka na, Daisy. Kumusta na ang pakiramdam mo? Ayos ka lang ba?" tanong ni Jamilla sa kaniya. "Nasaan ako?" imbes na tanong niya. "Nasa hospital tayo. Bigla ka na lang kasi natumba kanina. Bakit ka ba nahimatay? May sakit ka yata, bakit pumasok ka pa? Natakbo naman ang restaurant mo kahit wala ka, e." Napamulagat siya. Inikot ng mga mata niya ang kapaligiran. Nasa hospital nga sila dahil sa mga bagay. Natumba at mahimatay siya? Mariin niyang ipinikit ang mga mata saka inalala ang mga nangyari. Natandaan na niya. Magpapaalam sana siya kay Jamilla na magbabanyo pero hindi na siya nakapunta pa dahil nahimatay na siya. Nandilim ang kapaligiran niya, nahilo siya nang husto kaya naman natumba siya. Ang tanong, bakit nangyari iyon sa kaniya? "Wala akong sakit, Jamilla. Pumasok ako nang maayos ang pakiramdam. Anong sabi ng doktor? Nakapunta na ba? Nag-aalala na ako sa sarili ko, Jamilla. Paano kung may nakakahawang sakit ako? Lalayuan mo ba ako? Natatakot ako, Jamilla." She's too paranoid. "Gaga ka! Hindi porke nahimatay ka, may nakakahawang sakit ka na kaagad. Hintayin na natin ang doktor na sumuri sa iyo dahil parating na iyon. Huwag ka ngang matakot diyan, Daisy! Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano. Baka naman kasi may nakain kang kakaiba na hindi gusto ng tiyan mo. Alalahanin mo iyon, Daisy..." Napailing siya. "Wala akong kinaing kakaiba. Alam ko ang mga kinain ko ngayong araw. Pero—" Natigilan na lang siya nang may biglang rumihistro sa utak niya. Nitong isang araw, nagising siyang nahihilo. Sumuka pa siya. Ayaw niyang mag-overthink pero sana'y mali ang iniisip niya. Minsan na niyang nabasa at napanood ang tungkol sa ganitong sitwasyon. "Pero ano?" Si Jamilla, nakakunot ang noo. "Pero baka hindi sakit ito. Paano kung... paano kung buntis ako, Jamilla? Minsan ko nang nabasa at napanood ang tungkol dito. Natatakot ako, Jamilla lalo pa't naaalala ko ang sinabi sa akin ni Hugo nitong nakaraan. Anong gagawin ko, Jamilla?" Napaluha na lang siya. Kung buntis nga siya, e 'di maigi. Kung hindi naman, e 'di maayos. "Buntis? Nahimatay lang, buntis na kaagad?" "Sa ting—" Kaagad siyang pinutol ng kaibigan. "Sa tingin mo lang iyon. Hintayin na lang na— oh, ayan na pala si doc, e," ani Jamilla saka bumaling sa pinto. Bumaling din siya roon at nakita niyang pumasok ang isang babaeng doctor. Sana'y maganda ang balita nito sa kaniya dahil kung hindi, baka maloka siya. "Kumusta po ang kaibigan ko, doc?" tanong ni Jamilla sa doktora nang makalapit sa kanilang dalawa. "Mabuti't gising ka na! To answer your question..." Bumaling ito kay Jamilla kapagkuwan ay bumalik ang tingin sa kaniya. "You're okay! Kinuhanan kita ng dugo and the test is normal. Walang kakaibang nangyari sa iyo. Baka kaya nahimatay ka kasi gawa nang sobrang pagpapagod. I suggest na magpahinga ka muna ng ilang araw. After that, you may work again. But, you need to limit yourself. Kapag nakaramdam ka ng pagod, tumigil ka na sa ginagawa mo. Rest for a while," anang doktora. "As in? Wala po akong sakit? Okay lang po ako?" "Yes, you are really fine," nakangiting sabi nito na nagpagaan ng dibdib niya. "Puwede po bang magtanong?" "Sige, tanungin mo ako." "H-Hindi po ba ako buntis?" diretsahan at walang pag-aalinlangan niyang tanong sa doktora. "No, you're not. If you are pregnant, dapat sinabi ko na sa iyo kanina pa. As what I said, your test is fine. When did you had your last s*x?" "Nito lang pong nakaraan. Bakit niyo po natanong?" Bahagyang natawa ang doktora sa tinuran niya. "Bago pa lang. Hindi ka kaagad mabubuntis. Maybe next week, I think. Kapag nahimatay ka ulit, baka roon, makita ko na na positive ka. Sa ngayon ay hindi ka buntis. It's just over fatigue. Sige na, aalis na ako. Iyong sinabi ko, follow it, okay? Nga pala, puwede ka nang umuwi. Magpahinga muna, okay?" Daisy just nodded. Nagpasalamat pa siya rito kaya naman umalis na ito. Good to hear that, she's not pregnant this time. Pero sa mga susunod na linggo, ano kaya ang naghihintay sa kaniya? Kailangan na ba niyang magpa-book ng eroplano at pumunta sa ibang bansa dahil parang nahihinuha na niya ang mangyayari. "O, tingnan mo! Hindi ka buntis. Tigilan mo na kasi ang sobrang pagpapagod mo, Daisy. May pera ka pa rin naman kahit hindi ka nasuweldo. Tara na, umuwi na tayo. Pero bago iyon, magbayad muna tayo." Hindi na siya nakaimik sa kaibigan. Lumabas na silang dalawa. Bago lumabas ng naturang hospital, nagpunta muna sila sa cashier. Matapos noon, lumabas na sila. Si Jamilla ang may dala ng sasakyan kaya baka ito rin mismo ang naghatid sa kaniya. Such a good friend. "Saan ba kita ihahatid?" mayamaya pa'y tanong ni Jamilla habang abala sa pagmamaneho ng sasakyan. "Sa restaurant muna. May titingnan lang akong mga papel ng mga mag-a-apply. Madali lang iyon, Jamilla," sagot niya. She's hiring waiters, waitresses, janitors, and chefs. Hindi lang naman iisa ang restaurant niya. She has three restaurants in Manila. Tapos may isa pang magbubukas sa susunod na taon pa dahil under renovating iyon. Ayos na sana iyon pero nagbago ang desisyon niya. Si Hugo ang inspirasyon niya roon kaya pinangalanan niya iyong 'Hugo's Best Meal'. At dahil naghiwalay na sila, iniba na niya ang lahat. Iniba niya ang pangalan, iniba niya ang style, at iniba rin niya ang mga pagkaing ihahain. Kung noon mga iba't-ibang pagkain ang mga ihahain, ngayon ay iba na. Magiging fast food chain na iyon at ang magiging main dish ay grilled meat such as pork, chicken, and beef. Kaya naman pinangalanan niya iyong 'The Grill House'. At wala na roong kinilaman si Hugo. "Okay, kung iyan ang gusto mo," wika ni Jamilla. Hindi na niya nagawa pang umimik. Ipinikit na lang niya ang kaniyang mga mata at hinayaan niyang makatulog ang sarili. Kailangan nga yata niya ng pahinga. Pagod siya kahit maaga pa. Ilang linggo na rin siyang puyat. Simula ngayon, magmo-move on na siya kahit naka-move on na siya noon pa man. Hindi na niya iisipin si Hugo. Ang kailangan niyang pagtuunan ng atensyon ay ang negosyo niya. MATAPOS ANG ILANG minutong byahe, nakarating na rin sila sa Macalintal Sweet Restaurant. Nakaupo si Daisy sa sariling swivel chair habang abala sa pagbabasa ng mga application form ng mga nag-a-apply. Si Jamilla naman ay nakaupo sa harap niya habang abala sa cellphone nito. Pinapauwi na niya ito pero ayaw ng kaibigan niya kaya wala na siyang nagawa. Ang gusto nito'y ihatid siya sa kaniyang bahay. "Ma'am Daisy, Ma'am Daisy!" Kaagad na napa-angat ng mukha si Daisy nang marinig iyon. At mula sa pinto, pumasok doon si Nicole. May hawak itong tray habang humahangos pang nagtatakbo patungo sa kaniya. Nangunot ang noo niya kaya naman tumayo siya. "Bakit, Nicole? Bakit ka ganiyan?" nagtataka niyang tanong. "Ma'am Daisy, may lalaki po sa labas. Nangungulit po siya. Kailangang- kailangan ka raw po niya," anang Nicole. "Bakit daw?" "Hindi ko po alam, Ma'am Daisy. Ano na pong gagawin natin? Nakakaabala na po siya sa mga customer." "Papuntahin mo siya rito," lakas-loob niyang sabi. Kaagad na bumakas ang gulat sa mukha ni Nicole at isama pa ang kay Jamilla. Tumayo ang kaibigan niya. "Are you crazy, Daisy? Bakit mo namang hahayaang pumasok iyon dito? Narinig mo ba iyong sinabi niya? Nangungulit. Paano kung gawan ka ng masama noon?" May bahid ng galit ang boses nito. "Hindi ako baliw, Jamilla. Alam ko pa ang mga ginagawa at sinasabi ko. Huwag ka nang mag-alala dahil baka kailangang-kailangan talaga ako ng lalaki. Go, Nicole, papuntahin mo siya rito. Hihintayin ko siya kamo," nakangiti niyang sabi kay Nicole at bumalik sa pagkakaupo saka binalingan si Jamilla. Masama ang tingin nito kapagkuwan ay inirapan siya, tumalikod at walang paalam na naglakad palabas. Sumunod naman si Nicole rito. Anong nangyayari sa babaeng iyon? Wala naman siyang ginagawang ano para maging ganito ito sa kaniya. Napailing siya at nagpatuloy sa naudlot na ginagawa. Makalipas ang ilang minuto, narinig niyang bumukas ang pinto kaya naman nag-angat siya ng kaniyang mukha. Nakita niya ang isang lalaki. Pawis na pawis habang may hawak pang folder. Kapagkuwan ay naglakad ang lalaki patungo sa kaniya. "Maupo ka," magiliw niyang sabi saka iminuwestra sa lalaki ang upuang inalisan ni Jamilla. "Maraming salamat po, Ma'am Daisy," anang lalaki saka umupo upuan. "Bakit mo raw ako kailangan?" kuryos niyang tanong sa lalaki. Sunod-sunod na lumunok ang lalaki. "Ma'am Daisy, nagmamakaawa po ako sa inyo. Tanggapin niyo po ako bilang empleyado niyo. Nangangailangan po ako ng trabaho ngayon dahil sa problema po sa pamilya ko. Kahit ano pong posisyon ay tatanggapin ko. Iyong asawa ko po, nasa hospital kasama ang dalawa naming anak. May breast cancer po ang asawa ko. Ang mga anak ko naman po ay may problema sa bato. Kaya nagmamakaawa po ako, Ma'am Daisy. Tanggapin niyo na po ako. Ito po, ito ang applicatiom form ko." At ipinatong nito ang hawak na folder sa kaniyang lamesa. Nakaramdam siya ng awa rito kaya naman kinuha niya ang folder at binuklat iyon. Bio data iyon ng lalaki. Garry ang pangalan. Nakatapos ng kolehiyo. Nakatapos naman pala ng kolehiyo, pero bakit wala itong trabaho? Hindi ganoon kataas ang standard na gusto niyang maging empleyado. Basta't nakatapos ng highschool ay ayos na sa kaniya. Nagdadalawang isip siya kung tatanggapin niya nga ba ito o hindi. Pero naaawa siya. Hindi man niya ito naranasan perong awang-awa siya sa lalaki. "Sige, tanggap ka na," imporma niya rito. "T-Talaga po, Ma'am Daisy?" "Yes, tanggap ka na at simula bukas ay magtatrabaho ka na. Wait, titingan ko lang kung saan ka mapupunta." Kinuha niya ang papel na nilistahan niya ng mga natanggap niya. Tumingin-tingin siya kung saan pa may kulang. Oh, this man is lucky dahil dito siya magtatrabaho, sa restaurant kung nasaan ang opisina niya. "Dito ka magtatrabaho. I'm sorry for your family, Garry. Sana'y gumaling na sila..." "Maraming-maraming salamat po talaga, Ma'am Daisy. Sobra pong saya ko ngayon dahil matutulungan niyo po ako. Sa dami nang nag-apply, isa ako sa napili. Marami po talagang salamat..." mangiyak-ngiyak nitong saad. "You're welcome. Sige na, puntahan mo muna ang pamilya mo. Bukas ha, aasahan kita." "Sige po, Ma'am Daisy. Salamat po talaga sa oportunidad na ito. Salamat na salamat po talaga!" Ngumiti lang siya kaya naman umalis na ang lalaki. Napabuga na lang siya ng hangin sa kaniyang bibig at muling nagpatuloy sa ginagawa. Kaunti na lang, matatapos na niya ito. Kapag natapos siya ay uuwi muna siya at magpapahinga ng ilang araw. Baka hindi lang siya mahimatay, baka tuluyan na siyang mamatay kung patuloy niyang gagawin ang pagpapagod niya. MATAPOS ANG HALOS isang oras na pagbabasa, natapos na rin si Daisy sa kaniyang ginagawa. Inayos na niya ang kaniyang sarili dahil aalis na siya. Bago siya umalis sa kaniyang restaurant, nagpaalam muna siya kay Nicole na pinagkakatiwalaan niya. Matapos noon, lumabas na siya ng restaurant. Jamilla left. Wala na akong kotse nito. Iyong pangako nito, parang bula na pumutok. Natatawa siyang umiling saka nilapitan ang kotse niyang nakaparada sa hindi kalayuan. She entered and manouvered it patungo sa kaniyang bahay. Siya na lang ang mag-isa roon nang makipaghiwalay sa kaniya si Hugo. Hindi naman siya malungkot, hindi lang siya sanay na mag-isa. Habang abala sa pagmamaneho, biglang tumunog ang cellphone niya na nakapatong sa passenger's seat. Kinuha niya iyon ng kanan niyang kamay at sinagot. Kaya naman niyang magmaneho kahit isang kamay lang ang gamit, isa pa'y kakaunti pa lang ang mga sasakyang nakakasalamuha niya. "Hello, papa," aniya. Papa niya ang tumawag. "Hello rin, anak. May maganda nga pala akong balita sa iyo. Tapos na, nabugbog na namin ni Vince ang walang hiya mong ex! Bugbog sarado siya, Daisy." "Talagang ginawa niyo, papa? Paano kung makulong kayo? Paano kung magsumbong ang lalaking iyon?" Pero iyong totoo'y masaya siya dahil nakatikim din ng karma ang lalaking iyon. "Nagbibiro ka lang ba nang sinabi mong bugbugin ko siya?" Parang kinabahan ang papa niya. "Hindi po, papa. Kung anong ginawa niyo sa kaniya, bagay lang iyon. Pero paano kung makulong kayo ni Vince? Marami yata ang nakakita sa inyo." "Hindi kami makukulong, anak! Maraming nakakita pero hindi iyon ang usapan dito. Binantaan ko ang hayop na iyon na kapag nagsumbong siya, hindi lang iyon ang matitikman niya sa akin. Takot pa rin pala sa akin, Daisy. Akala ko'y mawawala ang takot niya nang maghiwalay na kayo. Mukhang maayos naman ang pag-uusap namin." Oo nga pala, takot ang hinayupak na iyon sa papa niya. Hindi niya alam kung bakit nito kinakatakutan ang papa niya, e tao lang din naman ito. Natawa siya. "Grabe ka naman, papa. Binugbog mo na nga, binantaan mo p—" "At talagang may pag-aalala ka pa sa kaniya?" putol nito. Napairap siya. "Huh? Anong sinasabi mo, papa? Hindi ako nag-aalala sa lalaking iyon dahil bagay lang iyon sa kaniya. Pinilayan niyo na sana para hindi na makalakad at hindi ko na makita ang pagmumukha niya!" "Bakit naman, anak?" "Wala po, papa. Sige na po, ibaba ko na po itong cellphone at nagmamaneho kasi ako, e. Nga pala, sa Linggo po ako pupunta riyan sa Laguna." "Sige, anak. Mag-iingat ka, okay? Bye!" "Bye rin po..." aniya saka pinatay na ang tawag. Natawa na naman siya. Ano kayang hitsura ni Hugo ngayon? Pangit na siguro ito dahil nabugbog ang mukha nito. Kung may pagkakataon lang siyang makita ang hitsura nito, nagawa na niya pero hindi niya alam kung paano. Napailing siya at itinuon ang atensyon sa kalsada. Makalipas ang halos dalawampung minuto, nakarating na rin siya sa kaniyang bahay. Pinasok niya ang kotse niya sa garahe dahil hindi na naman siya lalabas. Kapagkuwan ay bumaba na siya sa kaniyang kotse at pumasok sa loob ng bahay niyang sobrang tahimik. Nakakabingi ang katahimikan. Parang haunted house ang vibe. Naglakad siya patungo sa couch at nang marating, umupo siya roon— pagod na pagod. Kailangan niyang magpahinga ng ilang araw na siyang sisimulan na niya ngayon din. Matapos ang ilang minutong pag-upo, napagdesisyunan na niyang magtungo sa kaniyang kuwarto. Ngunit hindi pa man siya nakakatayo nang biglang may sunod-sunod na kumatok sa pinto ng bahay niya. Sino naman kaya iyon? Tumayo na siya at nilakad ang direksyon ng pinto. Sino naman kaya iyon? Wala naman siyang inaasahan ngayong araw kaya ganoon na lang ang pagtataka niya. Nang marating ang pintuan, binuksan na niya ang pinto. Bigla siyang napaatras sa nakita. Nanlaki ang mga mata niya at bahagya napanganga. Si Hugo, nakatayo sa harap niya habang duguan ang mukha. Putok ang labi nito habang may pasa ang ilalim ng mga mata nito. "H-Hugo..." aniya saka umatras, hinayaang nakabukas ang pinto. Ang gago, sinundan siya papasok. Hindi niya nagawang suwayin ito sa hindi malamang dahilan. Makalipas ang ilang segundo, tumigil siya at masamang tiningnan si Hugo. "What are you doing here, Hugo? Did I allow you to enter in my house?!" galit niyang turan dito. "Did you see this, Daisy?" At itinuro nito ang duguang mukha. Tumawa siya. "Hindi naman ako bulag para hindi iyan makita, Hugo! Of course, I saw that. Karma mo na iyan sa ginawa mo sa akin. Bagay lang iyan sa isang katulad mong nagpaniwala sa maling akala. Get out kung ayaw mong tumawag ako ng guard. I'm warning you, Hugo! Leave the house!" "Gawa ito ng papa mo, Daisy! Anong klase siyang tao? He hurted me! Wala akong ginagawang masama sa kaniya, Daisy!" "So? Huwag mo akong tatanungin kung anong klaseng tao ang papa ko dahil mas tao pa siya sa iyo. Wala kang ginawa? E, anong ginawa mo sa akin, huh? You left me, you broke my heart. Kaya bagay lang talaga iyan sa iyo. Umalis ka na, Hugo bago pa ako makatawag ng saklolo." "Hindi ako aalis, Daisy!" "Hindi ka aalis? Okay. Nga pala, bakit hindi ka magsumbong sa pulis na binugbog ka nina papa? Ah, you can't kase takot ka pa rin sa kaniya? Hoy, Hugo! We're already done at hindi ka na dapat matakot kay papa dahil wala na tayo! Lumayas ka na, gago ka! Get out, Hugo! Mamatay ka na sana. Maubusan ka sana ng dugo!" "Pero hindi pa rin ako titigil hanggat hindi ko nalalaman na buntis ka," mahinang bulalas ni Hugo. "Nahulog ako sa hagdan kanina, dinugo ako," pagsisinungaling niya. "Nahulog ka?" Halata ang gulat sa boses nito. "Oo. Dinugo ako. Kaya umalis ka na, wala kang mapapala sa akin. Alis na!" bulyaw niya rito. "Hindi ako naniniwala, Daisy! Hindi ako maniniwala sa kasinungalingan mo! Hindi ako basta-basta maniniwala dahil isa kang sinungaling at manloloko." "Oo na, ako na ang sinungaling at manloloko. Umalis ka na, Hugo! Lumabas ka sa pamamahay k—" "Bahay ko rin ito, Daisy!" putol ni Hugo. "Oo nga pala, no? Sige, ganito na lang!" Lumapit siya kay Hugo at malakas itong sinampal. "Ako na lang ang aalis. Nahihiya naman kasi ako," anas niya saka nailagpasan na ito. Ngunit nakakailang hakbang pa lang siya nang bigla nitong hawakan ang braso niya. Dahil sa prustrasyon, pagalit niyang inalis ang nakahawak nitong kamay at hinarap. "Ako na ang aalis." Si Hugo at naglakad na palayo. Aalis din pala, pinatagal pa! Tsk! Napairap na lamang siya at naglakad na patungo sa ikalawang palapag ng bahay niya. Maayos sana ang araw niya, sinira lang ng gagong iyon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD