UMAGA PA LANG pero parang pakiramdam ni Daisy ay babagsak na ang katawan niya. Ilang araw na ang nakalipas ng may nangyari sa kanila ni Hugo. Kumbinsido siya na may nangyari talaga sa kanila. Tapos kahapon ay sumama ang pakiramdam niya pagmulat pa lamang ng mga mata niya. Parang nahihinuha na niya ang susunod na mangyayari pero nilalabanan niya iyon... hindi niya iniisip nang sobra. Kung maaari ngang alisin ang utak niya, nagawa na niya para linisin lang iyon.
"Pansin ko lang, bakit parang tulala ka nitong nakaraan pa?"
Natigilan na lang siya sa malalim na pag-iisip nang marinig iyon. Hindi niya namalayan na naglalakad si Jamilla palapit sa kaniya. Tulala? She's not wrong, sino bang hindi matutulala kung sunod-sunod ang naging problema? Hindi muna siya umimik, kinuha niya ang kape niya sa lamesang nasa harap niya at inisang lagok iyon. Dalawang oras na yatang nakatengga iyong kape niya kaya sobrang lamig na— it seems like a corpse.
"May iniisip lang ako," sagot niya nang maibaba ang basong hawak niya.
Naiiling na umupo si Jamilla sa harap niya. "Iniisip? Sino? Si Hugo na naman? Ang lalaki na namang iyon, huh? Hanggang kailan mo ba titigilang isipin ang walang hiyang ex-husband mo?" sunod na sunod at gigil na gigil na tanong ni Jamilla sa kaniya at parang handa nang tumiris.
"Papatay ka ba?" natatawa niyang tanong.
"Oo, kapag sinabi mong si Hugo ang nasa utak mo."
Napairap siya. "Kung si Hugo nga ang iniisip ko? Papatayin mo ba siya?"
"Hindi, hindi kasi ako kri—"
"Kaya huwag kang magsalita nang tapos, okay? Pero ito, sasabihin ko na sa iyo. Oo, si Hugo ang iniisip ko pero hindi lang siya, may iniisip pa akong iba— na hindi tungkol sa lalaking iyon. May sasabihin ako sa iyo pero mangako ka munang hindi mo ipagsasabi kahit kanino. Tayo lang ang makakaalam."
Hindi niya masarili ang nangyari sa kanila ni Hugo nitong nakaraan. Pinagkakatiwalaan niya si Jamilla dahil malapit niyang kaibigan ito. Sasabihin niya ang lahat at baka makatulong si Jamilla para maresolba iyon. Kung paano ang gagawin niya. Wala na sila ni Hugo tapos may nangyari, that's unfair— that's not really right!
Mayamaya pa ay umangat ang kanang kamay ni Jamilla, nangako. "Oo, ito na, o, nangangako na!" may diing wika nito saka ibinaba ang kamay. "Ano bang sasabihin mo? Bakit parang importante iyan, ha? At bakit ayaw mong ipagsabi ko kahit kanino?" Kasabay noon ay ang pagkunot ng noo nito.
"Tama ka, importante ito kaya hindi maaaring malaman ng kung sino kundi tayong dalawa lang dapat. Sikreto ito na nito ka lang tinatago. Umaasa ako na na hindi mo ipagsasabi. Gusto ko lang ulit makasiguro, mangako ka ulit sa akin."
Gusto niya nang maayos na usapan para hindi bumigay ang isa sa kanila. As if naman bibigay siya? Hindi!
"Gaga ka! Oo na, nangangako ako na hindi ko sasabihin ang mga sasabihin mo sa akin. My ears are yours now. Dali na, nati-thrill na ako."
Bago niya buksan ang kaniyang bibig, bumuntong-hininga muna siya dahil bahagyang siyang kinakabahan. Hindi niya kailangang kabahan dahil kaibigan niya ang nasa harap niya. Kailangan, kailangan niyang ilabas ang sikreto niya mula sa loob ng kaniyang pagkatao. Hindi yata siya matatahimik hanggat hindi niya ikinikuwento ito sa iba. Thank God, Jamilla visited her.
"May nangyari sa amin ni Hugo nitong nakaraan," diretsahan at walang pag-aalangang sabi niya sa kaibigan.
Dahan-dahang nanlaki ang mga mata ni Jamilla ng mga sandaling iyon. At bahagya pang napanganga. E, sino ba naman kasi ang hindi magugulat sa sinabi niya? Hiwalay na sila ni Hugo tapos ano, may nangyari sa kanila? That's unbelievable!
"A-Anong sabi mo?" Sunod-sunod itong napailing. "M-May nangyari sa inyo ni Hugo?" parang wala sa sariling tanong ni Jamilla sa kaniya.
She nodded and stood up. Nang makatayo, nagbaba siya ng tingin kay Jamilla. "May nangyari sa amin ni Hugo nitong nakaraan. Naalala mo ba iyong inaya kitang mag-bar?" Tumango ang kaibigan. "Ayan ang gabing may nangyari sa amin. Hindi ko alam ang nangyari at wala akong alam kung may nangyari talaga sa amin ni Hugo. Pero sigurado at kumbinsido ako na may nangyari sa amin. Matagal na akong hindi nakikipagtalik at pakiramdam ko ay parang may pumasok sa akin. Nagising ako, nagising ako na nasa tabi ni Hugo, ng aking ex. Hindi ko inaaasahan iyon, Jamilla. Lasing na lasing ako at tinatanong ko sa sarili ko, sa libo-libong lalaki rito sa mundo, bakit ang walang hiya pang iyon ang makakasama ko? Hindi ko alam kung paano niya ako nakuha, hindi ko alam kung paano kami nagkasama, wala akong alam sa lahat, Jamilla. Tapos, binantaan niya ako. Parang hindi kami nagkasama, ibang-iba na talaga ang turing niya sa akin. Kapag may nabuo raw, huwag na huwag ko raw ipapalaglag dahil siya raw ang makakalaban ko. Anong gagawin ko, Jamilla? Paano nga kung may mabuo? Anong gagawin ko sa bata? Bubuhayin ko ba? Tapos ano, mag-aagawan kami ni Hugo? Hindi ko na alam ang gagawin ko, Jamilla. Inis na inis na ako sa sarili ko. Lintek naman kasi, bakit ba may selos pa? Wala na sana niyan, para hanggang ngayon ay magkasama pa rin kami ni Hugo..." maluha-luha niyang paliwanag at nilapitan ang kaibigan, umupo sa tabi nitong umupo, at kinuha ang mga kamay nito saka marahang minasahe ang mga iyon. "Nagmamakaawa ako sa iyo, Jamilla. Tulungan mo akong masolusyunan ito. Tulungan mo akong mag-isip sa maaaring mangyari sa hinaharap. Kasi kung tatanungin mo ako, isa lang ang isasagot ko at iyon ay 'hindi ko na alam'. Kaya nagmamakaawa ako, Jamilla. Pagtuunan natin nang pansin ito."
"Ano ba iyang pinagsasasabi mo, Daisy? Kaibigan mo ako at handa kitang damayan at tulungan, okay? Huwag kang matakot sa lalaking iyon. Binantaan ka niya, bakit hindi mo ipapulis? At biyaya ang magkaroon ng anak, para sabihin ko sa iyo. Kung alam mo lang ang saya ko nang ipinanganak ko ang anak ko, parang nakalimutan ko na ang sarili ko dahil sa sobrang kasiyahan. Kaya kung may mabuo, huwag na huwag mong sasabihin kay Hugo dahil malakas ang kutob ko na kukunin niya ang bata sa iyo. Itago mo ang anak mo. Magpakalayo ka muna. At kapag nanganak ka na, bumalik ka para hindi maghinala si Hugo. Iyan ang masasabi ko ngayon, Daisy. Hindi mo kailangang isipin ang mga sinabi ng walang hiya mong asawa. Magpakatatag ka dahil siya ang tanga at mahina sa inyong dalawa. Kaibigan mo ako at nandito lang ako sa tabi mo. I'm willing to help you hanggat kaya ko," wika ni Jamilla habang nakatingin sa mga mata niya.
Sunod-sunod siyang suminghot. "Makakatulong ba ang pag-alis ko, Jamilla?" tanong niya.
"Oo, makakatulong iyon para hindi na muling manumbalik ang nakaraan. Kapag nga may nabuo riyan sa sinapupunan mo, umalis ko o mas maiging lumabas ka ng bansa. Doon mo palakihin ang anak mo at kapag dumating ang panahon, saka ka bumalik. May tanong ako, kapag ba nagmakaawa siyang bumalik sa iyo, papayag ka ba?"
Hindi kaagad siya nakasagot. May punto si Jamilla, mas maiging umalis muna siya. Tama rin iyon na biyaya ang sanggol kaya kung buntis man siya, papalakihin niya nang maaayos ang magiging anak niya kahit wala ang ama nitong tanga. Hindi niya hahayaang makilala ni Hugo ang anak nila— hinding-hindi. At sa tanong nito, hinding-hindi siya papayag na makipagbalikan sa kaniya si Hugo dahil nakipaghiwalay na ito, ibig-sabihin, hindi na siya nito mahal.
"Hindi, hindi ako papayag!" matigas at madiin niyang sagot saka tumayo sa kinauupuan at bumalik sa sarili niyang upuan.
"Mabuti naman! Nandito lang ako. I'll help you sa lahat-lahat. Kaibigan ako, kaibigang maaasahan..."
Napatango na lang siya. "Salamat, Jamilla," nakangiti niyang sabi sabay sapo ng tiyan niya.
Hindi niya kailangang matakot sa hayop na ex-husband niya. Kailangan niyang pagtuunan nang pansin ang mabubuo sa loob niya.
"MAY DUMATING NA buyer kanina, sabi ng assistant mo sa akin. Pero hindi ka raw lumabas. What is happening to you, Hugo?"
Napangisi si Hugo nang sabihin iyon ni Uriel sa kaniya. Imbes na sagutin ito, lumagok siya sa baso niyang hawak. Wala siyang paki kung may dumating mang buyer. Wala siyang pakialam kung ano man ang binili noon. Malalim ang iniisip niya, umiikot sa nangyari sa kanila ni Daisy nitong nakaraan.
"Wala akong paki, dude. Kung iyan ang sasabihin mo sa akin, mabuting umalis ka na lang. I don't give a f*ck! Wala ako sa mood na makipag-usap ngayon. Marami akong iniisip," aniya saka sinamaan ng tingin ang kaibigan.
"Such as?" nailing na tanong ni Uriel.
"Wala akong panahong makipag-usap, dude. Kaya iwan mo na lang ako rito mag-isa. I want to be alone right now! Leave me kung ayaw mong masuntok kita!" may pagbabanta niyang wika sa kaibigan saka muling uminom ng alak.
"Bakit hindi mo ba sabihin sa akin? I'm your friend. Anong iniisip mo? You could share it to me, I can help you if you need my help. Maaasahan mo ako, dude!" Uriel said.
Hindi kaagad siya nakaimik. Dahil sa iritasyon, binalibag niya ang hawak na baso dahilan para mabasag ito. That's true, wala talaga siyang panahon na makipag-usap sa ngayon. Iyong nangyari sa kanila ni Daisy nitong nakaraan, hinding-hindi mawala sa utak niya. Bakit ba ganoon? Ni hindi na siya nakatulog nang maayos dahil doon. Pero totoo ang mga sinabi niya kay Daisy. Kung may mabuo man sa tiyan nito, huwag lang nitong ipapalaglag dahil makakatikim ito sa kaniya. Hindi pa nito nakikita ang tunay niyang ugali kaya kapag may ginawa itong masama, siya ang makakalaban nito. He didn't love Daisy anymore. Hindi na niya mahal ang ex niya nang panahong niloko siya nito. Hindi pa siya kumbinsido sa ngayon na bakla talaga ang kasama nito.
"May nangyari sa amin ni Daisy," aniya— hindi na niya mapigilan ang kaniyang sarili.
"H-Huh? Did I hear it right, dude? May nangyari sa inyo ni Daisy? I mean, what do you mean by that? Nag-s*x ba kayo?" Uriel looks confused.
Tumango siya. "Yes, we had s*x. Nagtalik kami ng hindi niya alam. Nangyari iyon ng gabing nag-inom tayo. Nagpaalam ako sa iyo na magbabanyo lang ako pero hindi na ako bumalik because I saw Daisy— lasing na lasing. I had no choice, I helped her. Dinala ko siya sa private room sa bar. I'm about to leave, but she held my hand and pulled it to her. May sinabi siya sa akin... sinabi na parang kami pa. After that, hindi ko na namalayan na natutulog na ako sa tabi niya. Hanggang sa nakaramdam ako ng init sa katawan ko. Dude, hindi ko pinag-isipan ang ginawa ko. Hindi pa ako lasing, but I kissed Daisy on her lips. Pumatol siya na nag-udyok sa akin na gumawa pa ng iba. At nangyari na nga. Nagtalik kami na parang walang nangyari sa relasyon namin. I tried to hold this lust, pero hindi ko nagawa. I let my body devour Daisy. Gago ba ako, dude? Tanga ba ako? Bobo ba ako kasi hinalikan ko ang asawa kong manloloko? Answer me, dude! I want answer, I want answer dahil hindi ako matatahimik!" mahaba niyang bulalas sa kaibigan habang nakakuyom ang mga kamao.
Kaagad na bumakas ang gulat sa mukha ng kaibigan niya. Parang hindi nito masariwa ang mga sinabi niya. Maski siya'y magugulat kung ito ang magsasabi ng ganoon sa kaniya.
"M-May nangyari talaga sa inyo, Hugo? Paano kung mabuntis siya?" Uriel asked.
"That's the problem, dude!" natatawa niyang sabi saka umiling. "Paano kung mabuntis siya? Kukunin ko ang bata sa kaniya. Wala akong pakialam kung umabot man iyon sa korte, ipaglalaban ko lang ang anak ko sa kaniya. Hindi ko siya mahal, ayaw kong pakisamahan ng anak ko ang nanay niyang manloloko."
"Really, Hugo? Kukunin mo ang anak mo sa kaniya kung mabuntis siya? Did you know na sa ina pa rin mapupunta ang bata? Magiging talo ka kasi hindi ikaw ang babae. Pero kung gusto mong mapasaiyo talaga ang anak mo, I'm here, Hugo, I will help you no matter what. So, what's your plan?"
Bago sumagot, tumayo muna siya sa kinauupuan at tumalikod sa kaibigan saka naglakad patungo sa bintana ng opisina niya. Sumilip siya roon. Kita niya ang labas, kita niya ang mga sasakyang umaandar, at kita niya ang mga taong naglalakad.
"May plano ako. Ang plano ko'y ipaimbestiga ang bawat galaw ni Daisy," wika niya habang matalim na nakatingin sa labas— parang ito ang dahilan kung bakit siya naiinis.
"You already have a private imbestigator, why do you talk to him?" Si Uriel na hindi niya namalayan na nasa likod na niya.
He blew and faced at him. "Hindi private imbestigator ang kailangan ko. Hindi si Francis. Ang kailangan ko ay isang lalaki na manonood sa bawat galaw ni Daisy. May isang paraan. Napag-alaman ko na hiring ang restaurant ni Daisy. Kaya magha-hire ako ng isang lalaki na magmamatyag ng galaw ni Daisy," aniya saka pinagkrus ang mga braso.
"May kilala ako. Puwede ko siyang tawagin para rito sa plano mo."
Napangiti siya. "Thank you, dude. I'll wait the man. Babalik ako rito mamaya. May pupuntahan lang akong importante," sambit niya saka naglakad— nilagpasan ang kaibigan at lumabas ng kaniyang opisina.
Nang makalabas, kaagad siyang bumaba patungo sa parking lot. Sumakay siya sa kaniyang bagong biling kotse. Napagdesisyunan niyang puntahan si Daisy sa restaurant nito para tingnan kung nandito ba ito ngayon. Sunod-sunod siyang nagpakawala ng hangin sa bibig saka pinaandar na ang kotse niya.
Matapos ang halos kalahating oras na pagmamameho, narating na niya ang restaurant ng asawa niya. Itinigil niya ang kotse niya sa harap at ibinaba ang binata para makita niya ang nasa loob. From the inside, he saw Daisy talking to a familiar woman. It's Jamilla, Daisy's friend. Hindi niya hahayaang maging masaya ang asawa niya... ang ex-wife niya. He'll do everything, malaman lang na buntis ito! She's happy, pero may limitasyon iyon... limitasyon na siya mismo ang gagawa.
ILANG ARAW NA ang nakalipas nang mapag-usapan nina Daisy at Jamilla ang balak niyang paglabas ng bansa malaman niya lang na buntis siya. Napagdesisyunan niyang lumabas ng bansa para sa kaligtasan niya kasama ang magiging anak niya.
"Saang lupalop ka naman mananatili kapag buntis ka nga?" seryosong tanong ni Jamilla sa kaniya.
Nasa loob sila ng kaniyang restaurant at napagdesisyunan muna nilang dito mag-usap. Hindi niya pa alam kung saan siya maglalagi pero baka sa America o Canada. Sa America, may kamag-anak siya roon. Sa Canada naman, may mga kaklase siyang doon nakatira na nakakausap niya online. Kung saan madali, doon siya.
"Hindi ko pa alam, Jamilla. Wala pa akong ideya kung saan ako mananatili. Hayaan mo muna akong mag-isip. Baka may gusto ka pang kainin? Tell me, bibigyan kita at hindi mo na kailangang magbayad dahil sa pagtulong mo sa akin."
Natatawang umiling ang kaibigan. "Sapat na sa akin itong mga pagkaing nasa harap ko. Kuntento na ako."
"Ganoon ba? Sige, maiwan muna kita rito at magbabanyo lang ako."
Tumango lang ang kaibigan niya. Nginitian niya ito kapagkuwan ay tumayo na. Ngunit pagtayo niya'y biglang umikot ang paningin niya. Mahigpit siyang napahawak sa lamesa para roon kumuha ng lakas. Pero hindi pa iyon natapos doon, bigla na lamang nandilim ang paningin niya. Parang matutumba siya sa nangyari. Kalaunan ay natumba na nga siya at nakarinig pa siya ng mga sunod-sunod na sigaw. Makalipas ang ilang segundo, tuluyan na siyang nawalan ng malay.