MAKALIPAS ANG ILANG araw...
"Ma'am Daisy, natanggap ko na po pala iyong unang suweldo ko. Nagulat po ako kasi bago lang po ako, sinuwelduhan niyo na po kaagad ako. Malaking tulong po iyon sa aking pamilya kaya maraming-maraming salamat po sa inyo."
'Pagpasok pa lamang niya sa kaniyang restaurant, bumungad na kaagad si Garry sa kaniya. Kita ni Daisy ang matinding kasiyahan sa mga mata nito. She can't help but smile. Naaawa rin kasi siya kaya binigyan na kaagad niya ito ng suweldo. Ipinabigay niya rito kay Nicole. Pangtustus din nito ang isang buwang suweldo sa pamilya nitong nangangailangan. Maaawain talaga siyang tao kaya tumutulong siya. Kahit sino pa, basta't huwag lang ang kaaway.
"You're welcome, Garry. If you need more money, don't hesitate to approach me. I'm always open kaya huwag kang mahiya. Keep up the good work, baka taasan ko ang suweldo ko," aniya rito.
"Naku, ngayon pa lang, nagpapasalamat na po ako sa inyo, Ma'am Daisy."
"Basta ikaw, tutulungan kita. Sige na, magtrabaho ka na at ako'y pupunta na sa aking opisina."
Nagpasalamat si Garry at tinanguan siya saka umalis na sa harap niya. Samantalang siya'y nagpakawala ng hangin sa bibig at dinako ang opisina niya. Tatlong araw na yata ang nakalipas na hindi siya pumapasok dahil sabi nga ng doktor, magpahinga siya na kaniyang ginawa. Maayos na ang pakiramdam niya kaya pumasok na siya. Kailangang-kailangan na raw siya, e, iyon ang sinabi ni Nicole sa kaniya. As the owner and manager at the same time of her restaurant, she prioritizes it.
Nang makapasok siya sa kaniyang opisina, kaagad niyang dinako ang swivel chair niya at doon umupo. She misses her office. Finally, nakapasok na rin siya. She felt bored ng siya ay nasa bahay niya. Nakaramdam din siya ng takot dahil mag-isa lang siya at minu-minuto'y napa-paranoid siya sa hindi niya alam na dahilan. Laking pasalamat niya dahil kahit nag-iisa siya, walang nangyaring masama sa kaniya.
"Pumasok ka na pala."
Kaagad niyang inangat ang mukha nang marinig iyon. At mula sa pintuan, nakita niya roon si Jamilla na ilang araw na niyang hindi nakikita o nakakausap man lang. Kalaunan ay naglakad ito patungo sa kaniya. Jamilla sat on the visitor's chair and looked at her sharply.
"Oo, kakapasok ko pa lang ngayon. Bakit ganiyan ka naman makatingin sa akin? Tinatakot mo naman ako, Jamilla," tatawa-tawa niyang anas sa kaibigan.
"Galit pa rin ako sa iyo. I'm mad at you for accepting the man. Iyong bagong waiter mo, si Garry. Hindi ko alam kung bakit mo siya tinanggap agad, Daisy. Ginayuma ka ba ng lalaking iyon? May kutob ako sa kaniya, e. Parang may sikreto siya na hindi ko alam."
Napatitig siya kay Jamilla dahil sa tinuran nito. Tinanggap niya si Garry dahil lubusan siyang naaawa rito at sa pamilya nitong talagang nangangailangan. Ano bang isyu roon sa pagtanggap niya rito? Ni hindi niya nga kilala ang lalaki, kaya paano siya gagayumahin nito? At hindi siya kinukutuban dito. Paranoid lang din siguro itong si Jamilla.
"Garry is nice, Jamilla. Huwag mo siyang pag-isipan ng masama dahil mabait siya. Paranoid ka lang siguro. Ang ganda ng mga feedback na natatanggap ko sa kaniya. Maayos daw siyang magtrabaho. Jamilla, kilala mo naman ako, hindi ba? Mabilis akong maawa at kapag kaya kong tumulong, gagawin ko. Helping people aren't bad, it's a good conduct that we should apply in our life."
Sunod-sunod na umiling si Jamilla. "Hindi ako paranoid, Daisy. I'm in the right mood. Pero choice mo iyan kung patuloy mong kukunsintihin na nice ang lalaking iyon. But, for me, he is not! Kilala kita, matagal at alam kong may awa ko. Pero alam mo ba iyong kutob? Noong lumabas ako at nakita ko iyong lalaki, pakiramdam ko'y may masama siyang balak. It's up to you if you are going to believe me pero ito lang ang sasabihin ko sa iyo, huwag mo sanang pagsisihan ang pagtanggap mo sa kaniya..." lintaya nito.
Mariin siyang napapikit at makalipas ang ilang segundo, mumulat din siya. "Wala akong pagsisisihan, Jamilla," mahinahong sambit niya pero iyong totoo'y naiinis siya rito.
"Okay, change topic. Napag-isipan mo na bang bansa kung saan ka mananatili kapag nalaman mong buntis ka?" Pag-iiba nito ng usapan.
Kaagad siyang tumango. "Sa Los Angeles, California. May kakilala ako roon kaya ayon ang pinili ko," sagot niya.
"How about Hugo? Nagkikita pa rin ba kayo?"
Kaagad siyang natigilan dahil sa sinabi ni Jamilla. Talagang tinanong siya nito kung nagkikita sila ni Hugo? Of course, no. Ang huli nilang pagkikita ay nitong nakaraang araw na bugbog ang mukha nito dahil sa papa at kapatid niya. Hindi niya mapigilan ang matawa nang rumihistro ang hitsura ni Hugo sa utak niya.
"Anong nginigiti-ngiti mo riyan, Daisy?" nahihiwagaang tanong ni Jamilla sa kaniya.
"Nakakatawa lang, Jamilla. Nitong nakaraang araw, pinuntahan ako ng tarantadong iyon. Duguan ang mukha. Binugbog siya nina papa at Vince. Kung makikita mo lang ang mukha niya, matatawa ka na lang. Ganoon naman kase ang napapala ng katulad niyang tanga."
"Dapat kinuhanan mo ng litrato ang mukha niya para nakita ko naman. Ano naman daw pinunta niya sa iyo?"
"Ayon, nagsumbong sa akin na binugbog nga raw siya. Tapos lumalim ang usapan namin at napunta sa pagbubuntis ko. Sarili ko nga, hindi ko alam na buntis ako at sinabi pa niya sa akin na hindi raw siya titigil hanggat hindi niya nalalamang buntis ako. Ang kapal naman ng mukha ng lalaking iyon, e. Kung mabuntis man ako, bakit ko ipapaalam sa kaniya? Hindi ko hahayaang makuha niya ang anak ko. In the first place, ako ang may karapatan sa bata dahil ako ang ina at sa akin nanggaling. Gagawin ko rin ang lahat hindi niya lang makuha ang anak ko," wika niya sa kaibigan.
"I'll support you, Daisy. If you need me, nandito lang ako. Pero hindi ko pa rin talaga gusto ang naging desisyon mo sa pagtanggap sa lalaking iyon— doon sa nagmakaawa pa para tanggapin mo. Tsk, lumang modus na iyan, e. Sige na, aalis na ako. Dinaanan lang kita." At tumayo na si Jamilla.
Tumayo rin siya. "Tama ang desisyon ko, Jamilla."
Napakibit-balikat ito. "If you say so, wala na akong magagawa. Sige na, aalis na ako. Limit yourself."
"Thank you..." saad niya.
Nagbeso pa silang dalawa kapagkuwan ay umalis na ang kaibigan niya. Siya naman ay napabuntong-hininga saka bumalik sa pagkakaupo para magsimula na ng kaniyang trabaho.
"WHERE'S GARRY?" TANONG ni Hugo nang makapasok si Uriel sa opisina niya.
Hindi muna siya sinagot nito. Nagpatuloy ito sa paglalakad hanggang sa makaupo sa visitor's chair na nasa harap niya. "Umalis na siya, kaninang umaga pa. Bakit mo natanong?"
"Sinabi mo ba na umpisahan na niya ang balak? I saw Daisy lately, mukhang papunta siya sa restaurant niya."
"Dude, kahit hindi mo sabihin, alam na niya iyon. We already talked about that, right? He called me and yes, dumating na si Daisy."
Sunod-sunod siyang napatango. "That's good to know. If he works hard, tataasan ko ang perang ibinibigay ko sa kaniya. Huwag lang siyang magpapahalata na hindi talaga ang trabaho ang pakay niya kundi si Daisy. I can't wait... hindi na ako makapaghintay na malamang buntis si Daisy. Kapag nangyari iyon, hindi ko na siya papakawalan pa. Marami akong plano, plano na ako lang ang nakakaalam."
"Marami namang babae sa mundong ito, dude at hindi lang si Daisy. Marami pang mas maganda at sexy, bakit hindi ka na lang mambabae kaysa pagtuunan ng pansin ang babaeng iyon? Hindi ba't wala na kayo? So, paano mo siya makukumbinsi na sumama sa iyo kapag nalaman mo ngang buntis siya? At hindi ka ba natatakot sa papa niya? Look at your face, puro pasa ka. Gusto mo yatang hindi lang iyan ang abutin mo," wika ni Uriel at dama niyang nag-aalala ito sa kaniya.
"Marami ngang babae sa mundong ito at wala akong pakialam sa kanila. Wala na nga kami ni Daisy at hindi siya ang habol ko kung hindi ang magiging anak namin. Hindi ko siya papakawalan dahil baka takasan niya ako... ilayo sa akin ang anak ko. Hindi niya ako maaaring pagtaguan, I have my own power and I will do everything, makuha lang ang anak ko na itatago niya. Wala akong kinakatakutan ngayon, hindi ako natatakot sa papa niya. Pinalampas ko lang ang ginawa nila sa akin, pero kapag ginawa nila ulit iyon, hindi na ako papayag!" nakatiim niyang sabi habang nakakuyom ang mga kamao.
Nang binugbog siya ng papa ni Daisy, pinalampas niya lang iyon. Hindi siya natakot dahil binantaan siya nito na kapag nagsumbong sa pulis, hindi lang siya bubugbugin, pipilayan pa siya. Wala siyang planong magsumbong dahil hindi naman niya ugali iyon. Kaya nga kapag inulit pa ng mga ito ang ginawa sa kaniya, papatol na siya kahit naging pamilya niya ito. Sa ngayon, hindi na niya ito pamilya.
"Hindi mo na ba mahal si Daisy?" mayamaya pa'y tanong ni Uriel sa kaniya.
He nodded. "Hindi ko na siya mahal, Uriel. Paano ko mamahalin ang manlolokong iyon? Ayaw ko siyang mahalin dahil niloko niya ako. Pinili niyang manlalaki. Nandito naman ako! Kaya hindi ko mapapatawad ang ginawa niya sa akin. Kukunin ko ang anak ko sa kaniya dahil hindi ito karapat-dapat na maging ina. She's a cheater, baka gumaya ang anak ko sa kaniya na hindi ko hahayang mangyari."
Napakibit-balikat si Uriel. "Well, I'm just here, dude. I'll support you. You're right, huwag mo nang mahalin ang babaeng nanloko sa iyo."
"Hindi ko na talaga gagawin iyan!" madiin niyang sabi habang matalim na nakatingin sa kawalan.
Nanggigigil siya ngayon. Parang gusto niyang pumatay. Hindi na siya makapaghintay na dumating ang tamang oras. Nag-usap pa sila ni Uriel ng kung ano-ano. Maggagabi na nang umuwi ang kaibigan samantalang siya'y lumabas na ng kaniyang opisina para magtungo sa parking lot. Nang makarating, kaagad siyang sumakay sa kaniyang kotse at pinaandar iyon patungo sa penthouse na kaniyang tinutuluyan ngayon.
"PAPA, PASENSYA NA kung hindi ako nakapunta ngayon. Naging abala lang po ako. Baka sa isang linggo na..." ani Daisy sa kabilang linya at kausap niya ngayon ang papa niya habang pababa siya sa hagdan.
"Ayos lang iyon, anak. Magpokus ka lang diyan sa negosyo mo at nandito lang kami ng mga kapatid mo na susuporta sa iyo. Oo nga pala, ano nang nangyari kay Hugo? Sinumbong ba niya ako?"
Hindi niya nabanggit sa papa niya na nahimatay siya nitong nakaraang araw. Bakit pa babanggitin, e ayos na naman siya? Kaya nilihim na lang niya iyon. At doon sa tanong nito, hindi niya na alam ang nangyari kay Hugo dahil wala silang komunikasyon. Pero mukhang hindi naman nagsumbong sa mga pulis dahil ilang araw na ang nakalipas nang bugbugin ito ng papa at kapatid niya.
"Hindi po siguro. Mukhang natakot po yata sa inyo," matawa-tawa niyang saad. "Sige na po. Matutulog na po kasi ako. Mag-ingat po kayo riyan, huh?"
"Oo naman, anak. Ikaw din, mag-ingat ka riyan sa bahay mo lalo pa't nag-iisa ka. Hayaan mo, kapag may oras ay kami naman ang bibisita nina Drie at Vince. Sige na, matulog ka na at mukha kang pagod."
"Sige po..." wika niya at pinatay na ang cellphone.
Napailing siya at nagpatuloy na sa pagbaba. Nang makaapak sa unang palapag ng bahay niya, kaagad niyang dinako ang kusina dahil naisipan niyang magkape. Makakatulong yata iyon para guminhawa ang pakiramdam niya. Ano na bang oras na? Habang naglalakad, binalingan niya ang malaking wall clock. 9 PM na pala.
Nang makarating sa kusina, kaagad siyang nagtimpla ng kape. Hindi niya gusto ang matamis kaya naman kaunti lang ang inilagay niyang asukal. Nang matapos, pumunta siya sa sala pa roon ubusin ang kape— manood na rin ng balita.
Komportable siyang umupo sa couch at ipinatong niya ang kapeng hawak sa center table. Kinuha niya ang remote sa tabi niya at binuksan ang TV. Saktong pagkabuksan ng TV ay may biglang nag-doorbell. Nangunot ang noo niya? Sino naman kaya iyon? Gabi na pero bakit may nag-doorbell pa. Maaaring bisita pero alam niyang wala siyang inaasahan. Kaya nagdadalawang isip siya kung pagbubuksan niya ito ng pinto. Sa huli'y napilitan siya. Tumayo siya at naglakad palabas. Biglang nagsunod-sunod ang pag-doorbell dahilan para lalong bilisan niya ang paglalakad.
"Sandali lang!" sigaw niya.
Tumigil naman ang pagdo-doorbell ng kung sino. Nang marating niya ang pinto, kaagad niyang binuksan iyon. At mula sa labas, may nakita siyang nakatayo. Hindi niya kita ang mukha nito pero sigurado siyang lalaki iyon.
"W-Who are you?" tanong niya habang nakatigil sa pinto.
"D-Daisy..." anito sa mahinang tinig pero sapat na para marinig niya.
Ang boses nito'y hindi normal. Parang lasing na hindi niya alam. Dahil sa matinding kuryosidad, nilapitan niya ito. Mabuti na lang at may gate kaya hindi siya nito magagawan ng masama.
"Sino ka? Magpakilala ka sa akin!"
Umangat ang mukha nito at ganoon na lang ang gulat niya nang mamukhaan na ang misteryosong lalaki. It's Uriel, Hugo's friend. Ano namang ginagawa nito rito? Nandito ba ito dahil kay Hugo?
"U-Uriel... what are you doing here, huh?" nagtataka niyang tanong sa lalaki.
"Daisy, papasukin mo ako."
"At bakit? Bakit naman kita papapasukin, huh? Lasing ka kaya umuwi ka na. Kung nandito ka dahil kay Hugo, umalis ka na lang. I don't need you. Tatawag ako ng pulis kapag hindi ka pa umalis!"
"Hindi ako aalis dito, Daisy. Let me in, may pag-uusapan tayo. Nagmamakaawa ako sa iyo, Daisy. Papasukin mo na ako..." pagmamakaawa nito.
Nakaramdam siya ng awa. Kaya wala siyang nagawa kundi ang pagbuksan si Uriel ng pinto. May tiwala naman siya sa lalaki dahil kilalang-kilala niya ito. Halos araw-araw niya itong nakikita ng sila pa ni Hugo. Malaki ang tiwala niya rito, mukhang hindi naman gagawa ng masama. Nang mabuksan ang gate, kaagad na pumasok si Uriel pero ganoon na lang ang gulat niya nang sinunggaban siya nito ng halik. Her eyes widened. Kinagat ni Uriel ang ibabang labi niya kaya naman napanganga siya. At ang lalaki'y walang pagdadalawang isip na pinasok ang dila sa loob ng bibig niya. Nalasahan niya ang dila nito— lasang alak at medyo mapait.
Hindi niya alam ang gagawin niya ng mga oras na iyon. Ginagagad ni Uriel ang bibig niya at paminsan-minsan ay hinuhuli nito ang dila nito. Nakaramdam na siya ng init pero nilabanan niya iyon ngunit hindi niya nagawa. Nagpaubaya na siya at sinagot na ang mapusok nitong halik.
"Uhmmm..." ungol niya sa gitna ng kanilang paghahalikan.
Nang kapusan sila ng hininga, humiwalay si Uriel sa kaniya at idinikit nito ang noo sa kaniyang noo.
"Mahal kita, Daisy," saad nito.
Napa-amang siya at itinulak ang lalaki na nagawa niya. Bahagya siyang lumayo rito. "Kaya mo ba ako hinalikan kasi mahal mo ako?" Hindi niya mapigilan ang magalit.
Sunod-sunod na tumango si Uriel sa kaniya. "Oo, Daisy. Mahal kita noon pa man, noong kayo pa ni Hugo. Ngayong wala na kayo, ako naman ang mahalin mo, Daisy. Hindi ako naniniwala na niloko mo si Hugo. Alam kong kaibigan mo lang iyong lalaki. Tanga lang si Hugo."
"Dati mo pa akong mahal?" hindi makapaniwala niyang tanong dito.
"Oo, Daisy. Mahal kita, mahal na mahal kita."
May biglang nabuo sa utak niya. Kung hindi siya naniniwalang hindi siya nanloko, e 'di kampi ito sa kaniya? Ang ideyang nabuo sa utak niya'y patulan si Uriel. May kinakaharap siya ngayong problema at si Uriel ang makakatulong sa kaniya. Kapag napag-alamang buntis siya, si Uriel ang sasabihin niyang ama. That's a great idea. Pero hindi niya ito mahal. Paano na?
"Mahal mo talaga ako, Uriel?" paninigurado niya.
Tumango ito. "Oo, mahal na mahal kita. Ako na lang ang mahalin mo, Daisy. Hindi ako magpapakatanga. Aalagaan at mamahalin kita habang-buhay..."
Napalunok siya. Wala sa sariling hinawakan niya ang kamay nito at hinila papasok sa loob ng bahay niya. Nang maisarado niya ang pinto, sinandal niya roon si Uriel. Sinapo niya ang namumula nitong pisngi. He's handsome, Uriel is handsome. Ibinaba niya ang kamay niya sa mga labi nito. Sinapo iyon ng kaniyang mga daliri. Uriel's lips is so soft and red. Hindi na na siya nagulat. He's almost a perfect man.
"Hahawakan mo lang ba ang mga labi ko, huh? Aren't you going to kiss me? Pinapainit mo ako, Daisy. Mas lalo kitang minaha—"
Hindi na niya ito pinatapos dahil kaagad niyang sinunggaban ito ng halik— nang mapusok na halik!