MARAHANG BINUKSAN NI Daisy ang mga mata nang magising ang kaniyang diwa. Kulay puting kisame kaagad ang bumungad sa kaniya. Sandali, nasaan siya? Pinalibot niya ang mga mata sa kapaligiran at laking tuwa niya dahil nasa sariling kuwarto siya. Bumangon siya sa kinahihigaan ngunig bigla siyang natigilan nang maramdaman niya ang sarili na wala ni isang saplot. Malalaki ang mga mata niyang inangat ang kumot at tiningnan ang loob niya at halos mapasigaw siya nang mapagtanto niyang wala nga siyang saplot. As in, she's fully naked. Inalala niya ang nangyari. Si Uriel. Sunod-sunod siyang napalunok ng laway saka dahan-dahang binalingan ang tabihan niya at hindi na siya nagulat nang makita roon si Uriel. Prenteng nakahiga habang mahimbing na natutulog. Napa-face palm si Daisy. s**t, ano itong katan