Chase POV "F–ck!" I cursed. Naihilamos ko ang palad sa mukha. Wala naman talaga akong balak na pumunta rito kaso lang gusto ko lang talagang makita si Olivia. At ngayon nga ay tinalikuran ako. Damn it! I'm screwed! Nadala lang ako sa selos lalo na nang makita ko siyang lumapit sa mga lalaki na mas bata pa kaysa sa akin. Damn it! At ang suot niya... F–ck! Tumingala ako sa kalangitan saka huminga nang malalim. Kailangan kong ikalma ang sarili, baka kapag bumalik ako sa pool, makaladkad ko na naman siya pabalik dito sa rooftop. Tama nga naman siya, bonding ng mga kaibigan nila ngayon tapos heto ako nanggugulo. Kanina pa ako palakad-lakad na parang baliw. Nag-iisip ako kung babalik ba ako sa pool o hindi. "Damn it!" palatak ko. Hindi ko na hawak ang sarili kong pag-iisip nang mabil