"Chase, ano ang ginagawa mo rito?" Hindi makapaniwalang tanong ko rito. Pero imbes na sagutin ako ay kinaladkad ako nito papunta sa elevator. Wala akong nagawa kundi sumunod dito, mahigpit nitong hawak ang beywang ko. Hindi ko namalayan na naka-bikini lang pala ako, nakalimutan kong dalhin ang scarf bikini cover ko. Nang bumukas ang elevator, mabilis ang naging kilos ni Chase, hinila na ako nito papasok sa loob, pagkatapos ay pinindot ang button na may nakalagay na letter R. "Chase–" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin dahil mabilis na lumapat ang labi nito sa akin. Mapusok niya akong hinalikan. Ang dila nito ay malayang gumalugad sa loob ng bibig ko. Nalasahan ko pa ang alak na ininom nito. "Ah–Chase!" ungol ko nang pakawalan nito ang labi ko dahil gumapang ang halik nito sa leeg k