Chapter 19

2200 Words
              THIRD PERSON'S POV Kring! Kring! Tinakip ni Rhaine ang unan sa ulo niya, upang hindi marinig ang ingay na hindi niya alam kung saan. Kring! Kring! "Aissh!" Hinagis niya ang unan saka kinuha ang cellphone na kanina pa tumutunog. "Hello!" inis niyang sabi dito. "Lady, we're done. Nasa isla na sila," sabi nang nasa kabilang linya. Tila unting-unting nawala ang inis niya at maging ang antok, kaya napabangon siya bigla. "Really? Okay, good job! Basta bantayan niyo sila," sabi niya dito. "Yeah lady.." Pinatay niya ang phone at ginising ang katabi niyang si Ethan. "Ethan! Hoy gising!" sabi niya dito at niyogyog ito para magising. Magkasama silang natulog sa kama niya. Dahil nga sa kagustuhan niyang samahan siya nito. Kahit ayaw ni Ethan ay pinilit pa rin siya ni Rhaine. Kaya wala itong nagawa kundi ang samahan ito. "Ethan!" muling sigaw niya dito. "Hmm, why?" naaalimpungatang sabi nito sa kanya. "We succeed!" masayang sabi ni Rhaine dito. "Succeed what?" "Nasa isla na sila," nakangiti niyang sabi. "Hmm, yeah we are, hmm.." tanging sabi nito. Hinila siya nito bigla kaya napahiga siya sa dibdib nito. "Inaantok pa ako," sabi ni Ethan. "Tsss, akala mo naman ikaw iyong maraming nainum," sabi niya at hinampas ang dibdib nito. "Yeah, but please I need to sleep more hmm.." nakapikit nitong sabi. "Whatever," tanging sabi ni Rhaine at inunan niya ang ulo sa dibdib nito at niyakap ito. "Rhaine," tawag ni Ethan sa kanya. "Hmmm?" tugom niya at pinikit ang kanyang mga mata. "Ganito ka rin ba sa kanya?" Napamulat siya bigla dahil sa sinabi nito. Nagtataka naman siya sa kung ano ang sinasabi nito. "Sino?" tanong niya. "Ganito ka rin ba kay Sarry. Ganito ba kayo sa iisang kama?" sabi ni Ethan at naramdaman niya ang pait sa sinabi nito. "Hindi.." "Hmm? Anong hindi?" nagtataka nitong sabi. "Hindi kami ganito. Hindi kami kailan nagsama sa iisang kama. Dahil ayaw niya at ayaw ko. Kaya siguro naghanap siya ng iba na kaya niyang ikama," puno nang hinanakit niyang sabi. Naramdaman niya ang paghawak nito sa kamay niya. Kaya napaangat ang tingin niya kay Ethan "Anong plano mo pagbalik natin?" tanong nito sa kanya. Iniwas niya ang tingin dito at naging seryoso ang mukha niya. Ano nga ba ang gagawin niya, kapag bumalik na sila at magkita sila ni Sarry? "Tulungan mo kong hulihin siya sa akto. Dahil kapag nahuli ko siya. Ako mismo ang papatay sa babae niya," seryoso niyang sabi. Bahagyang natigilan si Ethan dahil sa sinabi niya. "Hindi mo kailangang pumatay," sabi ni Ethan sa kanya. "Ngunit iyon ang gusto ko, pero susubukan kong pigilan ang galit ko," tanging sabi ni Rhaine. "Paano tayong dalawa?" biglang tanong ni Ethan. Natigilan naman si Rhaine at napataas ang kilay niya dito. "Ethaniel Carzon. Wala pang tayo, kami pa rin ni Sarry. Kaya maghintay ka okay," sabi niya dito. "Yeah, I'm just asking.." Umupo siya sa kama at tiningnan itong mabuti. "Alam kong kaya mong maghintay. I trust you," nakangiti niyang sabi. Ngumiti ito sa kanya at muli siyang hinila nito. Kaya muli siyang napahiga dito. "Yeah, I will.." sambit ni Ethan, habang may ngiti sa mga labi.      Samantala, unti-unting nagising si Lhaica, nang maramdaman niya ang mabigat na bagay na nakayakap sa kanya. Nagmulat siya ng mata at nakita niya sa harap ang mukha ni Jayree. Tulog pa rin ito. Pinagmasdan niya ang mukha ni Jayree at bahagyang napangiti. Ngunit agad ring nawala nang magmulat ito. "Good morning," bati nito sa kanya. Dahil sa nabigla siya, ay agad siyang napatayo. Kaya napansin niyang wala pala siyang damit, tanging panloob lang ang suot. Agad niyang kinuha ang damit niya saka isinuot. Napansin rin niyang isinusuot na rin ni Jayree ang damit nito. Naiilang siyang tumingin dito. "Are you okay?" tanong sa kanya ni Jayree. "Y-Yeah, n-nagulat lang ako," naiilang niyang sabi. "Hmm, naiilang ka ba sa akin?" sabi ni Jayree habang nang aasar ang tingin nito sa kanya. 'Malamang, Tsk! Magising ba naman akong nakayakap ka sa akin, na tanging undergarments lang ang suot' sambit niya sa sarili. "L-Lets go. Baka hinahanap na tayo nila Rhaine," sabi na lamang niya at naunang naglakad. "Malalaman kaya nilang nandito tayo?" narinig niyang sabi ni Jayree. Napahinto siya bigla at napaisip na tama ito. Mahahanap nga ba sila nina Rhaine at ng mga kasama nila? "B-Basta baka sakaling may mapadaan, tingnan na lang natin," tanging sabi niya. Nauna siyang naglakad pero muli siyang napahinto. "H-Hindi ko alam ang daan. Ikaw na mauna," sabi niya at pinauna si Jayree sa kanya. Ngumiti lang ito at naunang naglakad. Ngunit agad nitong hinawakan ang kamay niya at nagsimulang maglakad. Napatingin siya sa kamay nila at napangiti.        "Lhaica.." narinig ni Lhaica ang tawag sa kanya ni Jayree. Pareho silang nakaupo sa dalampasigan at nagbabasakaling may mapadaan na mangingisda o ano. "Hmm?" tugon niya at bumaling dito. "Alam mo ba kung saan ko unang narinig ang kantang pinakanta ko saiyo kagabi?" sabi ni Jayree. Natigilan siya at naalala ang tungkol doon. Tumingin siya dito. "I was there, when I heard you singing that song. I was there when you whispered my name. Sa puno kong saan mo ito kinanta. Naroon ako at narinig ko lahat nang sinasabi mo." Kumabog ang dibdib niya sa sinabi nito at hindi makapaniwala sa nalaman. 'W-What? N-Naroon siya?' "Y-You're there?" napamaang niyang sabi. Bumaling ito sa kanya at ngumiti. Nakikita niya sa mga mata nito ang saya. "Yeah and I heard what you are saying. Kaya malakas ang loob ko na hindi sumuko saiyo, dahil alam ko na mahal mo rin ako. Na noon pa man minahal mo na ako," sabi sa kanya ni Jayree. Hindi siya makapagsalita dahil sa mga sinabi nito. Hindi niya alam kung ano nga ba ang tamang sasabihin dito. Iniwas niya ang tingin dito. Naiilang siya na nahihiya, na natatakot, na kinakabahan. Hindi niya makakakuha ng salita at nalilito dahil sa mga nalaman nito; lalo ja sa totoo niyang nararamdaman. "I want to ask you, why? Why are you telling me those words? Bakit sinabi mong hindi mo ako mahal, na bakit kailangan nating maging malayo sa isa't isa," tanong nito sa kanya. Napayuko siya. "Yeah, I love you since before. Sino ba naman ang hindi magmamahal ng isang katulad mo. Simula pa lang pagkabata natin inangkin mo na akong saiyo. Hanggang maging teenager tayo, walang nakakalapit na manliligaw sa akin dahil nandyan ka at nakabantay. Everytime we are together, I fell inlove with you every moment. You are a jolly person, a showy. You always show what you feel to me. Na kaya mong isigaw sa lahat na mahal mo ang isang Ellhaica Reyes. You are always save me from danger. You are always there when I need you. So, that I fell inlove with you. All I can say, I love you every day. That's what I feel, when we are together," nakangiti niyang sabi kay Jayree. Nakatingin lang ito sa kanya habang nagsasalita siya. Unti-unti itong napangiti. Iniwas niya0 ang tingin sa kanya. "Ngunit natakot ako na sabihin saiyo, kung gaano kita kamahal. Lalo na nang hindi lang pala ako ang nagmamahal saiyo, na hindi lang pala ako ang umaasa saiyo. When she told me that she love you. I feel my heart breaks, I'm confused. I don't know what to do. She's my friend, that also fell in love with you. So that, even if I love you. I give up. I hide my feelings and try to dump you so many times. Lumayo ako saiyo para sa kanya," muling sabi niya dito. Pinunasan niya ang luhang dumaloy sa pisngi niya, saka tumingin muli dito. "I know, you know her," dagdag niya sa mga sinabi. "She told me that she love me, the day you said that we need to part our ways. Bago tayo nag usap, nakapag usap kami ni Jhasselle. And I told her that, your the one that I loved," sabi sa kanya ni Jayree. Napayuko ito at tila nag isip. "We still young that time. We both afraid for the consequence would happen. But after a long years for being apart, now that we both in the right age to decide. I think you can decide for what you feel right now. You said, you love me. Kaya mo bang lumaban kasama ako? Kaya mo bang ipakita natin sa lahat na mahal natin ang isa't isa?" nangungusap na sabi sa kanya ni Jayree. Napalunok siya sa sinabi nito. Kaya nga ba niyanf lumaban kasama ito? Kaya nga ba niyang ipakita sa lahat na mahal niya ito? Subalit.... Makakaya rin kaya nito na sa ano mang oras ay pwedi siyang mawala?Napayuko siya. Naramdaman niyaang paghawak nito sa kamay niya. "Hindi kita pipilitin Lhaica. Kung noon na kaya kitang hintayin, upang malaman ang sagot kung mahal mo ba ako. Ngayon pa bang alam kong mahal mo ako? Kaya ko ulit maghintay pa---" Naputol ang kung ano mang sasabihin no Jayree, nang bigla siyang halikan ni Lhaica. Naramdaman ni Lhaica ang pagkagulat nito, pero nawala agad ito at tumugon sa halik niya. Matapos namg halik na iyon, pinagdikit nila ang kanilang noo. "Mahal kita Jayree. Handa akong sumugal dahil mahal kita. I will hold your hand no matter what," sabi niya nang may ngiti sa labi. Hinawakan nito ang pisngi niya at tiningnan siya sa mata. "Lalaban tayo," sabi nito. Ngumiti siya saka tumango. Niyakap siya ulit nito, kaya gumanti din siya ng yakap. Clap Clap Clap! Mabilis silanng naghiwalay ni Jayree, nang marinig nilang may pumalakpak. "Omo! Nawala lang kayo ng isang gabi, ito agad madadatnan namin?" sabi sa kanila ni Rhaine, kasama nito si Ethan. "Nakaistorbo ba kami, Jayree?" nakangising sabi ni Ethan. Napaiwas nang tingin si Lhaica sa mga ito at bahagyang lumayo kay Jayree. Tumayo siya. "B-Bakit ngayon lang kayo?" nauutal na sabi ni Lhaica sa dalawa. Mapang asar silang tiningnan ni Rhaine. Bago tiningnan si Jayree na napapailing lang. Tumayo na rin ito. "Actually, hindi naman kasi namin alam na dito kayo napunta. Malamang di ba?Ano bang nangyari at napunta kayo dito?" kunwaring sabi ni Rhaine. "May kumidnap kay Lhaica kagabi, mabuti na lang nakita ko agad kung saan nila dinala si Lhaica. Tumalon kami sa dagat at lumangoy papunta dito," sabi ni Jayree. "What!" sabay sabi ng dalawa. Agad silang nilapitan ni Rhaine at tiningnan mabuti. "Ayos ka lang ba Lhaica? Hindi ka ba naubusan ng hininga kagabi?" nag aalalang sabi ni Rhaine. Napailing ako. "No. Kasama ko si Jayree, kaya paano ako mauubusan ng hininga,"sabi ni Lhiaca at nakangiting tumingin kay Jayree. Napatingin sa kanya at napangiti sa sinabi niya. "Asus! Kailan ka pa naging ganyan huh, Lhaica? May nangyari ba sa inyo kagabi?" pabulong pang sabi ni Rhaine na narinig naman ng dalawa. "Wala ah? We're just talking," tanging sabi ni Lhaica. "At nagkaaminan na, kaya kayo ganyan?" pang aasar sa kanila ni Ethan Napaiwas siya nang tingin dito. "Omo! Kayo na ba?" natutuwa namang sabi ni Rhaine sa kanila. "Ahmmm h-hindi k--" "Yes, kami na," biglang amin sa kanila ni Jayree. Hinawakan nito ang kamay ni Lhaica at tinaas pa. Naiilang naman siyang ngumiti kina Rhaine na biglang tumili. Nagkatinginan sila ni Jayree at napangiti sa isa't isa.           "Paano niyo nalamang naroon sila sa isla Rhaine?" narinig nilang tanong ni Andre, nang makabalik na sila. Napatingin si Lhaica kina Rhaine at Ethan. Sabay-Sabay na silang kumain nang breakfast sa Restaurant ng resort. Napansin niyang nagkatinginan sina Ethan at Rhaine. "Someone give us a letter this morning, ang sabi sa sulat kung gusto pa ba namin kayong makasama. Pumunta kami sa isla na malapit dito at naroon daw kayo. So, pumunta kami ni Ethan. Pagdating namin sa isla. There we saw both of you, hugging each other," sabi ni Rhaine sa kanila. Sabay napatingin sa kanilang dalawa ang kasama nila. Naiilang naman si Lhaica sa mga tingin nito. "H-Hugging Each other?"sabay pa ng mga ito, habang nagugulat pa. Napainum siya bigla ng tubig. Bigla siyang kinabahan dahil sa malalaman ng mga ito, tungkol sa kanila ni Jayree. "Yeah, we are. Wala naman sigurong malisya iyon. We love each other," simpleng sabi ni Jayree. Napalingon si Lhaica kay jayree dahil sa sinabi nito. "Eh? S-Seryoso?" nagugulat na sabi ni Andre. Napalingon si Lhaica kay Andre. "Yeah," sagot ni Jayree. Tiningnan siya ni Andre. Isang kakaibang tingin ang binigay nito. Bago nito iniwas ang tingin sa kanya. "Kung ganoon, Lets celebrate!" masayang sabi ni Ivan. Nagsigawan silang lahat, maliban kay Andre na seryoso lang habang kumakain. Pakiramdam ni Lhaica ay hindi nito nagustuhan ang sa kanila ni Jayree. Samantala, sa mansion ng mga Montero. May humintong kotse sa tapat nang malaking pinto ng mansion nito. Mula sa kotse, bumaba ang isang babae. Tumingin ito sa paligid ng mansion saka napangiti. "I'm glad to be back," sabi nito sa sarili. Nagsimula siyang maglakad papasok sa pinto. Pagkapasok niya natanaw niya ang ina na pababa din ng hagdan at napatingin sa kanya. "Jhasselle?" gulat na sabi nito nang makita siya "Mom.." tawag niya dito. Napangiti si Jassy at agad lumapit sa anak saka ito niyakap. "I'm glad that your back, Jhasselle," sambit ni Jassy dito. Niyakap ni jhasselle ang ina at makahulugang ngumiti. 'I'm finally back,' sambit nito sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD