Chapter 20

2411 Words
LHAICA'S POV Matapos ang outing namin ay naging maayos kaming nakabalik. Masaya ako dahil sa wakas ay nasabi ko sa kanya ang nararamdaman ko. Masaya para sa amin ang mga kaibigan namin. Ngunit, nagtataka pa rin ako sa naging reaksyon ni Andre. Hindi ko alam pero nararamdaman kong hindi niya iyon nagustuhan. Hays! Bahala nga siya. PAK! Napaatras ako dahil sa taong biglang sumampal sa akin, habang naglalakad ako sa field. Papasok na ako sa building kung saan naroon ang room namin. May humila sa aking dalawang babae at pinaharap sa babaeng sumampal sa akin. "You b***h!" sigaw nito sa akin. Nakilala ko kung sino ang nasa harapan ko. "A-Arien," sambit ko sa pangalan niya. "Yeah b***h, it's me! How dare you!Jayree is mine! Kaya bakit mo siya inagaw sa akin, hayop ka!" galit na galit niyang sigaw sa akin. Isa na namang sampal ang binigay niya sa akin, saka hinila ang buhok ko paharap sa kanya. Hindi ko alam kung paanong kumalat sa campus, ang relasyon namin ni Jayree. Basta tumawag sa akin si Rhaine kanina, na kalat na raw ang relasyon namin ni Jayree sa campus. Kaya hindi ako magtatakang galit na galit si Arien ngayon. "Papatayin kita!" Natigilan ako nang makita may hawak siyang kutsilyo. Nakangisi siyang nakatingin sa akin, saka siya lumapit upang saksakin sana ako pero naunahan ko siya. Sinipa ko ang mukha niya, kaya napaatras siya sa ginawa ko. Nagulat iyong dalawang babaeng nakahawak sa akin, kaya pagkakataon ko na iyon upang makawala sa kanila. Pareho ko silang tinulak. "You! Hawakan niyo siya!" sigaw ni Arien. Napaatras ako nang may nagsulputang mga kalalakihan at pinalibutan ako. Napansin kong marami nang nakatingin sa amin at ni isa walang lumapit o pumigil para tulungan ako. Shit! "Get her!" Utos ni Arien. Sabay-sabay silang lumapit sa akin. Kaya wala akong nagawa kundi ang lumaban. Ginamit ko ang lakas ko upang labanan sila. Suntok at sipa lang ang nagagawa ko at natatamaan ko naman sila pero sa gitna ng pakikipaglaban ko sa kanila. Napahinto ako at napahawak sa dibdib ko. No! No, not this time! Isang suntok ang tumama sa akin kaya tumilapon ako. Hindi agad ako nakabawi dahil sumasabay ang pagsikip ng dibdib ko. Napayuko ako dahil sa nararamdam kong sakit. May humawak sa mukha ko, si Arien. "Hindi mo ako kaya Lhaica. Kaya ngayon papatayin kita, nang mabura ka na sa buhay ni Jayree!" sigaw niya at inambangan ako upang saksakin. Napapikit ako. Rhaine, nasaan ka! Ate Jasmine! Ate marissa! Nasaan kayo, please I c-can't breath. J-Jayree! "Say goodbye," muling sabi niya. Mariin akong napapikit dahil sa takot at hirap na nararamdaman ko. Naghintay ako kung kailan itatarak sa akin ni Arien ang hawak niya pero walang dumampi sa akin. Mas lalo akong napapikit nang maramdamang kumirot muli ang puso ko. "Try to do that or else. I will cut your neck.." Natigilan ako nang marinig ang boses babae. Napadilat ako pero hindi ko kayang maaninag dahil nahihirapan na akong huminga. Nang muli kong idilat ang mata ko, doon na ako nawalan nang malay. "Lhaica!" Narinig ko ang boses ni Rhaine, pero tuluyan na akong mawalan nang ulirat. THIRD PERSON'S POV Nagugulat na napapatitig si Rhaine kay Jasmine. Nang sabihin nito ang binabalak sa susunod na araw. "What?" gulat na sabi ni Rhaine. Nang makauwi sila kahapon ay nabalitaan niyang nakabalik na sina Jasmine. Kaya ngayon ay nagulat siya sa sinabi nito. "Yes Rhaine, this saturday. Magpapakilala na kayo sa mundo ng mafia. You, Ethan, Jayree and Jhasselle. But you are five who will enter the mafia. She's unknown person, at hindi niyo pa pweding makilala," sabi sa kanya ni Jasmine. Napataas ang kilay ni Rhaine dahil sa sinabi nito. "Five? Saan naman galing ang panglima sa amin?" nagtatakang tanong niya dito. "Hindi pa namin sasabihin kong sino siya," sabi naman ni Charisse sa kanya. Napaismid siya. Pagmagsasama talaga angmg dalawang ito ay kakaiba. Last day lang dumating si ate Jasmine at ito agad ang sasabihin sa kanila. "Nasaan pala si Jayree at Ethan?" tanong ni Jasmine, nang hindi makita ang dalawa "I give them a mission," sabat ni marissa. "Ohh we--" BLAG! Nagulantang sila nang marahas na bumukas ang pinto. Nakita nila si Trina, na tila ba naghahabol ng hininga. "C-Councils, Rhaine, si Lhaica, binubugbog nina A-Arien," nauutal na sabi nito. "What!" sabay nilang sabi at napatayo. Huminga ito nang malalim, agad na naglakad palapit si Rhaine at hinawakan ito. "Trina, anong sinasabi mong binubugbog si Lhaica?" seryoso tanong ni Rhaine. "Oo, nasa field sila. Agad akong tumakbo dito dahil hindi ko malapitan si Lhaica, dahil maraming kasama sa gang si Arien. Rhaine bilisan mo," sabi sa kanya ni Trina. Agad na lumabas si Rhaine sa office at tumakbo palabas. Wala na siyang pakialam kung sumunod man ang mga ito, basta kailangan niyang mapuntahan si Lhaica. 'Hayop ka Arien, pag may mangyari lang kay Lhaica mapapatay talaga kita,' sambit niya sa sarili. Mabilis siyang tumakbo pababa ng hagdan, mula dito natatanaw niya ang field. Maraming nakukumpulan. Napamura siya dahil wala man lang pumigil sa mga ito. Kinuha niya ang phone at may tinawagan. "Hello leader?" "Tawagan mo ang kanang kamay ng grupo nila Jayree, Rosette. Sabihin mo sa kanila, na hulihin lahat ng grupo ni Arien. Lahat hulihin niyo walang ititira, dalhin niyo sa hideout namin sa underground ngayon na," Utos niya dito. ''Okay leader," sabi nito. Pinatay niya ang tawag at mabilis na lumapit sa kinaroroon ng mga ito. "Tabi!" sigaw ko. Napalingon sa kanya ang ilan at tumabi naman ang mga ito. Nang makita niya na sila Arien ay natigilan siya, dahil may isang babaeng nakatayo sa likod ni Arien at may samurai na nakatutok sa leeg nito. Habang si Arien, eh may hawak na kutsilyo na akmang isasaksak na kay Lhaica, na ngayon ay nakaupo sa damuhan. "Try to do that or else, I will cut your neck," mariing sabi nito. Muli siyang natigilan sa maotoridad nitong boses. Tila ba pamilyar ang aura at boses nito sa kanya. Kinilala niya itong mabuti, 'Hindi kaya...' sambit niya sa sarili. Agad siyang napatingin kay Lhaica na biglang natumba. "Lhaica!" sigaw niya at agad lumapit kay Lhaica. "Lhaica! hey, wake up!" nag aalala niyang sabi dito. Napansin niyang nasa dibdib nakahawak ang kamay nito, kaya nanlaki ang mata niya. "Trina! Get the car, faster!" sigaw niya kay Trina na papalapit., agad naman itong tumango. "Buhatin niyo si Lhaica dahil kapag hindi siya nadala sa hospital. Lahat kayong nandito mamatay!Naiintindihan niyo? Bilisan niyo!" sabi niya sa mga ito. Agad naman itong kumilos at may lumapit. Nakita niya ang kasamahan nina Jayree sa gang na lumapit, saka binuhat si Lhaica. Dahil nga wala sina Jayree ay ito ang mga tumulong kay Rhaine Napatingin siya kay Arien na nakatingin sa akin. Hindi pa rin inaalis ang samurai na nasa leeg nito, kaya napatingin siya sa taong nag mamay ari ng samurai. Hindi nga siya nagkamali, dahil kilala nga niya ito. "Jhasselle," sambit niyandito. Tumingin ito sa kanya at binigyan ng isang ngisi sa labi. Nakita niya kung paano nito iginalaw ang kamay. Diniinan niya ang dulo ng samurai sa leeg ni Arien. Nakita niya kung paano ito nasugatan. Nang mapatingin siya kay Arien ay biglang kumulo ang dugo niya. "You b***h!" Agad siyang lumapit dito at hinila ang buhok nito, saka ko siya sinipa sa mukha kaya tumilapon siya. Walang pumigil sa kanya, kaya muli akong lumapit Arien. Hinawakan niya buhok nito at marahas na pinaharap sa kanya. "Alam mo ba kung anong gulo ang ginawa mo, ha Arien? Malaki! Hindi mo kilala kung sino ang sinaktan mo Arien! Hindi lang ako ang magkakaganito sa ginawa mo kay Lhaica! Marami!" sigaw niya sa pagmumukha nito. Nainis lalo si Rhaine, nang ngumisi lang ito sa kanya. "W-Wala akong pakialam Rhaine, dahil hindi nila ako kayang patayin, hindi.." sabi nito Siya naman ang napangisi dito. "Talaga? Sige, tingnan natin," sabi niya dito. Malakas niya itong sinampal kaya napahandusay ito. Nasulyapan niya ang samurai ni Jhasselle at mabilis niya itong inagaw dito, saka mabilis na lumapit kay Arien. Slaash! "Ahhh!" daing nito sa ginawa ni Rhaine. Napahawak ito sa pisngi nito dahil sinugatan ito ni Rhaine. Dumaloy ang dugo nito sa samurai na hawak ni Rhaine. "H-Hayop ka Rhaine, magbabayad ka sa ginawa mo!" sigaw nito sa kanya. Napangisi lang si Rhaine sa kanya. "Ikaw ang magbabayad sa ginawa mo. Hindi pa tayo tapos," mariing sabi niya dito. Tinalikuran na niya ito at hinarap si Jhasselle. Binigay niya ang samurai na agad naman nitong kinuha. "Huwag mo siyang pakakawalan Jhasselle. By the way, welcome back, Jhasselle," sabi niya dito. Ngumisi lang siya dito at tumingin kay Arien. "Jiro, get her.." Utos ni Jhasselle. Napalingon si Rhaine sa taong tinawag nito. May dala rin itong samurai. Biglang nagsulputan ang ilang kalalakihan na hindi pamilyar sa kanya. Lahat ay nakasuot ng itim na jacket at hinawakan si Arien. "Bitawan niyo ako!" sigaw ni Arien. "Ikaw ng bahala sa kanya," sabi ni Rhaine at umalis. Tinawagan niya si Trina kung saan dinala si Lhaica, agad naman nitong sinabi. Kaya pinuntahan niya agad ito. Pagdating niya sa hospital. Natigilan pa siya ng makitang nandoon na pala ang kapatid niya at ang ibang kasama sa councils. "Ate," tawag niya sa kapatid. Napalingon ang mga sa kanya. Nag aabang ang mga ito sa Emergency room. Nakita niyang balisa ang dalawang magkapatid na sina ate Jasmine at ate Marissa. They are related in blood, but they treat each other as a sister. Dahil lumaki si Jasmine sa piling ng mga Reyes noon, kaya tinuring na rin nitong totoong kapatid sina Lhaica at Marissa. "That b***h, I'm going to kill her," sambit ni Rhaine. "Nasaan na iyon?" tanong ng ate Charisse niya. "Hawak siya ni Jhasselle," sabi niya. "Jhasselle?" sabay nilang sabi. Nagtaka siya. 'Hindi ba nila alam na dumating na pala si Jhaselle?' sambit niya sa sarili. Tiningnan niya si Jasmine, na seryosong namang nakatingin sa kanya. "We don't have any contact with her, since she live in Australia. I don't know she arrive too early. I just send her a letter, early in this morning. Hindi ko alam na nakarating na pala siya," sabi ni Jasmine. Hindi niya maiwasang mapaisip dahil sa biglang pagdating ni Jhasselle. Gaya nga nang sabi ni Jasmine na kanina lang ito nagpadala ng mensahe at nandito na ito. Ngunit posible rin na nandito na ito at hindi lang nagpapakita. Bigla siyang naguluhan sa naisip at biglang naalala sina Jayree. "By the way, tatawagan ko sina Jayree," sabi niya. Akmang tatawagan na niya ang mga ito, nang magsalita si Jaira. "Huwag mo silang tawagan. Nasa mission sila, saka mo na lang sabihin pagdating nila bukas," sabi sa kanya ni Jaira. Napabuntong-hininga siya at napatango dito. Napaupo siya habang naghihintay sa labas ng E.R. Naikuyom niya ang kamao ko dahil sa subrang inis. "Anong plano niyo kay Arien?" seryoso niyang tanong. Nag angat siya nang tingin. Hindi nagsalita ang mga ito, kaya napangisi siya. "Should I kill her?" sabi niya. Agad itong napalingon sa kanya. "Hindi mo siya pweding patayin. Anak siya ng congressman," sabi ni Marissa. She roll my eyes. "Arien parents knows about us. They are our alliances. So, we can't kill her that easily," sabi naman ni Charisse. Napaismid siya. She know that there's another way to cut her off. Marami pero kailangang pag isipang mabuti. "What if--" naputol ang sasabihin ni Jaira nang nagsalita si Jasmine. Lahat sila nagulat sa sinabi nito. "You know that, Lhaica is one of my precious person. So lets get rid of them and the only thing we need; is to kill her and her whole family.." sabi ni Jasmine sa kanila. Nagulat sila sa sinabi nito 'As in? Papatayin namin ang buong pamilya ni Arien? Seryoso ba ito?' wala sa sariling sambit niya. "P-pero Jas, seryoso ka ba sa sinasabi mo? Ang pamilya ni Arien ang alyansa nating sa gobyerno. Hindi natin pweding gawin ang sinasabi mo," pigil ni Charisse sa kung anong pweding gawin ni Jasmine. "Alam niyo ang mangyayari sa isang traidor sa mafia. Kamatayan ang kapalit sa isang traidor at dahil gumawa sila ng dahilan upang mapahamak sila. We will kill thier whole family," mariing sabi ni Jasmine. Nagkatinginan silang lahat. 'Kill? That's it. This is the first time that, we will kill one of our alliance and its exciting,' napapailing na sabi niya sa sarili. Hindi niya alam kung kakabahan ba siya o ano. Ngunit nakaramdam siya nang pagkasabik. Samantala, nakatitig lang si Jhasselle kay Arien, habang nakaupo ito sa upuan at nakatali. Napailing siya. Naalala niya si Rhaine, marami nang nagbago dito. Mas naging agrisibo na ito para lang kay Lhaica. Ang masasabi lang niya ay malakas naman ito. Nakita niyang napaangat ang tingin nito sa kanya. She smirked. "Hello my dearest friend, Arien. Do you still remember me?" sabi niya dito. Yeah, she's her friend in highschool. Hindi nito nakilala si Lhaica noon dahil sa girls school naman nag aral ang dalaga. "J-Jhasselle, please l-let me go," sabi nito sa kanya. Tumayo siya at lumapit dito. "Well, I really want to release you. But you did something wrong Arien, that's why I can't let you go," sabi niya dito. Hinaplos niya ang sugat nito sa mukha, kaya nailayo nito ang sariling mukha "Tsss, you know Rhaine, Arien. So that, I feel sorry for you. I think this is the end of your life," nakangisi niyang sabi dito. "H-Hindi niyo ako mapapatay, a-alam niyo iyan! Kaya pakawalan niyo na ako!" sigaw sa kanya ni Arien. Tumawa bigla si Jhasselle. "Tuso ang mafia Arien at isa pa, kilala mo ba si Lhaica? She's Lady Miossa's sister and lady Miossa is one of the Lady Bloods. The legendary gangster and another one is, she is ladyheart sister also. Naging kapatid niya ito noong panahon na hindi niya pa kilala ang Montero. Which is my sister and my sister is the mafia empress. Once she order to kill you. Your whole family will die too. Hurting Lhaica was your biggest mistake, because thats the end of your life," mapang asar niyang sabi dito. Naramdaman niya ang panginginig nito dahil sa sinabi niya. Well, that's true anyway. "They are here," narinig niyang boses ni Jiro. Tumango siya at muling tumingin kay Arien. "You heard that? Nandito na sila, kaya ihanda mo ang sarili mo," sabi niya dito. Tinalikuran na niya ito saka naglakad palabas. Hindi pa siya handang harapin ang mga ito, kaya hindi muna sa magpapakita. Lalo na sa kapatid niyang si Jasmine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD