Chapter 18

2470 Words
    ETHAN POV Dama ko ang lamig ng hangin na nagmumula sa tabing-dagat, pero naiibsan ang lamig dulot ng alak na iniinum namin ni Rhaine. Tahimik lang siyang umiinom sa tabi ko. "Marami talagang sinungaling sa mundo eh no?" bigla niyang sabi. Napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Yeah, marami talaga. "Na kahit iyong taong mahal mo, nakaya kang lukohin," sabi niya at mapait na ngumiti. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya, saka uminom ng beer. Hinayaan ko lang siyang magsalita. "Minahal ko nang higit ilang taon. Siya iyong sumagip sa akin sa pagkabigo ko noon. Tinulungan niya akong kalimutan ang nararamdaman ko sa isang taong labis kong minahal. Ngunit ngayon, parang bumaliktad na yata," sabi niya at napayuko. Nakaramdam ako ng sakit sa sinabi niya. Pakiramdam ko kasi, ako iyong taong tinutukoy niyang gustong kalimutan. Alam ko ang pagkakamali ko noon. I dump her. Sinaktan ko noon ang babaeng minahal ko na rin ngayon. "Nakaramdam na ako ng sakit dahil sa pangloloko niya. Tapos, nakakatawa lang isipin dahil kasama ko ngayon, ang taong naging dahilan kung bakit minahal ko ang taong niloloko ako ngayon," sabi niya at natawa nang bahagya at uminom Napaiwas ako nang tingin dahil sa sinabi niya. Kasalanan ko ba talaga, kaya ka nagmahal ng iba Rhaine at kaya ka nasasaktan ngayon? "Ano nga bang nangyari sa atin, Ethan," sabi niya at bahagyang bumaling sa akin. Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ako nakakilos at nakapagsalita. "Mahal mo ko di ba? Ngunit may mahal akong iba, na niloloko ako ngayon ang saklap lang," mapait niyang sabi. Binaba ko ang hawak kong beer at lumingon sa kanya. Hinawakan ko ang ang mukha niya at pinaharap sa akin. "Mahal kita Rhaine. Hindi kita pipiliting mahalin ako ulit. Ang hindi ko lang gusto ay ang nakikita kang nasasaktan at nahihirapan ngayon. Kung mahal mo talaga siya at kung minahal ka rin niya. May dahilan upang harapin mo ang pangloloko niya. Ipakita mo sa kanya na hindi mo na kayang manahimik. Rhaine, matapang ka di ba? Pwess, alamin mo mismo sa sarili, kung mahal ka talaga niya. Nandito lang ako para saiyo at handa akong maghintay," sabi ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin saka siya uminom ng beer. Nakita kong binaba niya ito saka niya ako tinulak kaya napahiga ako. "W-What are you doing?" gulat kong sabi. Bigla na lang siyang dumagan sa akin, saka niya ako biglang hinalikan. Muntik pa akong maubo nang sinalin niya sa akin ang beer na galing sa kanya. The heck? Napalunok ako nang di oras, habang patuloy niya akong hinahalikan. Binaliktad ko ang position naming dalawa at ako na ang nasa ibabaw niya. Ngumiti siya. "Stay with me tonight," sabi niya at muli niya akong hinila at hinalikan.         LHAICA'S POV Nagulat ako ng makita ko si Jayree sa harapan ko. Nais kong ibuka ang bibig ko pero hindi ako makapagsalita dahil nakatakip ang bibig ko. "Anong kailangan niyo kay Lhaica," seryosong tanong ni Jayree. Kinilabutan ako sa tawa nila. Hinawakan ni Jayree ang kamay ko. Tumingin siya sa akin, bago muling binaling ang tingin sa mga lalaking nasa harapan namin. Tumayo siya at hinarangan ako. "Sinong nag utos sa inyo na dukutin siya," seryosong tanong niya ulit. Muli silang tumawa. "Sige, dalhin niyo sila sa loob at ikulong," utos nito. May biglang humila sa akin at nakita kong pinatulog nila si Jayree. Gusto kong sumigaw, dahil sa ginawa nila kay Jayree pero hindi ko magawa. Iniupo nila ako sa upuan maging si Jayree. Magkatalikod kaming dalawa. Itinali nila kami at mayamaya ay iniwan. Hindi pa rin ako makapagsalita dahil may takip ang bibig ko. Ginalaw ko ang paa ko, upang sipain nang mahina ang paa niya. Nagawa ko iyon nang paulit-ulit. Ngunit hindi siya nagising. Mukhang nakatulog nga talaga siya. Pinikit ko na lang ang mata ko. Dahil siguro sa pagod at antok, nakatulog din ako.      Unti-unti akong nagigising dahil tila may kamay na nasa likod. Para bang tinatanggal nito ang tali, kaya napamulat ako. Nakita ko si Jayree na tinatanggal ang tali na nasa kamay ko. Napatingin siya sa akin at ngumiti. "Tatakas tayo," sabi niya. Matapos ang kamay ko, tinanggal niya rin ang takip na nasa bibig ko. "J-Jayree," sambit ko agad sa kanya. Niyakap niya ako. "Ssshh! It's okay, I'm here lets go," sabi niya. Tinulungan niya akong makatayo at sabay kaming naglakad papunta sa pinto. Hindi ito naka-lock kaya nakalabas kami. Napansin umaandar na ang yate. Kaya malayo na kami, kung saan naroon ang resort. Ngunit mula dito sa kinaroroonan namin, may malapit na isla. Magkahawak kamay ni Jayree na naglakad at patingin-tingin sa paligid. Sabay kaming nagtago nang may paparating na dalawang lalaki. "Hoy!" Napatingin kami sa itaas nang makitang may nakakita sa amin. Tumakbo kami ni Jayree patungo sa dulo. "Lhaica, marunong ka bang lumangoy?" tanong niya habang tumatakbo kami. "O-oo," sagot ko "Tatalon tayo at lalangoy patungo sa isla na iyon. Kaya mo ba?" Napatingin ako sa islang sinasabi niya. Napatango ako na lang ako. "Ayon sila! habulin niyo!" Napalingon ako sa likod namin, marami na silang humahabol sa amin. "Lhaica, Talon!" sigaw niya. Kaya sabay kaming tumalon ni Jayree sa tubig. Nahiwalay ako bigla sa kanya. Kaya pag ahon ng ulo ko hinanap ko siya. "Lhaica, lets go!" sigaw niya. Lumangoy ako patungo sa kanya at sabay naming nilusong ang mumunting alon ng dagat, makarating lang sa isla. Hindi kami sinundan no'ng mga taong dumukot sa amin, kaya nagtaka ako. Hindi ko na iyon binigyan nang pansin at pilit akong lumangoy kahit nahihirapan na ako. Masyado nang malamig ang tubig. May humila sa kamay ko; si Jayree. Tinulungan niya ako, napansin kong nahihirapan na rin siya. Mabuti na lang at malapit na kami. Sabay kaming napahiga sa dalampasigan nang marating namin ang isla. Habol hininga akong napapikit. Sana huwag ngayon, sana hindi ako atakihin ngayon. Ayokong makahalata si Jayree na may sakit ako. "A-Ayos ka lang?" Napalingon ako kay Jayree. "O-Oo.." sabi ko Nakita kong tumayo siya at inabot ang kamay sa akin, kaya kinuha ko saka ako tumayo. Nailibot ko ang paningin sa isla. Doon ko lang napansin na masyadong madilim na pala ang paligid. "Maghanap tayo nang pweding nating matuluyan pansamantala," sabi niya. Tumango ako. Sumunod ako sa kanya habang naglalakad kami. Pumasok kami sa loob ng isla. Dahil sa madilim na ang paligid, hindi ko alam kung saan kami patungo. Nakasunod lang ako kay Jayree, habang naglalakad hanggang sa huminto siya. "Dito na lang muna tayo. Sandali kukuha ako nang pangsapin na dahon," sabi niya. Tumango lang ako at pinagmasdan siya. Naglakad siya at kumuha nang dahon ng saging, na malapit lang sa amin. Saka niya ito nilatag sa ilalim ng puno. "Ayan, umupo ka muna diyan. Maghahanap lang ako saglit ng kahoy, upang makagawa ako ng apoy. Dito ka lang saglit," paalam niya. Tumango ako. Mukhang sanay siya sa ganitong sitwasyon, dahil alam niya ang tungkol sa ganito. Siguro naranasan na niya ang mag camping. Samantalang ako ay hindi pa. Niyakap ko ang sarili ko nang umihip ang malamig na hangin. Nakaramdam agad ako ng lamig dahil na rin sa basa ang suot kong damit. Napayuko ako habang hinihintay si Jayree. Bakit ba lagi na lang may humahabol sa akin. Marami bang gustong pumatay sa akin? Wala naman akong ginawa, kaya bakit ako iyong hinahabol nila. Siguro dahil alam nila na kinakapatid ako ng mafia empress at kilalang gangster ang mga taong nakapaligid sa akin. Kaya gagamitin nila ako laban sa kanila, pero hindi ko iyon hahayaan. Kung kailangang lumaban ako gagawin ko. "Lhaica.." Napaangat ang tingin ko. Nakita ko si Jayree na may dalang mga maliliit na kahoy at isang bugkos ng.. Saging na saba? "Saan mo nakuha iyang saging?" tanong ko. "Doon sa baba, nakita ko. Sandali gagawa lang ako ng apoy," sabi niya. Tumango ako. Inayos niya iyong mga kahoy. Tiningnan ko habang seryosong gumagawa. Napangiti na lang ako, dahil iyong taong iniiwasan ko nandito ngayon at kasama ko. "Mukhang sanay na sanay ka sa ganitong sitwasyon," komento ko. "Yeah, lagi kasi akong sumasali noon sa camping no'ng high school. Nililibang ko kasi ang sarili ko noon, upang makalimot sa taong iniwan ako," sabi niya at bahagyang ngumiti. Natigilan ako at nawala ang mga ngiti sa labi ko, dahil sa sinabi niya. Tila ba sumikip ang dibdib ko. Napaiwas ako nang tingin sa kanya "Pero, hindi ko siya kahit kailanman nakalimutan. Pinilit ko man pero sadyang dinala na niya ang puso ko sa pag alis niya. Kaya ang ginawa ko, hinintay ko na lang na bumalik siya. Para naman makabalik na rin ang puso ko na dala-dala niya.." Muli akong natigilan at napatingin sa kanya. Matapos niyang masindihan ang kahoy. Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Kahit nakabalik na siya. Hindi ko pa rin binabawi ang puso ko. Siya na kasi nag mamay ari nito. Kahit pa pilit niya akong inilalayo sa kanya," nakangiti niyang sabi. Iniwas na niya ang tingin sa akin. Tumayo siya at biglang hinubad ang t-shirt niya at pinatuyo sa apoy. Napaiwas ako nang tingin, nang maging iyong pants niya hinubad niya. Naiwan ang boxer niya, saka siya tumalikod at umupo. Tsk! "Ipatuyo mo ang damit mo at umupo ka malapit sa apoy nang di ka lamigin. Hueag kang mag aalala, hindi ako titingin," sabi pa niya. Napataas ang kilay ko. Seryoso ba siya? "Sige na, magkakasakit ka pa pag hindi mo pinatayo ang damit mo," muling sabi niya. "S-Sigurado ka bang hindidi ka titingin?" sabi ko. "Yeah don't worry, you know how much I respect you," sabi niya. "Kapag ikaw titingin, sisipain ko itong apoy patungo saiyo," pagbabanta ko.bHinawakan ko ang laylayan ng shirt ko. "Kaya mo?" bigla siyang bumaling sa akin. Kaya napahinto ako sa paghubad ng damit ko "Jayree!" banta ko. "Haha! yeah, yeah okay," natatawa niyang sabi I sighed. Hinubad ko ang blouse ko at ang short ko. Naiwan lang ang pangloob ko. Pinatuyo ko ito sa apoy saka ako umupo malapit dito. Nakaramdaman ako ng init at naiibasan na ang lamig sa katawan ko. "Lhaica," tawag niya. Bumaling ako sa kanya. Nakatalikod lang siya sa akin. "Naalala mo ba no'ng una tayong nagkita at nagkakilala?" sabi niya. Natigilan ako sa sinabi niya. Inalala ko ang araw noong una kaming nagkakilala. "Bago pa tayo nagkakilala noon, si ate Jasmine ang gusto ko. She's pretty and a kind person. That's why I like her," pag amin niya. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Gusto niya si ate Jasmine? "I was still a kid that time. She just told me that, may kapatid siya na ka-edad ko. So, when she told me that it's a girl. Nagtanong ako kung kasing ganda niya ba ang kapatid niya at kung anong pangalan niya. Then, she said, 'yeah she's beautiful, her name is...Lhaica'," kwento niya. Nakatalikod man siya sa akin, ngunit ramdam ko ang tuwa sa mga sinabi niya. Napalunok ako sa sinabi niya. Napakuha tuloy ako ng saging, na malapit lang sa akin at kinain ko ng di oras. "Then after that, I told her that I wish to see her at my birthday. Then finally I meet her andnd she's right. You're beautiful. When I look at you; I promise to myself, that I will do anything just to make her mine someday. That she will be my future-wife. No matter what, she will be the one that I want to marry." Napahinto ako sa pagnguya ko dahil sa sinabi niya. Tila ba nanuyo ang lalamunan ko. "I'm still hoping that someday, we will be together for the rest of our lives, Lhaica," dagdag niya sa sinabi niya. Napalunok ako. Naramdaman ko ang pagdaloy ng luha ko sa pisngi ko. Agad ko iyong pinunasan. "Tsk! Masyado tuloy akong naging madrama. Will, can you sing for me?" Napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi niya. "A-Anong kanta?"tanong ko. "Inside my heart.." Lunok! I-Inside my heart? Bumalot ang kakaibang kaba sa dibdib ko. Alam kong anong klaseng kanta ang sinasabi niya. "Minsan ko lang kasi iyan narinig eh at nagustuhan ko. Pwedi ba? Siguro naman alam mo ang kantang iyan, dahil saiyo ko iyan narinig," sabi niya. Natigilan na naman ako. Narinig niya mula sa akin? Kailan? "S-Sa akin?" nagtataka kong sabi. "Yeah, please.." pakiusap niya. "O-Okay," sabi ko na lang. (Now playing Inside my Heat by Francheska) Starring; Lhaica I am nobody with no sense at all Pale as the mountain, cold as the shore Bumaling ako sa kanya at dahan dahan humarap habang nakatalikod siya. Kaya tinitigan ko siya. H abang kumakanta ako, isang malungkot na alaala ang bumalik sa akin. Dahil sa mga ginawa kong pag iwas sa kanya. Jayree. Bakit ba ganito. Bakit ba ako natatakot na mapalapit saiyo. Bakit ba hinahayaan ko ang sarili kong talunin ng takot. Bakit? Still, you are the one who own my heart. Sabi mo nga, nasa akin ang puso mo, pero iyong puso ko na saiyo na rin. Kaya mahirap kang iwasan. Ano nga bang gagawin ko ngayon Jayree. Matutulungan mo ba ako? Muling tumulo ang luha ko dahil sa mga alaalang bumalik sa isip ko. Alaalang kailanman man hindi na mabubura. Marami kang ginawa para pasayahin ako noon. Nandyan ka parati sa tabi ko, pero di ko maipakita saiyo na mahal kita dahil kay Jhasselle. Ngayon ba susugal ako para saiyo? Bakit ba kasi ang gulo ko. Bakit ba kasi ang hina ko. Bakit di kita nagawang ipaglaban. Wala ka na mang ginawa kundi ang makasama ako at mahalin mo. Your in my heart, here inside. But I can't tell you and I was so stupid for not telling you.., how much I love you. I'm such a fool for hurting you. I'm really sorry Jayree. Agad kong napunasan ang luha ko nang bumaling siya sa akin. Agad akong napatalikod nang makitang umiiyak din pala siya. Kumakabog ang dibdib ko, na tila ba anytime pwedi akong mahimatay sa kaba. "Lhaica," tawag niya sa pangalan ko. Tila ba huminto ang mundo ko, nang bigla niya akong yakapin mula sa likod. Idinantay niya sa may leeg ko ang ulo niya. Kaya naramdaman ko ang tila basa ito. 'Yong luha niya. Napapikit ako at naiilang sa sitwasyon naming dalawa. "Lhaica, tell me, do you Love me?" tanong niya. Hinawakan niya ang kamay ko at marahan itong pinisil. Dahan-Dahan siyang humarap sa akin at umupo kaharap ko. Napayuko ako kaya hinawakan niya ang baba ko at iniangat paharap sa kanya. Pinunasan niya ang luhang dumaloy sa pisngi ko. "Tell me, Lhaica, do you love me?" ulit niya sa sinabi niya. Napatitig ako sa mga mata niya. Susugal na ba ako? Hahayaan ko na bang matalo ang isip ko at mangingibabaw ang sigaw ng puso ko? Napapikit ako at muling dumilat. I smiled. "I do. I love you, Jayree," nakangiti kong sabi. Nakita ko ang tuwa sa mga mata niya at muli akong niyakap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD