Chapter 17

2221 Words
     LHAICA'S POV "Kyaah! Palawan!" biglang tili ni Rhaine. Napailing na lang ako habang nakatingin sa kanya. Tatlo kaming kasamang babae, ako si Rhaine at Trina. Kasama namin si Trina kasi girlfriend siya ni Ivan. Kamakailan lang siya sinagot ni Trina. Sumakay kami sa Van na pagmamay ari nina Rhaine. Sa totoo lang ito ang unang beses na napunta ako dito sa palawan. Sila Rhaine lagi nang pumupunta dito, iyon ang nai-kwento niya sa akin. "I'm excited to swim!" masiglang sabi ni Rhaine. Mula rito natatanaw namin ang isang resort. Napakaganda ng lugar at maaliwalas tingnan. Mga 20 minutes bago kami makapunta doon. Nasa itaas pa kasi kami, dahil doon lumanding ang private plane na sinakyan namin. Ang resort na pupuntahan namin ay pag aari ng mga Montero. Naalala ko na naman ang nangyari noong nakaraang araw. Matapos akong makausap ni ate Marissa. Pumasok si Rhaine at nag usap kami. Sinabi ko sa kanya ang nangyari, pero di ko sinabing si Andre ang nagdala sa akin sa secret passage patungo sa gubat. Paniguradong mapapatay ito ni Rhaine, kaya idinahilan ko na lang na doon ako napunta nang mapansin kong may sumusunod sa akin at nalaman ko na may daan pala doon. Sinabi ko rin na sakto rin na nakita ako ni Andre na tumatakbo noon at dahil naging curios siya ay sumunod siya sa akin. At ito ang nagligtas sa akin sa mga taong iyon. Mabuti na lamang at naniwala naman siya sa sinabi ko. Kasama namin si Andre, na ngayon ay nakatulog. Napailing ako. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Magaan ang loob ko sa kanya. "Lhaica, Trina mag swimming agad tayo! My gosh I miss this place!" muling sabi ni Rhaine. "Yeah, yeah!" natatawang sabi ni Trina. Nakita tawa na rin ako sa kanila. "Tapos water fighting tayo habang nasa balikat natin ang girls. Wooh!Astig iyon! Si Rhaine papasanin ko!" biglang sabi ni Ethan. Kaya natawa kami sa kanya. "Manahimik ka diyan Ethaniel. Hindi ako magpapasan saiyo no! Chansing 'yon," maarting sabi pa ni Rhaine. Sumimangot siya dito. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa dalawang katabi ko. Kaya napatingin ako sa front mirror. Hindi ako nakaiwas nang tingin, nang makitang nakatingn sa akin si Jayree. Nang mapansin niyang nakatingin ako, siya na ang umiwas. Ito ang gusto mo Lhaica, kaya tiisin mo. MAlapit na kami sa beach ng may napansin kaming nakahintong kotse. Nakabukas nang kaunti ang bintana ng kotse, napansin kong natahimik si rhaine nang madaanan namin ang kotse. Nakita ko ang gulat sa mga mata ni Rhaine, habang muli niya itong tiningnan kahit nakadaan na kami. SAMantalang ako, nabigla ako sa nasaksihan. Lalaki at Babae ang sakay noon, pero nakita kong naghahalikan ang mga ito. Muli akong tumingin kay Rhaine nang umayos na ng upo pero iyong kamao niya nanginginig. Sa galit? Ngunit bakit? Kilala ba niya ang nasa loob ng kotse?     Sunod-sunod kaming bumaba, nang nasa harap na kami ng hotel dito sa resort. May lumapit sa aming mga kalalakihan at tinulungan kami sa gamit namin. Lumingon ako sa Van nakita kong nakatayo pa si Rhaine na tila tulala pa rin. Nilapitan ko siya. "Rhaine?" tawag ko sa pangalan niya Lumapit pa ako lalo dahil parang hindi niya ako narinig. "Hey Rhaine.." "Ay Sarry!" Natigilan ako at nagtatakang nakatingin sa kanya. "Sarry?" sambit ko. "L-Lhaica? Aissh!" "What's wrong?" nagtataka kong tanong sa kanya. Napakamot siya sa pisngi niya at tumingin sa paligid. "Akala ko kasi nakita ko si Sarry, siguro namamalikmata lang ako. Let5s go, nang makapagswimming na tayo," pag iiba niya nang usapan, hinayaan ko na lamang. Hinila niya ako papasok kaya nagpahila na lang rin ako.          RHAINEZA'S POV Natatanaw ko sila mula rito. Nasa dagat na sila. Kasama nila ko kanina pero hindi kasi mapalagay ang isip ko eh. Parang si Sarry kasi iyong nakita ko kanina sa isang kotse. Inabot ko ang Cellphone at tinawagan si Yarry. Si Yarry ang una kong tatawagan dahil alam ko na hindi sya magsisinungaling sa akin. Isa din siya sa nakakaalam sa relasyon namin ni Sarry. Magkapatid sila at kambal. Anak sila ni tita Yassy, na kapatid ni tita Jassy na mommy ni ate Jasmine. Iba ang ugali ni Yarry kaysa kay Sarry. Masyadong seryoso si Yarry sa negosyo ng kanilang pamilya. Samantalang si Sarry happy-go-lucky, busy sa modeling. Kung ano ang gusto nakukuha agad. Hindi ko nga akalain na mamahalin ko siya. "Rhaine?" Natauhan ako nang magsalita ang nasa kabilang linya. "H-Hello kuya Yarry?" "Yeah, what can I do for you, Rhaine?" sabi niya. 'Yong boses niya mas malalim kaysa kay Sarry. Halatang seryosong tao. Naririnig ko ang ingay sa paligid niya parang nasa isang meeting siya. Tumikhim ako. "A-Are you busy?" kinakabahan kong tanong. "Ahh yeah, but you can tell me what you want.., say it," tugon niya  Napabuntong-hininga ako. Bago nagsalita. "Pwedi ko bang malaman kong nasaan ka, kuya Yarry?" mahinang tanong ko. Sana ikaw yong nakita ko kuya Yarry. Sana ikaw iyon. "Ahmm yeah, I'm here in California for some business Tour with my Mom. Why?" sagot niya. Halos mabitawan ko ang cellphone dahil sa narinig ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kung sabihin. I-Ibig sabihin si...-- "Rhaine? Are you still there?" narinig niyang tanong nito. "A-Ahm yeah, h-how about Sarry? Do you know where he is? Hindi ko kasi siya matawagan,"aila ko sa huli kong sinabi. "Nakauwi na siya 2 days ago. Why? Hindi ba kayo nagkita?" Nabigla ako. Nakauwi na siya 2 days ago? Ngunit bakit hindi man lang niya sinabi sa akin. "Rhaine," narinig kong seryosong sabi ni kuya Yarry. "I'm sorry if he lied to you. Talk to him, kapag nagkita na kayo. Sige, magsisimula na ang meeting. Until next time," tanging sabi niya. Para akong nabagsakan nang kahihiyan sa narinig ko. He lied to me? W-Wait, maari naman sigurong may dahilan siya kaya di niya sinabi na nakauwi na siya. Kahit alam kung niloloko niya ako ay gusto ko pa ring malaman ang totoo. I want him to tell me the truth, if he still love me or what! I Dial his number. Matagal bago niya ito nasagot. "Hai siomai? Napatawag ka? Na miss kita, how are you?" masigla niyang sabi habang ako pinipiga na ang puso ko. Marinig ko lang boses niya gusto ko na siyang sumbatan. "Siomai? " "Y-Yeah siopao okay lang naman ako ikaw kumusta ka na?Nasaan ka?" sabi ko kaagad. "A-ahm nandito pa rin ako sa k-korea siomai. Next week pa anh uwi ko. Anobg gusto mong pasalubong?" Nauutal siya. Korea? Fuckshit! Now I know. He's a good liar. "Okay lang kahit wala basta dumating ka lang masaya na ako," sabi ko, but deep inside I want to scream to death. "By the way, you didn't answer my calls this past days. Is there something wrong?" tanong niya. "Oh, I was busy this past days, kaya hindi ko nasasagot ang mga tawag mo. I'm so sorry," sabi ko pa. "Is that so? Well, I miss you, siomai, babawi ako pag uwi ko. Nasaan ka pala?" I smirked. "We're here at palawan for weekend Vacation, with my friends even Lhaica," sabi ko. "W-What? N-Nasa palawan ka rin? I mean nasa palawan ka?" nauutal niyang sabi. Naikuyom ko ang kamao ko nang marinig ang sinabi niyang, 'Nasa palawan ka rin ' Wow! So, siya nga iyong nakita ko sa kotse na may kahalikan. Nice Sarry, your a good liar. "Yeah, I hope to see you soon siopao. I love you.." sabi ko na lang. "M-Me too, I love you too, siomao," sagot niya. Matapos naming mag usap. Mas lalo kong naikuyom ang kamao ko. Pabagsak kong nilapag sa upuan ang cellphone ko. Kinuha ko ang beer at ininom. Halos magtatlong taon na tayo Sarry! f*****g s**t! Lahat tiniis ko! Lahat kinaya ko, kasi mahal na mahal kita Sarry. Iniintindi kita pero bakit ngayon pa. Bakit ngayon pa Sarry. Bakit mo ako kailangang saktan nang ganito. Hindi ka ba kuntento sa akin? Dahil ba hindi ko maibigay ang kailangan mo bilang isang lalaki? Sana sinabi mong katawan ng babae ang gusto mo at hndi mo na ako niligawan pa! Sana hindi mo pinadama na mahal mo ko, kung sasaktan at lolokohin mo lang ako nang ganito. "Rhaine.." Napaangat ang tingin ko. I saw him. Natawa na lang ako at patuloy sa pag inom, habang nakaupo at nakasandal sa gilid. Lumapit siya sa akin. "What's wrong?" nag aalalang tanong niya. Umiling ako. "Nauuhaw ako, kaya dinamdam ko ang beer hahaha!" kaila ko. Tumayo ako. Nilapag ko ang bote ng beer. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila. "Let's go, lets join them.." anyaya ko sa kanya. Nagpahila naman siya sa akin. Nang makalapit kami, sabay kaming nagtampisaw sa dagat kasama ng mga mumunting alon. Kakalimutan ko muna saglit ang sakit na nararamdaman ko, dahil ayokong mahalata ng mga kaibigan ko na may problema ako. Ayokong magpadalos-dalos. I want to found out with myself. Gusto kong makita kung paano niya ako lukuhin. Sarry, siguraduhin mo lang na mapapaniwala mo ako sa paliwanag mo dahil kapag hindi. Makikita mo kung gaano magalit ang isang Rhainezza Alvarez.            THIRD PERSON POV Sinundan ni Ethan si Rhaine, nang makita niya itong lumabas sa hotel room ng girls. Magkakasama silang lalaki sa isang kwarto. Malaki naman ito, family size ang kinuha nilang mga lalaki. Magkakasama naman sa kabila ang tatlong babae. Katatapos lang nilang magdinner, kaya ang iba nagpapahinga na dahil sa pagod kanina. Sumakay ito sa elevator, kaya agad siyang nagtago sa pader nang humarap ito. Nang magsara ay mabilis siyang naglakad at ginamit ang isang elevetor. Pinindot niya ang ground floor dahil sa tingin niya doon papunta si Rhaine. Noon paman lagi na niya itong sinusundan kung saan ito pupunta. Kaya nga natuklasan niya ang relasyon nito kay Sarry dahil sa lagi niyang pagsunod. Nang nasa ground na siya at hinanap niya kaagad si Rhaine. Nakita niya itong naglalakad papunta sa isang receptionist. Lumapit pa siya upang marinig niya kung ano man ang sasabihin nito. "Miss, Can I ask something? May nag check in ba ditong Sarry Montefalco I'm his sister," narinig niyang sabi ni Rhaine. NAtigilan niya. Hindi niya alam kung tama ba ang narinig niya? Tinatanong nito kung may naka check in na Sarry Montefalco? Ang Boyfriend nito? "Ahmm I'll check Ms. Alvarez," sabi naman ng receptionist. Pinagmasdan niya si Rhaine. Nagtatala kung nakit nito iyon tinatanong? "Actually Ms. Alvarez, Yes, there's Sarry Montefalco who check in 2 days ago. Ngunit nakaalis na po sila kanina," sabi ng receptionist. 'What!' Nakita niyang naikuyom ni Rhaine ang kamao nito at bahagyang nginitian ang receptionist. "Okay, Thank you.." tanging sabi ni Rhaine at nararamdaman niya ang sakit dahil sa sinabi nito. Bigla itong humarap sa kinaroroonan niya, kaya huli na upang makatago. Napansin niya ring nabigla ito pero ngumiti lang ito sa kanya. Naglakad ito papalapit. "Pwedi mo ba akong samahan?" sabi nito sa kanya. Tumango siya at sabay silang lumabas sa hotel.          Samantala, nakapagpahinga na ang iba nilang kasama. Habang nakahiga si Jayree sa kama nito. Bigla siyang kinabahan. Hindi niya alam kong bakit niya ito nararamdaman. Tumayo siya, bago lumabas tiningnan niya ang kasama na si Ivan at lance na mahimbing ng natutulog. 9pm na pero napansin niyang wala pa si Ethan. Napansin niya kasi itong lumabas kanina. "Nasaan naman kaya 'yong gagong iyon," sabi niya sa sarili at lumabas. Pumunta siya sa room ng girls. Pinihit niya ang pinto dahil may gusto siyang makita. Nakita niya ang girlfriend ni Ivan na si Trina. Mahimbing na natutulog. Bakante ang dalawang kama na pinagtataka niya. Wala si Rhaine at Lhaica. Bumalot muli ang kaba dahil wala si Lhaica. Lumabas siya sa kwarto ng mga ito at umalis. Pagkalabas niya ng hotel kinuha niya ang phone at in-open ang GPS na konektado kina Ethan at Rhaine. Nakita niya ang location nina Rhaine, nasa tabing dagat ang dalawa. Hinanap niya si Lhaica kung saan ang location. Nagtaka siya dahil ang layo ng location ni Lhaica. Mas lalo siyang nagtaka dahil unti-unti itong lumayo kaya agad siyang tumakbo at sinundan ang location ni Lhaica. Mabilis ang pagtakbo niya at malapit na siya. Nasa tabing-dagat na ito malayo sa resort at gubat na ang nasa malapit nito. Nang malapit na siya kay Lhaica, napahinto siya ng may sumigaw. "Bitawan niyo ko! Hindi ako sasama sainyo! Get off me!" Kumabog ang dibdib niya nang marinig ang boses ni Lhaica. Mas lumapit pa siya at nakikita na niya ang nangyayari. May kalalakihang nakahawak sa mga braso ni Lhaica at pilit na isinasama. Natanaw niya ang malaking Yate. Sa tingin niya doon ito sasakay. Kaya naglakad siya papunta sa dagat at lumusong papunta sa yate. Nang makarating siya. Kumapit siya sa rillings nito at agad nagtago. Naririnig niya ang iyak ni Lhaica kaya napamura na lang siya sa isipan. "Please pakawalan niyo ako! Ano bang kailangan niyo sa akin!" Narinig ni Jayree ang boses ni Lhaica, malapit lang ito sa kinaroroonan niya. Sumilip siya at tiningnan ang dalaga. Napamura siya nang makitang nakahandusay si Lhaica, matapos itulak ng isa sa mga humawak dito. 'Click' Natigilan si Jayree nang maramdamang malamig na bagay sa likod niya. "Get up," malamig na sabi nito. Napamura siya sa isip. Dahan-dahan siyang tumayo. Pagkatayo niya sinipa siya nito. Kaya nagkaharap sila ni Lhaica na nagulat pa nang makita siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD