Chapter 16

2217 Words
       THIRD PERSON POV Gustong suntukin ni Andre ang kanyang sarili dahil sa nangyari. Kung hindi niya sana inaya si Lhaica kanina ay hindi ito mangyayari sa dalaha. Napatingin siya dito. Nakatungo ito pero halatang kagagaling lang nito sa pag iyak. Nasa dalampasigan silang dalawa, habang nakaupo sa ilalim ng puno. Tahimik silang nakaupo at hinihintay kung sino ang unang magsasalita. Mayamaya ay napatingin siya kay Lhaica, nang bigla itong magsalita. "Balak nila akong kunin," sabi nito. Nang angat ito nang tingin sa akin, habang may lungkot sa kanyang mga mata. "5 years ago; someone kidnapped us and as a hostage or bait. I was really scared that time and almost died. 'Yon na nga ata ang pinaka-nakakatakot sa buhay ko na nangyari. Tapos ngayon may kukuha ulit sa akin para gamitin laban kay ate Jasmine. Yeah, they're really want to use me because I am weak," sabi nito. Muli na naman itong napaiyak. He feel pity on her, but he feel something strange; the way he look at her. May nararamdaman siyang kakaiba sa dalaga. Hindi niya maramdamang mahina ito; nasisiguro siyang malakas ito. Ngunit nagtataka siya kungbakit sinasabi nitong mahina ito, kung nararamdaman niya namang malakas ito. Naguluhan siya bigla dito dahil sa sinasabi nito. "I will tell you my little secret," biglang sabi ni Lhaica. "Little secret?" nagtataka niyang sabi. Tumango si Lhaica sa kanya. "I want to be a gangster too, like my sisters. I was 15, nang malaman kong mahina ang puso ko, na sa anumany oras ay pwedi akong mamatay," sabi nito Napalunok si Andre bigla. 'M-May sakit siya?' sambit nito niya sa sarili. "Nagulat ka ba? Hehe, yeah I have a heart failure. Ngunit sinabi ko lang kay Rhaine na asthma lang ang sakit ko. But no, because its my heart. That's why I left the man I love. Dahil ayokong masaktan siya kapag bigla akong mawala; na bigla akong mamatay, dahil din sa sakit na naramdaman ko noong iniwan ko siya ay mas lumala ang sakit ko. Na-confine ako ng dalawang buwan. Walang nakakaalam kundi ang pamilya ko at si ate Jasmine. Nagpapasalamat na rin ako dahil naka-recover din ako sa gamot na iniinum ko. Hanggang ngayon umiinom pa ako, lalo na't paminsan-minsan ay sumasakit at naninikip ang dibdib ko. Bawal sa akin ang masyadong masaya, malungkot at nasasaktan. Dahil baka lumala ulit ang sakit ko pero nang bumalik ako dito naghalo-halo na ang emosyon ko. Dalawang beses akong inaatake nang paninikip," sabi ni Lhaica sa kanya. Natitigalan si Andre dahil sa nalaman niya mula rito. Hindi niya aakalaing ang babaeng ito ay may dinaramdam na sa sakit. "Habang nasa korea ako. Pinilit ko si ate Jasmine na turuan ako ng martial arts at gumamit ng mga sandata. Natuto naman ako lahat. Mahirap noong umpisa pero hindi nagtagal natutunan ko lahat. Ngunit hindi ako pinayagan ni ate Jasmine na sumali sa Underground battle. Dahil iyong mga tinuro niya ay para lang iyon sa sarili ko. Pang-Self defense lang dahil hindi ako pwedi sumali sa mga laban dahil sa sakit ko. Limitado lang ang bawat galaw ko at ayokong ipaalam kina Rhaine ang lahat nang iyon. Ayokong kaawaan nila ako at malulungkot para sa akin. Gusto ko silang makitang masaya dahil sila ang lakas ko," nakangiting sabi ni Lhaica sa kanya. Nakaramdam din siya nang awa para dito, dahil sa pinagdadaanan nito. Sa konteng panahon na nakasama niya ito, ay masasabi niyang kilala na niya ang babae. "Why are you telling me this?" tanging tanong niya dito. Tumingin si Lhaica sa kanya nang seryoso, saka sumilay sa labi nito ang magaganda nitong ngiti. Nang aakit ang ngiti niya at nakakahawa. "Because I trust you," nakangiting sabi sa kanya ni Lhaica. Nagulat naman siya dahil sa sinabi nito at hindi makapaniwalang nakatingin dito. 'She trust me?' Nawala ang ngiti niya at napalitan ng gulat at pagtataka. "You trust me? Why?"i Hindi nawawala ang ngiti ni Lhaica sa kanya at tinitigan siyang mabuti ng dalaga. "I have so many trusted people. I can tell them what I want and what I feel. Ngunit, hindi lahat ay sinasabi ko dahil ayokong kaawaan nila ako. When I meet you, I can trust you. I know you can keep my secret, Andre, " nakangiting sabi ni Lhaica kay Andre Hindi mapigilan ni Andre na mapangiti dito. Hinila niya si Lhaica, saka niyakap. Nagulat naman si Lhaica sa ginawa niya at hindi agad nakakilos. "I'm glad ,that you trust me, Lhaica. I will keep your secret, untill you can tell them about that. Just let me one of your protector, Lhaica. I know your strong to protect yourself, but let us protect you, Lhaica," sambit niya dito. Napangiti naman nang marahan sa kanya si Lhaica. Humiwalay siya sa yakap dito. Kaya nakita niya ang mga ngiti nito. Tumango ito sa kanya, mayamaya ay tumayo siya at iniabot niya ang kamay sa dalaga. "We need to go. Ihahatid kita," sabi niya dito. Tumango si Lhaica at umalis na sila sa lugar na iyon. Ang hindi nila alam ay kanina pa sila hinahanap, lalo na si Lhaica.         Samantala, naikuyom ni Marisaa ang sariling kamay ko, habang nakatingin sa gamit na nasa mesa. Lahat sila ay tahimik na nakatitig dito. Her eyes gaze the blood stain at the piece of a cotton dress and the bag. It's Lhaica's stuffed. One of the underlings of Ladybloods, found that in the forest. After they heard a loud gun shot. Lahat sila at nabigla at pinuntahan ang mga ingay na nanggagaling sa gubat. Dumaan sila sa secret passage, kung saan dumaan sila Lhaica kanina. So that, they saw bloods and human's dead body in the forest. Hindi nila alam kung saan nanggaling ang mga iyon. Ngunit nasisiguro si Marissa na may nagbabantay kay Lhaica, para kunin. Hindi niya alam kung ano nga ba ang dahilan at kung bakit kailangang ang kapatid niya pa ang magiging biktima ulit. "They are Yakuza, Jasmine confirmed it even queen Jassy. They are here to get Lhaica. We need to prote--" "Exactly! We need to protect her, but damn it! Where is she now? We lost her!" galit na sigaw ni Marissa. Hindi niya mapigilang ang sarili dahil sa nangyayari ngayon kay Lhaica. Napatayo na siya habang kuyom ang kamao niya. Hindi niya na alam ang gagawin kapag nawala na naman si Lhaica. Isa siya sa ladybloods oero wala siyang magawa, para ilayo sa kapahamakan ang kapatid. Ayaw na niyang maulit muli ang nangyari sa kapatid limang taon nang nakakalipas. Ayaw na niyang maranasan ulit iyon ng kapatid. Ayaw niyang nahihirapan ito, lalo na ngayong may sakit ito. She don't want to lost her sister. "Ang pinagtataka ko, bakit si Lhaica? Bakit nila kailangang kunin si Lhaica and who's the f*****g person behind that Yakuza clan," hindi na rin mapigilan ni Jaira na makaramdaman nang inis dahil sa nangyayari. Napaisip si Marissa dahil sa sinabi ito. Simula nang mangyari, ang mga nangyari noon kina Lhiaca ay wala na silang narinig pa tungkol sa Emperial. Dahil sa pagkakaalam nila ay namatay na ang mga nagbuo nito. Maging mga tauhan ng mga ito noon. Emperial lang ang gumulo sa kanila noon, dahil pagkatapos nang nangyari naging tahimik silang lahat. Naging maayos ang pamumuhay nilang lahat. Nagpakasal sila ni Enrill, kasunod si Raizel na nasa japan; doon ito inilagay ni Jasmine kasama si Pm. Si Tiffany naman nasa Europe, kasama si Charlie. Ngunit hindi niya alam kung paano nagsimula ang lovestory ng dalawa, dahil naging kasamahan si Charlie ng kalaban nila; isa ito sa Emperial. Si Amera nasa Korea, kasama sina Jasmine at iba pa. Maliban sa kanila ni Jaira, Reese at Charisse, na nandito lang sa pilipinas Naging maayos naman sila simula ng magkapamilya at magkatrabaho. Ngayon lang talaga ulit na may nangyaring gulo. Yakuza Clan. "Tres," narinig nilang sabi ni Charisse. Napatingin sila kay Charisse dahil sa sinabi nito; lalo na sa binanggit nitong pangalan. Tres'.. "Tres? Who is that," nagtatakang tanong ni Jaira. "Jasmine told me, that Tres is alive. Do you guys still remember him? He's one of eEmperion,'' paliwanag ni Charisse. Natigilan sila ni Jaira at hindi makapaniwalang nakatingin kay Charisse. "Wait, how could that happen?" hindi makapaniwang tanong ni Marissa dito. "Nagtataka din ako kung bakit nasabi ni Jasmine na buhay si Tres. Naisip ko kaagad ang nangyari noon. Wala si Tres sa huling labang naganap. I never saw him in that day," seryosong sabi ni Charisse. Mas lalo silang napaisip, lalo na si Marissa. Hindi rin niya napansin si Tres noon. Kaya posibleng buhay nga ito at baka ito ang nasa likod ng Yakuza clan. "We need to confirm it," mariing sabi ni Jaira Nagkatinginan sila sabay tango sa isa't isa. Kailangan nga nilang alamin kung buhay nga ba ito, dahil kung tama ang hinala nila ay siguradong nasa panganib na naman sila. Lalo na si Lhaica, na tinatarget ng mga ito. "Ate!" Sabay silang tatlo nina Jaira at Charisse na tumingin sa may pinto. Pumasok sina Rhaine, kasama si Ethan at Jayree. "Anong---" Napatingin si Rhaine sa gamit na nasa mesa. Natigilan siya nang makilala ang mga ito. "I-Is that Lhaica's stuff?" nagugulat na tanong ni Rhaine. Lumapit siya dito at hinawakan. Nakikita nina Marissa ang pagkabigla sa mukha nila nang mahawakan iyon. "What happen to her?" muling tanong ni Rhaine. Tumingin ito sa kanilang tatlo. Hindi agad sila nagsalita dahil maging sila ay walang alam. "IKaw ang huling kasama ni Lhaica. Saan mo siya iniwan bago ka pumunta sa office mo," seryosong tanong ni Charisse sa kapatid. "W-What? I left her with Andre. Si Andre ang huli niyang kasama," sabi nito. "Andre?" sabay sabi nilang tatlo at nagkatinginan bago ulit tuminginkay Rhaine. "Who's Andre?" seryosong tanong ni Marissa "Her new friend," sagot ni Rhaine. "I have his number, I tried to call him," agad na sabi ni Ethan. Kinuha nito ang phone at tinawagan ang lalaki. Nakatingin silang lahat kay Ethan, habang tinatawagan nito si Andre. "Hello bro? Uhm may nangyari kasi dito sa school. Ah huh? Alam mo? What! Seriously? Si Lhaica, is she okay? Thank god! Okay I tell them, Okay bro.." sabi ni Ethan. Nabuhayan naman sila dahil sa narinig mula rito. Nasisiguro nilang ligtas si Lhaica. Pinatay nito ang tawag at tumingin sa kanila "How's Lhaica?" tanong agad ni Marissa. "She's fine. Naihatid na siya ni Andre sa bahay ninyo, ate Marissa. Si Lhaica na lang raw ang magpapaliwanag," sabi ni Ethan. Napabuntong-hininga si Marissa at tumango. Inayos nito ang gamit at tumayo. "I need to talk to her, excuse me," paalam niya sa mga ito. "Ate issa! Sasama ako!" pahabol na sigaw ni Rhaine dito. NAkita niya si Rhaine na tumakbo papalapit sa kanya. Hinayaan na lamang niya ito. May kotse namang dala si Rhaine, kaya hindi na ito sumakay sa kanya. Sinabihan na lamang niya itong magkita sila sa bahay nila.       "Ako muna ang kakausap sa kanya. Dito ka muna sa sala," sabi ni Marissa kay rhaine nang sabay silang makarating sa mansion. "Okay ate," tanging sabi ni Rhaine. Umupo si Rhaine sa couch at naghintay. Iniwan na siya Marissa at umakyat sa taas. Wala ang magulang dito dahil may business trip sila. Kaya sila lang ni Lhaica ang naiwan. Minsan lang siya pumupunta dito sa mansion nila, dahil nagbukod na sila ni Enrill. Nang makarating siya ay binuksan niya ang pinto ng kwarto nito. Agad niya itong nakita na nakasandal sa headboard ng kama, habang nakaupo yakap ang tuhod niya. "Lhaica.." tawag niya dito. Nag angat ito nang tingin sa kanya.Nakita niya ang pamamaga  ng mga niti. Lhaica was crying. Lumapit siya sa kapatid at umupo sa kama. Niyakap niya ito. "A-Ate.." sambit nito sa kanya. "Sssh, what happen? We found your bag in the forest with blood stain," sabi niya dito. Tiningnan niya ang suot nitong damit, hindi pa ito nakakabihis. May kunting dugo ang damit nito. May galos sa katawan, lalo na sa braso nito. Maging sa labi nito ay may bahid ng dugo. "They tried to get me ate. Gagamitin nila ako laban kay ate Jasmine. I'm scared," sabi ni Lhaica at nagsimula na namang umiyak. Hinagod niya ang likod nito. Nakaramdam siya nang awa para sa kapatid. Hindi niya aakalaing mararanasan ito ang ganitong sitwasyon. "Hindi ka nila makukuha Lhaica. We will sure of that. No one can harm you again," mariin niyang sabi habang nakayakap dito. Mayamaya ay hinawakan niya ang mukha nito at tinitigan. "You're a strong woman, Lhaica. I know you will. I know you can protect yourself. Huwag mong hayaang pangunahan ka ng takot Lhaica. Huwag kang magpapatalo sa sakit mo. Gamitin mo ang lakas mo," sabi niya sa kapatid at pinahid ang luha nito. Nginitian niya ito, kaya napangiti rin si Lhaica sa kanya. "Nasa ibaba si Rhaine gusto ka niyang makausap," muling sabi niya. Muli niya itong niyakap bago siya lumabas. Pinapasok na niya si Rhaine sa kwarto ni Lhaica, nang makababa na siya. Tumuloy na rin siya sa sariling kwarto ko sa mansion at nagpahinga. 'Tres..' sambit niya sa sarili. Sinisiguro niya na kung ito ang nasa likod ng mga nangyayari kay Lhaica o gagamitin nito ang kanyang kapatid, sisiguraduhin niyang makakamatayan sila bago nito magalaw si Lhaica. Hinding-hindi na niya hahayaang maranasan muli ng kanyang kapatid ang trauma na dinanas nito noon. P-protektahan niya ito kahit na anumang mangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD