Chapter 4

2382 Words
RAINEZZA POV Tahimik kaming naglalakad ni Lhaica.  Naiinis pa rin kasi ako sa Arien na iyon. Noon pa naman naiinis na ako sa kanya, tapos ngayon pati si Lhaica gagalawin niya. Malilintikan talaga siya sa akin. "Ahm Raine, o-okay ka na ba? " narinig kong tanong ni Lhaica. Kaya bumaling ako sa kanya. "Huh? Oo  naman bakit?" sabi ko at huminto. "Ah, eh natahimik ka kasi, baka kasi galit pa rin sa nangyari kanina," sabi niya. Ngumiti ako sa kanya. "Ano kaba, okay lang iyon sanay na ako sa babaeng baliw na iyon," natatawang sabi ko na lang sa kanya. Tumango-tango siya at tumingin sa hinintuan namin. "Ito na pala ang room natin?" sabi niya. Tumingin naman ako sa tiningnan niya. Eh? Actually maling room ang napasukan namin. Bago pa ako nakapagsalita ay nakita na kami ng mga ito. "Oh Ms. President, naligaw ka?" "Yay nilipat ka ba dito?" "Hai Raine!" Alanganing ngumiti ako sa kanila at tumingin kay Lhaica na nagtatakang nakatingin sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya. Tsk! Sa lahat nang pweding naming napasukan, itong room pa na ito? Hays! "A-Actually guys, tinitingnan ko lang naman kayo. T-Then, aalis na kami ah? See you later," sabi ko sa kanila at bumaling ako kay Lhaica, "let's go Lhaica," anyaya ko at hinila na siya paalis doon. "Saan tayo pupunta?" tanong niya habang naglalakad  kami papalabas. Napakamot ako sa ulo at napangiti na lang dahil sa pagiging lutang ko kanina. "Hindi kasi ito ang room natin, nasa kabila pa," mahinang sabi ko. "Ay ganon? Mabuti na lang pala, iba kasi makatingin ang mga tao di---" BLAG! "Ay!" Gulat naming sigaw ni Lhaica ng may nagbalibag ng pinto. Napatingin kami ni Lhaica sa may pinto. Pumasok doon ang inaasahan kong papasok. Alangan namang lumabas di ba? Hindi ko inaasahan na nandito na agad sila. Ang grupo nina Jayree. Napatingin agad sila amin pero nakita ko si Jayree na nakatingin sa katabi ko. Tumingin ako kay Lhaica na nakatingin sa kaharap niya. Pareho silang napatitig sa isa't isa. "Ulan! Bakit nandito ka hinahanap mo ba ako?" biglang singit ni Ethan. I rolled my eyes, nice Ethan! Talagang siya pa ang unang babasag sa pinggan na subrang natahimik. Tsk! "Tss, of course not! Let's go Lhaica," sabi ko at agad kong hinila si Lhaica papalabas na natulala ata. Alam ko naman kung ano ang mararamdaman niya kapag nakita na niya si Jayree. Syempre, bestfriend ko siya at alam ko lahat kung ano ang nararamdaman niya kay Jayree.       Pumasok kami sa room talaga namin. Pinaupo ko siya malapit sa akin. Napatingin ako kay Lhaica nang mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. "Lhaica?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Mas lalo akong nagtaka nang may kinuha siya sa Bag niya. Nanginginig ang kamay niya. May nilabas siya mula sa bag at nilagay sa may bibig saka ilong niya. Wait! In-healer ba 'yang nakikita ko? Mayamaya  ay naging kalmado na siya. U miwas siya ng tingin nang seryoso ko siyang tiningnan. "What's that Lhaica?" seryosomg tanong ko. "N-nothing," sabi niya at umiwas nang tingin sa akin. May tinatago ito, malamang! "Nothing? Tssss ,are you hiding something?" muling kong tanong. Napayuko siya. Nararamdaman ko ang pag aalangan niyang sabihin ang tungkol dito. Kaya hinawakan ko ang kamay niya. "Tell me," sabi ko. "I h-have an a-asthma," pag amin niya, kaya natigilan ako. "Wait, what? Asthma? Sa pagkakaalam ko wala kang ganyan do ba?" nagugulat kong sabi. Paano naman siya magkaka-asthma, eh mula pagkabata wala siyang sakit. Napaka-healthy niya, tapos ngayon sasabihin niyang may asthma siya? Paano nangyari iyon? "Its start since we got kidnapped before. Hindi lang katawan ko ang naapektuhan. Maging ang puso ko, jahihirapan akong huminga," muling pag amin niya, kaya muli naman akong natigilan at biglang naalala ang mga pangyayari noon. Hindi pa rin iyon nawawala sa  akin. Tila ba naging isang bangungot iyon, sa tuwing naaalala ko. Napahawak na lang ako sa noo ko. "I can't believe this! Sino lang ang nakakaalam?" "Family ko at si ate Jasmine," sabi niya. "My ghad! Will, don't worry I'm here for you. I don't want someone hurt you okay? Be carefull always," nag aalalang sabi ko. Tumango siya at ngumiti sa akin, kaya napangiti ako. ''Ahmm saan ang CR dito? naiihi na ako eh," biglang sabi niya. Napaismid ako sa kanya. Kanina hindi nagsabi, tsk! "Tara samahan na kita, nandon lang sa dinaanan natin kanina," sabi ko at tumayo ako. "Ms.President, pinapatawag ka ni Mrs.Clara." Napahinto ako at tumingin  sa nagsalita. Si Trina. "Ngayon na ba?" tanong ko sa kanya "Oo, kanina ka pa nga namin hinahanap eh," sabi niya at napakamot sa noo. "Ahm," sabi ko at tumingin ako kay Lhaica. T umango lang siya sa akin. "Okay, pero pwedi mo ba siyang samahan papunta sa CR? Hindi niya pa kasi alam ang pasikot-sikot dito," sabi ko sa kay Trina Tumango siya. "By the way, she is Trina my secretary. Trina this is our new classmate and my bestfriend, Ellhaica Reyes. Okay, ikaw na bahala sa kanya Trina. Mauna na ako Lhaica. You know I'm the president, babalik din ako," paalam ko sa kanya. "Sige Raine," tanging tugon ni Lhaica. Tumango ako saka naglakad palabas. Hays! Ngayong nandito na si Lhaica, for sure maraming mangyayari lalo na at muli silang nagkitang dalawa. Hindi ko alam pero, nae-excite ako sa pweding mangyari sa kanila haha!              LHAICA'S POV Pagkalabas ni Raine ay tumingin ako kay Trina na nakatingin sa akin. Nagtataka naman akong nakatingin sa kanya dahil talagang tinitigan niya ako. "Trina?" nagtatakang tanong ko. "Oh, sorry let's go," sabi niya na mukhang natauhan. Ngumiti ako at sumunod sa kanya. Pinagmasdan ko ang paligid. Mula rito nakikita ko ang ibaba. Nakapunta na ako dito noon at gusto kong dito ako mag aaral pero dahil sa nangyari sa akin maraming nagbago. Nang makarating kami ay itinuro niya ang CR. "Ito 'yong CR, hintayin na lang kita dito," sabi niya. "Ah huwag na, baka maabala kita. Ako na lang kaya ko nang bumalik doon, salamat ha?" nakangiting sabi ko. Tumango siya. "Sige, mauna na ako," paalam niya kaya tumango ako sa kanya. Papasok na sana ako sa CR nang tawagin niya. Kaya lumingon ako sa kanya. "You're still beautiful Lhaica, in and out. Marami na akong naririnig tungkol saiyo noon. Kaklase ko si Jayree noon, kaya kitang-kita ko kung gaano ka kahalaga sa kanya pero ngayon marami nang nagbago sa kanya. Mas naging badboy na siya. I hope, you can change him the way he is before. I have to go see you around, " sabi niya at tuluyan nang umalis. Para akong napako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi niya. Lalo na at narinig ko ang pangalan niya. Jayree. Pumasok ako na lang sa C.R at agad naghilamos nang mukha. Humarap ako sa salamin. 'Yong tingin niya kanina, halatang nabigla siya nang makita ako. Hindi ko maiwasang masaktan dahil sa tingin niya sa akin. Para bang sinasabi niya sa pamamagitan ng mga mata niya na nagbago na siya. P inunasan ko ang mukha ko at naglagay ng pulbo. "Kaya natin ito Lhaica. Hindi natin siya maiiwasan dahil nasa iisang lugar na lang kayo," sambit ko sa sarili. Mayamaya ay oumasok ako sa isang cubicle para umihi. BLAG! Nagulat ako nang may nagbalibag ng pinto at mga yabag na papasok "Bwisit talaga iyang Rhainezza na 'yan!" narinig kong sabi nang pamilyar na boses. Kaya natigilan ako. Sila iyong nakasagutan ni Raine sa cafeteria. "Oonga Arien, mayabang tsss!" "Purkit President siya dito? Kung makaasta siya parang anak nang may ari? Tss!" "Isa pa 'yong babaeng kasama niya. Look what she have done to me!? Akin na nga iyong damit ko!" "Heto Arien.." BLAG! Napalayo ako sa pinto. "May tao ba diyan?" "O-Oo," sagot ko dito. "Tssss!" singhal niya. Narinig kong bumukas ang kabilang cubicle at malakas itong sinara. Mabuti na lang at mukhang matibay ang mga pinto dito, dahil kung Hindi kanina pa ito sira. Paglumabas dito nasisiguro kong hindi nila palalampasin. Mukhang nagalit talaga siya sa nangyari kanina, ganoong hindi ko naman iyon sinasadya. "'Yong kasama ni Rhaine kanina, kung di ako nagkakamali siya si Ellhaica Reyes. Kababata ni Rhaine at siya ang Firstlove ni Jayree," narinig kong sabi nang kasama niya kaya natigilan ako. "What!? Firstlove?" Napapikit ako. Marami pa lang nakakakilala sa akin dito. Gossh! Tama bang nandito ako? Narinig kong bumukas ang kabilang pinto kung nasaan ang tinatawag nilang Arien. "Oo Arien," narinig kong sagot ng masamang niya. "Tss, Firstlove? Napaka-cheap pala ni Jayree  noon at pumatol siya sa babaeng hindi naman kagandahan. Mabuti na ngayon may taste na siya at ako ang nakuha niya," narinig kong sabi niya. Muli na naman akong natigilan. "Natikman ka na niya?" "Oo naman, magtataggal ba kami kung hindi? Tara na nga, masyado kayong matanong." Ilang minuto akong nanatili sa loob at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa narinig ko. Napabuntong-hininga ako. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sinilip kung may tao pa ba. Nang makita kong wala na ay lumabas na ako. Tumingin muna ako sa salamin saka lumabas ng C.R. Tumingin ako sa paligid. Ngunit natigilan ako nang hindi ko na alam ang daan pabalik. "Patay, saan ba kami dumaan ni Trina?" Nataranta ako at napatakbo sa kanan pero may hagdan pababa. Sa pakakapansin ko kanina, hindi kami galing sa baba. Muli akong naglakad sa kaliwa, nakita ko naman ang hagdan pataas. Ang kaso dalawa ang hagdan pataas. May patungo sa kanan at kaliwa. "My ghad!" sambit ko at nasapo ang noo ko. Nasapo ko ang noo ko. "Aish, siguro  naman dito kami dumaan," sabi ko na lang. Dumaan ako sa kabila at mabilis akong naglakad. Pansin ko kasing tahimik na dito. Baka nagsimula na ang klase patay ako. N ang makarating ako sa dulo ng hagdan. Mas lalong naging tahimik sa lobby. "Ano ba 'yan!" Muli akong naglakad at tumitingin ako sa paligid. Napakatahimik talaga pero sigurado ako ito yong floor namin. Tented glass pa naman kaya hindi ko makita ang loob ng mga rooms dito. Tanging mga numbers lang ang nakalagay sa itaas ng mga pinto ng rooms. Malas ko at di ko alam ang room number ko. Dinikit ko ang tenga ko sa bawat pinto na madadaan ko. Kilala ko si Rhaine, kapag di pa ako nakikita no'n mag iingay iyon. Pero wala akong narinig nang ano mang ingay. Hanggang makarating ako sa huling room. Napansin kong ito iyong pinakamalaking room. Medyo nakaawang ito nang konte. "Grabe, muntik ko nang hindi makilala si Lhaica kanina." Natigilan ako nang marinig kong may nagsalita, lalo na sa pangalan ko. "Sinong Lhaica?" "Naku! Firstlove ni Jay---ohhh! Relax dud!" "Shut up Ethan." Sumilip ako at nakita ko kung sinong naroon, nakita ko sina Jayree. "Wooh! Relax Jay, ang init ng ulo mo," natatawang sabi ni Ethan. "Hindi ko agad nakilala si Lhaica kanina ah, gumanda siya." "Oo gumanda siya, kaya nga natulala si Jayree kanina hahaha!" "Kung ganoon,pwedi ba siyang ligawan?" NAtigilan ako. Nakita ko kung paano nag iba ang expression ng mukha ni Jayree at Ethan. "Huwag mo nang balakin pa Troy, dahil mahihirapan ka lalo na't firstlove siya ni Jayree Haha!" tumatawang sabi ni Ethan. "Isa pa Ethan at masasapak kita," nararamdaman ko ang inis ni Jayree. "Ay sus, aminin  mo kasing mahal mo pa siya!" PLOK! Natigilan ako nang maitulak ko nang konte ang pinto. Nakagawa ito ng ingay kaya napalayo ako sa pinto ng mapantingin sila. "May nakikinig.." Napaatras ako ng maglakad sila palapit sa kinaroroonan ko. Napatakbo ako bigla. "Ayun!" Napabilis ang takbo ko nang mapansing lumabas na sila. "My ghad!" Binuksan ko ang isang room saka ko ito ni-lock. Napalunok pa ako nang mapansing madilim pala dito. Natigilan ako nang may dumaan sa paa ko. Then another one. "O-Oh my ghad," sambit ko at bigla akong nakaramdan ng kaba. Kinuha ko ang phone ko at inilawan ang paligid at halos mawalan ako ng hininga sa nakita. "Kyaaah!" Napasigaw ako. "Oh my ghad! Huwag kayong lalapit aaah!" Nataranta ako at pinilit buksan ang pinto pero hndi ko na mabuksan. Sira pa ata ang doornob nito. Tsk! "Huhu bakit di na mabuksan? Waahh!" Napasigaw ulit ako ng may dumaan na naman sa paa ko. "May tao ba diyan?" Omo! Napatikom ang bibig ko. Malamang na narinig nila ang pagsigaw ko. "Sigurado ka ba Troy na dito iyong narinig mong may sumigaw?" "Oo diyan iyon.." "Wala namang sumasagot.." Nanlaki ang mata ko ng may lumading sa balikat ko. "Aaah! Waaah help me! Ahhh get off me!" sigaw ko. Napatalon ako sa takot at inalis ang bagay na nasa balikat ko. "Miss?" "Waah! Help me!" "Lumayo ka sa pinto," sabi nito. Lumayo naman ako sa pinto. Mayamaya ay may malakas na sumipa dito. Pangalawang beses pa, bago ito tuluyang nabuksan. "Waah! huhuhu!" Napayakap ako sa taong una kong naaninag. Sa subrang takot ko, hindi ko napigilang umiyak. "Lhaica?" Natigilan ako nang marinig ko ang pangalan  ko. Tumingin ako sa nagsalita. Si Ethan. Nakatingin sila sa akin nang kasama niya pero may isang tao akong hindi nakita. W-Wait! Tumingin ako sa taong niyakap ko. Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang makita siya. Napalayo ako sa kanya. "S-sorry, I-I just lost," nahihiyag sabi ko. "Bakit nasa loob ka?" tanong sa akin ni Ethan. Natigilan ako sa tanong ni Ethan. Hindi ko alam kung ano ang idadahilan ko. Tsk! Bahala na. "Ahhm h-hinahabol kasi ako nila Arien, kaya napadpad ako dito. Pumasok ako sa room na iyan a-at ay nakita akong mga.." "Daga?" Napalingon ako sa lalaking may hawak ng daga. Kaya napaatras ako. "Bakit ka naman hinabol nina Arien.." Napatingin ako kay Jayree nang magtanong siya. "N-Nakasagutan kasi siya ni Rhaine kanina at kasama ako ni Rhaine k-kaya galit sa akin. H-Hinarang nila ako kanina kaya tumakbo ako patungo  dito at di ko na alam ang pabalik," sabi ko at napayuko. Kailangan ko talagang magsinungaling huhuhu! "Still the old huh?" sabi ni Jayree. "S-sige alis na ako," sabi ko na lang at tinalikuran sila. "Wait Lhaica, dito ka dumaan mas lalo kang maliligaw diyan. Pagbaba mo ng hagdan, doon ka naman dumaan sa kabilang hagdan. Naroon ang mga classroom," sabi sa akin ni Ethan. "A-ah, t-thanks Ethan," nahihiyang sabi ko at ngumiti lang sa kanila. Napakamot ako batok ko at mabilis naglakad paalis. Nakakahiya hays! Sa lahat ba naman na pwedi kong makausap ay sila pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD