Chapter 3

1196 Words
Chapter 3 Binuksan ko ang pinto ng office ni ate. Dahan-Dahan lang baka batuhin ako ng katana, kapag bigla kong binuksan. Noong pumunta ako dito dati dahil sa ka mamadali binato niya ako ng katana. Success! Nabuksan ko na. "Ate!" tawag ko. Lumingon siya sa akin at pinalapit ako. May nakita akong babae na mahaba ang buhok at nakatalikod. "Here's my surpise sis," nakangiting sabi ni ate. EH? Lumingon ang babae sa akin at Waah! Siya! Nandito siya! "Ellhaica!" tili ko at tumakbo ako sa kanya saka siya niyakap. "Ack! h-hahaha Raine I-I can't breath," "Wahh! Is that really you? Maayos na ba ang binti mo? Na-operahan na ba iyan!" sabi ko at hinawakan ang binti niya.. "Sira ka talaga, matagal na iyang na-operahan. Sa korea lang ako nag aral," nakangiti niyang sabi. "Waah! Tapos dito ka na lilipat at mag aaral?" masaya kong sabi sa kanya. "Yeah, pinalipat ako dito ni ate Jasmine, " nakangiti niyang sagot. "At dahil nagkita na kayo, ikaw na ang bahala kay Lhaica," narinig kong sabi ni ate. NAKangiti akong tumango at hinawakan ang braso ni Lhaica. "My ghad bess, namiss kita! Hahaha Ate Alis na kami!" paalam ko. "Sige, ikaw na bahala sa kanya total kaklase mo siya." Tumango ako at hinila na si Lhaica palabas. "Hihihi namiss talaga kita!" muling sabi ko at pinangigilan ang pisngi niya. "A-Aray! Raine naman eh, na-miss din kita!" "You Know what bess, ngayong bumalik ka na hindi ko hahayaang may umapi saiyo." Yumakap ako sa braso niya. Ngumiti lang siya. "Kain tayo im hungry, " sabi niya. Tumango ako. "Okay lets go!" Nagkukwentuhan kami habang naglalakad patungo sa cafeteria. Papasok na kami nang may tumawag na naman sa akin. "Hoy ulan sabay tayo!" "Ulan?" nagtatakang sabi ni Lhaica at bumaling sa akin. Inis naman akong tumingin sa tumawag sa akin. "Pwedi ba, tigilan mo ako sa kakatawag na ulan!" inis kong sigaw dito. "Hihihi eh relax gusto ko eh, sino--w-wait Lhaica?" gulat na sabi ni Ethan. Tumingin sa akin si Lhaica saka kay Ethan. Pansin kong hindi niya na namukhaan ang lalaking nasa harap niya. "Ahhm geuneun nugu-ibnikka?" (who is he? ) Diyan tayo eh, nag alien language na siya. I mean, korean pala. "Ethan Carzon remember me?" pakilala ni Ethan. Nakakaintindi si Ethan nang korean, kaya alam niya. Hays! "Ethan? Is that you? Hindi kita nakilala agad, kumusta ka!" masayang sabi ni Lhaica. Lumawak ang ngiti ni Ethan nang makilala na siya ni Lhaica. Tiningnan ko silang dalawa. Duh! Nakalimutan nila ako. "Aww syempre, gwapo na kasi ikaw gumanda ka! Hahaha! " Baliw amp! "Hihihi ika--" "Hep! Tama na ang kumustahan kakain pa ang bessy ko! Shooo! Shooo! Alis Ethanim kita ngayon eh," sabi ko at hinila na si Lhaica. Tsssss, madaldal pa iyong lalaki na 'yon parang Bakla. "Grabe, hindi ko talaga siya nakilala," sabi ni Lhaica. Ito namang isa hindi maka-move on. Pinapantasyahan pa ang baklang iyon. "Oonga, kasi bakla iyon," sabi ko at namili na ng pagkain sa menu. May Improvement na ang cafeteria. May menu na at mga waiter at waitress pero mga scholar sila na nagtatrabaho dito. "Bakla? Sigurado ka?" gulat niyang sabi. Natawa ako. "Oo bakla iyon! Marami ngang kaibigan 'yan dito puro babae, at lagi siyang present pag may laro ang Basketball team," sabi ko. Nagulat naman siya sa sinabi ko hahaha! Binigay ko na ang order ko at muling tiningnan si Lhaica na tila di pa rin makapaniwala. Pinagmasdan ko siya. 6 years ago, napakahirap nang nangyari sa kanya. Mabuti na lang at na-operahan na iyong binti niya. Nakakaawa siya noong panahon na iyon at ngayong magaling na siya. I'll make sure na walang mananakit sa kanya. "Kumusta ka naman sa korea?" tanong ko habang nag inaantay ang order namin. "Okay naman ako doon masaya, kasama ko sila tita. Kaso nilipat ako ni ate dito." "Mabuti at nilipat ka dito, na-miss talaga kita," muli kong sabi. Ngumiti siya. Kaya kinurot ko ang mukha niya. "Ehhh Raine masakit," daing niya. Hinimas niya ang pisngi niya. Nang dumating ang order namin, sumubo ako ng pagkain saka seryoso siyang tiningnan. "Alam mo naman siguro ang history ng school na ito di ba," seryoso kong sabi. " Gangster ang ilan sa mga nag aaral dito." Napabuntong hininga siya. "Oo, alam ko pero pag aaral lang ang gagawin ko dito. Hindi ako magiging katulad niyo nina ate. Ayokong maging gangster o maging bahagi ng mafia," malumanay niyang sabi Napangiti ako. "Good. Don't worry im here to protect you, no matter what happen." "Thank you, Ahmm lets go! Gusto kong makita ang room natin." "Still the old huh?" Ngumiti lang siya. "Yeah," Napailing ako. Kapag pag aaral talaga siya na. Matalino kasi, well matalino naman ako hindi lang halata! hmmmm. "Okay lets go." Hinila na niya ako nang makatayo ako. Gossh muntik na akong mabangga sa mesa ah. "What the hell? Ahh s**t!" Natigilan ako at napatingin sa harapan namin ni Lhaica. "Ay sorry miss, hindi kasi kita napansin sorry talaga!" Nakita kong agad niyang kinuha ang panyo niya at pinunasan ang damit noong babaeng nadumihan ang dress. Kilala ko iyong babae, si Arien. Ang leader ng BItches. "Stop!" Pigil niya sa ginagawa ni Lhaica. Pareho kaming napatras nang tinulak niya si Lhaica. "You b***h! Look what you've done! arrghh!" Hindi pa ako nakikita ni Arien dahil nasa likod ako ni Lhaica. Nakita kong hahawakan niya ang buhok ni Lhaica nang maunahan kong hawakan ang kamay niya. "What the---Raine?" gulat niyang sabi. "Nag sorry na siya, so don't you dare to hurt her Arien or else you know what will happen to you," seryoso kong sabi. Agad niyang binawi ang kamay niya at napailing. Muli siyang tumingin sa amin. "Huh! Are you threatening me? Your just a S.C president, but you're still a loser!" sigaw niya sa mukha ko. Napailing ako at natawa sa sinabi niya. "Me a loser? My ghad Arien! Hindi ako magiging S.C president at hieress kong loser ako. Your the one who's the loser here," inis kong sabi. "Naging S.C president ka lang dahil kapatid ka ng Dean at naging heiress ka lang dahil din sa kapatid mo pero kung hindi, sa tingin mo nasa posisyon ka ngayon?" mapang asar niyang sabi. Humakbang ako papalapit sa kanya pero pinigilan ako ni Lhaica. "Tama na," sabi ni Lhaica. "At ngayon mo pa yan sasabihin! Himala at napipigilan mo iyan. Saan mo naman iyan napulot Raine at masyadong pa-inosente!" PAK! Hindi ko napigilan ang sarili ko na masampal siya. "Wala kang karapatan sabihin iyan sa kanya. Ikaw sino ka para magsalita nang ganyan? Isa ka ba sa matataas na rank dito? Kung tutuusin kapag ginamit ko ang position ko bilang heiress. Hindi lang sampal ang matitikman mo, and this girl, she is a sister of one of the Bloods Gang. Kaya siya nandito ay dahil kay ate Jasmine. Kaya wala kang karapatang magsalita sa kanya nang ganyan," galit kong sabi. Tinulak ko siya at hinagis sa kanya ang mga pagkain malapit sa amin. "Isa ka lang basura, kaya huwag kang masyadong mayabang," sabi ko dito. Hinila ko na si Lhaica paalis doon At pumunta na kami sa room namin. Nakakabwisit talaga kahit kailan iyong babaeng iyon. Nakakabwisit!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD