Chapter 5

1953 Words
RAINEZZA'S POV Panay ang tingin ko sa pinto ng room namin, para abangan si Lhaica. Kanina pa kasi siya hindi bumabalik. Nauna pa ako. "Bakit mo naman iniwan si Lhaica, hindi pa naman no'n kabisado dito," sabi ko kay Trina. "Eh pasensya ka na, hindi ko din alam. Ang sabi niya kasi alam niya na pabalik dito," sagot ni Trina sa akin. Nasapo ko ang noo ko at muling tumayo. "Samahan mo ko. Hanapin natin siya," sabi ko at tumayo. Pagkalabas ko ng pinto ay biglang may bumangga sa akin. "Ano b---Lhaica? My ghad! Kanina ka pa namin hinahanap?!" sabi ko agad sa kanya. "Ahh sorry, naligaw ako. Doon kasi ako napadpad sa kabila," sabi ni Lhaica. Natigilan naman ako. "Sa kabila?" sabi ko. NAgkatingan kami ni Trina. Bakit sa lahat nang lugar na mapupuntahan niya ay doon pa talaga. Tsk! "Hai naku! Sige Trina, aalis muna kami. Ililibot ko muna ito nang hindi maligaw pa sa susunod," sabi ko. "Sige," sagot ni Trina. Hinila ko na si Lhaica, para mailibot ko na siya sa campus. Hindi pweding magpagala-gala siya dito na walang alam. "Hindi ka dapat napunta doon," sabi ko sa kanya. Tiningnan ko siya nang seryoso. Umiwas siya nang tingin sa akin. Nasisiguro akong may nakita siya doon. "May nakita ka ba doon?" tanong ko. Bahagya siyang tumango sa akin. "Sino?" "S-Sila E-Ethan ang nakita ko. It was an accident," sabi niya. Ito iyong gusto ko sa kanya. Hindi nagsisinungaling. Alam ko kung kailan siya nagsisinungaling. "Okay, dito tayo. Mula rito matatanaw natin ang buong academy,"sabi ko. Sumakay kami sa elevator patungo sa Rooftop. Pagdating namin nakita ko kung paano namangha si Lhaica sa nakikita. "Wow! Ang ganda pala rito," namamangha niyang sabi at ngumiti. "So, lets start," sabi ko. Pinalapit ko siya sa akin at pinaupo. Ipapaliwanag ko sa kanya ang mga bagay-bagay na kailangan niyang malaman. "Itong building na ito. This is for all 3rd year college students. Malaki ito tulad ng ibang year building. Alam mo naman ang school na ito di ba? This is for elites students and Gangsters. May mga bawal na puntahan; lalo na ang elites na hindi marunong makiglaban at simpleng kakahayan lang ang mayroon tulad mo. Bawal kayong maligaw kung nasaan naroon ang hideout ng mga gangster. 'Yong napuntahan mo, hideout iyon ng mga gangster," sabi ko sa kanya. Nakita ko naman nakikinig siya sa mga sinasabi ko. Napataas pa ang kilay ko nang bigla siyang napayuko Kanina ko pa napapansin, na tila parang may kakaibang nangyari sa kaniya. Kaya naman hinawakan ko ang balikat niya. "Aside from Jayree's gruop, may nakita ka pa bang iba?" tanong ko sa kanya. Marahan siyang tumango. I sighed. "Sino?" "Daga," nakayuko niyang sabi. NApataas ang kilay ko at tila naguluhan sa sinabi niya. Anong data? "Daga?" naguguluhan kong tanong sa kanya. Sa pagkakaalam ko walang Daga Gang dito. Kilala ko kasi ang elites Gangster. Kaya imposibleng may Daga Gang dito. Nakakaloka naman ang babaeng ito "Oo daga, alam mo namang takot ako sa daga," sabi niya. Nasapo ko ang noo ko. My ghad! Akala ko naman kung ano hays! Napapailing na lang ako dahil sa sinabi niya. Alam ko naman noon pa na takot talaga siya sa daga. "Well okay,  I know. So, let's Continue as I've said, maraming bawal sa mga katulad mo lalo na at hindi ka gangster," seryosong sabi ko. Tumayo ako at giniya ko siya patayo. "Look at that place, " sabi ko at itinuro ang bahagi na matatanaw mula dito. Tumingin naman siya sa tinuro ko. "'Yan ang bahagi na hindi mo dapat puntahan. Dahil iyan ang tinatawag na Gangsters Place, diyan tumatambay ang mga gangster. Nandyan lahat ang pwedi nilang gawin," paliwanag ko sa kanya Tumango-tango naman siya habang nakatitig  pa rin Lugar na  tinuro ko. Napangiti ako, kahit kailan hindi siya nakakasawang tingnan. "At ang nakikita mo namang malaking Arena sa di-kalayuan. Diyan ginaganap ang labanan ng mga gangster. Pweding manood ang lahat, pero kailangang may kasama kang gangster na kilala mo. Tulad ko, pwedi kita isama doon," sabi ko. Tumango naman siya. "Talaga?  Isama mo ko ah, gusto kitang mapanood lumaban, " natutuwa niyang sabi. I smiled and nodded at her. "Every Friday and Saturday ang labanan ng rank. Ako, dual kami ni Trina, we're in Rank 4. Rank 2 naman sila jayree, hindi ko kilala ang rank 1 at 3 kasi minsan lang ako pumupunta doon," paliwanag ko sa kanya. Tumango lang siya at tila may naisip. "'Yon naman ang mga buildings ng mga year level. Kailangan mong tandaan ang building natin nang di ka maligaw, okay?" muling sabi ko sa kanya. Tumango siya. Pinaliwanag ko pa ang iba. May dala akong mapa kaya pinapaliwanag ko iyon sa kanya. Minsan pa naman ang hirap paliwanagan ang tulad niya. Dahil laging lumilihis nang daan hehe charity lang!   Matapos naming maglibot ay bumalik na kami sa room namin.   "Sabay na tayo, Lhaica. Ihahatid na kita," sabi ko habang nililigpit ang gamit ko saka tumayo. "Ahh huwag na, may kotse naman akong dala Rhaine," sabi niya. Wow! Bigtime na rin pala ang bestfriend kong ito. Di-kotse na rin. "Sigurado ka?" pangungumpirma ko. Bahagya siyang tumango "Oo, " nakangiting sabi niya. "Hmm, okay kita na lang tayo bukas ah? Pupunta pa ako sa office ko," paalam ko sa kanya. "Sige, Rhaine," sabi niya at tumayo na rin. "Sabay na tayo maglakad palabas, baka bigla ka pang makita nina Arien naku!" sabi ko. Mahirap na baka tambangan ng mga bruhang iyon Ngumiti siya at tumango. Sabay na kaming naglakad palabas. "Alam mo bess, huwaag kang masyadong magtiwala sa mga studyante dito ha? Lalo na kung malaman nilang kinakapatid ka ng mafia Empress," paalala ko habang naglalakad kami. Napatingin siya sa akin. Hays, bakit kasi ang inosente niyang tingnan. Pakiramdaman ko, ayokong may humawak sa kanya dahil baka masugatan. Tsk! Ano ba naman itong naiisip ko. "Bakit naman, Rhaine?" nagtataka niyang tanong. I sighed. "Eh kasi, baka isipin nilang isa ka ring mafia Hieress. Kasi ako, si Ethan, Jayree at–at Jhasselle ay mga mafia hier at Hieress. Baka kasi pati ikaw makikilala ng kalaban at gamitin," seryosong sabi ko. Nakita ko kung paano siya matigilan, nang banggitin ko ang pangalan ni Jhasselle. "Pati si Jhasselle?" hindi makapaniwalang sabi niya. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Naiintindihan ko naman ang nararamdaman niyang iyan. Naapektuhan pa rin pagdating kay Jhasselle. "Ah yes, maging si Jhasselle. Kami, kaya namin protektahan ang sarili namin, dahil sinanay kami nila ate pero ikaw hindi.  Kaya mag ingat ka lagi, okay?" sabi ko sa kanya. Tumango siya kaya ngumiti lang ako sa kanya. Tulad nang sabi ko, kami nina Ethan, Jayree at Jhasselle ay isang mafia heir at heiress. Simula nang maging isang Mafia Empress si ate Jasmine na kapatid ni Jhasselle, kinuha nila kami para mapabilang sa mafia; bilang mga heir at heiress. Sinanay kaming makipaglaban at noong mga panahong iyon ay wala si Lhaica. Makakasama sana siya sa amin pero dahil sa kondisyon niya noon ay hindi na siya isinali pa. Nagpapasalamat na rin ako dahil gumaling na siya at nakakalakad na. Matindi ang nangyari sa amin noon, at naging malaking trauma iyon; lalo na kay Lhaica dahil napilay siya noong tumalon siya sa kotse nang babaeng kumidnap sa amin. Kaya ngayon, ay masaya ako dahil bumalik na siya sa normal at nakakalakad na nang maayos. "Okay, next time na tayo magkwentuhan ingat ka," sabi ko nang makarating na kami sa office ko. "Okay sige, bye," paalam niya. I smile. Tinanaw ko siyang pababa na ng hagdan. Tsk! Kahit kailan talaga apektado pa siya kay Jhasselle. Binuksan ko ang office ko. Nagtaka ako, sa pagkakaalam ko ni-lock ko naman ito kanina Hmm, pagkapasok ko. Pinakiramdaman ko ang paligid, hindi ako nag iisa. "Kanina  pa ako naghihintay saiyo." Halos mapatalon ako nang may magsalita sa likod. Tumingin ako dito at nangunot ang noo ko nang makita ko na naman siya. Si Ethan. "What the hell are you doing here?" inis kong tanong sa kanya. He just smirked. Napaiwas ako nang tingin. Kapag ngumisi siya nang ganoon, inaamin kong napakagwapo niya. Tssss! "You know, we have a business," sabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay. Ano na naman ang pinagsasabi nang nilang na ito. "Anong business?" nakataas-kilay kong sabi sa kanya. Umupo siya sa couch at nagpadikwatro nang  sa pagkaupo. Feeling sa kanya hmmp! "We have a date  I mean," pagtatama niya. Sinamaan ko siya nang tingin. Nakakabwist talaga 'tong lalaking ito. Abnoy! "Bukas pa iyon," sabi ko at umupo sa upuan ko paharap sa mesa. "I change my mind. Isasama kita mamaya, birthday ni Ivan," muling sabi niya. Nag angat ako nang tingin sa kanya. "At sa tingin mo sasama ako?" matigas kong sabi habang tinaasan siya ng kilay. Ngumiti na naman siya. Tssss sarap tanggalan ng dimple ang putik! "Yes and you don't have a choice, 'cause you know what will happened ," nakangisi niyang sabi. I rolled my eyes. "Tssss!" "Pwedi mong isama si Lhaica, kasama naman si Jayree," nakangisi niyang sabi. Natigilan ako. "Are you making a dirty game with that two?" "Short off? But, it's not like that. She's my friend, kaya walang masama kung naroon din siya total kasama ka naman," sabi niya. "Tssss umalis ka na nga, nakakasira ka ng mood," sabi ko at kinuha ang phone ko. "Tatawagan mo si Lhaica?" tanong niya. "May boyfriend ako, kaya magpapaalam ako," sabi ko. Tumango siya saka tumayo. "Siguro naman pwedi mo na akong tigilan matapos nito" seryoso kong sabi sa kanya. Tinitigan niya ako nang seryoso saka ngumisi. "Hanggang kayo pa, gagawin ko ang gusto ko na makasama ka," seryoso niyang sabi. Kumabog ang dibdib ko dahil sa sinabi niya, na parang gusto nang lumabas sa katawan ko sa subrang lakas ng kabog nito. Natauhan ako nang marinig ang pag sara ng pinto. Anong ibig mong sabihin sa sinabi mo Ethan? "Hello?" NAtigilan ako at napatingin ako sa Cellphone ko, nang marinig ang boses babae. Si siopao naman ang tinawagan ko, kaya bakit boses babae. "Sino ito?" tanong ko. "Ako dapat ang magtanong kung sino ka. So, who are you?" mataray nitong sabi. Napataas ang kilay ko. "Where is Sarry, bakit ikaw ang sumagot?" mataray ko ring sabi. Aba, ayaw ko ring magpatalo ah! 'Honey? Who's that? ' Natigilan ako ng marinig ang boses ni Sarry at ano  raw? Honey? 'Siomai, who's she? ' 'What? Give me that.. Napatulala na lang ako. May kasama siyang babae? "S-Siomai?" narinig kong sabi niya "Who's that girl with you?" seryoso kung tanong. Natahimik siya. "Sarry, who is she?" tanong ko ulit. "She is my co-model siomai. Nag p-photo shoot na kami ngayon. Siya ang nakapansin sa Cp ko, na may tumatawag kaya sinagot niya.." sabi niya. I sighed. "Sabagay hindi na iyan bago sa akin," sabi ko na lang. Minsan kasi babae din ang sumasagot kapag tumatawag ako. Sasabihin lang niya na co-model niya 'yon. "Are you mad?" "Why would I? Okay, just take care of yourself, bye," paalam ko. "Siom---" Hindi ko na siya hinayaang makasagot pa. Sana nga at wala kang ginagawang kalokohan Sarry, dahil alam mo kung paano ako magalit. Sana hindi ka na tulad nang dati. "Nakapagpaalam ka na?" Gulat akong napatingin sa pinto. Nakita kong nakasilip si Ethan doon. Umiwas na lang ako nang tingin sa kanya. "Saan ba ang venue?" pag iiba ko nang usapan. "Sa Restobar nina Ivan. Magkita na lang tayo doon," pagkasabi niya ay sinara na niya ang pinto. I sighed. Binalingan ko na lang ang mga folder na nasa mesa. Mahirap talaga pag school president, daming gawain si ate kasi hays! Tinapos ko na ang dapat kong gawin saka ako umalis. May usapan pa kami ni Ethan. Nakakainis hays!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD