Chapter 6

2152 Words
LHAICA POV Matapos kong maglinis sa sarili ko, bumaba na ako para magdinner. Kakarating lang nina mommy kanina, kaya gusto ko silang makasabay sa pagkain. Dumiretso ako sa dining area, nang sabihin sa akin na naroon na sina mommy. Simula nang bumalik ako, ay napapansin ko nang masyado silang busy sa trabaho kaya, hindi ko palalampasin sa tuwing nandito sila. "Good evening mom, dad!" bati ko sa kanila nang makarating ako. Lumapit ako kay daddy at humalik sa pisngi maging kay mommy saka ako umupo. "How's your day baby?" tanong ni mommy. "It's good mom at nagkita na kami nina Rhaine sa school," nakangiting sabi ko. Ngumiti si mommy sa akin. "Are you sure, na doon ka na Montero academy Lhaica?" seryosong tanong ni daddy. Hindi kasi sang ayon si daddy na doon ako mag aral. Alam kasi nila kung anong klaseng school 'yon. Ngunit nagpumilit pa rin ako dahil iyon ang gusto ni ate Jasmine. "I'm safe there dad. Lalo na at naroon sila Rhaine, hindi naman nila ako pababayaan doon," paliwanag ko sa kanya. Napabuntong-hininga siya at tumango sa akin. "Kailan ang uwi ni ate mom, dad?" tanong ko habang kumakain. "Next week pa sila uuwi ija," sagot ni daddy. "Ahh ganoon ba dad? Hmm, mom ano kasi, hindi ko kasi nakita si J-Jhasselle n-nasaan po siya?" tanong ko. Nakita kong nagkatinginan sila mommy at dad. Mukhang hindi nila inaasahan ang tanong kong iyon. "It's been 3 years, since she left and went to new york. Hindi ba siya nagpaalam saiyo noon? Mas nauna pa siyang umalis kaysa saiyo," sabi ni mommy. Naibaba ko ang hawak ko sa pagkabigla, 3 yrs? Ibig sabihin sa new york na siya nagpatuloy ng highschool, pero bakit wala siyang sinabi sa akin? Bakit hindi siya nagpaalam man lang. Akala ko pa naman ako lang ang aalis noon, pati pala siya. "Are you okay, Lhaica?" nag aalalang tanong ni dad. "A-Ahm yes dad, nabigla lang ako, hindi kasi siya nagpaalam sa akin eh," sabi ko. Uminom ako ng tubig dahil sa pagkabigla. "It's alright baby. I've heard from Jassy na uuwi dito si Jhasselle at doon na rin siya sa Montero Academy magpapatuloy. Kaya magkikita din kayo doon, " sabi ni mommy. Napatango na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Jhasselle and Rhaine was bestfriend. Naging magkaibigan din kami ni Jhasselle dahil na rin kay Rhaine at dahil sa kinilala kong kapatid si ate Jasmine, na totoong kapatid niya. Ngunit, hindi ko akalaing mahuhulog ang puso namin ni Jhasselle sa iisang lalaki. Iyon ay si Jayree. Kaya naiilang akong kasama si Jayree noon, kapag kasama ko si Jhasselle. Dahil ako, alam ko na may gusto si Jhasselle kay Jayree. Ang hindi niya alam ay ganoon din ang nararamdaman ko kay jayree, para kasing tinatraydor ko si Jhasselle. "Hello!" Muntik ko nang maibuga ang tubig na iniinom ko sa gulat. Sabay kaming tumingin sa babaeng pumasok. It's Rhaine. "Hai tita! Hai tito!" bati niya kina mommy at dad "Hello ija," sabi ni dad "Rhaine, napadaan ka?" ani mommy. Nakipagbeso si Rhaine sa mga magulang ko. Sanay na ako sa ugali ni Rhaine, ganyan siya dati pa. Lumapit siya sa akin. "Actually tita, tito, isasama ko sana si Lhaica sa birthday ng kaibigan ni Ethan kung okay lang po sainyo. Huwag kayong mag aala tita, I'm here, so you dont have to worry about Lhaica," nakangiting sabi ni Rhaine. Nagkatinginan sila mommy at dad "Ahm okay, basta huwag kayong magtatagal ah?" sabi ni mom. "Before 10 at dapat nandito na kayo okay," sabi naman ni dad. Nakita kong tumango si Rhaine kina mommy at bumaling sa akin "Okay tita, let's go Lhaica!" anyaya niya sa akin. Napatayo ako at tumingin kina mommy. Tumango lang sila sa akin. Kaya bumaling ako kay Rhaine na tumango sa akin at hinila na paalis. "Saan ba ang venue, Rhaine?" tanong ko nang nasa kotse na niya kami. Naka-short siya ng itim at off shoulder na pulang damit. Samantalang naka casual dress ako ng maroon. "Sa restobar ni Ivan," sagot niya. "Restobar? As in bar?" gulat kong sabi. Ni minsan kasi di pa ako nakakapasok sa mga ganoon. Sa pagkakaalam ko, lugar iyon ng mga taong nag iinuman o may mga sumasayaw na babae o may mga bandang kumakanta. Alin kaya sa tatlong iyon ang bar na tinutukoy niya. "Yup, Bakit? Di ka pa ba nakakapasok doon?" tanong ni Rhaine Napatango ako sa sinabi niya at napayuko na lang. "Jeuz! Your 19 years old, pero hindi ka pa nakakapasok sa mga ganyan? Ako nga 15 years old pa lang sumasaglit ako sa mga Bars," natatawang sabi niya. "Sa girls school ako nag aral Rhaine, At sa korea ako nagpatuloy. Bantay sarado ako, kaya wala akong panahon sa mga ganyan," sabi ko sa kanya. Napailing siya sa akin at hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Sabagay, hindi ka naman ganyan katino kung hindi ka bantay sarado. Di tulad ko, kahit maraming bantay tinatakasan ko lang," napapailing niyang sabi. "Pasaway ka talaga!" natatawa kong sabi. Kahit ganyan ka pasaway si Rhaine, alam kong alam niya ang ginagawa niya. Kaya naman niyang protektahan ang sarili niya. Lagi siyang nag iingat. Narinig ko mula kay ate Marissa noong pumunta siya sa korea, na nagsasanay na sina Rhaine kung paano makipaglaban. Medyo naiingit pa ako noon dahil kaya nilang magsanay samantalang ako, hindi pa pwedi. Ngunit gumawa pa rin ako nang paraan dahil na rin sa tulong ni ate Jasmine. Napatingin ako sa Bar nang makarating kami ni Rhaine. Kulay pula at bue ang ilaw sa labas. Parang nakakatakot namang pumasok. "Lets go," anyaya niya sa akin. Hinawakan niya ang braso ko pero pinigilan ko siya. Kaya nagtataka siyang tumingin sa akin. "Oh, bakit?" "Ehh nakakatakot kasi.," sabi ko "Sus, huwag kang matakot nandito ako, nandiyan rinsila Ethan. Knowing them, they will protect us. Walang mangyayari sa atin, kaya tara na," sabi niya. Wala na akong nagawa ng hilain na ako ni Rhaine. Pumasok na kami sa loob. Pagkapasok namin nakita ko kaagad ang nasa loob. Napakaingay, may tumutogtog na DJ sa itaas may nag sasayawan sa gitna. May nag iinuman sa bawat mesa at mayroon din doon sa may counter. Sa tingin ko bartender iyong nagbibigay ng alak sa mga nakaupo malapit dito. "Ayun sila, tsk!" narinig kong sabi ni Rhaine. Napatingin ako sa tinuro niya. Napaurong ako nang makita ko sila na may kasamang mga babaeng nakaupo mismo sa lap nila. Maging si Jayree. Nakangiti siya habang kinakausap 'yong babae. Napansin ko ang kamay niya na humahaplos sa likod nito. Nasa leeg naman ng babae ang bibig niya. Parang tila may nadurog sa loob ko dahil sa nakita ko. Agad akong napaiwas nang tingin, nang mapatingin siya sa gawi namin. "Hey, ulan! Nandito ka na pala, di ka man lang tumawag nang masundo kita," pansin ni Ethan sa amin. Sumimangot si Rhaine sa kanya. "Tsss, wala akong number mo no. Hai Ivan, happy birthday! Mukhang hindi na kami kailangan dito ah,'' natatawang sabi ni Rhaine. Nang makita ang mga kasama nito. "Uy hindi ah! Haha thanks Rhaine! So you are Lhaica? Hai, I'm Ivan," pakilala niya sa akin. Alanganin akong ngumiti at nakipagkamay sa kanya. "I'm Lhaica, Happy birthday pala," sabi ko na lang sa kanya. Tumango siya. Magkatabi kaming umupo ni Rhaine, habang magkatabi naman sila ni Ethan. "So, ano? May ligawan na bang nangyayari sainyong dalawa, Rhaine?" natatawang sabi ni Ivan. Napairap naman si Rhaine sa kanya at tila nainis sa sinabi nito. "Ligawan? Hahaha! Funny ivan, wala no ! Itong lalaking ito manliligaw? Aba, lulunurin ko na lang sarili ko sa alak," sarkastikang sabi niya kay Ivan. Nakitawa ako nang sabay silang tumawa. Panay sila asaran, may kasama pa silang isang lalaki si Lance na tulad ni Ivan mapang asar din. Inamin ni Ivan na nililigawan niya si Trina na siyang kinagulat namin. Nakikitawa ako sa bawat pang aasar nila sa isat-isa, pero may parte sa isip ko na naiilang dahil kaharap ko si Jayree na may kayakap na babae. Nahuhuli ko din siyang napapatingin sa akin. Kaya sa twing nagkakahulihan kami nang tingin. Naiinum ko bigla ang wine na nasa mesa at inaamin kong hindi ako sanay. Napansin kong tumayo si Jayree at nagpaalam. "Tara sayaw tayo dali," sabi ni Ethan. Hinila ni Ethan si Rhaine, maging ako ay nahila ni Rhaine. Nagsayawan kami sa gitna at dahil hindi ako marunong sumayaw, saglit lang ako doon at nagpaalam ako na mag restroom. Para kasing nahilo ako at tila may gustong lumabas sa lalamunan ko. Hindi na ako nagpasama kay Rhaine dahil nakita ko naman ang way papuntang restroom. Naglakad ako patungo doon. Binuksan ko ang restroom, pagkapasok ko nagulat ako sa nakita. Parang nagsisi ako dahil pumasok pa ako. Sabay silang nahinto sa paghahalikan at tumingin sa gawi ko. Nakita kong nagulat si Jayree nang makita ako. "S-sorry, j-just continue what you're doing e-excuse me," nauutal kong pang sabi at mabilis na pumasok sa cubicle. Doon parang naghalo lahat nang naramdaman ko. Kusang tumulo ang luha ko. Hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman, parang nasasaktan ako. "Buwahh!" Napasuka ako bigla. Parang lahat anng kinain ko gusto kong ilabas. "Buwahh!" Gosssh ang pait sa lalamunan. Napaurong ako bigla nang marahas na bumukas ang pinto. Nagulat ako sa taong nagbukas nito. "Lhaica, are you okay?" Tila nawala ang pagsusuka ko sa gulat, nang makita ko siyang nag aalala. Umiwas ako nang tingin at tumango. Matapos kong i-flash ang toilet. Pinunasan ko ang bibig ko nang panyo. "Hindi ka sanay uminom?" nag aalala niyang sabi. Umiwas ako nang tingin. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya pang mag alala sa akin. "It's my first time to drink," sagot ko sa kanya. Naghilamos ako ng mukha. Napansin ko namang nakasandal siya sa pader habang nakatingin sa akin. "This is for girls restroom, kaya bakit na nandito ka," sabi ko. Naglagay ako ng powder sa mukha ko at lipgloss. "That girl brought me here, so I'm here," patukoy niya sa babaeng kahalikan niya kanina. "First time mo pa lang uminom, sana di ka na lang uminom pa," muling sabi niya. Hindi ako sumagot. Sa halip iniwasan ko siya at akmang lalabas na nang hilain niya ako bigla. Narinig ko ang pag lock ng pinto kaya kinabahan ako bigla, dahil sa ginawa niya "Lhaica," sambit niya sa pangalan ko. "W-What are you doing?" kinakabahan kong sabi. Bumaba ang tingin niya sa labi ko at muling tumingin sa mga mata ko. Hindi ako nakapagsalita dahil tila hininigop ako ng mga mata niya. "Huwag mo kong pinapakaba at binibigla Jayree," sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya. Sinabi ko iyon dahil baka kung anong mangyari sa akin. Kapag malakas ang kabog ng dibdib ko. Natatakot akong bigla itong huminto sa pagkagulat. Ngunit tila ibang-iba ang nararamdaman ko ngayon. Para bang ito ang gamot sa nararamdaman ko, ang kasama ko siya nang ganito kapalit. "Its been 3 years Lhaica and I'm f*****g miss you," sabi niya Natigilan ako nang isampa niya ang ulo niya sa balikat ko. Hindi na sya muling nagsalita at nanatili kaming ganoon. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Nalilito ako. Noon pa man ganyan siya sa akin. Sinasampa ang ulo sa balikat ko habang nakaupo kami noon. Tahimik na ninanamnam ang bawat paghampas ng hangin sa balat namin at naroon ang salitang 'pag ibig ' sa aming dalawa, kahit hindi ko sinasabing pareho kami nang nararamdaman, pero iba na ngayon. Hindi ko alam kung bakit basta may na iba. I can't say a words. I don't know what to do. May gusto akong sabihin pero hindi ko masabi. Napapikit ako nang yakapin na niya ako. Walang salita. Basta magkayakap lang kaming dalawa. Pinapakiramdaman ang isat-isa. Kusang tumulo ang luha ko. Nasasaktan ako, na tila hindi ko maiintindihan. Kay tagal ko siyang hindi nakita at namiss ko siya nang subra. Napahigpit ang yakap ko sa kanya. Para madama niya kung gaano ako kasaya, nang muli ko siyang makita. Kahit alam kong marami nang nagbago. Sana Jayree mahal mo pa rin ako. Na ikaw pa rin iyong Jayree na nakilala ko, kahit na iniwan kita nang di mo alam ang dahilan. Hanggang ngayon ay ikaw pa rin Jayree. "Ikaw pa rin Lhaica," narinig kong sabi niya. Napamulat ako nang sabihin niya 'yun. Doon ko na-realize ang nangyayari sa amin. Mabilis ko siyang naitulak palayo sa akin. "I-I have to go.." Mabilis kong nabuksan ang pinto at lumabas "Lhaica!" Hindi ko na siya tiningnan pa at nagpatuloy sa paglakad pabalik sa mesa namin. Wala pang nakaupo doon, siguro nagsasayawan pa sila. Mabilis kong ininum ang beer na nasa mesa. Nalasahan ko ang kakaibang lasa nito pero binalewala ko yun, dahil sa kabang nararamdaman ko. Hindi ko makalimutan ang sinabi niya. 'Ikaw pa rin, Lhaica..' Ako pa rin Jayree? Ako pa rin ba? Gusto ko ring sabihin saiyo na ikaw pa rin. Ikaw pa rin ang mahal ko. Ngunit hindi ko masabi at hindi ko alam kung bakit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD