Chapter 15

1918 Words
     LHAICA'S POV Friday. Nandito ako sa ground at naglalakad. Huminto ako sa lugar kong saan kami nakatayo ni Rhaine at kung saan naramdaman ko ang presensya ng isang tao sa di-kalayuan namin. Maging ang balak niyang pagbaril sa amin. I sighed. Sino kaya iyon? Wala akong ganang pumasok sa room, kaya naglakad ako patungo sa likod ng school. Natanaw ko ang mga puno doon. Gubat na kasi ang nandito sa likod ng building pero may kalayuan ito. Naglakad ako patungo sa mga puno. Umupo ako sa ilalim ng malagong puno at sumadal. Bahagya akong napapikit. Ilang araw na rin simula nang iniwasan ko siya. Inaamin kong masakit, pero kailangan kong gawin iyon. Hindi kami makakalimot sa isa't isa, kung magkasama kami. Okay lang sa akin kung poprotektahan niya ako pero ayokong nasa tabi ko siya. Okay na sa akin na nasa malayo lang siya. "Jayree," sambit ko at muling napapikit. Dinama ko ang hangin sa paligid. Ang sarap sa pakiramdam. Muli kong minulat ang mata ko at may kinuha sa bag ko. My diary. Binuklat ko ito at napangiti ako. Kinuha ko ang ballpen at nagsulat. Makapal na ang diary ko. Nagsimula kasi akong magsulat noong iniwan ko si Jayree. Dito ko sinusulat at nilalabas ang nararamdaman ko. Ngayon, muli akong magsusulat. Matapos kong magsulat, binasa ko ito. Wala namang tao sa paligid kaya nagawa ko itong ibigkas ng bibig ko.   Dear diary...         I know, I'm so stupid for letting him go away from me. In the second time, it's still hurt. Masakit na masakit na pakawalan siya. Dahil mahal ko siya pero kailangan kong gawin, dahil balang araw iiwanan ko ulit siya. Kaya ngayon pa lang kailangan ko na siyang iwasan at kalimutan kahit mahirap. God knows how much I love him, but I'm weak to fight my love. It's hard. I hope someday, makakalimutan din namin ang isa't isa.    Lhaica. I sighed. Matapos ko iyong mabasa, ipinasok ko ulit iyon sa bag at muling napapikit. (Now playing: Inside my heart is you, by Franchescka) Habang nakapikit ako ay kumanta ako habang sumasabay ang hangin. Dama ko ang katahimikan ng umaga. Those days that I'm not with you. Those days that I can't see you. I feel like, alone. Nasanay kasi akong kasama ka Jayree. Nasanay ako na laging nasa tabi mo. Masaya ako kapag magkasama tayo. Those memories we had is still in my mind and heart. I'm such a fool, for not telling you my real feelings. Your still in my heart Jayree. Ikaw lang.. Masakit na iwan ka noon. Dahil alam ko na maging ikaw subrang masasaktan. Ngayon, sinaktan na naman ulit kita. Jayree, I love you with all my heart. But this time, we need to let go each other. We need to part our ways. We need to forget each others feeling, but the memories, I'll keep it. Maging sa pagpikit ko ang masayang mukha niya ang nakikita ko. Nagflassback ang lahat ng alaala naming dalawa at napangiti ako ng malungkot. How I miss everyday that I'm with him. Inside my heart is you... Jayree Aguilar. A little kid who wants to be with me. A teenager who wants me to be his future Girlfriend and a man who wants me back in his arms. Gusto ko mang makasama ka, pero kailangan na kitang iwasan. "I love you Jayree. You're always be in my heart," I whispered. Habang nanatili ako roon ay hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako doon.      "Saan ka nagpunta? Bakit hindi ka pumasok?" tanong sa akin ni Rhaine. Uminom muna ako ng tubig. Nandito kami sa cafeteria, Lunch na kasi. Nakatulog ako doon sa punong sinandalan ko. Paggising ko tananghali na pala. Nakailang tawag na si Rhaine sa akin, kung nasaan na raw ako. "Nakatulog ako sa likod ng building. No'ng sinagot ko tawag ang mo, kakagising ko lang no'n," paliwanag ko sa kanya at muling kumain. "Likod ng building? Saang building?" nakataas-kilay niyang tanong sa akin. Tinuro ko ang building na pinanggalingan ko. Tumingin siya doon. "You mean, doon ka nakatulog?" paniniguro niya. "Sa puno," sagot ko. "Wala ka bang nakitang ibang tao doon? Hindi mo ba nakita si Jayree? Doon kasi siya laging tumatambay o matutulog sa mga puno sa likod ng building na iyan. Hindi pa naman siya pumasok ngayon," aniya. Muntik ko nang maibuga ang kinakain ko dahil sa sinabi niya. Doon rin tumatambay si Jayree? "Wala naman akong nakita," sabi ko. Napatango siya. Ngunit wala naman akong naramdamang ibang tao doon. Kaya siguradong wala doon si Jayree. "Nga pala may weekend vacation tayo kasama sila Ethan," biglang sabi niya. Agad akong napatingin sa kanya. "Huh? Sila Ethan? Pati si Jayree? " nagugulat kong sabi. "I don't know kung sasama si Jayree," sabi niya. "Pwedi akong sumama?" SAbay kaming tumingin sa biglang umupo. Si Andre Nagkatinginan kami ni Rhaine. "Okay, pwedi kang sumama," sang-ayon sa kanya ni Rhaine. "Ayos! 'Wag kang mag alala Lhaica, nandito ako para sagipin ka sa kapahamakan," nakangiti niyang sabi sa akin. NApangiti ako at napapailing. Nakita ko namang ngumiwi si Rhaine sa kanya. "So, kailan ang alis natin? At saan tayo pupunta?" nakangiting tanong niya sa aming dalawa. Napatingin ako kay Rhaine. Siya lang naman ang nakakaalam kung saan kami pupunta. "Sa tommorow 5pm, sa palawan," sagot ni Rhaine. "Okay!" masiglang sabi ni Andre. Mukhang tuwang-tuwa talaga siya. Mayamaya ay tumayo kami ni Rhaine. Kaya nagtataka siyang tumingin sa amin. "PApasok na kami, maiwan ka na namin," paalam namin ni Rhaine. Para naman siyang nabagsakan ng langit, habang nakanganga sa amin ni Rhaine. "Kakarating ko lang aalis na agad kayo," nakanguso niyang sabi sa amin. Nagkatinginan kami ni Rhaine. Nandiri siya sa inasta ni Andre. Napangiti ako at muling umupo. "Sige, sasamahan na muna kita. Okay lang ba saiyo Rhaine na samahan ko siya?" tanong ko kay Rhaine. Pinaikot niya ang mga mata "Fine. Pupunta pa naman ako sa office. Magkita na lang tayo sa room," tanging sabi ni Rhaine. Tumango ako saka siya umalis. Muli kong tiningnan si Andre na biglang natahimik. "Oh? Natahimik ka?" nagtataka kong tanong sa kanya. "Ahh wala may naalala lang ako," tanging sabi niya. Nagsimula siyang kumain . Tinitigan ko siya. Hindi ko aakalaing magaan ang loob ko sa kanya. Kahit kamakailan lang naman kami nagkakilala. "Ahm Lhaica, pwedi mo ba akong samahan?" mayamaya ay sabi niya. "Huh? Saan? " "Basta, may sasabihin ako, tara?" anyaya niya. Ngumiti ako at tumango sa kanya. Sabay kaming naglakad palabas ng Cafeteria. May tiwala naman ako sa kanya at magaan ang loob ko.       "Paano mo nalamang may daan dito?" nagtataka kong sabi. Sa gubat kasi kami dumaan. Nakakapagtaka at may daanan dito sa ilalim ng lupa. Parang secret passage kumbaga. "Si Jhasselle ang nagturo sa akin nito. Dito raw siya dumadaan noon, kapag gusto niyang pumasok sa Academy," sabi niya. "Ganoon ba? Anong mayroon sa dulo nito?" tanong ko. "Patungo na ito sa highway," sagot niya sa akin. Napatango ako. Tumingin ako sa likod nang may napansin ako. "Don't look back," halos pabulong ni Andre sa akin. Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Nasisiguro akong may sumusunod sa amin. "Malapit na tayo, huwag kang magpahalata," mariin at mahina niyang sabi sa akin. Patuloy kami sa paglakad. Natatanaw na namin ang liwananag ng lagusan. Samantalang napapansin kong malapit na rin ang mga sumusunod sa amin. "Lhaica, when I said run. You need to run," bulong niya sa akin. "B-But," kinakabahan kong sabi. Hindi ko maiwasang kabahan dahil hindi ko alam kung sino ang mga sumusunod sa amin. "Just do it," giit niya. Napatango na lang ako. Ilang hakbang na lang malapit na kami. Pinapakiramdaman ko ang paligid. My ghad! Parang may nakaabang din sa amin sa labas. "You need to hide, when get out of here. Be safe. Now run," bulong niya. Pagkasabi niya no'n ay agad akong tumakbo. Kasabay naman ang pagputok ng mga baril. Nang makalabas ako, napahinto ako nang makitang may dalawang naka ninja suit sa di-kalayuan. Dalawa lang sila kaya, kaya ko silang matakasan. Tumakbo ako sa kabila. Nakita ko silang sumunod. I run as fast as I can. Hindi ako magpapahuli sa kanila. Hindi pwedi! Naramdaman kong may hinagis sila sa akin, kaya agad akong nagtago sa puno. Lumakas ang t***k ng puso ko. Naririnig ko pa rin ang mga putok ng baril, sa kung saan man naroon si Andre. Sumilip ako kung nasaan na iyong mga humahabol sa akin. Nagulat ako nang naglalakad sila patungo sa akin. Yumuko ako at dahan-dahang naglakad. Bago pa ako makatago ulit, ay napasigaw ako dahil sa pagbato nila ng dagger. Tumama ito sa dala kong bag at napadikit sa puno. Bumaling ako sa kanila. Nakangisi sila habang naglalakad papunta sa akin. Kaya hinubad ko ang bag saka ako tumakbo palayo sa kanila. Nakaramdam na ulit ako nang takot. Bakit ba nila ako sinusundan! "Hmm," Bigla akong napahinto at gulat na gulat ako, nang may katanang humarang sa akin. Kung hindi ako huminto, wala na akong leeg ko. "Pinapahirapan mo kami.." Napatingin ako sa likod. Naroon ang dalawang humahabol sa akin at siguradong kasamahan nila ang lalaking nasa harapan ko. Andre, nasaan ka na ba! "A-Anong kailangan niyo!" nauutal kong sabi. Umatras ako at sa pag atras ko nasagi ko ang isang ugat ng puno, na siyang dahilan nang pagkatumba ko. "Kailangan namin? Ikaw," nakangising sabi ng isa sa mga humahabol sa akin. A-Ako? "Matutuwa si boss sa regalo natin. Dahil hawak na natin ang isa sa importanting tao sa buhay no'ng Jasmine ba iyon? Haha!" sabi ng isang nakatutok ang katana sa akin. Si ate Jasmine? Ibig sabihin gagamitin nila ako? Nagkatinginan sila at sabay tumawa. Kaya nakagawa ako nang paraan, saka ko sinipa ang katana na nabitawan naman niya. Agad ko iyong kinuha at dinuro sa kanila. "S-sige, subukan niyong lumapit!" nanginginig kong sabi. Nagkatinginan sila at sabay na napangisi sa akin. Naglakad sila palapit sa akin. "Really? Mukhang ikaw pa nga iyong takot kaysa saamin, haha!" sabi no'ng isa. Nanginginig ang kamay ko, kaya nagawang sipain ng isa sa kanila ang kamay ko at nabitawan ko ang katana. "O-Ouch!" daing ko dahil sa pagsipa nito. "Sige na, kailangan na nating umalis," sabi naman no'ng kasama nila. Lumapit iyong dalawa sa akin. Kaya napapaatras ako kahit wala na akong maatrasan. "N-No, 'w-wag kayong lalapit!" Napapikit ako dahil sa takot at naalala ko ang nangyari sa akin 5 years ago. Masaya kaming nagkukwentuhan nina Rhaine, kasama sila Jayree, Ethan at Jhasselle, nang may humintong dalawang Van at sapilita kaming pinasok. Tapos ngayon may kukuha na naman sa akin? God please, send someone to help me. I don't want them to drag me again. "Ahhh!" Napatili ako nang marinig ang sunod-sunod putok. Namalayan ko na lang na nakahandusay na iyong tatlong lalaki pagkatingin ko dito. "Lhaica! Are you okay?" I feel relief when I saw Andre's face. "Andre!" sambit ko napaiyak ako nang tuluyan. Agad niya akong niyakap. "Sssh, it's alright. Lets go, kailangan na nating makaalis. Paparating na ang councils, narinig siguro nila ang mga putok ng baril. Hindi nila dapat tayo makita. Lets go," sabi niya. Tumango ako inalalayan niya akong tumayo saka kami umalis doon. Hindi pa rin nawawala ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko aakalaing mauulit muli ang nangyari sa akin noon. Noong nasa Korea ako ay maraming nakabantay sa akin, kaya hindi nila ako malapitan. Ngunit pagdating dito, hindi ko alam na masusundan pa rin nila ako. Kaya ko naman lumaban, pero nangingibabaw pa rin ang takot ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD