Chapter Eight

2427 Words

Ayaw ng magpaistorbo ni Sydney. Gusto na lang niyang magkulong sa kanyang silid at magpahinga doon. Pakiramdam niya ay pagod na pagod na siya sa nangyayari sa kanyang buhay. Ang buong akala niya ay magiging maayos na ang lahat pero sa tingin niya ay mas lalo lang nagulo iyon. “Syd, someone here is looking for you,” narinig niyang sabi ni Carla mula sa labas ng kanyang silid. “I am tired. Please pabalikan mo na lang kung sino man ‘yan,” sagot niya sa kaibigan. Nakita niyang pumasok na sa silid niya ang kaibigan at kitang – kita niya ang kaseryosohan sa mukha nito. Mabilis siyang napabangon mula sa pagkakahiga. “What’s wrong?” takang tanong niya dito. “Margot is outside. She wants to talk to you,” sabi nito sa kanya. Pakiramdam niya ay nalulon niya ang kanyang dila sa nalaman.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD