Chapter 3: Knowing You

1331 Words
CHAPTER 3 Aira's POV. Dinala nila ako sa isang condo heto kunot noong nakatingin sa mga matataas na mga building na nakapalibot hindi ko alam ang ginagawa ko dito. Dalawang araw ang nakalipas ng ilibing sila Mama,Papa at Bunso. At dalawang araw naring may humahabol sakin and nagpapasalamat ako kay Ian at kay Lance dahil sa mga oras na nasa panganib ako ay nandyan sila naka-antabay at nakaalalay sakin. Ang pinagtataka ko ay bakit ako hinahabol? Anong kailangan nila sakin? Wala naman akong pera wala naman akong alahas o ano pang mga bagay na makukuha nila im just an ordinary girl living in this world full of criminal and judgemental people. "Nanlalamig na ang kape mo." Pagputol niya sa pagkatulala ko. Ang ganda ng hangin dito tanaw na tanaw ang buong building mga sasakyan. "Ian, bakit ba nila ako hinahabol?" Pagtatanong ko habang nakatingin sa mga matataas na building. Wala naman akong kasalanan wala kaming kasalanan pero bakit parang ansama-sama kong tao? Para akong kriminal na pumatay ng tao. "Hindi ko alam." Maikli niyang sagot. Sinabayan niya ako sa pagkape. "Ano bang pakay niyo sakin?" Patuloy ko sa pagtatanong. "Andito kami para tulungan ka, andito kami para iligtas ka." Paliwanag pa niya. "Iligtas sa ano? Wala naman akong atraso sa kanila and i dont know kung saang part ako nagkamali." Nalilito kung sagot. “Hindi naman ako kriminal, hindi naman ako mamatay tao?” dagdag kopa. "Malalaman din natin yan, not for now kasi napakahirap pa kumilos lalo na't init kapa sa kanila." Pagpapakalma niya sakin. "Pero mas gusto kung unang malaman ang mga pumatay sa pamilya ko, kailangan ko siyang mahanap hindi kopa nakakamit ang hustisya ipaghihiganti ko ang pamilya ko." Halos tumulo ang luha ko sa sinabi ko. Totoo naman hindi ko kailangang malaman ang atraso ko ang kailangan ko ay ang hustisya, kailangan kung makita ang hayop na pumatay sa pamilya ko. Ian's POV. Sumikip ang dibdib ko sa huling mga salitang binitawan ni Aira i really felt guilt. Ang hayop ko pinatay ko ang inosenteng pamilya ni Aira. Kung hindi kolang nagawa yun e sana ay masaya pa ang pamilya nila hindi ko mapigil mairita sa sarili ko tuwing pinag-uusapan namin ang tungkol sa pamilya ni Aira. "Tutulungan kita, gagawa ako ng paraan para mahuli ang sino mang pumatay sa pamilya mo." I clear my voice pagkatapos kung magsalita. "Salamat, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala ka." Niyakap niya ako and i really feel the sadness of her body. "Basta ikaw." Maikli kung sagot. "Wag kanang malungkot, pumapanget ka oh." Pagbibiro kopa. "Panget ka dyan wala akong pake." Sagot niya naman. Eto talaga ambilis mapikon, pero totoo nalulungkot ako pag malungkot siya i dont know what is this i can't explain. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko para bang nag-eenjoy ako pagkasama siya i-i really dont know. Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko ay biglang tumawag si Lance and im sure dala na niya ang mga papers na nagsasabi kung sino si Aira. Hindi ko siya pinag-iisipan ng masama ang gusto kolang ay ang malaman kung sino siya ano siya at bakit siya hinahabol nila Camila. "Pare, hinahanap karaw ni Mendez." Akala ko ito na si Camila pa. "Okay, im on my way." Mabilisan kung sagot. "San ka pupunta?" Napalingon ako ng tanongin ako ni Aira. "Kailangan ko muna bumalik sa opisina." Sagot ko naman. "Don't worry ihahatid muna kita kay Aya." Dagdag kopa. "Wag!" Mabilis niyang sagot na kinagulat ko naman."Wag, pulis ang kapatid ni Aya." Dagdag pa niya. "So dito ka nalang muna?" "Dalhin mo nalang ako kina Kyle." Napataas ang kilay ko sa narinig kung pangalan. "You'r boyfriend?" I ask. "Hindi, kaibigan ko siya." Mabilis niya namang napakalma ang dibdib ko. "Kaya mas mabuti na dun na muna ako." Dagdag pa niya. "Okay, maasahan naman yang Kyle siguro." Hinatid ko siya sa bahay ni Kyle at pinagbantaan na ingatan niya si Aira kung hindi patay siya sakin, napaka importante pa naman ni Aira sakin at hindi ko siya makakayang nakikitang nasasaktan. I don't know kung bakit ganito ang nararamdaman ko when it comes to Aira im so over protective e hindi naman kami magakaano ang gusto kolang naman ay ang tulungan siya at protektahan. "May kailangan kang malaman." Seryoso si Camila habang nagbabasa nang panibagong case. "Ano na naman yan?." Kunot noo kung tanong. "May kailangan kang malaman about kay Aira, ang anak ni Mr.Filoteo na natitirang buhay." Bigla akong nagseryoso at umupo sa tapat niya i gave her a sharp and a serious eye contact. May nalalaman siya about kay Aira na hindi ko nalalaman. "What is it?" Kunot noo kung tanong. "Aira Filoteo is not her true name." Derekta niyang sinalaysay. "Aside from that, hindi niya tunay na pamilya ang mga namatay." Dagdag pa niya. "Alam niyo naba ang tunay niyang pangalan?" Tanong kopa. "Hindi pa, Aira is adopted only kailangang mahanap ang tunay niyang pamilya." Camila stated. "Salamat sa info na ibinigay mo." Tumayo ako at akmang aalis pero bigla akong hinawakan ni Camila sa braso. "I-ian. Pa-pano tayo?" Nauutal niyang tanong. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, yes naging kami ni Camila long time ago at ngayon ex ko siya but wala nakong may nararamdaman pa ang tanging iniisip ko ay si Aira kailangan ko siyang tulungang mahanap ang pamilya niya. "We're over." Bago ako umalis ay naiwan siyang naistatwa. I came up to City Registrar tinulungan ako ni Lance na maghanap na maghanap ng mga katibayan. "Pre, sasabihin kona sana pero naunahan ako ni Mendez." Pagpapaliwanag pa ni Lance. "It's okay." Sa kalagitnaan nang aming paghahanap ay nakita ko ang copy ng Live Birth ni Alice at parang kinutuban ako so i decided na imbestigahan pa siya ng mas malalim pa. "Pre, may kaso pa tayo kailangan nating matapos to minamadali e." "Bakit minamadali ang kaso ni Mr. Wong?" Kunot noo kung tanong. "Siguro may mas malalim na rason kung bakit." Sagot pa ni Lance. Umuwi muna kami at kinuha si Aira sa bahay ni Kyle, ngunit nabigo kami hindi namin siya naabutan. "Umalis si Aira, nag-aalala kami kaya hinabol siya ni Kyle umiiyak siya." Paliwanag pa ng mama ni Kyle. "May number kaba ni Kyle?" Tanong pa ni Lance. "Kakatawag niya lang sinabi nasa WWW daw sila sa Luis Beach malapit dito." Dali-dali kaming umalis at nagpaharurut ng sasakyan. Kalmado lang ako lalo na't pag mamay-ari pa ni Mr.Wong ang resort na ito sa likod ng resort na ito ginagawa ang mga coccaine shabu at iba pang illegal and ofcourse binebenta din nila sa customer nila. Pumasok kami at andaming nagsitinginan, mabuti nalang at nakasibilyan kami mas madali pag nakasibilyan para hindi mahalata. Agad kung hinanap si Aira at si Lance ay umorder para di mahalata at sabay na nagmamasid spy kumbaga. "Aira halika na." Hinatak ko siya mula sa pagkakaupo. "Ano ba! Bhithwan moxhc akoh!" Lasing na lasing na siya at si Kyle walang magawa. "You'r drunk." Kalmado kung sagot. "Hanobang pake mo!?" Sigaw pa niya. "Sino kaba?!! Ano ba kita!?" Patuloy niya sa pagsisigaw. "Andito ako para tulungan ka Aira." Pilit ko paring kinakalma ang boses ko. "Bakit sa tuwing may nangyayari sakin adyan ka?! Bakit!? Hindi naman kita asawa! Hindi naman kita nobyo! May gushto kaba sakin?!" Lasing na lasing niyang sigaw sabay iyak. Biglang tumahimik at biglang lumakas ang ihip ng hanging "Oo!" Napatingin siya sakin. "Kaya nandito ako dahil mahal kita, mahalaga ka sakin." Dagdag kopa. Hindi siya nakasagot sa mga sinabi ko, at lalong ako hindi ako makapaniwala sa nasabi ko. Pero totoo yun takot akong mawala siya, mahalaga siya sakin i dont know kung bakit para kasing napaka importante niya sakin. Iniuwi kona si Aira pinatulog ko muna siya bago bumalik dun kailangan pa naming tapusin ang kasong ibinigay samin. Binalikan ko si Lance at patuloy parin siya sa pag-iimbistiga kung tunay nga bang may kababalaghan sa resort na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD