CHAPTER: FOUR ✓

2237 Words
CHAPTER 4 Ian's POV. Bumalik ako sa resort at tinulungan si Lance sa pag-iimbistiga kailangan namin ng malakas na ebidensya at kailangan na namin tong tapusin within two days. Nakita ko si Lance na nagmamasid at kailangan kong umarte na customer at kanina lang ay sabay kaming pumasok ni Lance sa resort kaya mag acting ako na may hinatid. "Uyy pre! Pasensya na't pinaghintay kita." Nagulat pa si Lance at alam niya na planado to. "Kailangan kona kasing ihatid si Aira." Dagdag kopa sabay order. "Okay lang pre na-enjoy ko naman sarili ko at di ako na bored." Sagot niya. Mukhang tinamaan na si Lance sa inorder niya. "Pre, wag magpakalasing kailangan pa natin ng ebidensya." Bulong kopa sa kanya. Pumunta ako sa corner ng backstage kung saan may nagpe-perform at kung saan kita ang mga tao sa backstage at ang kabuo-an ng bar. I was pretending na lasing na ako at kailangan kung maglagay ng camera device sa vase na ito, ang ganda ng vase puno ng bulaklak at kailangan kung mailagay ang device nayun at para malaman naman ang bawat kinikilo ng mga tao sa loob. Sinadya kung hindi tumingin sa daan upang mabangga at para madaling makagalaw. "Ano ba!!" Pagsigaw ng lalaking lasing. "Hindi kaba tumitingin sa dinaanan mo?!" Dagdag pa niyang sigaw. "Pasensha naphoo." Sagot ko naman. "Hinahanap kolang ang cr." Dagdag ko pa. Nailagay ko nang maayos ang camera device nang hindi nakikita, sinadya kung mapunta sa vase at para mailagay ng maayos. Dali-dali akong lumabas papunta sa sasakyan, tinted ang sasakyan ko kaya di nila makikita ang gagawin namin. Sumunod naman si Lance na gumawa pa nang eksena para hindi mahalata. Saktong umihi siya sa pader ng lumabas ang guard at tignan siya. Siguro napansin kami sa mga paggalaw namin, marami din kasing cctv sa paligid sinisigurado nilang walang may makakapasok na pulis sa club at resort nila. Binuksan ko ang laptop ko at dun na tumutok sa mga galawan nila sa loob, maraming tao at marami ang nagsilabas masok sa backstage meron din mga kapansing-pansin. Maya-maya pa ay nakita kong may nagbibigayan at may nag-uusap at nagtuturo pa ng daan papasok. Hindi mona ako nag react gusto kopa ng matibay na pruweba. Binigyan ako ni Lance ng kape, habang tutok na tutok ako sa monitor at binabantayan ang bawat kilos ng mga tao sa loob. "May ka pansin-pansin sa likod niyan." Pagtuturo pa ni Lance sa backstage. "Yes, maraming customer ang labas pasok." Sagot ko naman. "Kailangan natin pumasok diyan." Lance rebutt. "Wag ngayon, we have to set our plan before we enter." Sagot kopa. Kailangan namin ng kasama dito, kailangan namin magpalit ng identity bago sumalakay. Hindi to simpleng kaso lang malaki at marami ang magbabago dito. Busy si Lance sa pagda-drive ng biglang may nag pop-up sa cellphone ko, nagtaka naman ako at dali-daling tinignan. Isang text mula sa private invistigator ko, yah pina-iimbistigahan ko si Aira para sa katotohanan at para malaman niya na hindi siya Filoteo. From: Agent IV-Luis "Sir nasa San Enrique Chapel ang tunay na Birth ni Aira bahay ampunan yun at nandun ang madre na nag-alaga sa kanya." Dali-dali kung tinignan si Lance na kinagulat niya. "Deretso tayo San Enrique." "Bakit pre??" Kunot noong tanong ni Lance. "Dun natin malalaman ang tunay na pangalan ni Aira, kailangan natin maunahan si Mendez." Paliwanag ko naman. I checked my wristwatch and its already 5:30 in the morning, sigurado ako tulog pa yun. 1Hour and 30Minutes na byahe ilang bayan pa ang dinaanan namin bago narating ang San Enrique dumiretso pa kami kung saan nandun ang chapel. Tumigil ang van sa tapat ng chapel at bumaba ako si Lance naman ay dumiretso sa Walter Mart para mamili ng pagkain sa van. "Tao po!" Pagtawag ko. "Tao po!" Nakailang tawag pa ako bago lumabas ang isang matandang madre. "Ahh magandang umaga po." Pagbati ko at pagmano. "Hijo, wala pang hangin kaaga-aga ano ang kailangan mo?" Kunot noong tanong niya. "May tatanong lang po sana ako." "Sige hijo, magtanong kalang sasagot ako." At parang hindi naman siya tatanggi sa mga itatanong ko. "May bata poba dito noon na kinuha ni Mr. Arnold Filoteo?" Diretso kong tanong."Dito din daw siya sa bahay ampunan at inalagaan siya dito." Dagdag kopa. Mukhang napa-isip si Mother sa mga natanong ko at kumunot ang noo niya, parang nararamdaman ko na may kakaibang nangyari sa kanyang nakaraan. "Halika hijo, pumasok ka dito." Pinapasok niya ako sa chapel kung saan makikita ang mga pangalan at apilyedo ng kanilang inaalagaan. Pumunta kami sa alphabetical bookshelf kung saan nakalagay at nakahelera at tumungo kami sa pampitong bookshelf. Parang library ang dating dito at andaming libro. "Ako nga pala si Ellay hijo." Pagpapakilala niya. "Ian nalang po Mother." At nakipag-kamay ako. "Ang inampon ni Sir Filoteo ay iniwan dito noon ng isang maid, dahil natatakot siya na baka sumunod ang bata sa Papa niya at naawa siya sa bata baka mapano palagi kasing nakikipagbarilan ang amo niya kaya dinala niya dito." Mother Ellay Stated. "Nakikipag barilan?" Kunot noo kung tanong. "Yan ang kwento ng Maid kaya kinuha siya ni Teresitta ang dating presidente at ang humahawak ng ampunan." Mas lalo akong naguguluhan sa mga nalalaman ko. "Bakit po nasan napo yung dating humahawak dito?" Pagtatanong kopa. "Pagkatapos na kunin ni Teresitta ilang araw ang nakalipas ay sinugod siya ng mga armadong tao at pilit pinapaamib kung may dinala ba ditong bata." Tila isa-isa nang namumuo ang puzzle sa utak ko. "Namatay si Teresitta at sa awa ng diyos hindi nila ginalaw ang mga bata." Dagdag pa ni Mother Ellay. May kinuha siyang brown envelope at dun ko nakita ang pangalan ng bata at parang natulala ako sa mga nakita ko. "Eto ang batang kinuha ni Sir Filoteo dati, nandyan ang kontrata at mga pinirmahan nila." Isa-isa niyang kinuha at pinakita sakin. I can't believe this, parang ang gulo ng utak ko hindi ko ma explain. "Uyy! Kanina kapang tulala wala kaman lang kinwento tungkol sa nangyari." Pagtabig pa ni Lance. "Aysssttt i can't believe." Sabay hagod sa buhok ko. Kailangan kung protektahan si Aira laban sa kapahamakan kailan kung itago lahat ng nalalaman ko kailangan ko siyang itakas sa peligro. Kumuha ako ng soda sa maliit na ref sa likod ng van, baka isipin niyo van na normal lang etong ginagamit namin no, its customize van na merong c.r, ref, kusina, or even kama. Malaki-laki tong van na itim and its tinted hindi matatablan ng bala o kahit na anobg baril. Pinagawa ko talaga to para kung saang misyon kami sumabak ready kami sa pagkain, cr at matutulugan. Gumastos talaga ako dito kaya ngayon eto yung ginagamit namin. Dumiretso na kami sa bahay kung saan ko dinala si Aira, im sure gising nayun sana nandun si Adrian nang maipagluto man lang si Aira. Sigurado ako nagutom yun at masakit ang ulo andami pa namang nainom kagabi. Aira's POV. Ang sakit nang ulo ko parang mawawasak sa sobrang sakit, napaupo ako habang hawak-hawak ang ulo ko sa sobrang sakit. Dumilat ako at ang ganda ng kwarto ang sarap sa mata. At dun nagsink-in sa utak ko kung nasan ako? Teka? Kaninong kwarto na naman to? Inilibot ko ang paningin ko hanggang sa. "Goodmorning." Isang lalaki ang biglang nagsalita at nagbigay ng napaka gandang ngiti sakin. Ang gwapo niya at ang pula ng mga labi niya, napaka hot niya sa suot na white sando at maikling shorts, parang artista. Pero may kahawig siya. "Nasan ako?" Parang nataranta ako at tumayo agad pero natigilan ako ng iba na ang sinusuot ko, tinignan ko kung may suot ba akong bra pero wala! Hindi kona tinignan kung may suot akong panty at dali-daling lumabas. "Woaaaa, Ms. Aira kalma lang okay?" Pagpipigil niya sakin. "Nasan ako?" Pag-uulit kopa. "Bakit iba na ang suot ko? Sino ka? Sino nagbihis sakin?" Sunod-sunod kung tanong. "We-wait, okay? Kalma lang." Pagpapakalma niya sakin. As if naman na kakalma ako na ganito na nangyayari sakin? Sino ang hindi magpa-panic na pagkagising mo mula sa masarap na tulog ay iba na ang kwarto? Iba na ang suot mo? At hindi kopa kilala tong lalaki to! "Okay..." Pagkakalma ko. "Adrian.." paglahad niya ng kanyang mga palad, pero imbis na makipagkamay ako ay binigyan ko siya ng kunot noong question mark. "Okay, Adrian kapatid ni Ian at nandito ka sa bahay namin ok?" Pagpapaliwanag niya. "Nasan siya?" "Nasa trabaho." Sagot niya. "Dont worry hindi kita hinubaran, Yaya did it kasi sumuka ka at ang baho." Pangsusura pa niya. "Wow?" Napawow nalang ako sa nasabi niya. "Bumaba kana munting prinsesa ni kuya ipinagluto kita." At talagang napaka kulit nito. Dumiretso ako sa C.R at naghilamos habang naglalakad ako ay hindi ko magawang mamahang sa bahay nila it feels comfortable parang isang sikat na hotel na pinagmama-ari ng pinakamayang nilalang sa buong mundo. Dumiretso ako sa hapagkainan at tamang nagutom ako sa mga nakita kung ulam,at hindi parin tumitigil sa pagngiti nito. "Mm, can you tell me about yourself?" Pagtatanong kopa. Habang kumukuha ako ng pagkain ay nakaramdam ako ng hiya, pano kaya pagbiglang magising ang Mommy nila ano kaya sasabihin nila? Pano kaya pagdumating ang Daddy nila? OMG? "Im Adrian Frondoso but can you call me 'Yan' for short." Diko mapigilang hindi siya panoorin napakagwapo nitong nilalang. "College and i want to be a lawyer someday." Dagdag pa niya. "Mommy and Daddy niyo?" Mukhang pumakla ang ngiti niya nang binanggit ko ang Mommy at Daddy niya. "Bata palang kami nang mamatay sila sa aksidente." Napayuko siya sa sagot niya. "Sorry, hindi ko naman-" magpapaliwanag na sana ako pero nagsalita pa siya. "Kumain kana lang." Mabait tong isa to, bagay na bagay ang ugali niya sa itsura niya. Karamihan kasi sa mga gwapo ay abuso, mga babaero pa. Pero hindi ako magtataka kung marami ang nagkakandarapa sa kanya. * * * "Gusto kung umuwi ng probinsya." Sambit kopa habang nakatangin sa magagandang bituin kasama si Ian. "Hindi mo nasabi sakin na may uuwian kapa." Bakas ang pagkagulat niya sa sinabi ko. "Tanging si Nanat Esther nalang alam ko na pwede kung uwian sa probinsya." Paliwanag kopa. "Ayoko, hi-hindi ako papayag." Napatingin naman ako sa sinabi niya. Bakit? Hindi ko naman sila kaano-ano e at tsaka nakakahiya dito. "Ian, pabigat lang ako dito may trabaho kapa." paliwanag kopa ss kanya. "Para sakin hindi ka pabigat, basta hindi ka aalis." "Ian, hinahabol ako ng kamatayan lahat ng mga tao galit sakin, kaya mas mabuti nang umuwi ako sa probinsya." Hindi ako nagpatinag. "Ako ang tatapos kay kamatayan, hindi moba alam na mas mapapanganib kung umuwi ka dun? Sayo na nanggaling na hinahabol ka ni kamatayan then sino ang magpoprotekta sayo?" Napatulala ako sa kanya sa mga binitawan niyang salita. "Diba sinabi kona sayo?" Dagdag pa niya. "Na ano?" "Na gusto kita--" Binigyan ko siya ng kunot na noo. "Pero hindi kita gusto." "Ililigtas kita sa mga tao masasama, mahalaga ka sakin Aira." Parang guguho ang mundo ko sa mga sinasabi niya. Parang kinilig ako pero bakit? Hindi naman kami gaano ka kilala hindi ko naman siya oinilit na iligtas ako sa kapahamakan kaya pala niya to ginagawa kasi gusto niya ako. "I will do anything to make you fall in love with me." Parang tumagos sa katawan ko ang malakas ma hangin na humampas sa katawan ko. "Coz im Scared to be lonely." Dagdag pa niya. Hindi koto inaasahan na ganito ang sasabihin niya, sa ngayun hindi kopa masasabi ang nararamdaman ko kay Ian nagulat ako sa pabigla-bigla niyang damdamin. Third Person's POV. Napamahal na si Ian kay Aira at hinding-hindi niya kailangang pabayaan si Aira dahil sa panganib na nalaman ni Ian. May isang malaking problema ang aatake kay Aira, isang malaking kaguluhan. ~F L A S H B A C K~ "Teka eto yung info at katibayan ng lahat, andiyan narin ang pirma ni sir Filoteo na adopted si Ms. Aira." Sabay pag abot ni Mother Terresita kay Ian ng Envelope. Ngunit may isa pang envelope ang kumuha ng atensyon kay Ian at kinuha niya eto upang tignan. Nagulat nalang si Ian nang mabasa ang pangalan ni Alice Ferraris. "Uhh, e sino to?" Sabay pinakita ni Ian ang envelope na nakaukit ang pangalan ni Alice. "Hi-hindi ako sure hijo kung kapatid ni Ms. Aira yan." Nagdadalawang isip na sagot ni Mother Teressita kay Ian. "Sabay sila na ipina-ampon ng Yaya at ang huling nasabi niya lang ay Alice At Allyssa ang pangalan ng mga bata." Napatingin naman si Ian sa Madre. "Si Allyssa ay siya siguro yung inampon ni Mr.Filoteo si Aira ba yun?" Dagdag pa ni Mother Teressita. "Ibig sabihin isa sa kanila ay si Alice at ang isa si Alyssa?" "Oo hijo, kung nagkamali kami sa paglagay ng pangalan ay ang Yaya nalang ang nakakaalam kung sino si Alyssa at sino si Alice." Paliwanag pa ni Mother Teressita. "Malaking problema to." Napabulong pa si Ian. Nagtataka si Ian kung bakit si Aira ang hinahabol nila dahil baka siya si Alice? Oh baka naman nagkapalit lang sila ng pangalan? Paano kaya ito malulutas ang problemang to? ~E N D O F F L A S H B A C K~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD