16. STRANGE. “TJ? Bakit kayo magkasama?!” “Tana? A-ano’ng....” Magkasabay na nagsalita ang mga nasa harapan nina Yanna’t TJ. Sina Joice at Kristoffer. “What?! Sumagot kayo! Bakit kayo magkasama!” naiinip na sigaw ni Joice. Bigla namang natauhan si Yanna at bigla niyang inalis ang pagkakahawak ni TJ sa kamay niya. “Kailangan talagang sumigaw? Nakakapagod ‘yan, ‘te. Gusto mo ikuha kita ng mic?” may pang-iinis sa tonong sabi niya kay Joice. Bakit kasi kailangan pang sumigaw? Para agaw atensyon, gano’n? Pwes, ayan at nasa kanila na nga ang atensyon ng ibang estudyante ngayon. “’Di ba ang sabi ko sa’yo, ‘wag na ‘wag ka nang lalapit sa kanya? TJ, ano ba naman! Gusto mo bang masaktan na naman? My God, TJ!” inis na bulyaw ni Joice kay TJ na parang hindi siya narinig na nagsalita.