15. Oh, no.

1392 Words

15. OH, NO. “I’LL text bebe na lang, okay? Guys naman nasa campus tayo, hello? Hindi ‘yun mawawala,” ulit ni Bea sa kaninang sinabi niya. “Ay, oo nga, ‘no? Sige, you text her na, chibugan na!” Walang’yang bakla talaga ‘to. Natatawang nailing na lang si Bea. Kumain na nga sila. Siguro naman, maya-maya lang, susulpot na rin si Yanna, ‘no? Naramdaman niyang may mga naupo sa likod na table nila. “Hi, guys.” Narinig niya ang boses ni Neil. Ugh. Biglang nawalan agad siya ng gana. Syempre, kung nandyan si Neil, nandyan din ang barkada nito. “Uy, fafas! Join us here na lang! Come, come, come!” aya ni EJ sa mga ito. “’Wag na lang, EJ. Baka may magpapansin dyan, e. Dito na lang kami,” narinig niyang sabi ni Jake. “Ay?” Parang mga nalitong nagtinginan sa kanya ang barkada. One, two, three.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD