17. BEA. “HOY, TJ. Bakit ba kanina ka pa ngingiti-ngiti dyan, ha? Ganda ata ng gising mo ngayon?” puna ni Joice kay TJ habang kumakain sila ng agahan kasama ang mga magulang ni TJ. “Oo nga naman, ‘nak. Bakit parang ang saya mo yata ngayon?” maintriga ring tanong ng mama ni TJ. “Wala, Ma,” hindi pa rin maitago ang ngiting sagot ni TJ. “Ahh, Joice, iha... Tumawag na ba ang mommy mo? Hindi ko pa kasi siya nakausap ulit kahapon. Pumayag na bang dito ka muna tumira?” tanong naman ng papa ni TJ kay Joice. “Syempre naman, Tito, napapayag ko na si Mommy na dito muna ako titira. Pumayag na rin kasi si Daddy. At least, magkasama na kami ni TJ, ‘di ba po?” natutuwang sagot naman ni Joice. TJ patted Joice’s head. Sweet talaga nito sa kanya. “Talagang nagiging possessive ka na kay TJ, ha?” b