4. BABALA.
GUSTONG mainis ni TJ sa sarili niya and at the same time, matawa. Mainis dahil hindi niya maintindihan kung bakit si Yanna ang nasa isip at tinititigan niya habang sinasabi ang mga katagang ‘yon kay Lexi, matawa naman dahil hindi niya alam kung saan nanggaling ang mga kabaduyang ‘yon.
Kadiri, amputa. Sobrang nabaduyan siya sa sarili niya at kung paanong lumabas ang mga ‘yon sa bibig niya, hindi niya alam.
Pero hindi ‘yun, e. Matagal na niyang nakalimutan si Yanna pero bakit ngayong nagkita na ulit sila, parang mas nagustuhan niya pa ‘to? Parang bago ang nararamdaman niya, e. Hindi katulad nu’ng dati.
Gusto? s**t, what the hell was wrong with him? Ang tagal niya bago makalimot, pero ngayon...?
‘Wag ngang tanga, Troy, sermon niya sa sarili niya.
**********
“YANYAN, baka naman ex mo talaga si TJ kaya gano’n na lang makapagparinig sa’yo?” tanong ni Julia kay Yanna.
Syempre, malamang na nahalata rin nito’t ni Bea na sadyang parinig ang sinabi ni TJ kanina.
Nasa tambayan na nila sila ngayon—sa steps ng T.H.E room. Kadarating lang nila at nadatnan nga nila sila Kiray, EJ, at Yen doon.
“Bakit mo naman nasabi, Jules?” tanong ni Yen.
Naupo siya sa ibabang step mula kay Yen.
“E, kasi, ganito ‘yun. Kanina……”
At ikinwento na nga nina Julia’t Bea ang kaninang nangyari.
“WHAT?! Gags, baka nga ex mo talaga! Kilalang-kilala ka kaya. Kaila ka pa ‘te!” reaksyon agad ni Kiray.
“Nye? Adik. Hindi ko nga rin alam kung bakit pinagpipilitan niyang naging girlfriend niya ‘ko, e. As in, hello? Hindi naman ako nagka-amnesia or whatever. I admit, kaunti lang talaga ang naaalala ko noong Grade 6 pababa ako.” Paano, kapag walang kwenta, hindi niya na tinatandaan. Ewan, pero gano’n talaga siya. Hanggang sa tuluyang kakaunti na lang talaga ang naaalala niya noong bata siya. “Pero hindi naman siguro ako magbo-boyfriend nang gano’ng kaaga, ‘di ba? Promise. Ngayon ko pa lang siya nakilala.”
“Loka, kahapon pa,” bara ni EJ sa kanya.
“Gagu,” birong ganti niya.
“Haha. Kasi naman, ‘te!”
“Pero sa tingin n’yo? Bakit kaya?” tanong ni Yen.
“Who knows?” kibit-balikat niya.
“Pero alam mo, beh? Nako! Muntik ko nang sabunutan ‘yang Lexi na ‘yan kanina. Pinagkakalat ba naman na malandi ka? Kesyo papansin ka raw kay TJ at inaagaw mo sa kanya? Naku lang talaga!” gigil na pagbibigay alam ni Kiray. Classmate nga kasi nu’ng tatlo si Lexi.
“True, beh! Kaunti na lang talaga, pagagapangin ko na sa lusak ‘yung bruhilditang chever na ‘yun! Kaloka! Gigil!” gigil ding sabi ni EJ pero kwela, with matching hand gestures pa.
“Buti na lang talaga at nando’n ako para pigilan sila,” iiling-iling na sabi naman ni Yen.
Sina Kiray at EJ ang pinaka-game sa kanilang makipag-away. Mas malala sa kanila nila Julia’t Bea, handa talaga ang mga ‘tong makipag-away kahit pisikalan. Habang si Yen naman, natitirang good girl sa kanila, hindi palaaway. Peacemaker pa nga.
“Guys... Kiray, EJ… para walang g**o, ‘wag niyo nang pansinin si Lexi. Wala naman akong pakialam kahit ipagkalat niya pang p****k ako, e. Basta ba alam niyong hindi totoo ‘yun at naniniwala kayo sa’kin. Okay na ‘yun, ‘no.”
“E, gaga ka talaga. Okay lang na masira ang image mo sa iba? Kilala ka namin kaya dapat lang na ipagtanggol ka namin, ‘no!” Inirapan pa siya ni Julia.
Napangiti siya. “Kayo lang naman ang mahalagang maniwala sa’kin. Kayo lang naman ang pinakikisamahan ko. Wala akong pakialam sa iniisip ng iba, ‘no,” seryosong sagot niya. “Tama na nga ‘yan! Tara na kayo, bili muna tayo. Gusto ko na ng Moo,” aya niya na sa mga ‘to. Alam niya kasing hahaba lang ang topic about sa image niya. E, wala naman talaga siyang pakialam doon.
**********
After all classes, club naman. Club day kasi nila tuwing Tuesday, at kahapon, nakapili na sila ng club na gusto nilang pasukan. Silang magbabarakada, bakasyon pa lang napagkasunduan na nila na sa VB Sports Club—pinag-merge na volleyball and basketball club—ang sasalihan nila. Isa kasi ‘yon sa dahilan kung bakit nagkasama-sama silang madalas at halos wala nang hiwalayan noong 3rd year sila. Pare-pareho kasi silang mahilig mag-volleyball. And luckily, tanggap silang lahat.
“Good afternoon, Sir Ocampo!” kinikilig na bati agad ni EJ kay Mr. Ocampo—ang club moderator ng VB Sports Club. Sa St. Augustine Building, second floor ang room para sa club nila.
“Good afternoon,” nakangiting bati naman ni Sir Ocampo kay EJ. “Okay. Kumpleto na ba kayo? Pirma na kayo rito.”
Isa-isa silang pumirma sa attendance.
“O, nasaan sila Diego, Neil Kenneth, Alexis, Jake, at Troy?” tanong ni Sir Ocampo habang sinusuri ang attendance. Kilala na nito si TJ dahil P.E teacher nila ‘to at nai-meet na nito ang section nila kahapon.
And so hanggang dito pa rin pala, magkakasama sila ng bagong salta? Well, she knew Neil, Diego and Jake were also in the club last year and so was Lexi. But TJ? Jusmiyo.
“Good afternoon, Sir!” Bigla na lang narinig nila ang chorus nila Lexi, Jake, Neil, at Diego mula sa pintuan. Mukha namang hindi bumuka ang bibig ni TJ kaya sure siyang ‘yung tatlo lang ang nagsalita.
“O, andyan na pala kayo. Pasok na nang makapag-umpisa na tayo,” sabi ni Sir Ocampo. At naupo na nga ang lima sa harapang pwesto nila.
“So… sino ang magiging President natin?” tanong ni Sir Ocampo.
“Hindi ba nila kilala si Noynoy?” bulong niya kay Bea.
Natatawang sinaway lang siya nito at nag-focus kay Sir Ocampo.
“Oo, ‘no, Yan? Teacher pa man din,” bulong naman ni Derick na nasa likuran niya na naman. Hanggang dito ba naman? Paano, kasali rin ang mokong sa basketball varsity.
Saglit na nagpaalam muna si Sir Ocampo dahil in-excuse ng isang teacher.
Nilingon niya na si Derick.
“Kausap mo?” pagtataray niya rito.
“Lolo mo.”
Aba, nambabara?
“E, gago.”
“Sshh! Tumahimik nga kayo.” Nilingon sila ng nasa harapang si Lexi. Katabi nito si TJ dahil obviously, glued girlfriend.
“Ano na naman? Inggit ka? Tara, barahan tayo,” aya niya kay Lexi. Kairita, e. Hindi naman kinakausap, biglang sasabat.
“Mag-isa ka!” mataray na sabi ni Lexi sa kanya.
“Talaga. Bakit, dalawa ka ba?”
“TSE!” Iningusan siya ni Lexi.
“Basag!” malakas na sabi ni Kiray at nagtawanan hindi lang ang barkada niya, pati na rin ang mga clubmates nila dahil dinig ng mga ito ang sagutan nila ni Lexi.
“Tse! Mga bwisit!” Lexi.
“Ikaw mukhang singit.”
“Tse!”
Tse nang tse. Tsenelasin niya ‘tong babaeng ‘to, e. Arte-arte.
Inirapan pa talaga siya tsaka naiinis na lumingon sa harapan, tsaka kumapit na naman sa braso ni TJ na prenteng-prenteng nakaupo lang.
Napailing na lang siya. What a clingy girl. At nagtataka lang siya kay TJ, e. Binabasag niya na nga ang girlfriend nito sa harap ng marami pero wala pa ring pakialam? How great was his love naman pala.
“TJ , baby kooo.” Maarte ang pagkakabikas na pinarinig pa talaga ni Lexi sa lahat ang paglalambing kay TJ.
“Iyong-iyooo,” panggagaya niya rito kaya napatingin ulit ng masama si Lexi sa kanya.
Panggago kasi. Nakakaumay kaya.
“Ay, ati! Kung ako sa’yo, tatahimik na lang ako,” natatawang sabi ni EJ kay Lexi.
“Sorry, you’ll never be me,” mataray na sabi naman ni Lexi kay EJ.
“Sorry too, three, four-ever and ever, I never wanted to be you. Hihi,” natatawa pa ring sabi ni EJ. Natawa rin tuloy siya. Ayos ding mang-inis si EJ, e.
“Epal mo!” naiinis na sabi ni Lexi kay EJ.
“Bangasan kita dyan, e,” sabat naman ni Kiray. Si EJ ba naman ang involved.
“Hmp!”
Natawa na lang sila. Nakakatakot naman kasi talaga si Kiray kahit na maliit. Parang bigla ka na lang sasakmalin kapag binwisit mo. Si Kiray pa ba aartehan niyang Lexi na ‘yan.
“Babe…” sinandal ni Lexi ang ulo niya sa balikat ni TJ.
“’Wag mo na nga silang pansinin, Lexi. Nagpapapansin lang naman sa’kin ‘yung isa dyan, e.”
Her mouth formed an ooh as her brow raised up. Kamusta naman daw ang kayabangan ng Salamat na ‘to? Kapal mukha ni kuya.
“Papansin ka pala, bakla, e,” sabi niya kay EJ.
“Ay, sorry naman, Puppy Tee. Crush kasi kita, ih. Hihi,” sumakay naman sa sinabi niya si EJ. ‘Yan sila, e. Walang laglagan.
“Bakit ba ang init ng dugo niyo sa isa’t isa?” tanong bigla ng katabi ni TJ na si Neil at pinaglipat-lipat pa sa kanila ni TJ ang tingin.
“Oo nga,” sang-ayon naman nina Jake at Diego.
“Kasi ‘di malamig?”
“Yanna naman, kailan kaya aayos sagot mo?” Neil.
“’Pag hindi na kayo kausap ko?” Bigla na lang siyang tumayo. Lalabas na lang siya. Hindi talaga niya gustong nakikipag-usap sa mga lalaki.
“Oy, sa’n punta?” awat ni Julia sa kanya nang akmang aalis na siya.
“Ditch. Sama kayo?” tanong niya sa barkada.
“Ako na lang isama mo, Yanna,” sabat ni Derick. Talagang naeepalan na siya sa lalaking ‘to, ha.
“Ikaw? Sapatos ka muna.”
“Mukha ba ‘kong naka-tsinelas?” tinuro pa nito ang suot-suot na sapatos.
“Aahhh…. Akala ko kamias.”
“Korni mo, beh. Haha,” natatawang sabi ni Yen sa kanya.
Kung anu-ano na lang kasi sinasabi niya kaysa mabara siya. Style.
“Yanna, papagalitan ka ni Sir,” sabi ni Bea.
“Hindi ‘yan. Malakas ako kay Sir Ocs, ‘no. Nag-planax yata ako.” Tawa naman agad barkada niya. “Saglit lang. Babalik din naman, nauuhaw lang.” ‘Yun lang at umalis na siya. Gusto niya na ulit ng Moo. Pandagdag uhaw pero na-miss niya talaga agad, e.
Nagtagal siya sa ibaba. 40 minutes lang ang club hour nila pero 30 minutes ang pinalipas niya sa ibaba. Gano’n kasaglit ang saglit niya. Patapusin daw ba ang club hour. Pasaway.
**********
“CR lang ako,” paalam ni TJ kay Lexi at sa mga kaibigan niya.
Pero ang totoo, dahilan niya lang ang pagpunta ng CR. Gusto niya kasing balaan si Yanna at ngayon ang tamang oras para ro’n dahil hindi nito kasama ang mga kaibigan nito.
“Tao ka, ‘tol. Tao,” pambabara ni Neil sa kanya.
“Tres ang katol,” balik niya.
“Tss! Alis na nga!” taboy nito sa kanya
“Dalian mo babe, ha?” sabi naman ni Lexi.
“Para namang tatae ako,” iritadong sabi niya. Pa’no kanina pa siya naiinis sa girlfriend niya. At isa pa, hindi niya talaga alam kung kailan naging sila.
Pangalawang araw niya pa lang sa paaralan, kalat na agad sa buong paaralan na mag-on na sila ni Lexi. Sinakyan niya na lang para hindi mapahiya at ngayon nga, e, asal mag-syota na sila. Teka, si Lexi lang pala.
Pumunta siya sa canteen pero wala naman doon si Yanna. Baka magkasalisi pa sila kaya napagdesisyunan niyang hintayin na lang ‘to sa itaas sa may hagdanan.
**********
PAGHAKBANG ni Yanna sa huling baitang ng hagdanan, bigla na lang may sumaklit sa braso niya at humila sa kanya. Muntik na siyang matumba dahil sa gulat, dahilan ng pagkawala ng balanse niya, pero may sumalo sa bewang niya at pinigilan siya mula sa pagkakatumba. Ang kaso, impit na napasigaw siya nang bigla naman siyang isinandal sa pader at mariing hawakan sa magkabilang balikat. Nasaktan siya, sa totoo lang.
“TJ???” Nagulat pa siya nang makita kung sino ang nasa harapan niya.
“Mukha ba ‘kong si Jake?”
“Weh?” Gago ‘to, ah. “Bitawan mo nga ako!” bulyaw niya rito. Mahigpit pa rin kasi ang pagkakahawak nito sa mga balikat niya at nasasaktan talaga siya, seryoso.
Pero bigla na lang sumeryosong lalo ang mukha ni TJ. Palagi namang seryoso ang mukha nito pero hindi niya alam na may iseseryoso pa pala ‘yon.
Nahigit niya na lang ang paghinga niya nang bigla na lang ilapit nito ang mukha sa mukha niya. Malapit talaga.
“T-TJ, ano ba?” Bukod sa nasasaktan siya, naiilang pa siya.
Shit, eto na naman ang bilis ng t***k ng puso niya.
Pero parang walang narinig, matiim na tinitigan siya ni TJ at seryoso ang boses na gamit na nagsalita. “Binabalaan kita, Yanna. ‘Wag na ‘wag mo nang kalabanin si Lexi, kung ayaw mong masaktan.”
Iyon lang at pagkaraa’y lumuwag na ang pagkakahawak nito sa kanya at tuluyan nang umalis. Naiwan siyang tulala, hindi alam kung ano ang magiging reaksyon sa narinig niya.
‘Binabalaan kita’—Okay, binalaan siya ng gago.
‘Wag na ‘wag mo nang kalabanin si Lexi’—Samantalang si Lexi ang nauna?
‘Kung ayaw mong masaktan’—Gago talaga.
Nagpaulit-ulit na nag-echo sa isip niya ang huling sinabi nito.
‘Wag niya nang kalabanin si Lexi kundi ano? Sasaktan siya ni TJ?
E, baka bading?
Hindi niya alam kung may ikukunot pa ba ang noo niya. Hindi siya makapaniwala. Transferee lang si TJ. Ibig sabihin, one week pa lang na mag-on ito at si Lexi pero ganoon na nito kamahal ang girlfriend para pagbantaan siya? Whoa there. Pinagtatanggol niya lang naman ang sarili niya at kasalanan niya ba kung bakit laging barado si Lexi? Kung bakit lagi ‘tong pahiya?
Wow. What a couple.
Badtrip na bumalik na siya sa club room nila.
“Bading, akala ko umuwi ka na,” bungad agad ni EJ sa kanya.
“Balak ko na sana ‘yan, kaso naiwan ko bag ko.” Kung dala niya lang talaga bag niya, umuwi na talaga siya.
“Wala, beh. May biglaang meeting si Sir Ocs kaya tutunganga lang tayo,” pagbibigay alam ni Julia.
E, ano? Malapit na namang mag-bell.
“Ah, gano’n?” walang kasigla-siglang sabi niya. Tinamaan na siya ng kasungitan. Lalo pa’t ang tingin niya, e, nandoon sa dalawa sa harapan niya. Kay Lexi na nakikipaglambingan na naman sa boyfriend nitong isa’t kalahating gago.
“Babe, date tayo sa Sat, ha? Nuod tayo movie,” paglalambing ni Lexi kay TJ.
Hindi niya alam kung bakit lalo siyang na-badtrip at bigla na lang niyang sinipa ang upuan ni Lexi.
“Ano ba?!” bulyaw ni Lexi sa kanya.
“‘Wag nga kayo ritong maglampungan! Nakakasukayok, pwede?” ganting bulyaw niya. Kapag ganitong badtrip siya, magkakasubukan na.
“Naiinggit ka lang, e!”
“Umaasa ka naman, ‘te!”
“You know what? I hate you!”
“Same to you, pakyu.” Wala siyang pakialam kung nagmumura siya at pinagtitinginan na sila.
Asar na tumayo si Lexi at hinarap siya. “Ano ba talaga’ng gusto mo, ha?!”
“Moo. Paulit-ulit? Ulyanin?”
“Hephep! Tama na ‘yan,” awat ni Jake sa kanila.
“Siya kasi, e!” Tinuro pa siya ni Lexi.
“Maganda,” taas noong sabi niya.
Priiiiing!
Pagka-bell na pagka-bell, labas agad siya. Alam niya namang susundan siya ng barkada, at sumunod nga ang mga ‘to. Hanggang sa lumabas na sila ng school at nagtuloy sa malapit na playground. Mag-a-alas singko na pero tatambay muna sila sa playground. Magpapawala na rin siya ng init ng ulo niya. Badtrip talaga, e. Bwiset.
**********
SAMANTALA…
“Hello?.... Oo, Drea. Sa playground, for sure…. Basta kayo nang bahala, ha? Nakakainis na siya, grabe…. Okay, sige…. Aasahan ko ‘yan…. Okay…. Yeah, bye.” Ini-end na ni Lexi ang tawag.
Hah. Humanda ka ngayon Yanna. Isang mapaglarong ngiti ang sumilay sa mga labi ni Lexi. Pero ang hindi niya alam, may isang tao ang nagtatago at kanina pa lihim na nakikinig sa kanya.
**********
MAG-a-alas sais na nang magkaayaang umuwi ang barkada. Mag-isang naglalakad na si Yanna papunta sa paradahan ng tricycle. Siya lang kasi ang naiiba ng way ng uwi sa mga kaibigan niya.
“Yanna…”
Napahinto siya nang bigla na lang may humarang sa dinaraanan niya.
“Long time no see, ha,” dagdag pa nito tsaka ngumiti ng parang pangdemonyo.
Si Andrea? Ano namang kailangan nito sa kanya?
Si Andrea. Dating nag-aaral sa paaralan nila pero nakick-out dahil sumali sa isang fraternity. May kasama ‘tong apat na babae pero ang tingin niya, tibo ang dalawa sa mga ‘yon. At tila clue ang pare-parehong tattoo ng mga ito sa kanang kamay para mabuo sa isip niya na magkaka-frat ang mga ito.
“Oy, Drea. Ikaw pala.” She remained calm pero sa loob-loob niya, kinakabahan na siya. Kinukutuban na kasi siya ng masama. Bukod sa hindi sila close ni Drea, nakakatakot ang mga itsura ng mga kasama nito.
Mapaglarong ngiti ang sumilay sa mga labi ni Drea. “Tara sa memo? Isang sampal ko, limang sampal mo. Isang suntok ko, limang suntok mo. Ano? Game?”
Shit. Sinasabi na nga ba, e. Pero bakit? May atraso ba siya rito? Bakit nag-aaya ‘to sa memorial kung saan madalas maganap ang mga away?
“Para saan naman, Drea?” Kahit na kinakabahan, pinilit niya pa ring tapangan ang pagsasalita. She was a bully, yes. Pero hindi siya basagulera. Magaling lang siya sa palitan ng mga salita.
“Wala naman. Balita ko lang iritado si Lexi sa’yo,” kibit-balikat na sagot ni Drea.
Double s**t. Kaibigan nga pala nito si Lexi!
“Sus. Nagsasayang ka lang ng oras.” Kailangan niya pa ring magtapang-tapangan. Ayaw niyang nagmumukhang kawawa sa iba.
Naglakad siya para sana lagpasan si Drea pero bigla na lang siya nitong hinarangan.
“Natatakot ka ba?” mapanuksong tanong nito.
Oo, promise, natatakot na ‘ko.
“Bakit naman ako matatakot? Wala lang ako sa mood,” kunwaring bale-walang sagot niya. Bilib na talaga siya sa sarili niya. Nagagawa niya pang maging cool kahit na maiihi na siya sa kaba.
“’Yun, o. Hindi naman pala, e. Tara na,” mas lalo siyang kinabahan nang hawakan nito ang braso niya at akmang hilahin siya. Pero bigla na lang siyang nagulat nang biglang may umakbay sa kanya.
Nanlaki ang mga mata niya. Hindi ‘yun ‘yung akbay na akbay lang, e. Nasa likod niya ang lalaki at nakayap ang braso nito sa mga balikat niya. ‘Yung para bang poprotektahan siya kahit na ano’ng mangyari at hinding-hindi siya papakawalan?
“Pakibitawan lang ang girlfriend ko, o. Kung ayaw niyong manghiram ng mukha sa aso.”
What the…
That voice...
“TJ…?”
— — — — — — — — — — — — — — —