3. Babe.

2093 Words
3. BABE. LATE na naman si Yanna. As in late. Patapos na ang flag ceremony nang dumating siya. Sa haba ba naman ng pila ng mga latecomers, siya pa ang huli. Natapos ang flag ceremony at nagtuloy na ang mga estudyante sa kani-kanilang mga classrooms. Siya naman, ayun at hinihintay ang paglapit ni Mrs. Gamoso—ang terror discipline coordinator sa school nila. Ito kasi ang nagbibigay ng slip sa mga latecomers. “Ms. Santana… Naku, naku! Ang reyna ng kalate-an. 1st year pa lang ganyan ka na. Kailan ka kaya magbabago? Tsk-tsk,” iiling-iling na sabi nito habang sinusulat ang pangalan niya at ang oras ng pagdating niya sa slip. Na para namang isa-isang inoorasan kasi nito ang pagdating ng mga estudyante sa paaralan nila. Kalokohan din, e. Bago papasukin ang mga latecomers sa respective rooms nila, pinagpulot muna sila ng kalat ni Mrs. Gamoso. And after more than 15 minutes, pinaakyat na sila nito sa mga classrooms nila. Pagpasok niya sa room nila..... “TEEEN! TEN-TEN! TEN-TEN-TEN-TEN, TEN-TEN. HEY!” Sabay palakpakang may bilang, ang mosikong sumalubong sa kanya. Siya naman..... Bow sa left. Bow sa right. Bow sa gitna. Diretso sa upuan. Tunganga. Seriously? Hanggang 4th year ba naman may tentenenen siya kapag late? Paniguradong mga classmates niya rin noong 3rd year ang may pakana no’n. Nu’ng 3rd year naman kasi nag-umpisa ang chant na ‘yon para sa kanya dahil sa dalas niyang late sa pagpasok, e. Si Derick ang nanguna niyan, sure siya. Loko ‘yon, e. Wala pa si Mrs. Sta. Ana—ang adviser nila. Pero five minutes later, dumating na rin ito na may dalang malaking box. “Good morning, class!” Mrs. Sta. Ana greeted. “Good morning, Ma’am!” they greeted back. “Nandito na si Yanna. May absent pa ba sa inyo?” Nagkita na kasi sila kahapon ni Mrs. Sta. Ana kaya alam nitong pumapasok na siya. “Wala po,” sagot ng mga kaklase niya. “Good! So, we will start our class election now. May mga prepared papers na ‘ko rito. Isulat niyo na lang kung sino ang mga gusto niyong iboto, okay?” “Yes, Ma’am!” Naibigay na ni Mrs. Sta. Ana sa kanila ang mga papel pero sa totoo lang, hindi niya alam kung sino ang iboboto niya kaya maboto-boto na lang ang ginawa niya. She wrote her best friend Julia’s name for President and Diego’s for Vice. Wala lang. Pinagpa-partner niya lang ‘yung dalawa dahil may gusto naman talaga sa isa’t isa ang mga ‘yon. And then Jake and Bea as for the Escort and Muse. Ang iba, bahala na. Matapos ipasa ng lahat, tinally na sa blackboard ang mga votes. Lahat ng kaklase niya nagbibilang maliban sa kanya. Wala kasi siyang pakialam at isa pa, i-a-announce din naman, bakit pa siya magpapakahirap? “Wow. Let’s congratulate Julia! Our Class President!” Mrs. Sta. Ana announced and so they applauded. Dahil si Julia ang nanalo for President, the rest of the categories, si Julia na ang nag-tally. Diego won as the Vice President and a playful smile curved on her lips. Lalong magkakamabutihan ang dalawang ‘yon. Mga ayaw pa kasing umamin. Parang si Neil at Yen lang, e. Kaya lang, nanalo si Bea as Secretary and Jake as Treasurer. Sayang. ‘Yung dalawa pa naman ang bet niya para sa Muse and Escort for Mr. and Ms. Intrams dahil sure siyang kakabugin ng mga ‘to ang mga makakalaban. Sayang, ang hihina namang mag-match make ng mga kaklase niya. Hay, sayang talaga. Moving on, Neil won as their PRO. Hindi na nakakapagtaka, sanay kasing makisama sa ibang tao si Neil. Sina Derick at Ysah naman ang nanalo bilang Sgt. at Arms nila. “Yanna! Yanna, tumayo ka, tinatawag ka ni Ma’am!” malakas na tawag ni Julia ang pumukaw sa isip niyang naglalakbay. Umabot na kasi sa Korea—este sa Kpop ang tinakbo ng isip niya. “Sorry, ha? Pwedeng mag-sorry?” She lazily stood up. Pero ang nakapagtataka, nakatayo si TJ sa harapan. At hindi lang ‘yon. Parang kapeng walang asukal ang timpla ng mukha nito. Mapait. Pero hindi niya ‘yon pinansin at bumaling na kay Mrs. Sta. Ana. “Ma’am, bakit po?” “Nasaan ba ang isip mo, Yanna?” tanong nito. Dahan-dahang tinuro niya ang ulo niya. “Dito po?” Nagngisihan naman ang mga kaklase niya. Ano ba’ng nakakatawa? Nakakatawa na pala ang mga tamang sagot ngayon? “Batang ‘to... What I mean is, hindi ka nakikinig sa akin. Sa amin…” “Sorry po,” hinging paumanhin niya. See? Mabait naman kaya siya. “O, hala, sige. Ikaw ang Muse at si TJ ang Escort. Galingan niyo sa Intrams, ha? Aasahan namin ang panalo ng section natin. Right, class?” nakangiting pahayag ni Mrs. Sta. Ana. Wait, what?!  Nanlaki ang mga mata niya. Siya at si TJ?! Hell to the no! “Ma’am, hindi po ba pwedeng iba na lang ang Muse?” “No,” nakangiting sagot nito. “Pero Ma’am—“ “No, and that’s final,” nakangiting pagtatapos ni Ma’am Sta. Ana at nilagpasan na siya. Parang nakakaloko ang tingin niya sa ngiti ni Ma’am na ‘yon, ha. She sighed in defeat. Wala na siyang nagawa kundi ang mapabusangot. Nakita niya rin na masama ang mukha ni TJ nang bumalik sa pwesto. Parang badtrip na hindi mawarian. Hah! Siguro hindi rin nito gusto ang naging resulta. Lalo naman siya, ‘no! Tinignan niya ang votes sa Muse and Escort na nasa blackboard at ganoon na lang ang pagsasalubong ng mga kilay niya nang makita ang resulta. Lahat pala ng kaklase niya, siya at si TJ ang ibinoto! As in lahat maliban sa palagay niya na boto nilang dalawa ni TJ na parehong sina Bea at Jake. Pero lahat, sila talaga ang ibinoto! Asar na napapikit na lang siya. Mukhang napagkaisahan ata sila ng lahat nang dahil sa nangyari kahapon………………….. **********   TUG-tug-tug-tug! Nagtagis ang mga bagang niya nang naramdaman niya ang pag-uga dahil sa may sumisipa sa inuupuan niya. At paglingon niya sa kung sino ang gumagawa, magtataka pa ba siya? May iba pa bang maglalakas-loob bukod kay TJ? Kalakas makapoot ng transferee na ‘to, ha. May naka-plug na earphones sa magkabilang tenga nito at nakadikwatro pa ng upo habang sinisipa-sipa ang upuan niya. Nakapikit pa na para bang nag-eenjoy lang sa soundtrip. Galing! Kanina lang, binatukan siya, ngayon naman, niyuyugyog siya? “Psst! Panget! Baliw! Yabang!” mahinang-mahinang tawag niya kay TJ. Tine-test niya kung maririnig ba siya o hindi. “Uy, Yanyan, baka marinig ka niyan,” mahinang sabi ni Bea sa kanya. “Oo nga, beh. Pero titigan mo. Ang gwapo, di ba?” Julia even giggled. Gwapo, my a*s!  Wala siyang pakialam sa sinabi ng mga kaibigan niya. Hanggang ngayon sinisipa pa rin ni TJ ang silya niya at ‘yon ang kinaiinis niya. Pok! Yeah-bah! Sapol sa noo ni TJ ang ballpen na binato niya. “The f**k?” Dumilat si TJ at awtomatikong sa kanya agad nakatingin ng masama habang hinihimas-himas ang tinamaang noo. Sumipol na lang siya na parang hindi siya ang bumato kahit obvious na obvious naman. Medyo gago. Ang lapad pa ng ngiti niya. Dahil nakaganti na siya, aayos na sana siya ng upo nang magsalita si TJ.  “Ano ba naman, Yanna? ‘Wag ka nang magpapansin sa’kin, pwede? Matagal na tayong break kaya ‘wag ka nang maghabol.” Agad na nagsalubong ang mga kilay niya. What did he just say? “Yan, naging kayo? Kailan?” gulat na tanong ni Julia. “Beh, akala ko ba, NBSB ka?” ganoon din si Bea. At puro… “Naging sila?” “Talaga?” “Totoo kaya?” ang naging bulung-bulungan ng mga kaklase nila. Talagang hinahamon ata siya ng bagong saltang TJ na ‘to, e.  “Hoy! Hindi naging tayo at never na magiging tayo, ‘no! Taas ng pangarap mo, dude!” Bakit ba trip na trip siya ng lalaking ‘to? Nakakabanas, seryoso. “Pasensya na, Yanna, narinig pa tuloy nila. Pero kasi... ‘wag mo nang ipagpilitan ang sarili mo sa’kin. Masasaktan ka lang.” Agad na tumaas ang isang kilay niya. Gusto niyang matawa.  “‘Yung totoo? Shenglot ka ba? Naka-katol? Rugby boy kaya?” Parang adik lang kasi. Binubwisit talaga siya. “Yanna, please… Tigilan mo na ‘ko.” He sounded sincere but not to her. Seeing how evil his smile was? Boy, he could win an award! Mapapamura na ata siya sa banas niya.  Tumayo na lang siya mula sa upuan tsaka tinuro si TJ. “Hoy. Pwede, tantanan ako sa ganyan? Sasamain ka, makita mo.” Sinipa niya pa ang upuan papunta rito. “Hoy, Carlo. Paki-abot nga ng ballpen ko,” mataray na sabi niya sa kaklase na agad namang inabot sa kanya ang ballpen niya. Bumalik na siya sa talagang pwesto niya at tinarayan na naman si Kent. “Hoy, Kent! Balik du’n!” She clenched her teeth as she sat down on her seat. Sinasabi na nga ba’t may ibu-bwisit pa ang unang araw niya sa eskwela, e. ********** RECESS na at naglabasan na ang mga estudyante sa kani-kanilang mga classroom. Sila namang tatlo nila Bea’t Julia, pababa na dahil mukhang mas nauna ang labasan ng IV-Love kaysa sa kanila. Nauna na yata sina EJ, Kiray, at Yen sa tambayan nila sa steps ng T.H.E room kaya papunta na rin silang tatlo ngayon do’n. Doon kasi ang lugar nila. Wala nang ibang tumatambay doon kapag nandoon na sila. Pa’nong magkakaro’n ng iba? E, pinapalayas niya.  “Hi, baby!” Narinig at nakita niya ang pagtawag at pagkapit ni Alexis sa braso ni TJ nang madaan sila sa room ng IV-Love. Si Alexis Pingol—Lexi, ang kasalukuyang girlfriend ni TJ. “Yuck, baby raw... E, ang laki-laking damulag,” mahinang bulong niya kina Julia’t Bea. Hindi naman sa nagpaparinig siya. Nag-react lang siya. Come on, this was a free country. “Hay, nako, baby. Alam mo naman ang mga insecure dyan. Pinagpipilitan ang sarili sa taong ayaw naman sa kanila. Haay…” She lazily rolled her eyes. For sure, kalat na ang nangyari sa kanila ni TJ kahapon. Okay. Pinaparinggan siya na obvious naman. As if naman na maaapektuhan siya. Wala siyang balak counter-in ang sinabi ni Lexi dahil ayaw niyang pag-aksayahan ‘to ng oras pero bigla na lang huminto ang mga kaibigan niya sa paglalakad. “Hoy, tumahimik ka nga! Sapatusin kita, gusto mo?” banta ni Bea kay Lexi. “E, kung pagulungin kita?” Julia. As expected. Kung siya, wala siyang pakialam. Pero iba ang mga kaibigan niya. Hindi pwedeng hindi mangialam kung siya na ang pinag-uusapan. Ayaw na ayaw kasi ng mga ‘to na nasisiraan siya sa iba. “Tss. Mga babae talaga,” mahinang sabi ng parang naiiritang si TJ. “Ang mean nila, babe. Nakita mo, hindi ko naman sila inaano, ‘di ba?” parang nagpapaawang sabi ni Lexi kay TJ at sobrang nasagwaan siya. Really? Acting like a kid in front of your boyfriend? If she was a boy, that was a major turn off. She rolled her eyes in disgust, and just then, TJ’s eyes caught hers. “‘Wag mo na lang pansinin,” sabi ni TJ kay Lexi pero nasa kanya ang tingin. ‘Yung tingin na…. ewan, hindi niya maintindihan. “E, nagpapapansin siya, e. Pinagbibigyan lang.” Hindi niya alam pero biglang lumabas na lang ‘yon sa bibig niya. Nagsukatan sila ni TJ ng tingin. Parang may kung ano kasi sa titig nito na nagpo-provoke sa kanya para patulan pareho ang mga ‘to. “Inggit ka lang!” pagmamayabang ni Lexi. And that was when she faced the b***h. “Umasa ka lang.” Unlike Lexi, she was calm. Mataray siya. Akala ba nito magpapatalo siya? “Ang arte mo naman?” Lexi. “Landi mo naman?” her brow raised a bit. Sige lang. Barahan ba? Game siya. Si Bea at Julia naman, nagtatawanan sa tabi niya. Pa’no, parang tinatamad lang siyang kausapin si Lexi habang parang bulkang sasabog naman ang gaga. Parang sira lang, e. “Gusto mo ba ng away?” hamon nito sa kanya. “Mas gusto ko ang Moo,” bale-walang sagot niya. Recess kasi. Alam naman ng marami na adik siya sa Moo. ‘Yung chocolate drink? ‘Yun kasi ang lagi niyang binibili tuwing recess. Parang bata nga raw siya, e. Hindi na nasawa. At seryoso, gusto niya na talagang uminom ng Moo. “Edi, bumili ka ng Moo mo!” asar na sabi ni Lexi. “Talaga. Nagpapabili ba ‘ko sa’yo?” “Hindi nga!” “O, ba’t ‘di ka pa matulog?” “E, ba’t ‘di ka mag-tumbling?” balik nito. “’Di ko kaya?” sagot niya. “E, ba’t ‘di ka na lang din matulog?” “’Di pa antok?” “Tama na nga ‘yan. Sumasakit ulo ko sa inyo,” biglang sabat ni TJ sa naiirita pa ring tono’t itsura. “Oo nga, babe. Sumasakit din ulo ko sa kanya. Ugh.”  May toyo rin ‘tong dyowa ni TJ na ‘to, ‘no? Pantanga, e. May pamasa-masahe pa sa sentidong nalalaman. Napaismid na lang siya. Palusot pa, e. Akala ata ng Lexi na ‘to, e, mababara siya nito. Hah. “Alam n’yo kasi, ang ulo parang tiyan lang ‘yan, e... sumasakit ‘pag walang laman,” may ngiting nakakalokong sabi niya sa dalawa, pagkaraa’y nakataas ang isang kilay at malapad na nginitian si Lexi. Agad naman ang pagtagis ng mga bagang nito. “O, ayan, para ka lang inodoro. Barado. Arte mo po kasi,” inis pa ni Julia kay Lexi.  “Let’s go, girls. Hay, nako... Stress!” Bea said, flipping her hand through the air. Kampanteng napangiti siya. Sila pa aartehan ni Lexi?. Pero bago sila tuluyang makalayo, narinig niya nang magsalita ulit si TJ. Or should she say… pinaringgan talaga siya nito? “Don’t mind her, babe... Ikaw naman ang mahal ko.” 'Yung ikot ng mga mata niya, umabot ata ng ibang planeta. Kaumay. — — — — — —  — — — — — — — — —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD