2. SALAMAT.
“YANNA, ano ka ba naman! Ang tulin mong tumakbo!” hingal na reklamo ni Julia nang abutan si Yanna.
“True! What did Teej say buh at nagkaganyan ka?” hingal ding tanong ni EJ.
Lahat sila, hingal. E, bakit ba naman kasi siya hinabol? Pare-pareho tuloy silang hingal ngayon.
“Hehe. Sorry naman,” sabi niya na lang with matching v-sign pa. Hindi niya rin kasi alam kung bakit siya tumakbo, e. Weird. “Tara! Sa’n ba room natin?” tanong niya kina Bea at Julia sa pag-aakalang mada-divert sa iba ang atensyon ng mga kaibigan niya.
“Oy, tumatakas! Uso pong magkwento! Madaya!” Bea pouted. Ang reyna ng pout. Cute na cute talaga siya sa pag-pout nito. Sarap hilahin ng nguso.
Priiiiiiiing!
Yes! Saved by the bell!
“O, pa’no? Mamaya na lang, ‘no? Nag-bell na po, mga kapatid,” nakangiting sabi niya pero pare-parehong pinaningkitan lang siya ng mga mata. Hay… “Promise. Later.” Wala, e. Lulusot pa ba siya?
Mas naunang nadaanan nila ang room nila Yen, Kiray at EJ kaya naman pumasok na agad ang mga ‘to. Ang sumunod na room naman ay ang room na nilang tatlo nila Bea’t Julia.
Pagpasok nila sa room, binati agad siya ng mga kaklase nila. Kahit naman kasi isa siyang bully, friendly naman kung minsan. Minsan lang. As in minsan. At hindi niya alam kung gaano kadalas ang minsan.
“Sa’n pwesto ko? May arrangement na ba?” tanong niya sa dalawa.
“Oo. Doon ka, o.” Tinuro ni Bea ang isang vacant seat sa tabi ng isang seat na may bag lang na nakalagay. “Sa tabi ni Jake. Hmp. Swerte mo, beh. Kainis.” Nag-pout na naman po ang lola niyo.
So, classmate pala nila si Jake at katabi niya pa? Patay na. E, crush na crush ni Bea si Jake, e. Kaya nga ang haba ng nguso na naman.
Divided into left, right and back row lang ang arrangement ng seats nila. Sa left row ang pwesto ng seat niya. Sa tabi siya ni Jake at pangalawa sa huli ang row nila. Si Jake lang ang katabi niya. Sa kanan siya nito pero may dalawa pa silang ka-row sa left ni Jake. Wala na siyang katabi sa kanan dahil blangko na ‘yon, space para sa teachers for discussions para makapag-ikot. Ganito ang lahat ng arrangement ng rooms sa school nila—Assumpta Academy.
Wala pa si Jake dahil nasa baba pa nga ito at kasama ng mga kaibigan. Naupo na siya nang pumasok na ang subject teacher nila.
“Uy, mamaya, ha!” pahabol pa nina Bea’t Julia sa kanya bago pumunta ang dalawa sa sariling mga pwesto.
Gara. Siya naman ngayon ang nainggit sa pwesto ng dalawa. Magkatapat lang ang row nila pero sa kanan ang mga ‘to. Isang lalaki lang ang pagitan nina Bea’t Julia. Nainggit tuloy siya. Wala siyang makakakwentuhan. Daya!
Binati na nila si Ms. Domingo. Computer teacher nila ‘to noong 3rd year. Ito rin ba ang Computer teacher nila ngayong taon? At Computer din ba ang subject nila ngayon? Hindi niya alam dahil wala pa siyang schedule at mamaya pa lang siya kokopya kay Julia. Sadyang tamad na nilalang talaga siya.
“Okay, class. May sakit si Mrs. Alfonso kaya wala kayong teacher ngayon,” sabi ni Ms. Domingo.
“YEEEEEESSS!” sabay-sabay na hiyawan ng mga classmates niya.
“But... May iniwan siyang activity sa inyo.”
“UUUUUUHHHHH,” sabay-sabay ring nagtamlayan ang mga loko-lokong classmates niya.
Natawa siya. Oo nga’t hindi siya kasali sa chorus ng mga kaklase niya pero pare-pareho lang sila ng nararamdaman.
“Kayo talaga.” Iiling-iling na nangiti na lang si Ms. Domingo. Nasa edad bente tres pa lang kasi ‘to kaya maraming close na estudyante. Close nga sila niyang si Ma’am, e.
“Sino ang president niyo?” tanong ni Ms. Domingo.
“Si Noynoy po,” mahinang sabi niya.
Nagtawanan ang mga kaklase niya dahil dinig pala ang sinabi niya.
Nagkunot-noo lang siya. Tinatawa-tawa ng mga ‘to? Si Noynoy naman talaga, ha?
“Naks, Yanna. Gagung-gagu, ha,” mahina at natatawang sabi ng kaklase niyang si Derick na nasa likuran niya. Talagang hininaan nito para hindi marinig ni Ms. Domingo ang pagmumura. Syempre. Sinong estudyante ba naman ang ipaparinig sa guro ang pagmumura? Lalo pa’t catholic school sila?
Hindi naman sa masasamang estudyante sila. Ewan, pero para kasi sa iba sa kanila, ekspresyon na lang ang pagmumura. Walang samaan ng loob, pwera kung pagalit ang pagkakabigkas. Pero kadalasan, biruan lang para sa kanila. It was just that…. they found it cool. Really. Typical teens.
Saglit na nilingon niya si Derick. “Lul,” mahinang sabi niya rin.
Sino naman kasi ‘to para murahin siya kahit pabiro? Close ba sila? Agad na binalik niya na lang sa harap ang tingin.
“Wow, Yanna. Active ka na naman pala. Welcome back!” nakangiting sabi ni Ms. Domingo.
Hanga na talaga siya sa kasikatan niya. Pati hindi nila teacher, alam na isang linggong absent siya. Bakit ba kasi ‘yung pagka-normal niya, bully sa mata ng madla? Nginitian niya na lang si Ms. Domingo dahil tinatamad siyang magsalita.
“Okay. Sino ulit ang class president n’yo?” ulit ni Ms. Domingo. This time, precise na. Nadala ata sa sagot niya.
“Wala pa po, Ma’am. Bukas pa lang po kami mag-e-elect,” sagot ng kaklase nilang nasa unahan.
“Ah, gano’n ba? Hmm… Sige, Julia, ikaw muna ang pagbibilinan ko. Halika rito.” As expected. Ma-appeal kasi sa mga teachers si Julia. Matalino kasi, matangkad, maganda, at ito rin ang class president nila noong 3rd year.
Tok-tok-tok!
Napatingin silang lahat sa pintuan. All eyes sa mga bagong dating. Si Neil ang kumatok habang nasa likuran naman nito sila Jake at Diego, at… TJ?
What the... Bakit naman….. classmates sila?!
Though she suddenly felt annoyed and at the same time, nervous, she acted cool and looked away from the newcomers.
“Good afternoon, Ma’am. Sorry, we’re late.” Si Neil din ang bumati at nanghingi ng paumanhin. Sumunod naman na bumati ang tatlo.
“Sure, come in.” Pinapasok na ni Ms. Domingo ang mga’to. Pero ilang hakbang pa lang ang nagagawa ng mga ‘to nang muling nagsalita si Ms. Domingo. “Wait… May transferee kayo? Sino siya?” tukoy ni Ms. Domingo kay TJ.
“Si TJ po, Ma’am,” sagot ni Jake.
“TJ...?” ulit ni Ms. Domingo.
“Troy Jefferson po,” pakilala ni TJ.
“Troy Jefferson...?” ulit na naman ni Ms. Domingo.
Si Ma’am naman, pauli-ulit. Repeat after them kaya?
“Salamat po,” sabi ni TJ.
“Salamat?” ulit na naman ni Ms. Domingo. “Para saan?”
Pero this time, naintriga rin siya. Para saan nga naman ang pasasalamat ni TJ? Out of the blue, e.
“Para sa senado raw po,” singit ni Derick.
“HA HA HA HA!” Agad na nagtawanan naman ng pagkalakas-lakas ang mga kaklase niya na ikinalito niya.
What? Ano’ng nakakatawa?
Tinignan niya si TJ who was wearing his poker face habang ang lahat naman ng kaklase niya, kung hindi nakatawa, nakangiti naman. Si TJ at silang dalawa lang ni Ms. Domingo ang naiba ng reaksyon.
“Ma’am... apelyido niya po ‘yon,” natatawang pagbibigay alam ni Diego.
“Ah—ahhh...” Agad na napatango naman si Ms. Domingo.
Pero biglang nagulantang ang lahat nang siya naman ang bumulalas ng tawa. “Phhp—! HA HA HA HA!”
Lahat napakunot-noo sa kanya. Bakit ba. E, sa natawa siya, e. Na-late lang siya ng tawa sa mga kaklase niya pero nakakatawa naman kasi talaga para sa kanya. Hindi ang apelyido ni TJ kundi ang panloloko ni Derick at pagiging clueless niya. Natatawa talaga siya. Sira ulo kasi si Derick! Para sa senado raw!
Nag-peace sign na lang siya sa lahat kahit na hindi pa rin maalis ang ngiti sa mga labi niya.
**********
KUNG makatawa! inis na reklamo ni TJ sa isip niya. Sinamaan niya ng tingin si Yanna. Ano’ng nakakatawa sa apelyido niya? Cool nga, e.
He was Troy Jefferson Salamat. A 17 year old playboy. Dating sa Cebu nakatira pero lumipat dito sa Bulacan dahil sa family business.
Naupo na siya sa likurang upuan ng kaklaseng si Kent kung sa’n ang pwesto niya.
Si Yanna… Akala niya kapangalan lang. Usap-usapan kasi ito sa buong senior level noong nagdaang linggo dahil na-dengue nga raw. Ano namang malay niya na si Yanna na ex niya pala ‘yon? Transferee lang siya kaya hindi niya alam.
Kanina, bigla niya na lang ‘tong nayakap. Isang pagkakamali.
Pero bakit gano’n? Parang hindi siya nito kilala. Kahit nang ibulong niya rito na girlfriend niya ‘to, gulat na gulat pa ang naging reaksyon nito.
Bakit? Girlfriend niya pa rin naman kasi talaga si Yanna kung tutuusin, e. Wala namang break up na naganap sa kanila. Walang closure. But a simple logic broke them. It was when she left him without even a goodbye.
Isa na naman siguro ‘to sa pakulo ni Yanna at umaarte lang na hindi siya kilala. Akala ba nito limot na niya ang ginawa nito sa kanya?
Simula noong iwan siya nito noong 2nd year pa lang sila at pagmukhaing tanga? Wala... Nagloko na siya. Ni hindi man lang nagpaalam kasi at basta bigla na lang nawala. Siya namang si tanga, hintay nang hintay sa wala. Though it might have sounded gay, nasaktan talaga siya nang sobra. First love, e. Sineryoso niya talaga. First love niya, bigla na lang iniwan siya’t nawala nang parang bula. At ngayon namang nagtagpong muli ang mga landas nila, parang nagbago na ang dating Yanna na kilala’t minahal niya.
Ang laki ng pinagbago nito. Dati tahimik at mahinhin si Yanna, e. Pero ngayon, akala mo may sideline sa palengke ang lakas ng boses nito. Boyish pa.
Napailing siya sa pinagbago ng dating girlfriend niya. Kung sabagay, siya rin naman. Dating good boy, ngayon playboy na.
Ah, basta. Sobrang nasaktan siya at hinding-hindi niya makakalimutan ang ginawa ni Yanna sa kanya. Pabor para sa kanya ang muling pagkikita nila.
Gaganti siya.
**********
“HI, Yanna,” bati ni Jake kay Yanna nang maupo na ‘to sa tabi ni Yanna.
“Yo,” bale-walang sagot naman ni Yanna.
Hindi kasi talaga siya close sa mga boys kaya tipid lang ang pakikipag-usap niya sa mga ‘to. Ngayon pa lang sila naging magkaklase ni Jake pero dati na siyang binabati nito tuwing magkakasalubong sila. Mabait daw, kaya nga ata lalong naloloka si Bea rito.
Naramdaman niyang nakatingin si Bea sa kanya mula sa katapat na row. Pagbaling niya, tama nga ang hinala niya. Nakanguso na naman! Natawa agad siya. Selos na naman, e. Akala mo aagawin niya nang aagawin si Jake.
Pero agad ding nawala ang ngiti niya nang mabaling sa likod ng row nila Bea ang tingin niya.
Si TJ, nakatingin sa kanya. And an evil smile was curved on his lips.
Inirapan niya nga. Ang hangin kasi. Pinipilit pang kilala niya, e, sa hindi nga talaga. Humahaba ang ngusong tinuon niya na lang ang pansin sa activity nila.
Nag-iwan lang ng activity si Ms. Domingo sa kanila. English pala ang subject nila kay Mrs. Alfonso. Pero lalo siyang tinamad magsagot kaya kokopya na lang siya kay Julia mamaya.
Maya-maya, naramdaman niyang kinalabit siya ni Jake. “Uy, Yanna. Pakopya nga, o.”
Astig ng mga kaklase niya, ha? Feeling close sa kanya.
“O, ayan. Ibahin mong konti, ha? Para hindi halatang kumopya ka sa’kin.” Binigay niya kay Jake ang workbook niya tsaka siya yumuko sa armchair niya. Matutulog na lang siya.
Pak!
“ARAY!!!” Bigla na lang siyang napasigaw at napahimas sa likod ng ulo niya. Aba naman! Pukpukin daw ba siya ng libro sa ulo! Pero mahina lang naman, OA lang talaga siya.
“Wala ka namang sagot, e,” sabi sa kanya ng pumukpok sa kanyang si Jake.
“He he he.” Hindi makatotohanang nginitian niya si Jake.
“Niloloko mo naman ako, e,” nakangiting sabi pa nito.
“E, LOKO KA NAMAN TALAGA, E! Ba’t mo ‘ko binatukan? Close ba tayo? Kanina, tinamaan ako ng bola ng ungas na ‘yon!” Sabay turo niya sa pwesto ni TJ pero na kay Jake pa rin ang tingin. “Tapos ngayon naman, binatukan mo ‘ko? Aba naman, ang gandang welcome sa’kin niyan, ha!” tuloy-tuloy na bulyaw niya kay Jake.
Si Jake naman na nagulat ata sa biglaang pagtaas ng boses niya, napatulala sa kanya.
“Yanna… bipolar ka ba? Split personality kaya? Ngingiti tapos biglang magagalit? Epekto ng dengue?” sunod-sunod ding tanong ni Jake sa kanya.
“Yes? No. Yes. No?” She rolled her eyes. Ratratin ba naman siya ng mga walang kwentang tanong.
“Ang cute mo talaga.” Natatawang kinurot pa siya ni Jake sa pisngi.
She shoved his hand then stood up. “Oo na, matagal na. Akin na nga ‘yang workbook ko.” Hinablot niya mula kay Jake ang libro niya. Tatabihan niya na lang ang mga kaibigan niya. Ayaw niya talagang lalaki ang kausap. Agaw pansin kasi, ang tulin niyang ma-badtrip. Nasa kanila tuloy ang atensyon ng lahat. Kahit ba madalas naman talaga siyang pagtinginan ‘pag kasama niya ang barkada niya, iba pa rin ‘pag lalaki ang kasama niya habang pinagtitinginan siya. ‘Di siya komportable.
“Hoy. Alis!” Taboy niya sa kaklaseng si Kent na siyang nakapwesto sa pagitan nina Julia at Bea. Takot panigurado ‘to. Natatandaan niyang binu-bully lang ‘to ng iba, e. Dating classmate niya rin kasi.
“H-huh? Ahh… ehh…” Aba’t nag-isip pa ang loko.
“I, o, u? Layas!”
Edi, lumayas ang loko. Siya na ang naupo sa pwesto nito. Ano kung masama ang tingin ng marami sa kanya? Bahala sila.
“Ang bully mo talaga, Yanyan,” natatawang sabi ni Julia sa kanya. Si Julia sa right side niya, si Bea naman sa left.
“Sinabi mo pa. First day pa lang ‘yan, ha. Pero ayos, nilayuan mo naman si Jake ko.” Makilig-kilig pa ‘tong si Bea. Natawa’t napailing na lang siya.
“Iyo na Jake mo, ‘no,” biro niya rito.
“E, ikaw ang crush, e.” Bea pouted, for the nth time.
“Ow? E, kayo lang naman mahal ko, e,” banat niya sa kaibigan. Pampakilig kuno lang. Pero totoo naman. Kuntento na siya sa mga kaibigan niya.
“Haru... Bumabanat pa! Last mo na ‘yan, ha?” natatawang sabi ni Julia na tinawanan na lang din nilang dalawa ni Bea.
“Dali, dali na! Nakakatamad mag-isip! Sagot kayo, pakopya ak—OW!” Napangiwi na naman siya nang may tumama na namang kung ano sa likod ng ulo niya. Ano ba namang meron sa ulo niya’t mukhang trip na trip ng mga tao ngayon ang ulo niya?! ‘Pag siya talaga nagka-amnesia! OA na.
Nanlilisik ang mga matang binalingan niya ang bumatok sa kanya.
Si TJ.
“OA mo. Hina-hina, e… Tumahimik ka nga, ang ingay-ingay mo,” naiiritang sabi nito sa kanya.
Gulpihin niya kaya ‘to? Kanina lang kung makayakap sa kanya pagkatapos ngayon naman kung tarayan siya?
“Gago! Wala kang pakialam kung OA ako at wala ka ring pakialam kung maingay ako! Ewan ko sa’yo! Panget!” Iningusan niya ‘to sabay balik ng tingin sa harapan. Bwisit na bwisit talaga siya sa TJ na ‘yon. Bwiset, e. Bwiset!
Ang mga kaklase naman nila, inasahan na niyang sa kanila nakatingin.
“‘Wag niyo nga akong tignan! ‘Pag ako natunaw, edi wow!” Sinipa niya pa ang upuan ng nasa harapan niya. Hindi naman kasi pwedeng sipain niya isa-isa ang lahat ng upuan ng mga kaklase niya, di ba? Kaya malas na lang ng nasa unahan niya.
Bwiset—ang tamang depinisyon sa unang araw niya sa eskwela. May mas ibubwisit pa ba?
— — — — — — — — — — — — — — —