11. TEAM TIN-TAN VS. TEAM TROYAN. TWO guys in one day? No... Two guys in less than two hours??? Shit... Hindi alam ni Yanna kung trip lang ba siya ng dalawang ‘yon o ano, e. Kasi naman... Ngayon lang may naglakas-loob na manligaw sa kanya, at dalawa pa. Hindi pa rin siya umaalis sa CR. Kanina kasi, tumakbo siya kahit alam niyang parating na si Mrs. Cahanding. E, sa naiihi na siya, e. Alangan namang pigilan niya pa? Sa baba siya nag-CR dahil mas malapit para sa kanya ‘yon kaysa sa CR sa itaas. Napagdesisyunan na niyang lumabas nu’ng okay na siya kaya naman paakyat na sana siya nang may biglang tumawag sa kanya. “Tana!” Natural, alam niya kung sino ang tumawag sa kanya na ‘yon. “T-tin... bakit nasa labas ka pa?” medyo ilang na tanong niya nang makalapit si Kristoffer sa kanya.