12. WITH THE SUITORS. “O, bakit?” tanong ni Yanna kay Lexi. Ano naman kaya ang kailangan nito sa kanya ngayon? “Ano... Uhh.... G-gusto ko lang sanang m-mag-sorry about du’n kay Drea... S-sorry... Tanggap ko na rin na wala na kami ni TJ. Sorry talaga. Sorry, please?” hinging tawad nito na nagpa-puppy eyes pa sa harap niya. Ano naman kaya ang nakain nito at biglang nagkaro’n ng halo sa ulo? “‘Kay,” kibit-balikat na sagot niya. Mukha naman kasing sincere si Lexi, at kahit na hindi, wala naman siyang pakialam. “Really? OMG, thank you, Yanna! Pati sa nangyari kagabi, thank you talaga.” Nagulat pa siya nang bigla na lang siyang yakapin ni Lexi pero saglit lang naman. “Thank you talaga,” huling sabi nito tsaka tuloy-tuloy na umalis na. Problema nu’n? Kunot-noong napaisip siya. Nangyari k