10. ANNOUNCEMENT. AFTERNOON classes, tapos na ang first subject nila Yanna. Hinihintay na lang nila si Mrs. Cahanding—ang sunod nilang subject teacher. Late talaga ‘tong madalas. Malayo kasi ang building ng klaseng tinuturuan nito bago sila. Mabagal pang maglakad kaya mas lalong natatagalan. Naiinip na siya. Wala siyang magawa kaya nakatunganga lang siya. Naaalala niya na lang tuloy ang mga nangyari kagabi at kanina. Hindi naman sa nag-a-assume siya pero parang gano’n na nga. Obvious na kasi ngayon sa kanya ang mga nangyari. Pero siguro naman, trip lang siya ni TJ. “Yan... magkakilala pala kayo ni Kristoffer? ‘Yung transferee sa Hope?” pukaw ni Jake sa atensyon niya. “Oo nga, Yanna. Ikaw pala ‘yung Tan-Tan nu’n?” Pati si Derick, naki-usisa rin. Bumaling siya kay Jake. “Naku, hindi