14. TAKEN. PAUWI nang naglalakad si Yanna sa village nila. Hindi niya pa rin talaga makalimutan ‘yung kanina. Pa’nong may girlfriend pala si TJ, gano’n na lang ang lakas ng loob kung ligawan siya? Ang ganda-ganda ng girlfriend, hindi pa nakuntento? At siya pa ang napagtripan nitong paglaruan, ha? Hah. ‘Yan ang hirap sa mga lalaki, e. Hindi kuntento sa isa. Ano siya? Panakip-butas? “Yanna?” Walang kalatoy-latoy na nag-angat siya ng tingin sa tumawag sa kanya. ‘Yung babae kanina, kasama si TJ. Bakit hindi niya napansing nasa harapan niya na pala ang mga ito? Palibhasa, kanina pa siya latang-latang naglalakad, e. Ano ba’ng nangyayari sa kanya? “Oh... the girl earlier. Kilala mo ‘ko?” tanong niya sa babae. Joice or Ching? Whatever. “You mean you were with TJ’s friends earlier? Aw, I d