1. GIRLFRIEND.
“BAKLALALAAAAAAA!” pakantang tawag ni Yanna sa gayfriend niyang si EJ.
Nakita niya agad ang kaibigan sa guardhouse ng school nila. Tinext niya kasi ang mga kaibigan niya na papasok na siya ngayong hapon kaya nagpahintay siya.
First week of school year ba naman kasi, absent siya. Pa’no na-dengue siya, tuloy isang linggo siyang wala. Buti na lang, ayos na siya ngayon. Dapat talaga papasok na siya kaninang umaga, e. Kaya lang, tinanghali siya ng gising. Medyo tamad talaga, aminado naman po siya.
“Uy, baklaaaaa! Na-miss kita, kaloka! Mwa! Mwa!” As usual, nagbeso silang dalawa ni EJ.
Si Ethan John Mendiola ay isa sa mga best friends niya.
“O, nasaan sila? Bakit ikaw lang?” tanong niya kay EJ. Naglakad na sila papunta sa quadrangle-s***h-court habang magka-link ang tig-isang braso nila. Talagang sa gitna pa sila nagdaan, ‘no? Bakit ba? Papansin sila, e.
“Boo! Hello, Yannabeb!” Bigla na lang sumulpot sa kung saan si Bea at ang mga matatalik niyang kaibigan.
“Yanyan, na-miss ka namin!” nakangiting nanulak pa si Julia.
“Ayie! Galing na ang bad princess namin,” masayang sabi rin ni Yen. “Binukulan mo ba ‘yung lamok na kumagat sa’yo?” dagdag biro pa nito.
Sina Beatrice Baltazar, Julianna dela Cruz, at Marienne Joy Torres, na bigla na lang nagsulputan sa likod nila ni EJ out of nowhere, ang mga ito ang mga best girl friends niya. Syempre, belong si EJ dahil feeling girl naman ‘yon.
“Peste ‘yun. Hindi nga, e. ‘Di ko mahanap, walang name tag,” ganting biro niya kay Yen.
Bigla namang nagngiwian ang mga kaibigan niya. “Acheche???” Tsaka naman biglang sabay-sabay nagtawanan. “Hahaha! Corny mo talaga, beh!”
“Oo na.” Iningusan niya na lang nga. Corny nga naman kasi alam niya.
“Corny kasi talaga!” natatawang ulit pa ni Bea.
“Oo na nga, e.” Kulet, ha.
Baby ang tawag ng mga kaibigan niya sa kanya. Inaartehan lang ng kung anu-ano kagaya ng; bebs, bebe, bey, bii. Bukod kasi sa siya ang pinakabata sa kanilang magkakaibigan, bine-baby siya ng mga ito dahil isa siyang NBSB. Ano’ng magagawa niya? E, sa wala siyang magustuhang lalaki. Tsaka, ang bata niya pa kaya! Boypren boypren... Sus.
“Hoy, Yannabebs! Mahal kita at na-miss kita, pero ‘wag mo ngang inaagaw sa’kin Papa EJ ko! Hmp!” Bigla na lang hinatak ni Kiray si EJ mula sa kanya na ikinatawa niya.
Si Krystal Perez o Kiray sa kanila. Mawawala ba naman si Kiray sa mga best friends niya? Si Kiray ang pinakamaliit sa kanila. Cute na cute nga siya rito lalo na’t head over heels sa kaibigan nilang bakla. Yep. Kay EJ.
“Yuck! Ano buh, Kiray! Kadiri mo!” Layo agad si EJ kay Kiray sabay pagpag sa brasong hinawakan ni Kiray.
Natawa na lang sila. Lagi namang ganyan ‘yang dalawang ‘yan. Mas maarte pa kasi si EJ kaysa kay Kiray. Bakla, e.
“Tara na nga kayo! Ano ba’ng section ko ulit?” tanong niya. Nakalimutan niya na kasi dahil may pagkatamad nga kasi talaga siya sa pag-aaral.
“Trust tayo, Yan,” sagot ni Julia.
“Yep, yep. Classmates tayong tatlo,” dagdag pa ni Bea.
“Talaga? Ayos!”
“Tapos kami, IV-Love. Kaya nga… love, love, love!” ginaya pa ni EJ tono ni Kris Aquino. Loko talaga.
Trust siya, si Bea at Julia. Tapos Love si EJ, Kiray at Yen. Ayos, ha. Na-divide lang pala silang anim sa dalawang section. Mabuti naman dahil mahirap kung may isang nahiwalay. Baka mapalayo ang loob sa kanila at makahanap ng bagong kaibigan
“O, tara na. Akyat na tayo,” aya ni Yen sa kanila.
Naglakad na silang pare-pareho sa gitna ng quadrangle. All eyes sa kanila. They didn’t care dahil simula noong 3rd year na naging magkakaklase sila at umpisa silang nagkasama-sama, marami na talagang mga mata ang nakamatyag sa kanila. In short, sikat sila. Sa ganda ba naman ng mga kaibigan niya, agaw pansin talaga.
BAM!
“AAAH!!!” Bigla na lang siyang napasigaw nang isang matigas na bagay ang tumama sa likod ng ulo niya. Parang nakalog ang utak niya sa lakas ng impact ng tumama sa kanya. Mahilo-hilo pa siya.
Galit na nilingon niya ang mga lalaking nagba-basketball na sigurado siyang pinanggalingan ng bolang tumama sa ulo niya.
Tuwing tanghali kasi pagkatapos mag-lunch, madalas na talaga ang may naglalarong mga kalalakihan sa quadrangle dahil half court nga ‘yon.
Nanlilisik ang mga matang binalingan niya ang mga lalaki. Sila Jake, Neil, Diego, at ang iba pang mga kalaro nito. Kilala niya ang tatlo higit sa iba. Pa’no, lovelife lang naman ‘yang mga ‘yan ng mga kaibigan niyang kinikilig na ang mga pwet ngayon.
“Yanyan, relax lang,” bulong sa kanya ni Yen.
“Wow. Relax? Gusto mong i-try kung ga’no kasakit, ‘te? Tae, ang sakit kaya!” reklamo niya kay Yen. “Sino ba’ng sira-ulo nagbato no’n, ha!” baling niya ulit sa mga lalaki.
“Chill, Yanna. Hindi naman sinasadya ni TJ, e,” sabi ni Neil sa kanya.
Si Neil Kenneth na ka-M.U ang kaibigang si Yen. Hindi niya nga maintindihan, e. May pa-M.U-M.U pang nalalaman, manong magboyfriend-girlfriend na lang. Gano’n din naman ‘yon, e. Daming arte. Pero ano nga ba’ng alam niya sa pagbo-boyfriend? Wala naman.
May isang lalaki ang lumapit sa kanila na may hawak na bola. Ito siguro ang tinutukoy ni Neil na TJ ang pangalan na nakatama sa kanya ng bola at siyang pumulot din noon. New face, kaya hindi niya namumukhaan. Malamang transferee o ‘di kaya naman, ibang year level.
Hah, pero wala siyang pakialam! Nabu-bwisit siya dahil tinamaan ang ulo niya! Really, nasaktan siya.
Binalingan niya ang lalaking tila walang pakialam sa nangyayari. “Hoy, ikaw. Sa susunod, linaw-linawan mo ‘yang mga mata mo’t mag-ing—“
“Yanna?” Naputol ang sinasabi niya nang pag-angat ng tingin ng lalaki sa kanya, tinawag agad nito ang pangalan niya. “Yanna!” At bigla na lang nanlaki ang mga mata niya nang bigla-bigla ay yakapin siya ng lalaking hindi naman niya kilala.
What the? Manyak!
“Yanna… Ikaw nga,” usal ng lalaki habang mahigpit na nakayakap sa kanya.
Hindi niya maintindihan. Obvious na kilala siya nito, pero…. Paanong hindi niya man lang maalalang nagkita na sila nito?
Tinry niyang itulak ang lalaki pero matigas ang loko.
“OMG! She’s hugging the Evil Sweetheart!” “Bagay ba sila? The Bad Princess and the Evil Sweetheart?” “No! A big NO! Kami kaya ni TJ ang bagay!” “Duh, kilabutan ka ‘te! Mas bagay kami!”— Ilan lang ang mga iyon sa mga naririnig niyang bulung-bulungan ng mga babaeng nakakasaksi at malapit sa kanila.
At tama ba ang narinig niya? Evil Sweetheart?
She bet the guy was a playboy.
At nako... Narinig na naman niya ang bansag sa kanya. Bakit ba ang hilig magbigay ng bansag ng mga ka-batch niya? Siya, bad princess, tapos ito namang lalaki na ‘to? Come to think of it. Parang mga bata, e. Palibhasa pasimuno sa bansag sa kanya ang mga kaibigan niya.
This time, malakas na tinulak niya na ang lalaki at asar na tinignan ‘to.
“Hoy! Tsansing ka, ha! Sino ka ba?!” bulyaw niya rito.
“Hindi mo ‘ko kilala?” Parang hindi pa makapaniwalang balik tanong nito. “Weh?”
“Aba’t…!” Iniinis ata siya ng sira-ulong ‘to, e. “Ay, oo, kilala kita! Oo, tama, kilala nga kita. Sino ka nga, di ba?!” Naiinis na siya. Tanghaling tapat, pinapainit ang ulo niya.
“Nagka-amnesia ka ba?” balik na naman nito sa kanya.
“Naka-drugs ka ba?”
“Bakit nagbago ka na?”
“Gusto mo bang masaktan ng as in ngayon na?”
Bully alert. Bwiset. Naaasar na kasi talaga siya. Babatukan niya na talaga ‘tong lalaking ‘to, kaunti na lang. Akala ba nito hindi niya tototohanin? Kung anu-ano pinagsasasabing hindi naman niya maintindihan. Naka-shabu ata si kuya, e.
“Wait, dude. Kilala mo si Yanna?” singit ni Jake.
“Oo nga, TJ. Close ba kayo?” dagdag pa ni Diego.
“Oo,” diretsong sagot naman nu’ng TJ.
Paano? ang kanina pang tanong sa isip niya.
“Ows? Sige nga! Ano’ng apelyido ni Yanyan?” hamon ni Kiray rito.
Tignan lang niya kung masagot nito ‘yon. Ngayon lang sila nagkita, d’yata namang malaman nito?
“Santana,” kampanteng sagot nito.
What the—
Lahat sila, nagulat. Lalo naman siya! Paanong alam nito ang apelyido niya?
“O, sige. Ilang taon na siya?” Si Julia naman ang humamon ngayon.
“Sixteen.”
Shit, she cursed. Tama na naman!
Sixteen na nga siya at tama rin, Helen Arianna Santana ang buong pangalan niya.
“Kailan ang birthday niya?” Bea followed.
“October 2.”
Pati birthday niya!
“……….”
Napatingin siyang bigla sa barkada niya. Ano? Suko na ang mga ‘to? Wala nang sumunod na nagtanong, e.
“Beh, kilala ka nga,” bulong ni Yen sa kanya.
“Gurlalu, baka nga nagka-amnesia you,” bulong din ni EJ sa kanya.
What? Naka-drugs ba ang mga ‘to? Amnesia-amnesia!
Pero… paano nalaman ng lalaking nagngangalang TJ ang ang mga personal na impormasyon niya? Was he her… stalker?
Right! Malamang na stalker niya nga ‘to. But that didn’t make any sense. Ang gwapong stalker naman nito. Sabagay, sa panahon ngayon mapanlinlang na talaga ang itsura. Pero isa pa pala, sa campus lang nila siya kilala. Sa campus lang nila siya sikat dahil sa pagiging mataray niya.
“Teka, teka nga! Sino ka ba talaga? Ha?” asar na tanong niya sa lalaki.
The guy leaned forward and leveled his face to hers.
Shit. Biglang bumilis ang t***k ng puso niya. Pero hindi siya kumilos, ni hindi siya umurong kahit na-intimidate siya sa lapit ng mukha nito. Gagong ‘to. Akala ba nito uurungan niya ‘to?
“Weh? Hindi mo talaga ako nakikilala?”
Pakiramdam niya ba, may kung ano’ng kakaiba sa tonong ginamit nito.
What the hell was happening? Nadi-distract siya. Ang mga mata nito na pagkaraang kilatisin ang mukha niya’y matagal na tinitigan siya sa mga mata.
Those brown eyes...
Sinampal—No. Hindi naman sa sinampal. Basta isinakto niya ang palad sa kaliwang pisngi nito para ilayo ang mukha nito sa kanya.
Sira-ulo. Ano’ng karapatan nitong lituhin siya?
“Okay ka rin, ‘no? Unli ka? Magtatanong ba ‘ko kung kilala kita?”
Dumiretso ng tayo ang lalaki. Pero bigla na lang nag-lean forward ulit kagaya ng kanina.
Holy Mary, Mother of God. The hell was wrong with her heartbeat?!
Lalo kasing bumilis ang t***k ng puso niya sa biglaang ginawa nito. At ikipinanlaki ng mga mata niya ang mga salitang ibinulong nito sa tenga niya.
Hindi siya makapagsalita. Seryoso. Natameme siya bigla. Naguguluhan talaga siya.
He looked at her eyes again. And did her heart just skip a beat when the guy in front of her… smirked?
What the hell? Pino-provoke ba siya nito? E, pinagloloko ata siya nito, e!
“Look! Ang lapit nila!” “Oo nga! Shocks, lagot siya kay Lexi niyan!” “Huh! Sana nga! May pa-man-hater man-hater pang nalalaman ‘yang si Yanna! Kita niyo, malandi naman pala!” — Ang matatabil na dila ng mga usisera ang nagpabalik sa kanya sa realidad. Nagpinting ang mga tenga niya sa sinabi ng mga ‘to.
Hah... Siya? Malandi? The f**k?
Asar na saglit na binalingan niya ang mga usiserang palaka at pinagraratrat niya ng mura sa isip niya. Pagsasabunutan niya pa mga sira-ulong ‘yon, e. Hindi ba nakita ng mga ‘to na ang pangit na lalaking ‘to ang lumapit sa kanya?
Asar na binalingan niya ulit ang lalaki. She looked at him in disbelief. Hindi talaga kapani-paniwala ang ibinulong nito sa kanya.
Malapad na nginitian siya nito at sa inis niya, s**t, kinindatan pa siya.
Automatic na napairap siya kasabay ng pag-ismid.
Sinasabi na nga ba... He was just hitting on her! The nerve!
Bigla niya na lang ‘tong sinipa nang malakas sa kaliwang binti at malakas na tinulak sa dibdib.
“Ow!” Natural lang na umaray ang loko. Combo kaya ‘yung ginawa niya. Huh.
Hindi na niya nilingon maski ang mga kaibigan niya at agad na kumaripas ng takbo papunta sa building nila.
Hindi niya lang kasi maintindihan. Sigurado siyang hindi niya kilala ang lalaking ‘yon. Pero bakit kilala siya nito? Bakit… bakit….
No! Hindi naman ‘yun totoo. Imposible! Pero bakit niya nasabi ‘yun? Nagka-amnesia nga ba ako? Duh? Pero bakit gano’n?
Samu’t saring tanong ang pumasok sa isip niya. At nahinto lang ‘yon nang mag-echo sa isip niya ang ibinulong ni TJ sa kanya.
‘Girlfriend kaya kita.’
— — — — — — — — — — — —— — —