Araw-araw nagtatanong ako sa sarili ko kung anong nangyari at bakit ako ang nagligtas kay Lee ay si Mabel ang pinuri ng mga nakakita at hindi ako?
Ako ang kasama ni Lee at humingi ng tulong pero bakit iba ang naging kwento?
Napaka imposible naman kasi na baka nagkamali lang sila ng kwento sa nanay ni Lee at mismong kay Lee.
Pero ganun talaga.
Sadyang may mga bagay na kahit nasa harap na ang totoo ay nawawalang saysay at natatakpan na ng maling kwento.
Hinayaan ko na lang para wala ng maging gulo lalo pa at gusto ko na wala ng masama pang mangyari kay Lee habang siya ay nagpapagal ng ng naging tama niya sa ulo.
Napansin ko nga rin na para bang iniiwasan na ako ni Jelly simula ng mangyari ang aksidente ng kanyang pinsan.
Hindi ko alam kung busy lang ba talaga siya o talagang totoo ang nararamdaman kong iniiwasan niya talaga ako.
Okay naman kami.
Nag-uusap naman kami pero tipid lang.
Hindi niya naman ako talagang iniiwasan pero ramdam kong mas gusto niyang huwag akong makasama o huwag na kaming mag-usap pa.
Katanuyan ay tuwing uwian ay hinihintay ko pa rin si Jelly para magsabay kami sa pag uwi ngunit madalas ay nalalaman kong nauna na pala siyang umuwi.
Masamang mag-isip ng hindi maganda sa kapwa kaya inaalis ko sa isip ko ang kung anong mga negatibong pag-iisip.
Hindi ko alam kung galit ba siya o may tampo siya sa akin tulad ng nararamdaman ko sa nanay niya.
Gusto ko naman na maging okay kami ng matalik kong kaibigan dahil maraming taon na rin kaming magkakilala kaya nakakahinayang na sa hindi ko malaman na rason ay bigla na lang kaming magkakalayo ng loob.
“Ano po, nay?” tanong ko kay nanay na kausap ko sa aking cellphone. May mga nakalimutan daw siyang bilhin na mga sangkap sa pagluluto niya kaya tinawagan ako kung pwedeng ako na lang ang bumili total ay pauwi na rin naman ako.
Kailangan kong magpunta ng palengke dahil wala namang gata ng niyog na sariwa sa loob ng mall kaya sa palengke ang diretso ko na hindi naman kalayuan.
Madalang lang akong mamalengke kaya hindi ko kabisado kung saan ba ang pwesto ng mga sangkap na pinabibili ni nanay.
Dahil medyo nangalay ang mga paa ko pagtayo sa maghapon sa trabaho at naglakad pa rito sa palengke ay napagpasiyahan ko na munang magpahinga sa plaza ng bayan namin na malapit na lang naman sa palengke.
Hinilot ko pa ang mga binti ko dahil pakiramdam ko ay sobrang ngalay na.
Ordinaryong araw lang pero maraming mga tao buong paligid ng plaza dahil sa mga grupo ng mga estudyante na kalalabas lang din ng kanilang paaralan habang ang iba ay kagaya ko rin na kakalabas lang ng trabaho.
Kinuha ko na ang mga plastic ng mga pinamili ko ng mapansin na parang may biglang ganap sa gitna ng plaza.
Naisip ko na baka may practie ng sayaw kaya ang tangka kong pag-alis na sana ay hindi natuloy. Manonood na muna ako saglit para naman ma-relax ako ng kahit konti.
Bumalik ako sa pagkakaupo at saka nanood muna sa mga taong nasa gitna ng plaza habang may hawak-hawak pa na tarpaulin na hindi pa maayos ang pagkakaladlad kaya hindi ko makita o mabasa kung anong nakasulat.
Tahimik silang nakangiti at nakatingin sa dalawang tao na nakaupo sa isang mahabang bangko naka-pwesto sa gitna ng pantay na damuhan ng plaza.
Lalaki at babae ang nakaupo ngunit maya-maya ay lumingon ang lalaki sa likod niya kung saan naroon ang mga taong nakatayo.
Nadagdagan ang bilang ng mga tao. Ngayon ay may mga batang may hawak ng mga bulaklak at mga pulang lobo habang tahimik lang sa kanilang kilos.
Napangiti rin ako dahil mukhang may maganda talaganga magaganap.
Ngunit napawi ang aking malapad na ngiti ng makilala na ang lalaki na nakaupo na may katabing babae.
Si Lee.
Pero wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman ko ng mabasa na ang nakalagay ang nakasulat sa tarpaulin.
“Mabel, will you marry me?”
Para akong sinaksak ng isang daang punyal sa dibdib lalo na ng lumuhod na si Lee hawak ang isang singsing sa harap ni Mabel.
Kahit malayo ako sa kanila ay alam kong singsing ang hawak ni Lee.
Nagsigawan ang mga tao sa paligid sa sobrang kilig.
Unang beses nga naman na may mapanood silang nag-proposed ng kasal sa plaza na ito.
Pero kung ang lahat ay nakangiti at kinililig, hindi ako.
Hindi ako masaya.
Sino naman ang magiging masaya kung makita ng mismong mata ko na ang tanging lalaki na pinapangarap kong mahalin ay may ibang babaeng minamahal at ngayon nga ay inaalok na ng kasal.
Ang unfair, hindi ba?
Bakit laging si Mabel ang pinili ni Lee sa kabila ng lahat ng pananakit ng damdamin nito sa kanya?
Ako na lagi lang nasa tabi ni Lee lalo na kapag down na down ang pakiramdam niya.
Ako kaya ang nagpalakas sa loob niya na makakapasa na siya sa board exam sa pangalawang beses niyang subok.
Matalino si Lee pero noong unang subok niya sa board exam ay hindi siya nakapasa dahil buong pagrereview niya ay magkahiwalay sila ni Mabel.
Ayaw niya na ngang sumubok ulit dahil baka raw mabigo siyang muli pero hindi ako tumigil na kulitin siya para magpursugi muli para makapasa na sa board.
At nakapasa nga siya.
At dahil topnatcher, isang malaking kumpanya mismo ang kumuha sa serbisyo niya.
Noong nagkaroon ng party bilang pasasalamat ng pamilya ni Lee na nakapasa na siya sa board exam ay hindi ako imbitado.
Pwede naman akong magtungo at makisaya ngunit paano ako magpupunta kung naroon na si Mabel na siya pa lang nag organisa ng ganung party para kay Lee.
Itsupwera na naman ako dahil dumating na naman ang main character sa buhay ng lalaking mahal ko.
Ilang kabiguan ang kasama niya ako. Ilang tagumpay din niya ang pinalakpakan ko at sinabi sa kanya kung gaano ako ka-proud sa kanya.
Ngunit dito sa kasiyahang to ay hindi niya ako kasamang magiging masaya.
Masaya naman ako na masaya siya ngunit hindi lang ang mga mata ko ang umiiyak dahil maging ang kaluluwa ko ay nananangis at umaasam na sana ako na lang.
Lumuluha akong tumayo at dinampot na mga pinamili ko.
Umiyak man ako ng umiyak ay wala naman akong magagawa.
Magwala man ako ay gagawa lang ako ng desperadang eksena.
Dapat pala ay diresto na akong umuwi ng bahay para hindi na masaksihan ang isang eksena na dudurog sa puso at damdamin ko.
Eksena na sa tuwing maalala ko ay maituturing kong masamang panaginip.
Ang sakit.
Walang kasing sakit.
Akala ko nga ay manhid na manhid na ako pero hindi pa pala.
Ramdam ko pa rin iyong kirot.
Sobrang kirot na walang kahit anong pain reliever na makakagamot.
“Ay, bakit tumakbo ang girl?!” sigaw na tanong ng isa sa mga nanunuod na malapit sa akin kaya naman napalingon ako sa nagaganap na wedding proposa kung saan nakatunghay ang lahat.
Nakita ko nga na tumatakbo pa palayo si Mabel habang tangka sanang hahabulin ni Lee ngunit pinigilan lang ng kanyang mga kamag-anak.
Anong nangyari?
Bakit biglang tumakbo ang babaeng yon?
Hindi ba tinanggap ni Mabel ang wedding proposal?
Malamang na iisa lang ang nasa isip namin ng lahat ng mga taong nakasaksi sa proposal na ito.
Bakit sa halip na yes ang isagot ni Mabel ay bakit sumagot daw ng no at saka na tumakbo palayo kay Lee.
Ano na naman ba ang drama ng babaeng yon at nakuha niyang ipahiya si Lee sa harap ng maraming tao?
Kahihiyan itong ginawa niya.
Kahihiyan ito hindi lang kay Lee kung hindi sa buong angkan niya na mukhang kasama sa surprise wedding proposal niya para kay Mabel.
Hindi pa ba siya sigurado na si Lee na ang lalaking para sa kanya?
Hindi pa ba siya sigurado na si Lee na ang makakasama niya habang panahon kaya sa halip na sumagot ng yes ay nagtatakbo si Mabel?
Si Lee na pangarap ko pero siya ang pangarap.
Si Lee na mahal ko pero siya ang mahal at nais nitong makasama habang buhay.
Samantalang ako ay lagi lang sa gilid tulad nitong eksena na ito at nanatili lamang nakamasid at walan karapatan na makialam.
Unti-unti ng nagsisi-alisan ang mga kamag-anak ni Lee sa paligid niya ganun din ang ibang taong nakasaksi ng kaganapan.
Nakikita kong umiiling si Lee o tumatanggi na marahil ay niyayakag na siyang umuwi ng isa sa kanyang mga tiyuhin.
Hindi rin naman ako umalis sa kung nasaan ako at binabantayan lang ang lalaking ewan ko ba kung bakit ilang beses na akong sinaktan ay hindi ko pa rin magawa na kalimutan.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses niya akong pinaiyak dahil laging ako ang naisasantabi kapag nariyan na ang babaeng mahal niya.
“Bakit naman kasi si Mabel pa rin ang minamahal mo sa kabila ng lagi ka lang niyang sinasaktan? Bakit na kasi kahit lagi ka na lang niyang iniiwan sa ere ay siya pa rin ang gusto at mahal mo samantalang ako ay lagi lang narito sa tabi at naghihintay lang na mapansin mo,” bulong ko sa hangin.
Napapansin naman ako pero dahil lang walang ibang pagpipilian.
Panakip-butas na lang lagi.
Nanatili lamang na nakaupo si Lee sa mahabang bangko kung saan kasama niya si Mabel. Ngayon ay mag-isa na lamang siya dahil iniwan na siya ng lahat.
Ang ginawa ko ay humanap ako ng tricycle driver na alam ang bahay namin at pinahatid ko na lang ang mga pinabili ni nanay at nagdahilan ako na may biglaang lakad.
Isang buntong-hiniga ang ginawa ko at saka na pinagpasiyahan na lapitan na si Lee.
Umupo ako sa tabi niya ngunit hindi ko siya tiningnan para huwag kong makita ang lungkot sa mukha niya.
Baka kasi umiiyak siya dahil sa babaeng yon bagay na iniiwasan kong masaksihan dahil dudurugin na naman ang puso ko ng pino.
“Masarap sigurong uminom ng alak ngayon, ano?” tanong ko pero sa malayo pa rin ang tingin ko.
Nag-isip ako ng pwede naming gawin na sasang-ayon siya.
Ano ba ang ginagawa niya kapag broken-hearted?
Nagwawalwal.
“Ilang buwan na rin kasi akong hindi umiinom ng alak kaya na miss ko na rin siguro ang lasa.” Dagdag ko pang sabi.
“Nasaksihan mo ba kung paano ako tinanggihan at tinakbuhan?” aniya sa akin ngunit hindi ko siya sinagot.
Ayokong pag-usapan dahil alam kong ayaw niya rin.
Gusto ko kasi na mailabas niya ang anuman na sama ng loob na nararamdaman niya ngayon kaya niyayakag ko na lang siyang mag-inom ng alak.
Mahirap kaya tanggapin ang rejection.
Alam na alam ko ang pakiramdam ng kabiguan.
Sobrang hirap.
Ewan ko ba at paano ko nakakayanan ang paulit-ulit na rejection na natatanggap ko mula sa kanya.
“Palagay ko masarap nga ang uminom. Ayoko pa sanang uminom ng alak dahil kagagaling ko lang sa aksidente pero kasama kita. Kasama kita kaya alam kong hindi mo ako pababayan. Kaya naman tara na!” pagyaya niya na sa akin na nauna pang tumayo at saka niya inilahad sa harap ko ang kanyang kanang kamay.
Napatingin ako sa kamay niya at sa mukha niya.
Paano kaya kong nakaluhod ang isa niyang tuhod sa harap ko habang ang kamay niyang nakalahad ay may hawak na singsing?
At ako na ngayon ang tinatanong niya ng, “Cherry, will you marry me?”
Napangiti ako sa sarili kong imahinasyon.
Imahinasyon lang naman. Kahit man lang doon ay maranasan kong may mag-proposed si Lee sa akin.
Sakay ng kanyang sasakyan ay bumiyahe kami palayo.
Alam ko labas na ng bayan namin ang tuwid na kalsada na tinatahak namin ng matulin gamit ang kanyang sasakyan.
Pero wala naman akong pakialam.
Basta kasama ko si Lee ay ayos na ayos lang.
Kahit nga umabot pa kami ng dulo ng mundo ay sasamahan ko siya.
Sasakyan ko lahat ng trip niya sa buhay.
Kung saan siya magiging masaya ay lagi lang din akong nakasuporta na hindi katulad ng girlfriend niya na lagi na lang siyang sinasaktan, iniiwan at ngayon nga ay nakuha pa siyang bigyan ng malaking kahihiyan na tiyak na pag-uusapan ng mga taong bayan.
“Saan mo gusto mong magpunta, Che?” tanong niya ng ligunin ako.
Kahit nakangiti ang kanyang mukha ay makikita pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata.
Lungkot na gawa na naman ng babaeng mahal niya.
“Kahit saan. Basta sa kung saan tayo umabot.” Maagap kong naging sagot.
Nagbiyahe pa nga kami ng malayo hanggang sa huminto na nga kami isang magandang lugar.
Kung hindi ako nagkakamali ay nasa probinsya na kami ng Rizal.
Gabi na ngunit nakikita pa rin ang kagandahan ng paligid dahil nga mapapatingala ka sa itaas kung saan maraming ilaw sa loob ng maraming bahay.
Para bang mga bituin na nagsibaba at kayang abutin ng kamay.
Sa isang private resort kami tumuloy ni Lee na talaga namang sobrang nakakahanga ang ganda ng paligid.
“Wow!” bulalas ko ng mula sa terrace ng hotel room kung saan kami nag-check in ay kitang-kita ang buo na yatang kamaynilaan.
Nagkikislapan ang mga ilaw sa ilalim ng madilim na kalangitan.
“Nagustuhan mo ba?” aniya sa akin sabay abot na ng isang bote ng alak.
Marami kaming biniling alak sa nadaanan naming convenient store kanina at ngayon ay nakalapag sa maliit na lamesita ng terrace.
Nakatingin din siya sa magandang tanawin kaya ng humarap ako sa kanya ay nakatagilid ang mukha niya sa akin.
“Gusto. Gustong-gusto ko,” ang sagot ko habang sa nakatagilid niyang mukha ang tingin ko.
Gusto ko ang tanawin ngunit mas gusto ko ang taong kasama ko.
Mas gustong-gusto ko na lagi siyang tingnan at pagmasdan sa habang-buhay kahit kumulubot na a ang mukha niya at kahit pumuti na ang lahat ng mga buhok niya.
“Ang simple lang ng pangarap ko sa buhay pero bakit para talagang pinagkakait sa akin, ano?” kwento niya na habang sabay na naming pinagmamasdan ang kariktan ng paligid.
“Gusto ko lang naman ng pamilya. Gusto ko ng isang simpleng may-bahay kung saan bibigyan ako ng mga anak.” Dagdag pa niyang sabi.
“Ilang anak ba ang gusto mo?” tanong ko kasi pangarap ko rin ang magka-anak.
At gusto ko sanang sabihin na kung gusto mo ng may-bahay ay ako na lang. At handa kitang bigyan ng kahit isang-dosena pa na mga anak.
“Dalawa lang sana. Isang lalaki at isang babae.” Ang sagot niya.
“Dalawa ang gusto ko para mas mabigyan ko sila ng atensyon at pagmamahal. Mahirap naman kasi ang isa lang at nagsosolong anak na gaya ko. Kapag may problema wala man akong masabihan o makaramay man lang. Wala rin si Mama dahil nasa trabaho sa ibang bansa ganun din naman ang Papa ko na hanggang ngayon ay hindi ko nakakaharap at nakakausap ng personal.”
“Isang batang lalaki na kamukha ko habang ang isang batang babae ay kamukha ko pa rin. Gusto ko kamukha ko mga anak ko. Maglalaro kaming mag-aama at bubuo ng mga alaala na kabilang maalala hanggang sa pagtanda nila. Hindi katulad ko na walang masayang ala-ala kasama ang mga magulang ko noong maliit at musmos pa lang ako.”
“Sisiguraduhin ko na magiging masaya ang mga anak ko na ako ang naging tatay nila dahil wala akong ganun sa buhay ko.”
Hinahayaan ko lang na magsalita si Lee para makalimutan niya ang kabiguan na nangyari sa kanya kanina.
Nagkukuwento naman siya ngayon ng tungkol sa mga naging kakulangan sa buhay niya na nais niya sanang mapunan sa pagiging isang tatay sa mga anak niya pero paanong mangyayari kung ang nais niyang maging nanay ng mga anak niya ay tinanggihan ang kasal na inalok at tinakbuhan pa siya habang nabibilad sa kahihiyan.
“Kung ganun ay dalawa lang pala ang gusto mong maging anak? Ako kasi, apat. Dalawang lalaki at dalawang babae. Katwiran ko naman ay para marami silang magtulungan kapag may problema. Mas marami, mas masaya,” saad ko naman.
Pangarap ko talaga yon.
Solong anak din ako ni nanay kaya ramdam ko ang sinabi ni Lee na wala siyang masabihan ng problema kasi nga wala siyang kapatid.
Humarap sa akin si Lee at saka ako pinagmasdan.
Ngumiti ako at natawa.
“Bakit ka biglang napatitig sa akin? Nakita mo na ba maganda ako?” biro ko dahil alam ko naman na mas maganda si Mabel sa akin.
Tumango naman si Lee.
“Maganda ka naman talaga, Che. Hindi ka lang maganda sa panlabas dahil mas maganda ang pagkatao mo. Nagtataka nga ako kung bakit ganyan ka ka-positibo sa buhay samantalang tulad ko ay lumaki ka rin na walang tatay, hindi ba?”
“Siguro dahil positibo si nanay. Lumaki kasi ako na hindi pinaramdam sa akin ni nanay na sinisisi niya ang tatay ko kaya ganito ang buhay namin. Lumaki ako na lahat ginagawa ng nanay ko para mabuhay kami ng masaya at kuntento.” Ang sagot ko.
Bakit nga ba?
“Lumaki ako na hindi iniintindi ang anong sasabihin na hindi maganda ng iba dahil wala naman itong magandang maidudulot. At saka, wala naman silang ambag kaya bakit ko iintindihin ang opinyon nila? Kapg kasi nag-isip ka ng negatibo ay pwedeng ang iniisip mo nga ang mangyari. Kaya dapat positibo lang tayo lagi.” Dagdag ko pa.
“Alam kong matutupad mo ang mga pangarap mo, Che. Apat na anak? Baka nga maging walo pa!” bulalas ni Lee at sabay kaming tumawa ng tumawa.
“Ayaw pa raw magpamilya ni Mabel kaya tinanggihan niya ang wedding proposal ko.” Sabay lagok ni Lee ng alak sa hawak niyang bote.
“May mga pangarap pa raw siyan na nais abutin tulad ng makarating sa mga bansa na pangarap niyang puntahan.”
Iyon naman pala ang rason.
Magka-edad lang sina Lee at Mabel. Kung tutuusin ay nasa edad na rin sila para mag-asawa na ngunit kapag nga naman may pamilya ka na ay hindi mo na magagawa ang mga bagay na nais mong gawin pa sa buhay lalo na kung may anak ka na.
“Handa na kasi ako pero hindi ko alam na hindi pa pala siya handa. Dapat pala ay tinanong ko na muna ng pribado kung gusto niya ng magpakasal sa akin.” Malungkot na pahayag ni Lee.
Nakikinig lang naman ako.
Ayokong magsalita dahil baka masabi ko ang nais kong sabihin ako na lang dapat ang siyang pakasalan niya.
“Ang dami ko na sanang plano pero lahat ay gumuho,” sabi niya pa.
Salita ng salita si Lee pero nanatili na talaga akong walan kibo at panay lang din ang inom ng nakalalasing na inumin.
“Teka nga muna, kanina pa ako nagsasalita pero wala ka man lang sinasabi,” aniya na sa akin.
“Ano naman ba ang gusto mong sabihin ko? Alam mong alam mo kung anong nasa saloobin ko, Lee.” Ang sagot ko sa lalaking napatda yata.
Nakita ko pang gumalaw ang kanyang adam's apple na parang nahirapan na lumunok.
“Che, alam mo naman na kung hanggang saan lang ang kaya kong ma-offer sayo.”
Nagkibit-balikat ako.
“Oo, alam ko naman. Kaya nga tahimik na lang ako hindi ba? Dahil kapag nagsalit ako ay baka magalit ka lang,” ani ko pa.
Magpapa-party ako kung pwede lang.
“Sorry, Che. Sorry kung kahit na alam kong may pagtingin ka sa akin ay ikaw itong nasasandalan ko tulad ng mga oras na ito.”
Sorry?
Sorry lang talaga?
“Sanay na ako, Lee. Huwag kang mag-sorry dahil alam ko naman ang lugar ko. Alam kong simula pa lang isa lang akong panakip-butas.” Sabay ngiti ko ng may pait.
Gusto ko na ngang umiyak pero pinipigilan ko lang talaga.
“Huwag kang mag-sorry dahil sanay na akong hindi pinipili. Pustahan tayo, kahit binigyan ka ng malaking kahihiyan ni Mabel ay siya pa rin ang pipiliin mo, hindi ba? Pupuntahan mo pa rin siya at susuyuin mo pa rin siya hanggang sa maging kayo na naman ulit.” Sabay tungga kong ng alak sa bote kong hawak.
“Ganyan naman lagi ang senaryo. Mag-aaway kayo, tatawagan mo ako at magkukuwento ka ng mga sama mo ng loob pero sa huli ay magkakabalikan pa rin kayo. At makakalimutan mo na naman ako. Tapos ganun na naman. Magbabalikan kayo tapos maghihiwalay. Magbabalikan, maghihiwalay. Pero ayos lang sa akin dahil alam mo naman na lagi lang akong nasa isang tabi at naghihintay kung kailan mo kailangan.”
Si Lee naman ang hindi nakapagsalita.
Tinamaan yata sa mga sinasabi ko.
“Bakit ba kasi lagi kang nasa tabi kapag kailangan kita?” untag niya kaya naman bahaw akong natawa.
“Natural! Dahil mahal kita. Ganun kita kamahal, Lee. Kahit alam kong extra lang ako ay hindi ako makatanggi. Kahit paulit-ulit mo lang akong sinasaktan ay ayos lang dahil nga mahal kita. Tinatawanan at pinupulaan na ako ng marami sa pagiging panakip-butas pero nananatili ako dahil mahal kita.” Pahayag ko dahil tinatamaan na talaga ako ng espiruto ng alak.
“Bakit ikaw naman yata ang walang kibo? Hindi mo ako masagot kasi hindi mo naman ako mahal? Huwag kang mag-alala at balewala naman sa akin yan. Alam ko ang katotohanan na yan kaya sanay na sanay na ako. Manhid na manhid na ako-”
Hindi ko na natuloy ang ano pa na sasabihin ko dahil sinugod ako ni Lee ng marubdob na halik sa aking mga labi.
Nakakasakit ang paraan niya ng paghalik pero hindi ako nagpatalo. Hinawakan ko ang kwelyo ng kanyang suot na polo at saka nangunyapit at lumaban ng marubdob na halikan.
Ginalugad namin pareho ang loob ng aming kanya-kanyang bibig habang ang aming mga dila ay nagpipingkian.
Sumisipsip.
Hanggang sa unti-unti naglalakad paurong patungo sa loob ng silid.
Habang naglalakad ay patuloy lang ang aming halikan na para bang wala ng bukas.
Kinapa ni Lee ang hook ng bra ko sa at saka nya na ito tinangal kasunod ng paghubad ko sa kanyang polo.
Ekperto ko rin na tinanggal ang pagkakatalagay ng sinturon sa kanyang pantalon at ibinababa ko kasabay din ng kanyang suot na brief.
Wala na rin akong suot na pang itaas ng itulak ako ni Lee para mahiga na sa malambot na kama.
Nagmamadali niyang hinubad ang kanyang pantalon at brief at tinapon lang sa kung saan at saka na sumampa sa kama sa paanan ko.
Pinutakti na naman ang bibig ko at hinalikan ang buong mukha ko. Wala siyang pinalampas dahil maging ang likod ng dila ko ay kanyang dinilaan at hinalikan.
Ang aking leeg ay pinalibutan na naman ng kanyang nakakakiliting mga halik habang ang mga kamay niya ay lumalamas sa magkabila kong dibdib na naninigas kapag pinagpapala na ng kanyang mainit na dila.
“Ohhhhh!!!” mahaba kong ungol ng maramdaman na nga na kinagat niya ng marahan ang tuktok kaliwa konv dibdib habang ang isa kong tuktok ay pinaglalaruan ng kanyang daliri.
Napapaliyad na ako na salitan ng pinagpala ni Lee gamit ang kanyang dila at bibig ang dalawa kong dibdib habang ang kanyang kanang daliri ay gumapang na patungo sa aking kaselanan para kilitiin ang kapirasong laman na nakausli.
Napapaliyad na rin ang aking pwitan dahil sa patuloy na pagliyab ng apoy na sa pagitan namin ni Lee.
Ngunit ayoko munang labasan agad.
Gusto ko sanang paligayahin ng husto si Lee at baka sakaling makalimutan niya na si Mabel kaya naman itinulak ko siya.
Bumangon ako at pumwesto ako sa pagitan niya at walang hiya kong isinubo ang kanyang matigas at malaking sandata.
“Ahhh! Cherry!” sigaw niya sa aking pangalan ng simulan ko ng itaas baba ang aking kamay na nakasalmal ng mabuti sa kanyang ari habang ang dila ko ay para bang kumakain ng natutunaw na sorbetes.
Ngunit napadaing sa sarap si Lee ng simulan ko ng ilabas-pasok ang ang kanyang ari sa bibig ko.
Napasubunot pa siya ng mahigpit sa ulo ko ng walang sawa kong kainin ang kanyang malaking ari.
Dapat ay makalimutan niya si Mabel. Ako lang dapat ang mahalin niya.
Iyon ang naisip ko kaya ginagawa ko itong lubos na pagpapaligaya sa kanya.
Ngunit pinigilan na ako ni Lee at bumangon siyang muli.
Sa pagkakataong ito ay bumalik siya sa pagitan ng mga hita ko at isnubsob na nga ang kanyang ulo sa kaselanan ko.
Sinimulan niya ng galugurin ng kanyang dila ang aking p********e kaya talagang napapadaing na rin ako sa sarap lalo na ng pagsabayin niya ng dilaan at kalilutin ng kanyang daliri ang aking butas.
Hindi ko na alam kung paanong kakapit sa kanyang buhok dahil sa sobrang pagnanasa at sarap na pinararamdam niya sa akin.
Pero nang tangka niya ng ipapasok ang kanyang ari sa p********e ko ay umurong ako.
Tumayo akong muli at itinulak si Lee na mahiga.
Hinawakan ko ang kanyang ari at maya-maya ay itinutok ko sa butas ng p********e ko.
Napangisi naman si Lee.
“Ibang klase ka ngayon, Cherry,” aniya at hinayaan lang ako sa nais kong gawin.
Ako ang nakaibabaw sa kanya at pinilit kong magtaas-baba para naman maiba kami ng posisyon.
Taa-baba.
Taas-baba.
Habang tumatrabaho ako ay nakikita ko sa mukha ni Lee na tunay na nasasarapan sa ginagawa kong pagbayo sa taas niya.
Ngunit hindi nagtagal ay hinawakan niya ang balakang ko at tinulungan niyang magtaas-baba ito.
Pero maya-maya rin ay hiniga niya na ako sa kama at siya na ang bumayo.
Naroon iyong itaas niya ang isang paa ko para mas maisaksak niya ang kanyang ari sa p********e ko.
Naroon ang padapain niya ako at patuwarin.
Basta alam ko, iba ang gabi na ito.
Para bang may bumubulong sa akin na gawin ko ang lahat para huwag ng balikan pa ni Lee si Mabel na nilagay lang naman siya sa kahihiyan sa pangtanggi sa wedding proposal.
“Ang sarap mo, cherry!” daing niya ng ipagpatuloy naman namin sa loob ng banyo at sa ilalim ng maligamgam na dapyo ng tubig ang aming pagniniig.
Panay ang pagbayo niya sa akin habang ako ay nakasandal sa pader ng banyo.
“Ganyan nga, Lee. Mabaliw ka sa akin at kalimutan mo na si Mabel. Ako na lang ang mahalin mo. Ako na lang ang pakasalan mo. Ako na lang ang maging nanay ng mga anak mo,” bulong ko habang nakatingin kay Lee na puno ng pagnanasa akong pinapaligaya.
Pero kahit kailan. Sa ilang beses na rin namin na nag-s*x ay hindi niya kailanman binanggit na mahal niya ako o nag I love you man lang kahit nadulas lang.
Ngunit hindi ko man siguro marinig sa kanya ang mga salitang nais kong marinig ay ramdam ko naman na may pagmamahal din naman siya sa akin.
Kahit konti lang ay panghahawakan ko ang pagmamahal na yon.
Bago kami tuluyan na mag-check out ay nagsawa kaming muli sa katawan ng isa't-isa.
Lahat yata ng style sa pagsesex ay ginawa namin sa magdamag at paggising namin sa ngayong umaga.
“Ihahatid ba kita sa inyo?” tanong niya ng bumibiyahe na kami pauwi.
Umiling ako.
“Huwag na. Ibaba mo lang ako sa malapit sa palengke para tuloy ako sa pwesto ni nanay.” Sagot ko.
“Uuwi ka ba o diretso sa trabaho?” untag ko naman.
“Pupuntahan ko si Mabel at kakausapin.”
At namatay na naman ako.
Ganun na lang ba talaga ang halaga ko?
Bakit ginawa ko na yata ang lahat pero si Mabel pa rin ang iniisip niya?
“Sa kabila talaga ng ginawang pamamahiya sayo ni Mabel ay pupuntahan mo pa rin pala?” hindi ko na pigilan na komento.
“Che, alam mo kung bakit. Kapag mahal mo ang isang tao ay gagawin mo ang lahat.”
“Alam ko dahil ganun ang ginagawa ko sayo. Kaya nga kahit pagkatapos mong pagsawaan ang katawan ko ay si Mabel pa rin ang mahal mo ay tanggap ko.” Sansala ko agad sa sinabi niya.
“Che, pinag-usapan naman natin ang tungkol sa pagitan nating dalawa hindi ba? Huwag kang magsalita na parang nais mo akong konsiyensahin sa ginawa nating pagse-s*x?”
Sex.
Tama.
Sex lang yon.
Isa lamang akong parausan para ka Lee.
Hindi na ako kumibo sa buong biyahe namin at nagpanggap na lang akong tulog.
Nang masilip kong malapit na kami sa amin ay nagpababa ako agad para maglakad na lang sa pwesto ng nanay ko.
“Goodbye, Che,” sabi pa ni Lee ngunit hindi na ako sumagot. Hindi rin ako kumaway at lalong hindi ko na siya tinapunan ng tingin.
Sa paglalakad ay nadaanan ko ang parokya namin at sa hindi ko malaman na kadalinan ay nagtungo ako sa loob nito.
Walang masyadong tao.
Kung mayroon man ay naroon sa pinaka unahang bahagi at taimti na nagdarasal habang nakayuko.
“Wala po akong mapagsumbungan na tatay kaya Sainyo na lang po ako magsusumbong,” mahina kong wika habang nakatingin sa unahan ng simbahan kung nasaan ang imahe ng nakapakos sa krus.
“Sabagay, kahit naman po hindi ako magsalita ay alam Niyo na ang lahat ng mga sasabihin ko.”
“Bakit po ganun? Bakit ang hirap ko po yatang ibigin ng lalaking mahal ko?”
Sobrang bigat kasi ng nararamdaman ko kaya inilabas ko muna lahat sa pamamagitan ng pag-iyak ko sa loob ng simbahan.
“Nariyan ka na pala, Cherry. Kumain ka na, nak,” ani ni nanay ng makita na akong paparating sa pwesto niya.
Naupo lang ako sa bakanteng silya sa bakanteng lamesa na pag-aari ni nanay.
Pinagmasadan ko siya habang kumikilos para ipaghanda ako ng makakain.
Ganito ako asikasuhin at pahalagahan ng nanay ko pero hinahayaan kong gawin akong basura ni Lee.
“Kumain ka na, nak. Magsabi ka lang-
Bigla ko na lang niyakap sa baywang si Nanay.
Ganyan naman siya sa akin.
Hindi talaga siya nagtatanong kung saan ako galing dahil alam ko naman daw ang tama at mali.
“Salamat po, Nay. Mahal na mahal na po kita. Sobrang salamat po sa pagpapahalaga at pagmamahal.” At saka ako umiyak ng umiyak habang yakap si nanay.