Episode 4

5000 Words
Hindi ko alam kung anong okasyon sa compound nina Lee pero may order na dalawang bilao ng palabok, tatlong bilao ng lumpiyang sariwa kay nanay na nanay raw mismo ni Jelly ang umorder sa pwesto ni nanay sa palengke. “Ikaw na ang maghatid kina Jelly ng order ng nanay niya. Bayad na rin lahat yan.” Utos ni nanay. Gusto kong tumanggi ngunit mag-iisip malamang si nanay na baka may problema kami ni Jelly kaya kahit labag sa kalooban ko ay dapat kong ihatid. At saka, ako naman talaga ang taga-deliver ng mga order na pagkain tapos pagdating kina Jelly ay tatanggihan ko? Si Jelly na matalik kong kaibigan at alam ni nanay na close ko ang buong pamilya niya. Ang totoo, talagang nanlamig ang pagkakaibigan naming dalawa ni Jelly. Talagang iniiwasan niya na ako. Hindi niya na ako pinapansin kahit pa magkakasalubong na kami. Minsan nga ay tinawag ko siya ngunit kahit alam kong narinig niya ako ay hindi niya talaga ako pinansin kaya ginalang ko na lang kung anong nais niya. Hindi ko na pinilit ang sarili ko dahil baka may nagawa akong mali kaya nagdamdam o kaya ay nagtampo. Kung kakausapin niya ako at sasabihin ang nagawa kong mali ay handa naman akong manghingi ng sorry pero ayaw niya naman akong kausapin o kahit pansinin man lang. Kahit chat ay wala naman akong natataggap. Si Lee, tuluyan ko na siyang binlocked sa social media para hindi niya na ako magulo pa. Simula ng magbiyahe kami noong araw na nabigo siya sa wedding proposal kay Mabel ay hindi na ako nakibalita sa kanya. Nahimasmasan ako. Matapos ng lahat ng gawin ko para mabaling sa akin ang pagmamahal niya ay si Mabel pa rin talaga ang pipilin niya sa huli kahit sinaktan na siya nito ng labis. Nang makita ko kung paano ako asikasuhin ni nanay para makakain ay talagang napahagulgol ako sa iyak dahil pinagpipilitan ko ang sarili ko sa isang tao habang ang nanay ko ag sobra akong pinapahalagahan. Ginawa ko ang lahat para mahalin ng isang tao pero si nanay ay mahal na mahal ako kahit marami akong pagkukulang sa kanya. Mahal na mahal ko si Lee pero panahon na talaga para tigilan ko na siyang mahalin. Kaya kahit din ayaw ko na mag-iwasan kami ng best friend kong si Jelly ay mas mabuti na nga yatang ganito na nga para wala na talaga akong dahilan para lumapit kay Lee at mawalan na ako ng anumang balita sa kanya. Mahirap dahil ilang beses ko ng sinubukan na kalimutan si Lee pero sa pagkakataong ito ay paninindigan ko na talaga hindi para sa sarili ko kung hindi para na rin kay nanay. Kung ako wala akong pagpapahalaga sa saril ko, si nanay ay meron kaya tama na. Tama na ang pagiging tanga ko. Tama na ang pagpayag kong magong panakip-butas dahil masyado akong mahalaga para sa nanay ko. Pero ngayon ay mukhang sinusukan kung hanggang saan ang paninindigan ko ng ako pa mismo ang magdadala ng mg order ng nanay ni Jelly. Alam kong kilala ng nanay ng matalik kong kaibigan ang nanay ko kaya nakapagtataka na sa amin siya umorder gayong halata ang pagdisgusto niya sa akin. Ngunit ang negosyo ay hindi dapat maapektuhan ng personal na buhay kaya tuloy ang laban. Sumakay ako ng tricycle para nga i-deliver na sa compound nina Jelly ang mga pagkain. Malayo pa lang ay maingay na. At nagsasaya yata sila. Wala naman akong maalala na meron silang okasyon ngayon. Sa tagal na naming magkaibigan ni Jelly ay kabisado ko na maging ang mga birthday ng mga kamag-anak niya na nakatira sa compound kahit pa nga ang mga death anniversary ng kanilang mga ninuno. Ihahatid ko lang ang mga pagkain at aalis na ako agad. Nang huminto ang tricycle at lumabas ako ng sasakyan ay ramdam ko na nasa akin na ang halos tingin ng mga kamag-anak ni Lee. Diretso lang naman ang tingin ko ngunit kailangan kong hanapin ang nanay ni Jelly. Nakita ko naman ang nanay ng matalik kong kaibigan sa harap ng mahabang lamesa kung saan nakalapag ang iba ng mga pagkain kaya nagpatulong ako sa tricycle driver na buhatin ang ibang mga bilao at para may masakyan na rin ako agad pauwi. “Tita, heto na po ang mga order niyo kay nanay.” Ang nakangiti kong sambit at tangka sanang kukunin ang kanyang kanang kamay para magmano ngunit may nagsalita. “Siya ba ang babaeng kinukuwento mo, Janice?” Napalingon akong sa babaeng nagtanong. Namumukhaan ko siya. Siya ang nanay ni Lee na nakikita ko lang ang mukha sa mga photo frame sa bahay ni Lee. Mula paa hanggang ulo ay sinuri ako ng kanyang mga mata na para bang pinapag-aralan ang buong katauhan ko. “Siya nga, ate.” Sagot ng nanay ni Jelly. “Bakit po, tita? May problema po ba?” ang magalang kong tanong sa dalawang Ginang na nag-uusap. Lumapit naman sa akin ang nanay ni Lee na hindi ko maintindihan kung bakit parang galit akong tinitingnan. “Mano po,” sabi ko at saka ko tangkang aabutin ang kanyang kamay nguni iniwas niya para hindi ko mahawakan. “So, ikaw pala ang babae ng anak ko?” paratang niya sa akin. “Ano po an ibig niyong sabihin?” ani ko naman. Bakit ganun ang tanong niya? Ako babae ni Lee? Oo at aminado ako na ilang beses ng may nangyari sa amin ng anak niya pero hanggang doon lang. Never akong nag-demand ng kahit na ano kay Lee. Kaya bakit ako ganito tanungin ng nanay nya na kung tutuusin ay ako ang talo dahil babae ako at lalaki ang anak niya. “Mawalang-galang na po pero hindi po ako babae ng anak niyo.” Pahayag ko na. “Huwag ka ng magmaang-maangan pa dahil alam ko ang lahat ng mga pinagagawa mo para masira sina Lee at Mabel. Pero dahil mahal na mahal nila ang isa't-isa ay malabo mo talaga silang mapaghihiwalay! Kaya ako na ang nagsasabi sayo na layuan mo ang anak ko dahil kahit anong gawin mo ay hindi magugustuhan bilang manugang! Si Mabel lang ang tatanggapin ko at hindi ang babaeng katulad mo!” asik ng nanay ni Lee sa akin. Hindi ko naman alam kung anong pinasasabi niya. Ako? Anong ginagawa ko para paghiwalayin sina Lee at Mabel gayong ang papel ko nga ay alagaan ang anak niya sa tuwing magpapakalunod sa alak. Ang lahat ng mga mata ay nakatutok sa akin. Pakiramdam ko ay pinagkakaisahan nila lahat ako na wala naman talagang ginagawang masama. “Sa palagay ko po ay nagkakamali kayo, Ma'am-” “Huwag ka ng sumagot pa!” sansala niya agad sa sasabihin ko. “Alam kong lahat ang ginagawa mong pagdikit-dikit sa anak ko kaya huwag ka ng magpaliwanag pa dahil hindi kita paniniwalaan.” Ngumiti ako ng may pait. Parang alam ko na kung sino ang nagsasabi ng baligtad na kwento sa nanay na nakakarating sa nanay ni Lee. Pero bakit niya ginagawa ito? Pinalampas ko na ng palabasin niyang si Mabel ang nagligtas kay Lee sa aksidente nito kailan lang ngunit bakit maging ang kwento ay dapat niyang ibahin. Tumingin ako sa nanay ni Jelly. “Anong tinitingin-tingin mo, Cherry? Hindi porke matalik kayong magkaibigan ni Jelly ay kakampihan ka namin,” aniya sa akin kahit wala naman akong sinasabi. “Bakit po nagawa niyo ito?” tanong ko na. “Anong nagawa? Anong tinatanong mo, Cherry? Huwag mong sabihin na pinagbibintangan mo ako na siyang nagsusumbong ng mga ginagawa mo?” Nahuhuli talaga sa saril nilang bibig ang isda. Nagtanong lang ako ay kuntudo na siya sa pagtatanggol sa kanyang sarili. Umiling ako. “Wala pa akong sinasabi pero tinatanggi mo na. Hindi ko alam kung ano ang nagawa kung kasalanan sa inyo para tratuhin niyo ako ng ganito. At lahat kayo ay binaligtad ang kwento. Pero anong magagawa ko at anong laban ko sa bilang ninyong lahat? Sana makatulog kayo ng mahimbing,” saad ko at saka tiningnan ang lahat ng mga tao sa compound. Ang iba ay nagbaba ng tingin habang ang iba ay iniwasan na matagpo ang paningin ko. “At anong gusto mong palabasing babae ka na sinungaling ang mga kamag-anak ko? Lumayas ka na nga bago pa kita kaladkarin palabas ng bakuran namin! Ang kapal ng mukha mo na magbintang sa pamilya ko pa talaga habang kaharap ako. Ngayon pa lang ay pinakita mo na talagang may pagkabastos ka.” Sabay tulak sa akin ng nanay ni Lee para lumabas na ako ng bakuran nila. “Ma'am, hindi niyo ho kailangan na itulak dahil nagpunta lang naman ako rito para sa order ng kapatid niyo. Kung may iba nga lang na gagawa niyan ay hindi na ako kailanman tatapak ng bakuran niyo. Kawalang-galang naman po kung ipahatid ko na lang sa ibang tao. At hindi po ako pinalaki ng nanay ko bastos. Sadyang may nagsabi lang sa inyo ng hindi totoo,” mga paliwanag ko pa ngunit natumba ako dahil ang nanay naman ni Jelly ang tumulak sa akin ng malakas. Dahil hindi ko nga inaasahan ay talagang nawalan ako ng balanse kaya lumagapak ang pwet ko sa sementadong sahig. “Ang kapal mo talaga, Cherry! Matapos ka naming ituring na parang tunay na pamilya ay pinalalabas mo pang mga sinungalinga kami? Mahiya ka naman!” asik sa akin ng nanay matalik kong kaibigan. Sa sobrang lakas ng pagkakalagapak ko ay hindi ko magawang makatayo. Para bang may kung ano pang natanggal na yata sa loob ng tiyan ko. Si Manong driver ng tricycle ang tumulong sa akin para makatayo. “Sobra naman po yata kayo? Ano ho bang nagawa kong mali sa inyo para magalit kayo sa akin ng walang dahilan?” tanong ko na kay Tita Janice. “Ang dami mo pang sinasabi, ano? Umalis ka na at baka hindi ka pa makalabas ng buhay,” pagtaboy niya pa sa akin. “Narinig ko ang sinabi mo sa nanay ni Lee noong naka confine siya. Kaya ikaw ang tinatanong ko ngayon kung anong nagawa kong kasalanan para baligtarin mo ang kwento tungkol sa aksidente na nangyari?” ang umiiyak ko ng tanong ngunit tinutulak ako palayo ng nanay ni Lee. Alam kong ayaw niyang malaman ng kapatid niya ang katotohanan kaya tinataboy ako para magsalita. “Hindi ba dapat magpasalamat pa kayo sa akin?!” malakas kong sigaw dahil gusto kong malaman kung bakit ginagawan nila ako ng mga kwento na baliktad sa katotohanan. “Dapat magpasalamat pa kayo sa akin dahil ako ang takbuhan ni Lee sa tuwing makikipag-break sa kanya si Mabel. Hindi ba dapat pasalamatan niyo ako dahil hindi ko siya iniiwan at lagi ko siyang sinasamahan. Ang tawag niyo nga sa akin ay dakilang panakip-butas dahil nga ako na takbuhan ni Lee sa lahat ng mga panahon na down na down siya. Pero bakit ganito?” reklamo ko “Ma'am, tungkol sa sinasabi niyong babae ako ng anak niyo at pinaghihiwalay ko sila ni Mabel. Oo, mahal ko ang anak niyo pero hindi ko sila kailanman ginulo ni Mabel. Hindi ako ang nagiging sanhi ng anumang dahilan ng paghihiwalay nila. Kaya huwag niyo akong tingnan na para ba akong masamang babae,” sabi ko pa sa nanay ng lalaking mahal ko. Bakit ganito. Iniiwasan ko na nga at lumalayo na ako pero pilit pa talaga akong pinagbibintangan. “Kung gusto ko lang ng gulo ay matagal ko na talagang ginulo relasyon nila pero hindi. Nanatili akong tahimik lang. Dahil alam ko naman kung saan ako lulugar.” Pagtatanggol ko pa sa sarili ko. “Dapat lang na manatili kang tahimik dahil wala kang karapatan na manghimasok sa relasyon namin ni Lee.” Si Mabel na kararating lang. Nasaan kaya si Lee at bakit wala rito at hindi niya pala kasama. “Sa wakas ay nagkaharap na rin tayong dalawa.” Mataray niyang wika at saka ako tinatapatan. “Ang kapal mo naman talaga, ano? Nauna ka pa talagang dumating dito sa bahay ng fiancee ko. Para ano? Para mas mauna kang sumalubong sa importanteng tao sa buhay ni Lee?” aniya pa sa akin sabay lapit sa nanay ni Lee atsaka maarteng bumeso. Sinampal talaga nila sa mukha ko na wala rin akonh lugar sa kanila. Si Mabel ay welcome na welcome haban ako ay halos patayin nila sa matalas nilang pagtitig. Wala akong laban dahil wala rito kahit isa man kina Lee at Jelly kaya mas mabuti pa talagang umalis na ako. “Hoy! Kunin mo itong mga basura na dinala mo at baka sumakit pa ang mga tiyan namin! Sayang ang pera ko pero sa inyo na lang!” sigaw na naman ng nanay ni Jelly at ang tinutukoy ay ang mga dala kong bilao ng mga pagkain. “Yes po, tita. Ibalik niyo na sa kanya dahil may mga dala akong pagkain para sa ating lahat. Mas masarap ang mga pagkain na dala ko kumpara sa dala ng babaeng yan na wala yatang kahihiyabb sa katawan at talagang nagpakita ng mukha sayo Tita.” Sipsip! Sigaw ko sa utak ko. Kinuha ko ang mga bilao ng mga pagkain at gaya kanina ay tinulungan ako ni Manong na buhatin ang lahat. “Alis na, Cherrt at hindi ka kailangan dito!” taboy ulit ni Tita Janice. Pagsakay sa trcycle ay bumuhos ang lahat ng iyak ko. Bakit ginagawa nila sa akin ito na wala namana akong masamang ginagawa? Bakit ganun na lang ang galit ni Tita Janice at dinamay niya pa ang paninda ng nanay ko. “Masama pala ugali ng pamilyang yon, Che. Mas mabuti nga na binalik nila itong mga order at baka siraan pa nila. Baka sabihin na sumakit ang tiyan nila kahit hindi naman,” ani ni Manong tricycle driver sa akin ng maihatid na ako sa bahay. Mabuti na lang talaga at wala na si nanay dito sa bahay kung hindi ay baka hindi ako makapagsinungaling. “Hayaan na lang ho natin sila, Manong. Alam ko po sa sarili ko na malinis ang konsiyensya ko laban sa mga sinasabi nila. Baka roon po sila magiging masaya,” saad ko pa. “Ay! Kung hindi lang away babae ang naganap kanina ay malamang na nangialam ako. Kilala kitang mabait na bata at may mabait na nanay kaya masakit sa mata at tainga na ginanun ka ng mga taong yon, Cherry.” “Huwag niyo na lang po sana na masahi kay nanay. Ayoko na po ng gulo,” pakiusap ko na lang kay Manong at ibinigay sa kanya ang lahat ng mga pagkain na ibinalik ng nanay ni Jelly. “Salamat sa mga ito,che. Tiyak na magiging masaya ang buong pamilya ko kapag nakita nila na marami akong dalang pagkain.” Abot ang ngiti ni Manong driver ng ibigay ko na ang mga pagkain. Ngunit bigla akong nakaramdam ng matinding sakit sa ilalim ng tiyan ko. Dala marahil ito ng masamang pagkakabagsak ko kanina ng itulak ako ng nanay ni Jelly. “Napaano ka, che?” nag-aalalang tanong niya sa akin ngunit sinakay niya akong muli sa tricycle at mabilis na dinala sa malapit na ospital. Pagdating sa ospital ay maraming katanungan na hindi ko masagot dahil mas iniintndi ko ang masakit sa akin kaya nagpaalam si Manong na susunduin si Nanay. Ayoko sana ngunit anong gagawin ko na nasa gitna ako ng emergency. “Cherry? Diyos ko, anak ko! Anong nangyari sayo?” ang natataranta ng tanong ni nanay ng maabutan niya na akong nakahiga sa kama ng ospital. “Okay na po ako, nay. Nadulas po kasi ako at tumama po ang pwet ko.” Pagsisinungaling ko. Ayoko man na magsinungaling ay napipilitan ako para huwag ng humaba pa ang usap. Tiyak kapag nalaman ng nanay ko ang tunay na nangyari ay hindi pwedeng hindi niya ako ipagtatanggol. Gusto ko na sanang umuwi ngunit hinihintay pa ang resulta ng mga laboratory test na ginawa sa akin kaya kailangan pa naming hintayin. Maya-maya ay tinawag si nanay ng isang nurse at pinaliwanag na yata ang naging resulta ng laboratory test. Nanonood ako ng video sa cellphone ko kaya hindi ko masyadong maintindihan ang naging paliwanag. At saka, okay lang naman ako kaya kampante ako na ayos lang ang katawan ko. Nakita kong umalis na ang nurse na kausapa ni nanay at siya namang dating ni Manong driver na sinusundo na marahil kami. “Ano po, nay? Okay naman daw po ang resulta? Pwede na po tayong umuwi ano?” tanong ko na kay Nanay na naging seryoso ang mukha. “Okay naman, nak. Pero may itatanong ako sayo.” Nagtaka naman ako lalo pa at nag-iba ang awra ng mukha ng nanay ko. “Ano po yon, nay?” untag ko. “Si Lee ba ang tatay ng pinagbubuntis mo?” Tigagal ako at nanlaki ang mga mata ko sa narinig na tanong mismo ng nanay ko? Ako? Buntis? “Si Lee ang tatay?” tanong ulit ni nanay pero hindi ko alam kung paano ako magrereact. Lalong nagulo ang utak ko. “Kailangan malaman ni Lee ang tungkol sa pinagbubuntis mo. Kailangan makausap ko siya at ang buong pamilya niya.” Pero wala akong kibo. Wala akong alam na sabihin dahil umurong yata ang dila ko. Hindi pwede! Hindi maaari! Hindi ako pwede mabuntis! “Marahil ay hindi ka pa rin makapaniwala sa narinig mo, anak. Pero tawagan mo na si Lee para papuntahin dito sa atin,” giit na naman ni nanay. Umiling ako. “Ano? Bakit umiiling ka?” mga tanong na naman ni nanay. “Nak, hindi pwedeng hindi malamang ni Lee ang tungkol sa kalagayan mo. Karapatan niya yan dahil siya ang tatay kaya nasaan ang cellphone mo at ako na ang tatawag.” Ngunit mabilis kong itinago sa likod ko ang aking cellphone para hindi makuha ni nanay. “Napapano ka ba, Cherry? Bakit ayaw mo yatang malaman ni Lee na magkaka-anak na kayo? Huwag ng matigas ang ulo kaya ka nadudulas sa katigasan ng ulo mo. Muntik ka ng makunan alam mo ba yon, nak? Mabuti at naagapan agad.” Muntik? Ibig sabihin ay buntis nga ako at muntik makunan dahil pagkakatulak sa akin ng nanay ni Jelly? Ang sabi ko na lang kay nanay ay nag-iisip pa ako kung paano ko sasabihin na buntis ako kaya pumayag na siyang umuwi na kami sa bahay at doon na ako magpapahinga. Hindi talaga ako makapaniwala na buntis ako. Bakit ba kasi hindi ako nag-ingat? Ano ng gagawin ko ngayon? Paano ko sasabihin kay Lee ang tungkol sa pinagbubuntis ko? Litong-lito na ako at hindi yata kaya ng utak ko ang mga nangyayari ngayon. Pero buntis ako. Magkaka-anak na kami ng lalaking mahal ko. Dahil nakatayo ako at naglalakad sa silid ko ay natanawan ko si nanay na sumakay sa tricycle ni Manong driver? “Saan kaya pupunta si nanay?” Bigla akong kinutuban kaya hinablot ko lang ang wallet ko ay maingat akong bumaba ng hagdan sapo pa ang impis kong tiyan. May kutob akong pupunta si nanay kina Lee kaya dapat ko siyang sundan. At hindi nga ako nagkamali. Nakahinto sa tapat ng compound ang tricyle ni Manong at nakabukas ang gate ng pamilya ni Lee. Samantalang ako ay walang lakas na pumasok pa sa loob ng bakuran nila matapos akong makarinig nv kung anong masasaki na mga salita. “Hindi kayo ang gusto kong makausap. Ilabas niyo si Lee na siyang dapat nakaharap sa akin ngayon para pag-usapan ang tungkol sa kanila ng anak ko at sa pinagbubuntis niya ngayon." Boses ni nanay. “Wala rito ang anak ko. At kung sakaling narito siya ay hindi ako makakapayag sa nais mong mangyari na kausapin mo siya. Ang anak mo ang sisihin mo kung bakit siya na buntis. Siya itong lapit ng lapit sa anak ko. Lalaki ang anak ko kaya naman tinutuka ang palay na lumalapit sa kanya. Hindi santo ang anak ko." Sagot ng nanay ni Lee. “Nasaan ang anak mo? Siya ang gusto kong makausap kaya ilabas niyo siya. Ang mga salita niya ang nais kong marinig at hindi ang mga opinyon niyo. Matanda na siya at mayroon ng sariling pag-iisip at desisyon.” Ngunit tumawa lang ang nanay ni Lee na parang may nakakatawa sa sinabi ng nanay ko. Ang sakit sa parte ko na tinitiis ng nanay ko ang mga masasakit din na salita. “Paano mo nagagawang tumawa sa sitwasyon ng anak ko ngayon na alam kong pinagdaanan mo rin ang sitwasyon na kinasusungan niya ngayon? Hindi ba at na buntis ka rin naman? Kung makapagsalita ka ay para bang ang wala kang bahid kasalanan?” sabi ni nanay. “At paano niyong nagawa na pagtulungan ang anak ko na tanging kasalanan lang ay ang magmahal? At hindi niyo ba naiisip na dugo at laman niyo ang batang dinadala niya na siyang tinatatwa niyo ngayon?!” Naiyak ako sa sinabi ni nanay. “Muntik ng nakunan ang anak ko dahil sa ginawa niyong pagtulak sa kanya pero heto at matapang pa kayo na para bang wala kayong nagawang mali sa buong buhay niyo! Ang taas naman ng mga tingin niyo sa sarili niyo? Ano kayo galing sa nakakariwasang pamilya?!” asik ng nanay ko. “Anak mo ang may mali dahil kahit alam niyang may girlfriend na ang pamangkin ko ay lapit pa rin siya ng lapit. Ngayon na buntis ay maghahabol kayo para panagutan ang batang dinadala niya? Hindi pwedeng panagutan o pakasalan ni Lee si Cherry dahil alam naman ng anak mo ikakasal na sa iba si Lee. Alam ni Cherry ang tungkol sa tunay na girlfriend ni Lee kaya dapat lang na alam niya kung saan niya ilulugar ang sarili niya. At anong malay namin kung si Lee talaga ang tatay niyang pinagbubuntis kamo ng anak mo.” Napapikit ako sa sobrang galit. Sobra na talaga ang bibig ng nanay ni Jelly. “May mga anak kang babae kaya dalangin ko na huwag sanang mangyari sa kanila ang dinaranas ga anak ko ngayon. Sobrang nakakagalit bilang nanay ng anak ko kung paano niyo siya matahin at hamakin na para bang masamang tao ang anak ko. Wala akong ibang gusto kung hindi ang makaharap si Lee pero mukhang tinatago niyo na.” “Huwag mo ng hanapin pa ang anak ko dahil kahit makapag-usap kayo ay hindi niya pananagutan ang anak mo. Magiging doble at triple lang ang kahihiyan ng anak mo kaya kung ako sayo ay hindi ko na ipipilit pa ang gusto kong mangyari. Pwede naman kaming magbigay ng sustento pero kailangan munang mapa- DNA test ang bata para mapatunayan na anak nga ng anak ko.” Pahayag pa ng nanay ni Lee. Nasaan ka na ba Lee?. Bakit hinahayaan mo akong insultuhing ganito ng pamilya mo? Anak mo itong dinadala ko. Anak nating dalawa. “Hayan na ba talaga ang desisyon niyo? Sigurado na ba talaga kayo na ayaw niyong panagutan ni Lee ang anak ko at ang pinagbubuntis niya? Sagutin niyo habang binibigyan ko pa kayo ng pagkakataon na magbago ang isip niyo.” Tanong ni nanay at pagbibigay pa ng pagkakataon sa pamilya ni Lee na ilabas siya para magkaharap sila ni nanay. “Oo naman. Hindi magbabago ang desisyon ko bilang nanay ni Lee. Ayokong pakasalan ng anak ko ang babaeng hindi niya naman mahal. Kaya kong sustento ang habol niyo ay kontakin niyo lang kami pagkalipas ng siyam na buwan.” Para akong sinampal ng ubod ng lakas. Pero kung nasasaktan ako ay ano pa kaya si nanay? “Wala kayong karapatan na insultuhin ang anak ko lalo na ang apo ko na hindi pa isinisilang. Kung ayaw niyo talagang iharap sa akin si Lee ay wala na akong magagawa pa. Pero sa inyo na ang sustento na kani niyo pa ipinaglalaban. Pwede niyong idonate sa simabahan para mabawasan ang inyong mga kasalanan.” Matapang na sambit ng nanay ko. “Gusto kong makausap si Lee dahil sino bang nanay ang gusto na magbuntis ang anak niya na walang asawa na umaalalay o lumaki ang apo niya na walang kinikilalang tatay. Pero sa mga ugali na pinakita at mga binitawan niyong salita laban sa anak at apo ko ay nararapat nga lang na huwag na kayong makilala pa ng batang hindi pa isinisilang ay kung ano ng mga panlalalait ang sinabi niyo.” “Sige na, aalis na ako at nangangakong hinding-hindi na tatapak sa bakuran niyo at hindi na ipipilit ang anak lalo na ang apo ko.” “Pero tatandaan niyo na ayokong-ayoko rin na tatapak kayo sa bakuran ko at makikita ang pagmumukha niyo sa harap ng pamamahay ko. At isinusumpa ko ko na lahat ng sakit ng kalooban na binigay niyo sa anak ko ay magiging doble at triple ang balik sa inyo. Pakatandaan niyo yan." Mga iniwang salita ni nanay bago ko siya nakitang lumabas na sa gate. “Nay,” ang umiiyak na tawag ko sa kanya. Napatingin sa akin si nanay at napaluha rin ngunit ngumiti siya sa akin. “Halika na, anak. Umuwi na tayo at baka mapaano pa ang mahal kong apo. Kailangan mo ng magpahinga," pagyaya niya at saka pa ako inalalayan na sumakay sa loob ng tricycle Habang nasa biyahe ay nakayakap sa akin si nanay habang humahagulgol sa iyak ngunit hindi niya pinapakita sa akin ang mukha niya. “Kaya natin yan, anak. Tayo ang bubuhay sa baby mo. Hindi niya kailangan ng tatay o kahit na sino la sa buhay niya dahil tayo lang ay sapat na. Kung ayaw nila sayo at sa anak mo ay ayoko rin sa kanila. Ayokong may malalaman ako na nakikipag-usap ka pa sa walang kwentang pamilyang iyon, Cherry. Putulin mo ang anumang ugnayan mo sa pamilyan yan kung ayaw mong huwag akong magalit sayo. Ayokong makakabanggit ka ng pangalan ng kahit sino sa kanila. At lalong ayoko na pagkapanganak mo ay may magtutungo rito para lang makita ang apo ko.” Madiin na utos ni nanay habang yaka akong mahigpit. Lalo akong nakaramdam ng guilty sa nangyaring ito. Nasaktan ako pero mas masakit kay nanay ang lahat ng mga ito. Nag-iisa lang akong anak pero hindi ko pa inayos ang buhay ko. Batid ko na maging puso at kaluluwa ng nanay ko ay nagdurugo dahil sa katangahan ko. Pinalaki ako ng maayos ni nanay pero anong ibinalik ko? Kahihiyan. Kahihiyan na habang nabubuhay siya ay hinding-hindi niya makakalimutan. Sadyang nasa huli talaga ang pagsisisi. Kung umiwas na talaga ako kay Lee ay hindi na sana ako darating sa sitwasyong ito. Hindi sana ako aalipustahin ng mga kamag anak niya at hindi sana makakadama ng sobrang sakit ng kalooban ang nanay ko na walang ginawa kung hindi ang mahalin lang ako ng mahalin. Kaya masakit na ang anak niyang pinuno niya ng pagmamahal ay ganun na lang libakin ng ibang tao. Alam kong kaya ko namang palakihin ang anak ko lalo pa at nasa tabi ko s si nanay. Kaya paano na lang kaya kung mag-isa lang ako ngayon? Baka sa sobrang depress ko ay baka kung anong masamang balak na ang inisip kong gawin. Naisip ko kung paano ako pinagbuntis ni nanay na mag-isa lang siya sa buhay noon dahil kahit pamasahe ay hindi siya makauwi sa probinsya nila? At kahit naman daw may pamasahe siya pauwi ay wala rin daw maibibigay na tulong ang kanyang pamilya dahil lugmok din sa kahirapan kaya sa halip na umuwi siya sa kanila para may makaramay ay mas pinili niyang magsikap mag-isa para mabuhay. Hanggang sa nakarausan naman niya at ipanganak ako kahit ang tulugan lang namin ay kariton na nasa tabi lang ng daan. Kaya ang sakit talaga na sa ikalawang pagkakataon sa buhay ng nanay ko ay nasaktan ulit siya ng dahil sa akin. Sa akin na anak niyang umaasa siyang magiging masaya ako sa buhay dahil wala naman siyang hindi ibinigay sa akin. Busog ako sa pagmamahal niya kahit nag-iisa lang siyang magulang ko. Kailanman ay hindi ako pumasok sa paaralan na gutom at walang baon. Kaya paano ko nagawang saktan ang nanay ko? Paano ko nagawang biguin siya samantalang wala siyang ibang inisip kung hindi ang ikabubuti ng kapakanan ko? Galit na galit ako sa sarili ko. Gusto kong saktan ang sarili ko para makaramdam ako ng sobrang sakit dahil wala si Lee na dapat ay siyang saktan ko. Dahil sa akin ay nasaktan na naman ang nanay ko na walang kalaban-laban. Kaya kinamumuhian kita Lee. Kinamumuhian kita ng labis sa nagawa mo sa akin. Hindi kita mapapatawad sa ginawa mong ito sa akin at sa anak ko. Hinding-hindi ka magiging masaya sa buhay mo lalo pa at lumuha ng husto ang nanay ko. Sinusumpa kita sampu ng lahat ng mga kamag-anak mo. Magsaya kayo dahil kayo ang nasa itaas pero darating din ang araw na bahala na sa inyo maningil ang karma. Pagdating sa bahay ay kinuha ko ang cellphone ko para i-blocked na lahat ng may kinalaman kay Lee ngunit tadtad ako ng chat mula kay Jelly. “Tantanan mo na si Kuya Lee, Cherry!” “Huwag ka ng mag-imbento ng kesyo buntis ka para pakasalan ka lang!” “Nakakaawa ka ng desperada ka!” Marami pang mga sinabi Cherry pero hayan ang mga tumatak sa akin. Higit kanino man ay siya ang nakaalam ng lahat ng katotohanan ngunit bakit ganun niya na langa ako paratangan? “Darating din ang panahon na lilitaw ang nagsasabi ng katotohanan. Kaya ngayon pa lang ay naaawa na ako sa karma na darating sa inyong lahat lalo na kay Lee.” Reply ko na sa kanya. “Isinusumpa ko kayong lahat. Isinusumpa ko na dadanasin niyo kung anong dinaranas ko ngayon.” Dagdag ko pang chat at saka na binlocked ang matalik kong kaibigan. Naiyak ako sa kasawian na inabot ko idagdag pa ang kasawian na dalawang tao ang nawala sa akin. Si Jelly at Lee. Pero hindi ko kasalanan na kung bakit nagkaganito ang relasyon namin dahil wala naman akong masamang intensyon. Pero hindi na mababago pa ang nangyari na. Kaya isinusumpa ko sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD