Episode 5

1032 Words
Kagagaling lang namin ni Nanay sa isang private Obygne doctor na siyang titingin sa akin haggang sa manganak ako sa pinagbubuntis ko. Nang makauwi kami ni nanay galing sa compound nina Jelly ay wala akong kahit na anong galit o sumbat na narinig. Pinagpahinga ako ni nanay at kailangan daw na mag-isip ako lagi ng positibo para raw walang maging problema. Akala ko ay pagagalitan niya ako at sesermunan ngunit walang anuman na paninisi akong narinig. Alam ko na pilit nagpapakatatag si nanay para sa akin. Masakit para sa kanya ang nangyaring pagtaboy sa akin ng buong pamilya ni Lee. Ramdam ko ang kanyang nararamdamang poot sa kanyang huling mga kataga na iniwan bago pa siya lumabas ng compound. “Anak, inumin mo lahat itong mga vitamins na to. Kabilin-bilinan ng Oby para raw maging malusog ang apo ko.” Bilin ni nanay na inilapag pa ang mga vitamins sa ibabaw ng lamesa namin sa kusina. “Ito ba ang folic acid? Naku, nak, inumin mo ito. Dito raw nagkulang ang anak ni Isang kaya hindi masyadong nagdevelop anf katawan ng anak niya. Hindi raw siya uminom ng ganito. Kaya huwag na huwag mong kakalimutan na hindi uminom.” “Salamat po, nay.” Siyang sagot ko. “Hayaan mo at saglit lang ang siyam na buwan at ipapanganak mo na ang una kong apo.” Wari bang nanabik na si Nanay. Ayon kasi sa Oby ko ay apat na linggo na ang anak ko sa aking sinapupunan. Isang buwan ko na pala siyang kasama na wala pa akong kaalam-alam. “Dapat ngayon pa lang nag-iipon na ako ng mga gamit ng apo ko. Sa linggo nga ay mamili tayo ng kuna at andador.” Medyo na natawa pa ako sa narinig. Ang luma ng salitang andador. “At bakit ka natatawa? Unang apo ang lalabas kaya dapat paglabas niya sa mundong ibabaw ay nakaready na ang lahat. Iyong kwarto mo paayos natin ang pintura para maging makulay sa paningin.” “Hindi na masyadong gamitin ang mga baru-baruan kaya hindi ko na masyadong dadamihan. Madali na kasing lumalaki ang mga baby ngayon. Aba'y kakikita ko lang na bagong panganak ang anak ng isa sa mga suki ko ay agad malaki ang apo. Tatlong araw lang daw ginamit ang mga baru-baruan. Ang importante ay mga padyama para kontra kagat ng lamok.” Habang gumagawa sa kusina ay walang tigil sa pagsasalita si nanay na ang apo ang siyang inaalala. Napaka swerte ko dahil si nanay ang naging nanay ko. Hindi ko alam kung paano ako ngayon kung wala siya. Down na down ako. Kahit sinong makaranas ng naranasan ko sa pamilya ng tatay ng anak ko ay ganito rin ang mararamdaman. Masyadi nila akong minaliit at ininsulto. Pero hindi ko na sila pagkaka-abalahan pa na isipin. Wala na rin naman akong koneksyon sa kanila dahil maging ang pagiging matalik na magkaibigan namin ni Jelly ay nagtapos na. Nagresign na rin ako bilang cashier kung saan kasama ko si Jelly. Gusto ko ng manahimik gaya ng payo ng nanay ko. Hindi raw ako makakadama ng kapayapaan kung patuloy kong iisipin ang lahat ng mga nangyari. “Nay, paano na lang po kaya ako kung wala ka?” seryoso kong tanong kay nanay na nakatalikod sa akin dahil pinagluluto na ako ng tinolang manok. “Siyempre kaya mo. Mag-isa lang din ako ng pinagbuntis kita. Kaya kung kinaya ko ay kaya mo rin. Pagsubok lang yan, nak. Pagsubok na kakapitan mo para maging matapang na tao para sa anak mo.” Sagot ni nanay na pinatibay at pinalakas na talaga ng mga nakalipas na panahon. “Sorry ulit, nay. Sorry po kung hindi ako nag-isip kahit matanda na po ako.” Pag-amin ko sa kasalanan ko. “Che, wala sayo ang problema dahil nagmahal ka lang. Ang problema lang ay gaya ng tatay mo na hindi ako pinandigan ay ganun din si Lee sayo at anak niyo. Pero, hayaan na natin. Hindi malaking kawalan dahil sila ang nawalan. “At itong kutsilyong to,” sabay tadtad pa ni nanay na sayote gamit ang matalas na kutsilyo na kanyang hawak. “Ngunit huwag na huwag ko talaga silang makita sa harap ng pinto ng bahay natin dahi matatadtad ko sila lalo na ang nanay ni Lee. Huwag na huwag kong maririnig na nagmamakaawa sila na patawarin sila. Kung makapagsalita siya ay para bang hindi niya naranasan ang mga naranasan mo sa kasama sila. Dapat nga ay mas naiintindihan ka niya.” “Kaya huwag na huwag talaga silang magkakamali dahil maghahalo ang balat sa tinalupan.” Pagbabanta pa ni Nanay. “Basta ang gawin mo, Cherry, alagaan mo ang pinagbubuntis mo at huwag mong hahayaan na ma stress ka sa mga walang kwentang taong mga kamag-nak ni Lee. “Basta lagi kang mag-iisip ng mga positibo para maging gwapo o maganda ang apo ko.” Payo na naman ni Nanay. Grabe raw talagang magmahal ang Lola o Lolo sa mga apo kaya ngayon pa lang ay maswerte na ang anak ko na mag Lola siyang gaya ng nanay ko. Para hindi mainip sa bahay ay sinasamahan ko na lang si nanay sa pagtitinda sa palengke na madalas nga raw na sold out lalo ang special palabok na tinda niya. Kaya ko naman at mag-iingat lang ako ng mabuti sa pagkilos. Ang nakakatuwa pa kay Nanay ay hindi niya ako kinahihiya. Ang ibang mga magulang na nabuntis ang kanilang mga anak na wala namang asawa ay bukod sa mga mura at bugbog ay pinapalayas pa sa bahay nila. Pero ang nanay ko ay kulang na lang ay ipalathala pa sa mga pahayagan ang pagbuubuntis ko. Kapag tinatanong kung nasaan ang asawa ko ay iisa lang ang sagot ni nanay, next qusstion pleas,” aniya lagi. Ako? Ang totoo nahihiya ako. Hindi ko kinakahiya ang pagbubuntis ko kung hindi ang sarili ko Ngayon pa nga lang ay kinakausap ko ang anak ko at humihingi na ako ng tawad na hindi ko siya nabigyan ng kompletong pamilya. Alam ko paglabas niya ay maraming din siyang mga tanong katulad ng sino, saan, bakit at paano. Pero dahil narito ang nanay ko kaya hindi ako matatakot na dumating ang bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD