Kabanata 3*

1426 Words
KABANATA 3: GUSTO ko siyang suntukin dahil sa kasinungalingan niya. Nagsinungaling siya bilang si Sir. Lash. Ako namang tanga, umaasa na siya talaga! "Tamina! You're here," nakangiti niyang anas na inirapan ko lamang. "Bakit ka nagsinungaling sa akin?" mahinahon kong tanong. "I'm just helping my friend to find a maid. I'm not Lash Porneo. I'm Cylus Dizena. Huwag kang mag-alala dahil hindi ako masama like him," anito. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa pinagsasasabi niya. Naiinis lang tuloy ako. "Mabuti't buhay ka pa! Sa pagkaka-alam ko kasi si Sir. Lash ay walang puso," sabi ko. Ngumisi siya sa akin. "Yeah, he is. And who told you that information?" "Sa sekretarya m— niya. Nagtaka na talaga ako noong una na ikaw ba talaga si Mr. Lash Porneo? Iba ka sa sinabi ng sekretaryang iyon. Sinungaling ka!" Pinandilatan ko ito ng mata saka walang paalam na umalis sa kaniyang harapan. Hindi ko sasayangin ang oras ko para lang sa lalaking iyon. "Wait! Wait..." Naramdaman kong bigla niyang hinawakan ang aking braso. Kainis! "Bakit?" medyo pasigaw kong tanong dahilan para magtinginan ang mga taong nasa malapit lang sa amin. "I'm so sorry for what I did, Tamina." "Okay. Tinatanggap ko na iyang pasensya mo pero kapag naulit ulit iyang kasinungalingan mo... hindi ako magaatubiling ipapulis ka. Allergy ako sa mga sinungaling..." masungit kong anas dito saka iniwan na siya. Bakit pa ako mananatili? Bakit, close ba kami? *** PAGOD. Umupo ako sa couch para magpahinga dahil sa ilang oras na pamimili. Masakit ang likod ko. Masakit din ang paa ko. Bakit ba kasi ako lang mag-isa ang namili, eh dapat mayroon akong kasama. Tsk! Ipinikit ko ang aking mga mata at akmang makakatulog na ay biglang tumunog ang aking cellphone na nasa bulsa ko lang. Kinuha ko iyon para tingnan. Nag-text lang naman pala si Sir. Lash. 'Huwag kang aalis ng bahay ko hanggat hindi nadating ang isang matandang babae riyan.' Okay! Naglakad na ako papunta sa aking kuwarto at humiga dahil talagang pagod na ako. Naramdaman ko na lang ang aking sarili na unti-unti ng dinadalaw ng antok. *** NAKITA ko ang sarili ko sa isang madilim na kagubatan. Puro mga puno ang naroroon. May mga ibong lumilipad sa kalangitan. Hindi ko alam kung nasaan ba ako ngayon. Naglakad ako patungo sa isang puno para sana'y sumandal pero natigilan ako nang bigla iyong gumalaw na ikinatakot ko. Napasigaw at napatakbo ako dahil sa sobrang takot. *** "JUSKO!" sigaw ko at napaupo na lang sa kama. Isa lamang pa lang masamang panaginip iyon. Huminga ako nang malalim saka bumaba ng aking kama. Lumabas ako ng kusina para magluto na ng pagkain. Mayamaya pa ay bigla na lamang tumunog ang doorbell. Sino kaya iyon? Si Sir. Lash na kaya iyon? Lumapit ako sa pinto at binuksan. Sa may labas ay may nakita akong isang matandang babae. Ito na kaya iyong tinutukoy ni Sir. Lash? Baka ito na nga. Naglakad ako papunta sa gate para pagbuksan ang matanda. "S-sino po kayo?" tanong ko. "Tawagin mo na lang akong Aling Ester. Ako iyong matagal ng kasambahay ni Lash. Tinawagan niya ako para raw may katulong ka," aniya na ikinagulat ko. Lubos ng matanda si Aling Ester pero bakit ginawa pa iyon ni Sir. Lash? Wala talagang puso ang lalaking iyon kaya nakakainis. "Naku! Kaya ko naman po ang trabaho rito. Sana'y hindi na lang po ginawa iyan sa inyo ni Sir. kasi matanda na po kayo. Alam naman po natin na kapag matanda na, mahina na ang buto. Pasensya na po, ha," kompronta ko rito. Tumango lamang siya sa akin. "Alam ko iyan, Tamina dahil simula baby pa lang ay inaalagaan ko na si Lash. Sa totoo nga'y tinuring ko na siyang anak noong nawala ang mga magulang niya dahil sa isang aksidente. Huwag kang mag-alala sa akin dahil malakas pa ako," nakangiti niyang wika saka naglakad na papasok. Hindi na ako nakaimik. Ang ginawa ko na lamang ay kinuha ang bag niyang hawak. Hindi niya ako napigilan kaya pinadala na niya sa akin. May galang kasi ako sa matanda kaya ginagawa ko ito. Nasa loob na kami ng bahay. Magkatapat kaming nakaupo sa may sofa. Siya naman ay masid nang masid sa kapaligiran. "Natandaan ko pa ang bahay na ito," aniya na ikinatingin ko. "Bakit po?" "Natandaan ko pa kung paano ito ipinagawa ng mga Porneo noon. Marami na ring nagbago nang mawala sina Daniel at Lannie." Sino naman kaya iyong Daniel at Lannie niyang tinutukoy? Nakakapagtaka lang si Aling Ester. Parang natatakot ako sa kaniya na hindi ko alam. "Sino po sila?" naguguluhan kong tanong. Bumuntong-hininga siya. "Sila ang mga magulang ni Lash," sagot nito. Nga pala, kuryos ako sa mga magulang ni Sir. Lash. Bakit ba ito mga naaksidente? "Ano po bang nangyari sa kanila?" seryoso at may pagtataka kong tanong. "Taong 2015 noon, umalis ang mag-asawa para sa isang meeting sa Laguna. Pero noong pauwi na sila, imbis na sa bahay ang uuwian, nauwi sila sa madugong aksidente. Nabangga ang sinasakyan nilang kotse ng isang truck. Nagpagulong-gulong ang kotse sa bangin hanggang sa sumabog iyon dahilan ng kanilang pagkamatay. Nakakaawa si Lash dahil bata pa lang ay naulila na sa kaniyang mga magulang..." Hindi ko inakala na napaluha na lang pala ako sa kinuwento niya tungkol sa mga magulang ni Sir. Lash. Nakakaawa naman pala siya. Nakakatulog pa ba siya sa gitna nito? Kung ako siguro iyon ay hindi lalo na't kakamatay lang ng mama ko. "Mabait po ba si Sir. Lash dati?" tanong ko. Marami pa akong tanong sa kaniya dahil napakamisteryoso ni Sir. Lash. "Oo, mabait na bata si Lash. Iyong kapag isang sabi mo lang... gagawin na niya. Siya nga ang tumulong sa asawa kong nagkaroon ng Diabetes na ngayon ay magaling na. Pero nag-iba siya nang mawala ang mga magulang niya. Halos lahat yata ng empleyado niya sa kanilang kumpanya ay bago buwan-buwan dahil sa higpit niya. Nag-iba ang alaga ko ngayon. Ibang-iba siya kumpara noon!" Nakakapagtaka lang. Maari pa lang magbago ang ugali ng isang tao kapag may nawala? Ganito si Sir. Lash, eh. Naawa talaga ako sa kaniya. Pero sabi nga ni Aling Ester, mabait siya. Ano kayang feeling na mabait siya kahit hanggang ngayon? Marahil ay baka magtagal pa ako ng pagtatrabaho sa kaniya. Ngumiti lang ako kay Aling Ester saka muling nagsalita. "Huli na pong tanong ito. May asawa na po ba siya?" medyo nahihiya kong tanong. "W—" Natigilan si Aling Ester sa pagsasalita nang may biglang magsalita sa likuran. Nang tingnan namin iyon ay nakita namin si Sir. Lash na papalapit sa aming posisyon. "Lash!" gulat na anas ni Aling Ester saka tumayo at medyo tumakbo pa para salubungin si Sir. Nagyakapan ang dalawa. Mahigpit. Nakakaingit naman sila. Talagang mahal nila ang isa't-isa. Sana ganiyan din sa akin si Sir. Lash. Char lang! "God! You're here, Nanay Ester. I really missed you so much," nakangiting saad ni Sir. Lash sa matanda saka muling niyakap. Ang sarap nilang pagmasdan dahil para silang mag-ina. "Na-miss kita, Lash. Mabuti at tinawagan mo ako para magtrabaho ulit sa iyo," ani Aling Ester. Iginaya muna siya ni Sir. Lash sa harapan ko. Doon sila nakaupo habang ako naman ay nakatitig lang sa kanila. Para silang mag-ina na pinagbiyak-bato. "Hindi ka magta-trabaho sa akin, Nanay Ester. You will live with me," ani Sir. Lash na ikinagulat ng matanda. "Ano ba iyang nasa utak mo, Lash? Hindi ako pumunta rito para tumambay lang. Alam mo naman, kaya ko pang magtrabaho sa edad kong ito," matawa-tawang wika ng matanda kay Sir. Lash. Masaya lang akong nakatingin sa kanilang pagkukulitan. Hanggang sa mapagdesisyunan ko ng magtungo sa kusina para sa tanghalian. Magluluto na ako para may makain ang dalawa. Ano naman kaya ang lulutuin kong ulam? Marami akong pinamili kaya naman marami akong pagpipilian. Bumuntong-hininga ako saka lumabas ng kusina. Lakas-loob kong tatanungin sila kung anong gusto nilang ulam. Nagkukulitan pa rin sila nang makalapit ako. "Excuse me lang po, Aling Ester at Sir. Lash, ano pong gusto niyong lutuin kong ulam?" nakangiti kong tanong. "Huwag ka nang mag-abala, Tamina dahil kayo ni Lash ang ipagluluto ko ng paborito niyang sinigang," sabi ni Aling Ester na ikinagulat ko. Tumayo siya saka iniwan kaming dalawa na magkatitigan. Sinigang din ang paborito niyang ulam? Bakit magkaparehas kami? "Magtrabaho ka hindi iyong patunga-tunganga ka riyan!" Natigilan ako nang magsalita siya. Masama pa rin ang titig niya sa akin. Grabe naman siya! Parang galit na naman sa akin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD