Kabanata 2*

1387 Words
KABANATA 2: "DUDE, who the f**k is that girl?" Lash was groaning at his bestfriend named Cylus. Tumawa lang ito sa kaniya. "f**k!" he shouted. "Chill, dude! She's Tamina and she looked nice, ha," ani Cylus sa kabilang linya. He heaved a deep sigh. Cylus was really f*****g crazy! "I know her name. Bakit ka nagpanggap bilang ako? Umasa iyong babae ikaw raw si Lash. But I told her that I am the real! f**k you, dude!" asik niya. Narinig niyang tumawa ito na nagpasura sa kaniya. "I'm just helping you, dude. Remember, pinapahanap mo ako ng maid nitong nakaraang inggo pero wala naman akong mahanap. It's a time, dude," anito. "I'm not happy for what you'd done, Cylus! You knew me, right? I can do everything what I want!" "I'm sorry! So, where is she now?" tanong nito. "She's in the garden, watering my plants," he answered. Kanina pa siyang nakamasid kay Tamina mula sa bintana ng kuwarto niya. Ang hinhin nitong kumilos sa totoo lang. Pero ang napansin niya ay parang sanay na sanay itong magtrabaho. Lately, inutusan niya itong maglaba ng kaniyang mga damit tapos mabilis lang itong natapos. Mukha namang malinis. Medyo naaawa rin siya. He didn't even know why, but his heart, forcing him to have a mercy with her. "Wow! Tinanggap mo rin naman pala. She's good looking. But poor like rats!" "You better shut your mouth!" he shouted in annoyance and immediately Akmang ibaba niya na ang kaniyang cellphone nang bigla itong tumunog. Someone's texting him. It's freaking Cylus. Telling him to masturbate! Yeah, Cylus was really stupid at all! *** MASAKIT ang likod ko nang humiga sa aking kama. Natapos din ang trabaho ko ngayong araw. Naglaba, nagluto, naglinis ng kuwarto ni Sir. Lash, at higit sa lahat, nagdilig ako ng mga halaman niya. Kung maarte lang talaga ako maiisip kong bakla si Sir. Lash. Lalaki siya pero bakit may alaga siyang mga bulaklak at iba't-ibang mga halaman. Infairness naman sa kaniya, mahal niya ang mga iyon dahil ang lulusog. Hindi siya bakla, plant lover lang talaga siya. Mayamaya pa ay bumangon ako sa aking pagkakahiga saka kinuha ko ang bago kong cellphone sa may bag ko. Itong cellphone ay ibinigay sa akin noong fake Mr. Lash Porneo. Sino kaya iyon at bakit nagpanggap bilang si Sir. Lash? Sa pagkakaalam ko mahal ang ganitong cellphone. Maganda siya. Medyo natatakot din akong gamitin kasi feel ko baka mabagsak lang... e 'di wala na agad? Sayang! Hindi lang pala cellphone ang ibinigay niya sa akin, pati mga damit. Marami pa na hindi ko naman magagamit kaya ayon, naka-istock sa bahay. Ibinaba ko na ang aking cellphone saka lumabas ng kuwarto ko. Dahil kasambahay lang ako at nasa baba lang ang kuwarto ko, mabilis akong nakapunta sa kusina. Gutom na rin kasi ako. Binuksan ko ang refrigerator pero laking pagtataka ko nang makitang walang laman iyon. Meron nga pero mga tubig lang naman. Nagluto lang ako kanina pero bakit nawala ang mga laman? Hindi na bali, sasabihin ko na lang bukas kay Sir. Lash na baka puwedeng mag-grocery ako. Bago ako bumalik sa aking kuwarto, lumabas muna ako ng bahay. Wala pala siya at hindi ko alam kung nasaan. Kanina pa siyang umalis. Nakatingin lang ako sa langit nang makarinig ng kaluskos sa may malapit lang sa akin. Biglang kumabog ang dibdib ko sa aking narinig. Dali-dali akong pumasok at ni-lock ang pinto. Bumalik na ako sa aking kuwarto at nagtalukbong ng kumot! Jusko, ano naman kaya iyon? Hindi ko na namalayan na nakatulog na ako. Bahala na bukas! *** NAGISING ako sa malakas na katok mula sa aking pinto. "Tamina! Tamina! Open this door or else... I will fire you as my maid. Open this!" Narinig ko ang sigaw ni Sir. Lash mula sa labas ng kuwartong inuukupa ko at mukha pa itong galit kaya dali-dali akong tumalon sa aking kinahihigaan para buksan ang pinto. Nang buksan ko ang pinto, galit siyang nakatingin sa akin at nakayukom pa ang mga kamay habang... may mga dugong naagos doon. Ano namang ginawa niya sa kaniyang kamay at may mga dugo? Isa pang napansin ko ay ang magulo nitong buhok. Jusko! Ano bang nangyari sa kaniya? "Ano pong nangyari sa inyo, Sir. Lash?" nag-aalala kong tanong sa kaniya. Mas lalo lang yata nagalit ito sa akin. "Tell me, are tou stupid?" mahinahong tanong nito. Umiling ako. "H-hindi naman po... b-bakit po?" "Did you lock the door?" Nag-iba ang pananalita nito. Mahinahon na medyo pagalit. Nakakatakot! "O-opo..." "Why did you do that? Alam mo namang umalis ako tapos ila-lock mo lang ang pinto without telling me. How crazy you are, b***h? I'm your boss, so you should tell me first what you're gonna do! One more, Tamina I will not hesitate to fire you. I think, you didn't deserve this job. One more! One more!" Bigla niyang sinuntok ang pader kahit may dugo na. Tiningnan niya pa lalo ako ng masama bago umalis sa aking harapan. Napahawak na lamang ako sa aking dibdib. Isang pagkakamali pa at aalisin niya na ako sa trabaho kong ito. Ano ba naman kasing katangahan itong ginawa ko? Nasa labas pa pala siya pero akong si tanga ay sinaraduhan ang pinto at ni-lock pa. Tanga mo talaga, Tamina! Tanga mo! Lumabas ako at tiningnan ang pader na sinuntok niya. May bakas doon ng dugo. Gusto ko sana siyang tulungang gamutin pero baka kapag nakita niya ako ay baka ako naman ang suntukin niya. Naglakad ako papuntang kusina para magluto ng almusal nang maalala kong wala na pa lang laman ang ref. Hala! Paano ako makakahingi sa kaniya ng pera kung galit siya? Ano ba itong nangyayari sa iyo, Tamina? Napaupo na lamang ako sa silyang nasa harapan ko at kumalumbaba. Mukhang hindi ako magtatagal sa trabahong ito. Lumabas ako ng kusina at bumalik sa aking kuwarto. Kinuha ko ang pitaka ko sa aking bag. Nang buksan ko ang pitaka ay nakita kong singkuwenta lang ang laman noon. Paano na ba ito? Lakasan mo ang loob mo! Kakapalan ko na ang mukha ko ngayon, manghihingi na ako sa kaniya ng pang-grocery. Bumuga muna ako ng hangin mula sa bibig saka kabadong naglakad papunta ng kaniyang kuwarto. Nang nasa may pinto na, kumatok ako ng isa. Hindi siya umimik. Natutulog na kaya siya? Muli akong kumatok. Hindi pa rin siya natugon. Kumatok na naman ako at ang katok na iyon ang nagpabukas sa kaniya ng pinto. Nakita kong nakatapis lang ng tuwalya ang baba niya at kitang-kita ng mga inosente kong mga mata ang kaniyang six-packed abs. Natigilan ako nang bigla siyang magsalita. "What the hell are you doing here?" tanong niya. Sa puntong iyon ay hindi ko naisip na galit siya. Mahinahon. "Sir. Lash, w-wala na kasing laman iyong ref. Hihingi sana ako sa iyo ng pang-grocery," nahihiya kong sagot. Talagang kinapalan ko na ang mukha ko. "That's it?" Tumango lang ako. Umalis siya sa harap ko na hindi sinaraduhan ang pinto. Mayamaya pa ay bumalik na siya na may bitbit na pitaka. Makapal. Nang buksan niya iyon ay nakita ko ang napakaraming pera sa loob noon at mangilan-ngilang cards. Napakayaman naman pala niya. Tapos may isang larawan ang umagaw ng atenston ko. Tatlong tao ang mga naroroon. Sino-sino kaya ang mga iyon? "Here! Bumili ka ng gusto mong bilhin!" Nagulat ako nang i-abot niya sa akin ang lilibuhing pera. "I don't care kung ano man iyon," aniya pa saka sinaraduhan na ang pinto. Napatango na lamang ako. Binilang ko ang pera at nagulat. Jusko! Ibinigay niya ito sa akin para sa pang-grocery lang? Mauubos ko ba ito? Pero dahil kakasimula ko pa lamang, kailangan kong maging tapat. Uubusin ko ang lahat ng ito sa grocery. Bumaba na ako at nag-ayos lang ng kaunti. Wala akong listahan ng aking mga ipamimili kaya bahala na. Lumabas na ako ng bahay at nag-abang ng taxi. May dumating naman at umalis na rin kaagad. Mayamaya pa ay nakarating na ako sa isang sikat na grocery store. Pumasok ako at naglakad pero laking gulat ko nang may mabangga akong isang lalaki. Nang tingnan ko iyon para mag-sorry ay bigla na lang akong napa-atras sa aking nakita. Ang pekeng Lash Porneo! Tsk!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD