Kabanata 4*

1170 Words
KABANATA 4: "AKO na riyan, Tamina..." Natigilan ako sa aking ginagawa nang marinig ang boses ni Aling Ester. Nakita ko siyang papalapit sa akin. Ano bang ginagawa niya rito? Para ba tulungan ako? Ang kabilin-bilinan sa akin ni Sir. Lash ay huwag daw papagawain siya rito sa bahay dahil hindi naman ito katulong. Sinungaling din ang lalaking iyon. Pinaasa si Aling Ester. "Hindi na po. Kaya ko na po ito," nakangitu sabi. Naghuhugas kasi ako ng mga pinggan tapos patapos na naman ako kaya tumanggi ako at kahit na hindi pa ako tapos, tatanggi pa rin ako dahil nga sa utos ni Sir. Lash. "Sigurado ka?" tanong niya. Tumango lang ako. "Siguradong-sigurado po. Kaya bumalik na po kayo roon at baka hinihintay na kayo ni Sir.," saad ko rito saka nagpatuloy na sa ginagawa. "Wala na siya sa sala at umakyat sa kuwarto niya. May pupuntahan daw na meeting," anito. "Talaga po? E 'di tayo lang pong dalawa ang nandito?" masaya kong tanong. Kahit sariling bahay ito ni Sir. Lash ay ayaw kong nandito siya. Hindi ko alam pero marahil ay dala na rin iyon ng inis ko sa kaniya. "Oo kaya masasagot ko na ang mga tanong mo sa akin. Itutuloy natin ang ating nasimulan." Hindi ko na siya sinagot. Marami pa talaga akong gustong malaman tungkol kay Sir. Lash kaya naman iba ang excitement ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Ilang minuto pa ang nakalipas ay sabay kaming lumabas ni Aling Ester sa kusina. Sakto namang nakita ko si Sir. Lash na nakabihis. Bakit ngayon ko lang napagtanto ang kaguwapuhan nito? Hindi, napansin ko na nitong nakaraang araw pero bakit iba ngayon. Blooming na blooming siya. Ang macho niya pati. Bukol na bukol ang mga muscles niya sa kaniyang braso. Ang ganda ng mukha niya. Halos lahat ay perpekto. Iba pala siya kapag seryoso. Ang sarap siguro ng labi niya? Ang puti ng mga ngipin. May isa pa akong nalimutan. Dahil sa kaperpektuhan niya, siguro'y malaki ang nasa ibaba niya. "Tamina, ayos ka lang ba?" Natigilan ako nang biglang tinapik ni Aling Ester ang aking balikat. Hindi ko namalayan na nasa harap na pala niya si Sir. "Nanay, just follow my decisions. Don't work because you're not my employee. You're my mother!" Niyakap ni Sir. ito na nagpahanga sa akin. "Ano ka ba, Lash? Bakit ba ayaw mo akong pagtrabahuhin dito? Ano namang gagawin ko?" sunod-sunod na tanong ng matanda. "Do what you want but working isn't fine. Hindi ka gagalaw sa bahay. May maid naman kaya I'm sure, she will do her best para malinis ang bahay. By the way, I'm late on my appointments." Muling yumakap si Sir. Lash dito with matching halik pa sa pisngi saka umalis na. "Mag-ingat ka sa iyong pagmamaneho. Umuwi ka kaagad kapag natapos ka!" pahabol nito kay Sir. na hindi na nito siya sinagot. Nakangiti naman akong tiningnan ni Aling Ester. "Iyong tanong ko kanina. Ayos ka lang ba?" "Ayos naman po ako. Bakit po?" naguguluhan kong anas dito. "Aminin mo nga sa akin, Tamina, may gusto ka na ba kay Lash?" Nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang tanong. Bakit naman umabot diyan? "P-paano n-iyo na-man po n-asabi?" nauutal kong tanong. Bago niya ako sinagot, inaya niya muna akong umupo sa sofa. Magkatabi kami. Bigla namang kumabog ang dibdib ko dahil sa klase ng tingin niya. "Napansin ko kasi kanina habang bumababa si Lash ay titig na titig ka. Halos maging puso na nga iyang mga mata mo." Napanganga ako nang bahagya. Hindi ko alam kung kailangan ko bang matawa o hindi dahil sa sinasabi niya. Pero hindi ko masabi dahil sa totoo lang ay wala akong nararamdaman kay Sir. Tiningnan ko lang naman siya habang bumababa. Oo, napopogian ako pero iyong gusto ko siya, it's a big yes— este no! No! "Na-antig lang po kasi ako sa suot niya. Pati iba po pala siya kapag seryoso. Ibang Lash ang nakita ko kanina habang bumababa siya sa hagdan. Para siyang isang hari na sinasamba ng karamihan. Hindi ko po alam," naiiling kong sabi rito. Bigla niya akong tinapik sa balikat. Kinikilig ba ang matandang ito? Jusko, matanda lang yata ang hitsura nito pero parang pang-teenager kung kumilos ngayon. "Naku! Naku! Sa totoo lang ay kinikilig ako, Tamina. Bagay kayo ni Lash," sabi nito saka pinagsusundot pa ang aking tagiliran dahilan para mapatawa ako. "Kinikilig siya," anito pa habang walang tigil sa pagsundot ng aking tagiliran. "Tama na po, Aling Ester at nakikiliti na ako!" Lumalayo ako sa kaniya pero lumalapit lang siya. Ilang segundo pa ang lumipas ay tinigilan na nga niya ako. Inayos niya ang kaniyang buhok at seryoso akong tiningnan. "Kung may nararamdaman ka kay Lash, sabihin mo lang sa akin dahil tutulungan kitang mapasakaniya!" Nababaliw na ba siya? Sa hitsura kong ito, magagawa niyang maging kami ni Sir. Lash? Hindi iyon mangyayari. "Huwag na po dahil hindi ko inuuna iyang pag-ibig. Dapat ko po munang unahin ang kapatid ko na pinaiwan ko lang sa aking kapitbahay." "May kapatid ka pala? Nasaan ang mga magulang mo? Hindi ba't dapat sila ang nagtatrabaho para sa inyo? Bakit ikaw?" Lumunok ako ng laway bago sumagot. "Kakamatay lang po kasi ng mama ko nitong nakaraang linggo. Ang papa ko naman po ay namatay na rin noong isang taon. May isa po akong maliit na kapatid na dapat buhayin." "Kaya ka pala pumasok bilang kasambahay? Mabuti't tinanggap ka ni Lash dahil maselan talaga siya sa pagpili ng mga magiging kasamabahay niya. Suwerte mo, marahil ay kayo talaga sa isa't-isa." Nakakainis si Aling Ester. Nilalayo ko na nga ang usapan kay Sir. Lash pero siya naman ay binabalik. Paano ba ako makakapag-concentrate nito kung palagi siya nasa tabi ko? Tapos puro kay Sir. Lash pa ang pinag-uusapan. "Sa totoo nga po'y napilitan lang siya sa akin," sabi ko. Nagulat siya. "Bakit?" "Iyong kaibigan niya po yata kasi nagpanggap bilang si Sir., eh akong si tanga hinahanap iyon dito tapos hindi ko na po namalayan na nasa harapan ko na pala ang totoong Lash Porneo. Sabi niya nga po noong una'y wala daw siyang kinuhang kasambahay kaya nalungkot ako at ayon din po ang naging dahilan para magmakaawa ako. Binigyan niya naman po ako ng pagkakataon kaya nandito ako ngayon. Tatlong buwan nga lang po ang kontrata ko sa kaniya..." kuwento ko sa kaniya. "Huwag kang mag-alala dahil sasabihan ko siya na manatili ka rito hanggat kaya mo. Pati napapansin kong ilang kayo sa isa't-isa." Napansin niya rin pala iyon. Iba ang mga mata niya... parang CCTV! "Hindi po talaga kami close noong una pa kaya marahil naging ganito. Pati huwag niyo na pong sabihin iyan dahil um-oo na rin po ako sa kaniya," wika ko. "Hindi. Hindi ako papayag na mananatili ka lang dito ng tatlong buwan. Dito ka hanggat nandito pa ako." Bigla niya akong niyakap kaya wala akong nagawa kundi ang gumanti sa kaniya. Marami pa talaga kaming dapat pag-usapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD