Kabanata 5*

1454 Words
KABANATA 5: KASALUKUYAN akong naglilinis ng sala nang biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nito ang isang magandang babae. Hindi ko alam kung matatawag ba siyang may respeto sa sarili. Halos kita na ang cleavage niya. Ang ikli pa ng dress niya na halos makita na ang kalahati ng hita niya. Sino naman siya at anong ginagawa niya rito sa bahay ni Sir. Lash? Hindi ko alam ang gagawin ko ng mga oras na iyon at ang nasa isip ko lang ay pigilan ang babae na makapasok pa sa kaloob-looban ng bahay. Hindi ko ito kilala kaya hindi siya puwedeng pumasok. Ang ibig-sabihin ko lang naman ay baka ako ang pag-initan ni Sir. Lash nang dahil lang sa babaeng ito. Bakit ba ito pumasok ng walang pahintulot? Gigil niya ako. Binitawan ko na muna ang hawak kong vacuum cleaner saka medyo inayos ang sarili. Nakakahiya naman sa kaniya dahil mukha siyang maarte. Ayaw ko ng pinandidirihan ako. Naglakad na ako at nang makalapit, bigla niya na lamang akong tinaasan ng kilay. Ano namang problema niya sa akin. "And who the hell are you?" maarteng tanong nito saka muling tumaas ang isa niyang kilay. Buhusan ko kaya siya ng tubig nang matanggal ang makapal niyang make-up. Huwag niya akong igaya sa kaniya na make-up lang ang nagpapaganda. "I'm Tamina," sabi ko. "Ikaw, sino ka?" tanong ko pa saka medyo pagalit na binalingan siya. Aba't hindi naman ako papayag na ganunin niya lang ako. "Huwag mo nga akong gaganyanin. Hindi mo ako kilala, so back off!" aniya sa pagalit na tono saka pinaalis ako na akala mo'y asong nasa kalsada. "Hindi talaga kita kilala kaya lumabas ka na rito!" depensa ko. Malay ko bang nagpapanggap lang iyan tapos hahalug-hugin na ang buong bahay... e 'di ako ang nayari nito kay Sir. Lash. "Bakit ako lalabas? Bahay mo ba ito? This house is not yours. Isa ka lang namang pathetic b***h na maid pero kung kumuda ka para kang kasing taas ko. What I mean is, kasing yaman ko!" Inirapan niya ako nang todo kaya hindi napigilan ng kamay ko ang sampalin siya. Natauhan na lamang ako dahil nakita ko siyang hawak-hawak ang kaniyang namumulang pisngi. Bakit ko ba ito ginawa? Hindi naman ako ganito! "Ikaw!?" Dinuro-duro ko siya. "Oo, isa lang naman akong kasambahay pero wala kang karapatang maliitin ang pagkatao ko. Mayaman ka nga, saksakan naman ng sama iyang pag-uugali mo. Huwag mo akong ikukumpara sa iyo dahil hindi ako nangarap maging mayaman. Oo, gusto ko lang makaahon sa kahirapan hindi maging isang katulad mong napakasama ng ugali na katulad ng kay Satanas!" sigaw ko rito. "How dare you! You have no rights to do this to me!" nanggagalaiting sigaw niya saka sinabunutan ako. Hindi ko alam ang gagawin ko pero ang nasa isip ko lamang ay gantihan ang babaeng ito. Masakit ang sabunot niya kaya naman sinabunutan ko rin siya. "Hayop ka! Napakasama talaga ng ugali mo!" sigaw ko sa gitna ng aming pagsasabunutan. Natumba pa kami at dumagdag ang sakit na aking nararamdaman dahil ang likod ko ang unang tumama sa matigas na sahig— sa marmol na sahig. "You b***h! Isa kang pathetic b***h na maid!" sigaw na naman niya at lalo pang diniinan ang pagkasabunot sa akin. "Tigilan mo na akong hayop ka!" malakas na sigaw ko at puwersahan ko siyang itinulak. Nakita kong napasandal siya sa isang lamesang may mga nakapatong na vase. Napatingin ako roon. Hindi. Isang vase ang nahulog at... at bumagsak iyon sa kaniyang kamay. "Oh my God!" Nakita ko ang duguan niyang kamay. Natatakot akong tumayo at unti-unting umatras. Nagawa ko ito? Ako ang may gawa nito? Hindi. Bakit ko ito nagawa? Bakit, Tamina? "What happened h—" Nakita ko na lamang si Sir. Lash na pababa ng hagdan. Natigilan pa siya nang makita iyong babae na duguan. Kaagad siyang nagtatakbo rito at inalo na para bang close sila. "Vanessa," aniya sa nag-aalalang tono. "Lash, I'm begging you. Bring me to the Hospital. Ayaw ko pang mamatay. Ayaw kong masira ang kamay ko." Umiiyak na ang babae dahil sa sobrang sakit. Marami na rin ang dugong lumalabas doon. "I will. I will bring you there!" Binuhat ni Sir. Lash ang babae at dali-daling lumabas ng bahay. Napahawak na lamang ako sa aking puso dahil sa aking masamang nagawa. Kung hindi ko lang sana itinulak ang babae ay hindi iyon mangyayari sa kaniya. Kasalanan ko ito. Malaking pagkakasala ang nagawa ko sa Diyos. "Anong nangyayari rito, Tamina?" Bigla na lamang sumulpot sa aking harapan si Aling Ester. Dahil sa sobrang takot ko ay napayakap ako sa kaniya. "Hindi ko po iyon sinasadya." Napa-iyak na lang ako sa balikat niya habang madiin siyang niyayakap. Kailangan ko ang tulong niya. Kailangan ko ang tulong ni Aling Ester dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Baka mamatay pa ako sa sobrang nerbyos. *** "HINDI naman daw sinasadya ni Tamina ang nangyari kay Vanessa. Sinabi niya sa akin na ipinagtanggol lang niya ang kaniyang sarili laban sa demonyang babaeng iyan." Napabuga na lamang ng hangin si Lash mula sa bibig nang marinig ang boses niya Nanay Ester sa likuran niya. Sunod-sunod siyang umiling. Kung self-defense iyon, bakit umabot sa ganoong punto? He's wondering how did it happen. "Vanessa told me that Tamina started this," he said in a cold tone. "Kakampihan mo ba ang demonyang babaeng iyon? Alam naman natin sa isa't-isa na napakasama talaga ng ugaling ng Vanessa na iyan. Tingnan mo, mabait si Tamina at hindi mo maiisip na kaya niyang sadyain iyon. Makisama ka naman sa akin, Lash," anito sa kaniya. Humarap siya rito at prenteng tumingin. "She needs to leave in my house," sabi niya. Natawa na lamang ang matanda. "Ano kamo, Lash? Dahil lang doon ay gagawin mo iyan kay Tamina? Kailangan ni Tamina ng trabaho kaya nagmamakaawa ako sa iyo, huwag mong paalisin si Tamina rito dahil napakabait niyang bata. Ipinagtanggol lang niya ang sarili niya. Ikaw ba naman ang sabunutan, sinong hindi ang masasaktan? Isipin mo iyang mga sinasabi mo, Lash!" sermon sa kaniya ni Nanay Ester. Umupo siya sa kama niya. Lintik na Tamina na iyan, napahamak tuloy siya. Gusto kasing makipag-deal ni Mr. Sari, ama ni Vanessa na magpapakasal sila ni Vanessa. At kapag hindi niya ginawa iyon, malulugi ang kumpanya niya dahil aalis ito na isa pa naman sa pinakamataas niyang business partner. Isa pa'y baka makulong si Tamina. Kahit naman papaano'y may concern pa rin siya kay Tamina dahil alam na alam niya talaga ang ugali ni Vanessa, matagal na. He won't do that, hindi siya magpapakasal kay Vanessa, he hated that girl so much. He hated Vanessa! "Can you leave me alone, Nanay Ester? Gusto ko munang mapag-isa..." "Pag-isipan mo iyang mga sinasabi mo, Lash. Tandaan mo, nandito lang ako sa tabi mo!" Hindi na niya ito sinagot. Narinig na lang niya ang pagbukas at pagsara ng pinto. Yari talaga sa kaniya si Tamina bukas. *** NAKITA ko si Aling Ester na pababa ng hagdan. Kanina ko pa talaga siyang hinihintay dahil para alamin ang mga sinasabi sa kaniya ni Sir. Lash. Natatakot na talaga ako at baka matanggal na ako sa aking trabaho. "Hayaan mo munang mag-isip si Lash, Tamina," saad niya saka umupo sa tabi ko "Ano pong sabi niya?" Kung makikita lang ang loob ng katawan ko ay baka kitang-kita na itong aking puso na halos buong araw nang tumitibok. Iba talaga ang pakiramdam ko kapag may ganitong klaseng pangyayari. Hindi rin ako makakatulog. "Marami siyang sinabi pero hindi ko na iyon sasabihin sa iyo dahil wala namang kuwenta. Gusto niya munang mapag-isa ngayon kaya bukas ay baka makakausap ko na siya ng maayos. Huwag kang matakot dahil nandito ako," wika niya. Niyakap ko siya dahil halos buong araw ay kausap niya si Sir. Lash. Ako nga'y hindi na nakapagtrabaho dahil talaga sa nararamdaman ko. Kung pwede nga lang ibalik noong una'y nagawa ko na. Bakit ba kasi umiral ang kademonyohan ko? Hindi naman talaga kasi ako ganito. Nainis lang ako sa babaeng iyon. "Maraming salamat po, Aling Ester sa tulong niyo. Maraming salamat po talaga ng marami!" Mas diniinan ko pa ang yakap ko. Medyo nakakaramdam na ako nang maayos. "Walang anuman, Tamina. Walang ibang nagtutulungan kung hindi tayo lang dalawa kaya kapag may problema ka, huwag kang mahihiyang magsabi dahil palagi akong nandito sa tabi mo. Isa pa pala, hindi ka makukulong, pangako iyan!" Lalo akong napaiyak dahil sa sinabi niya. Paano na kung wala ang isang tulad niya? Baka nga nasa presinto na ako at hinihimas ang malamig na rehas. Pasalamat talaga ako sa kaniya dahil palagi siyang nandiyan kahit kailan lang kami nagkakilala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD