KABANATA 8: "OH, nasaan na si Tamina?" Nang makapasok si Lash sa kaniyang bahay ay bumungad na kaagad sa kaniya si Nanay Ester at Cylus. Ang mukha ni Nanay Ester ay malungkot. "She left," he answered. "Saan siya pumunta? At bakit siya umalis ng ganon-ganon lang? May pinag-awayan ba kayo, Lash? Sabihin mo sa akin." "I don't know where she is going. Hayaan mo na siya at malamang ay babalik iyon. Remember, kailangan niya ng trabaho." Naglakad siya papunta sa may sofa at doon umupo. Nakita niyang nakangiti si Cylus sa kaniya. Crazy! "Hindi ka man lang ba nag-aalala sa kaniya? Tauhan mo siya kaya obligasyon mo siya, Lash," wika ng matanda sa kaniya saka naglakad patungo sa posisyon niya, medyo malayo ito sa kaniya. He heaved a deep sigh. Ayaw niya munang makarinig ng tungkol sa babaeng