KABANATA 7: ILANG minuto ang nakalipas ay hindi ko man lang naramdaman ang sarili ko na binangga ng sasakyan. Basta't nakaupo lang ako sa kalsada. "Miss, are you okay?" Isang tinig ng lalaki ang aking narinig. Iminulat ko ang aking mga mata at tumingin kung nasaan iyon, laking gulat ko na lamang nang makita ang plaka ng sasakyan na malapit na malapit na sa aking mukha. Hindi pa pala ako patay? Balik tayo roon sa lalaki, nakatayo siya sa tabi ko at nag-aalala pa yata. "Ayos lang ako," sabi ko saka mabilis na tumayo. "Are you sure? You want me to b—" Hindi ko na siya pinatapos. "Ayos lang ako. Sana nga ay tinuloy mo na lang akong banggain para matapos na itong pesteng buhay ko!" naiinis kong saad at sinundan nang malalim na paghinga. "Bakit naman kita babanggain? Sa ganda mong iyan