Her Cruel Fate (Kasandra)- 4
Pagkalapag ni Kasandra sa inorder ng magkasintahan, ay tinawag s'ya ng kanyang ex boss. The man na nagpa-kaladkad sa kanya palabas ng hotel noong nakaraang araw. Pero ano pa ba ang sadya nito at s'ya pa talaga ang tinatawag nito upang mag serve? Hinila n'ya pababa ang kanyang palda, paraan n'ya upang pakalmahin ang kanyang sarili. Nabuhay muli ang kanyang inis para sa lalaki dahil sa pagbanga nito sa kanya at sa pagpakaladkad sa kanya noon palabas. Grabing kahihiyan ang kanyang naranasan sa kamay ng lalaking natatanaw ng kanyang dalawang mga mata ngayon at hinding-hindi n'ya iyon malilimutan.
Bumoga s'ya ng kunting hangin at nilapitan na n'ya ito.
"Yes sir, ano po ang order n'yo?" magalang at mahinahon n'yang tanong.
"I never expected to see you here," sabi pa nito, at gaya ng dati ay napaka brosco ng bosses nito.
"Me too sir, 'di ko po expect na makikita po kita dito sa restong ito," aniya. "Kung nakapili na po kayo ng order n'yo sir, tawagin n'yo nalang po ako,"
Isinandig ni Edward ang kanyang likod sa sandalan ng bangko at pinag cross ang n'ya ang kanyang dalawang kamay. Napalunok na lang ang dalaga dahil tinitigan s'ya nito na parang naghahamon o ano ba, hindi n'ya ito maintindihan bakit ganun na lang ito kung tumitig sa kanya na para bang may nakaambang na namang panganib sa kanya.
"What if my order is you to leave?!" sagot naman nito.
Tumaas na naman ang kilay ni Kasandra para sa lalaki, tinawag-twag pa s'ya nito ie paaalisin lang naman pala s'ya, 'yung totoo? Pinagtritripan ba s'ya nito?
"Sige, alis na po ako sir, tawagin n'yo na.."
"That's not what I mean," dugtong pa nito.
Kumunot ang noo ng dalaga at nag salubong pa ang kanyang mga kilay. Bakit kung umasta ito ay parang boss pa rin n'ya ito.
Pinagcross rin ng dalaga ang kanyang mga kamay at mataray n'yang sinagot ang lalaki.
"Sir, ano po ba ang order n'yo? Kung wala pa po edi take your time. Huwag 'yong nasa ibang trabaho na nga ako pero parang binabastos n'yo naman ako bilang trabahanti! Sir, mawalang galang na, hindi ikaw ang boss ko kaya wala kang karapatan na paalisin ako dito," makatwiran n'yang tugon.
Edward smirks like a demon.
"Do you know, isang salita ko lang na tanggalin ka rito ay automatic na matatangal ka? Do have any idea of where your foot stepping at right now?" mapagbanta nitong sabi.
"There you are…" tinig mula sa likuran ng dalaga, nag iba naman ang itsura ni Edward at naging maamo ang mukha nito, agad itong tumayo at tinanggap ang nakalahad na kamay ni Mr Wilson, ang bagong amo ni Kasandra.
"I'm sorry if I arrived a little late Mr Falcon," sambit ni Mr Wilson.
"That's okay Mr Wilson, not a big deal."
"By the way Kasandra, since nandito ka naman sa harap namin, this is Mr Edward Falcon, Sister company nila ang kumpanya natin," anito sa kanya. Nawindang ang dalaga, naiwang naka-awang ang kanyang bibig sa ere. Tama ba ang kanyang narinig? Sister company ba kamo? Pakiramdam ni n'ya tuloy ay hindi s'ya lulubayan ng d'yos ng kamalasan, simula ata na nag cross ang landas nila ng lalaking 'yon ay puro nalang kamalasan ang nangyayari sa kanya.
"Sir Wilson, I resigned!" aniya sa kanyang boss sabay alis.
Nagpatitig nalang si Mr Wilson sa kay Edward kung bakit ganun na lang bigla ang pagreretiro ng dalaga.
"Let her be Mr Wilson, we have more things to talk about, don't mind that woman," sambit pa ni Edward ng tangkahin pa ni Mr Wilson na habulin at tanogin kung ano ba ang problema ng dalaga.
Kinuha ni Kasandra ang kanyang bag sa locker room at agad ng lumabas ng building, panay ang sipa n'ya sa bawat batong kanyang nadadaanan, nagmamaktol s'ya habang naglalakad.
"Kaya pala ang lakas ng apog n'yang palayasin ako! Kasi sister company pala s'ya! Panira kang kapre ka! Haaayyyy nakuuuuuuuu! D'yos ng kamalasan! Lubayan mo ako!" mahina n'yang sabi habang naglalakad.
Nasa talyer pa ang kanyang motor at bukas pa n'ya ito makukuha kaya mahaba-haba ang kanyang lalakarin.
Hindi namalayan ni Kasandra na narating na palaya n'ya ang parti ng kanto na walang halos katao -tao at konti lang ang mga bahay, sira pa ang street light. Malayang nag emote si Kasandra sa kadiliman at binabalot ang kanyang damdamin ng lungkot dahil sa sunod-sunod n'yang kamalasan.
Habang si Edward naman ay pasakay na ng kanyang kotse dahil tapos na ang kanyang pakikipag-usap kay Mr Wilson, at nagpasya na s'yang umuwi na sa kanyang villa dahil gabi na rin at pagod na s'ya.
Sa kadiliman ng daanan ay may natatanaw si Edward na isang babaeng nakikipag agawan ng bag. Halatang nasa panganib ito.
Binilisan pa ni Edward ang pag takbo ng kanyang kotse at mabilis na bumaba mula sa kanyang sasakyan.
"Hoi! Bitawan mo 'yan!" sigaw n'ya sa magnanakaw, subalit hindi ito nagpatinag kaya mabilis n'yang i-nihakbang ang kanyang mga paa, tumakbo ang lalaki ng makitang papalapit na si Edward.
"Miss are you okay?" alalang tanong pa nito sa babae.
"Salamat po Manong," turan naman ni Kasandra sabay tingala sa lalaki.
Nanlaki ang mata ng bawat isa sa kanila ng makilala ang isat-isa.
"Ikaw!?" magkasabay pa nilang bulalas.
"Husme marimar! Kaya naman pala ako minamalas dahil paparating ka," aniya kay Edward.
"Hey Kasandra, don't you want to thank me for saving you? Is that how you show how grateful you are!?"
"Grateful, grateful!? Grateful ka d'yan, grateful ba 'yung binanga mo ako? grateful ba 'yong tinanggal mo ako sa trabaho at pinakaladkad sa mga guards mo? Grateful ba 'yong nawalan na naman ako ng trabaho!? Saan banda ang grateful doon ha? Ikaw kung 'di mo kailangan ng pera dahil mayaman ka naman, ako? Ha, ako? Kailangan na kailangan ko ng trabaho, gusto ko pang mag aral ulit, magpapa check up pa ako kay lola, pero paano ko gagawin 'yon kung lagi ka nalang nakaharang sa buhay ko?" halos mangiyak-ngiyak n'yang talak sa lalaki.
"Miss, I'm not your diary. Kaya huwag mong sabihin sa akin 'yang mga ganyang problema mo okay? Wala akong pakialam d'yan!"
"Dairy mo pwet mo!" sabat n'ya tsaka tinalikuran ang lalaki at mabilis na naglakad.
Habang si Edward naman ay bagnot na namang bumalik sa loob ng kanyang kotse, iba talaga ang apog ng babaeng 'yon. Walang kahit sino man ang nakapagsalita ng ganoon sa kanya sa tanang buhay n'ya, tanging ang babaeng 'yon lang ang may makapal na mukha na sabihin pwet n'ya ang mukha n'ya.
"Sarap piga-pigain ang pagmumukha ng babaeng 'yon ng mabawasan ang tulis ng dila," inis n'yang wika.
Pagkarating ni Edward sa kanyang villa, ay agad s'yang nag shower upang pakalmahin ang kanyang dugo na kumukulo dahil kay Kasandra, umaarko pa kasi sa kanyang isipan ang katarayan ng babae.
Nahirapan din s'yang matulog dahil dito, sino ba naman kasi ang makakatulong non kung puro inis ang nasa loob kanyang puso.
Kinaumagahan, dahil sa wala na namang trabaho si Kasandra, nag pasya na lamang s'yang sa talyer na lang s'ya magtatrabaho, atleast doon walang mag sisisanti sa kanya, baka mamaya kapag nag apply pa s'ya ulit ay baka sisters company, o isa na naman sa pagmamay-ari ng ex boss n'ya ang kanyang mapasukan, kaya huwag na lang.
Makalipas ang tatlong araw, nagmumuni-muni si Edward sa kanyang office,at ipinatawag n'ya ang manager ng resto n'ya.
"Come in," aniya.
"Good morning sir, bakit n'yo po ako pinatawag?"
"Do you know where that Kasandra live?" nagtaka si Troy kung bakit nito tinatanong sa kanya kung saan nakatira ang dalaga gayong pinalayas na n'ya ito.
"Hindi ko alam sir, pero baka nasa resume n'ya,"
"Bring me her resume,"
"Yes sir," sagot nito tsaka mabilis na kinuha ang resume ng dalaga.
Hawak-hawak na ni Edward ang resume ng dalaga at hindi na n'ya namamalayang napapatagal na pala ang kanyang pagkakatitig sa litrato nito.
"So, she is the daughter of the b***h!" aniya sa kanyang sarili at
Tumawag s'ya sa kanyang front desk staff.
"Yes sir?"
"Tell my driver that we are leaving right now, Urgent!"
"Yes sir."
Nakasakay na si Edward kotse at hinahanap nila ang nasabing bahay ng dalaga.
"Tao po! Tao po!" sigaw ng driver sa labas ng kural.
Lumabas ang lola ni Kasandra.
"Ay sino po sila? Kay gwapo naman," baling tingin ng lola ni Kasandra kay Edward.
"Lola, dito po ba nakatira si Kasandra, Kasandra Alvarez?" ani ng driver.
"Oo dito nga po, kaso nasa talyer s'ya ngayun. Pasok muna kayo,"
"Huwag na lola, aalis na rin kami, iyon lang ang gusto naming malaman" sagot ng driver.
Agarang umalis sina Edward at ang kanyang driver, mabilis rin nilang nakita ang talyer na pinagtatrabahuhan ng dalaga.
Kasalukuyang nakahiga ang dalaga sa ilalim ng kotse at may inaayos lang.
"Kasandra..!"
napatigil ang dalaga sa kanyang ginagawa ng marinig ang boses na 'yon, hindi s'ya maaring magkamali, bosses 'yon ng demonyo. Demonyong may dalang kamalasan.