He Cruel Fate (Kasandra)
Her Cruel Fate( Kasandra)-1
Past Memories
Ingay ng kotse, ingay ng mga kapitbahay na nagsisigawan dahil sa kalasingan at puro tawanan ng mga kabataan ang bumolabog sa tulog ng sampung taong gulang na si Kasandra. Fiesta kasi sa barangay nila ngayon kaya natural lang na napaka-ingay ng mga tao kahit pagabe na. Subalit mayroong isang ingay pa ang umagaw sa kanyang attention, naririnig n'ya ang isang bosses ng babae na binibigkas ang pangalan ng kanyang ama, at tila umiiyak pa ito.
Nagtaka si Kasandra sa kanyang naririnig, bumangon s'ya mula sa kanyang higaan, bumaba ng hagdan upang tingnan kung anong ingay iyon na nagmula sa labas ng kanilang pamamahay.
Mas nagtaka pa s'ya ng makita ang isang babaeng hindi n'ya kilala, nakaluhod ito at umiiyak sa harapan ng kanyang ama.
"Edgar… Edgar…," sambit ng humahagulgol na babae. "Kailangan ka namin ng anak mo, kailangan kita Edgar, bu-bumalik ka na sa bahay natin, patatawarin naman kita, ha-handa pa rin naman akong tanggapin kang muli at masimula tayo ulit, huwag mo lang kaming Iwan, ka-kailangan ka ng pamilya natin, namin ng anak mo," wika pa nito.
"Anak?" katanungan sa isip ni Kasandra.
"May anak pa si itay liban sakin?" Mas lumapit pa si Kasandra upang maging malinaw sa kanya ang lahat, at nakita n'ya ang isang bata.
"Mommy… mommy…" sambit naman ng isang umiiyak na batang lalaki habang pilit na hinihila ang kanyang mommy patayo, at ang batang lalaking 'yon ay parang kaedad lang n'ya o mas matanda ito ng isang taon sa kanya.
At sa eksenang 'yon ay halos lahat ng kanilang mga kapitbahay ay sila na ang pinag fifiesthan, masyado kasing agaw attention ang mga kaganapan sa harap ng kanilang pamamahay.
"Susan, Susan, tumayo ka. Nakakahiya na sa kapitbahay namin," sabi pa ni Edgar sa kanyang asawa, pero tila bingi lang ang babae at nakaluhod pa rin itong umiiyak sa harapan ni Edgar.
"Hi-hindi ako tatayo rito hanggat hindi ka bumabalik sa amin, sa amin ng anak mo Edgar, kailangan kita, kailangan ka ng anak natin, kailangan ka namin. Edgar… Edgar… parang awa mo na, bumalik kana, bumalik ka na sa amin, Edgar… bumalik ka na," sabi pa nito, habang ang batang lalaki naman ay panay ang iyak at pilit na itinatayo ang kanyang ina, dahil ang bata mismo ang naawa sa sitwasyon ng kanyang mommy.
'Susan, hindi na ako babalik sainyo, mahal ko si Lyka, sila ang tahanan ko, ang tunay kong pamilya," habag na turan ni Edgar, naawa rin s'ya sa kanyang asawa. Pero si Lyka talaga ang mahal n'ya at kay Lyka s'ya nagkaroon ng isang tunay na anak, yung mismong dugo at laman n'ya talaga, 'yung sa kanya mismo galing.
Isang tricycle ang huminto sa harap ng bahay nina Kasandra at lumabas mula doon sa tricycle si Lyka, si Lyka na walang kamalay-malay na andiyan pala ang tunay na asawa.
Biglang tumayo si Susan at sinabunutan ang kabababa pa lang na si Lyka.
"Ito ba! Ito ba Edgar! S'ya ba! Itong kabit mo ba ang dahilan kung bakit mo kami iniwan hah! Siya ba!? Itong babaeng ba ang dahilan mo hah! Edgar!" maririing sambit ni Susan habang lumuluhang nakapatong sa ibabaw ni Lyka at pinupulopot ang buhok nito at pinagsasampal.
Hindi pumalag si Lyka, basta't sumisigaw lang ito ng "tama na"
"Susan! Itigil mo na 'yan! Susan!" sambit ni Edgar at malakas na binuklas si Susan sa mula sa pagkakadagan nito kay Lyka.
Nabaliktad ang sitwasyon. Kung kanina ay si Susan ang Lumuluhod, ngayun ay si Lyka naman.
"Susan, patawarin mo ako, patawarin mo kami. Susan, mahal ko ang asawa mo, mahal ko s'ya Susan. Susan... patawad, patawarin mo kami Susan, patawad, patawad, patawad," sambit pa nito habang naka-hawak sa mga kamay ni Susan.
Lumuhod rin si Edgar sa harap ng kanyang asawa, at gaya ni Lyka ay humihingi rin ito ng kapatawaran, at kalayaan.
Iwinaksi ni Susan ang kamay ni Lyka at gigil itong tinitigan sa mga mata habang pumapatak ang malalaking botel ng mga luha mula sa kanyang mga mata. Ang sakit tignan na gagawin ng kanyang asawa ang lahat para lamang kay Lyka, kaya't lumohod din ito kasama ng kabit nito sa kanyang harapan.
Ganon na ba talaga ito kadispiradong tapusin ang lahat?
Sabagay, matagal na rin namang may lokuhang nagaganap, sampung taon na ang anak nito sa ibang babae, kaya siguro sapat na rin ang paulit-ulit n'yang pagtanggap sa kanyang asawa, kahit na paulit-ulit nalang s'ya nitong sinasaktan noon ay okay lang. Basta't Makita lang n'yang buo ang kanyang pamilya. Ay handa s'yang magpatawad ng paulit-ulit
Ganun naman talaga siguro kapag nagmamahal ang isang tao, girlfriend man o asawa. Kapag nagmahal ka ay kaya mong tumanggap ng paulit-ulit, kahit nakakadurog na, kahit sobrang sakit na, kapag tatanungin mo ang sarili mo kung bakit ka nagsasakripisyo? Kung bakit mo 'yon ginagawa? Isang sagot lang ang ibibigay ng sarili mo sa'yo. "Wala ie, mahal ko ie," Pero sa puntong ito ay wala na s'yang dahilan upang magtiis pa. Huminga ng malalim si Susan at nagsalita.
"Mala-demonyo ang bawat kabit dito sa mundong ibabaw na ito! Basta't sumaya lang kayo ay amanos na, 'di baling may nawawasak na kayong pamilya! At pagsasama! Basta't masaya lang kayo ay sapat na! Walang kapatawaran ang kahayupang ginawa n'yo sa akin! Kahit mamatay pa ako ngayon ay dadalhin ko ang galit ko para sa inyo! Hinding-hindi ko kayo mapapatawad!" mariin nitong sabi.
"Ang bunga ng kataksilan n'yo, ay ang bungang sisingilin ni karma balang araw!" wika pa ni Susan habang tumutulo ang kanyang malalaking botel ng mga luha mula sa kanyang mga mata at halos hindi ito maputol-putol sa sobrang sakit na kanyang nadarama, hindi niya lubos akalain na dadating pala ang ganoong pangyayari sa kanyang buhay. Ang hirap tangapin na kahit Ikaw ang asawa ay hindi Ikaw ang pinili.
Nakakatakot ang hindi ikaw ang piliin, tila para kang tinarakan ng balisong sa dibdidb. Nakakalugmok at nakakapanghina na malamang hindi na ikaw ang mahal. Na hindi na ikaw ang uuwian, at hindi na ikaw ang tinuturing nitong tahanan.
Mahirap ang matalo ng isang kabit lamang. Pinagmukuha ka nitong isang bigo na asawa. Mahirap, na bilang asawa ay isang kabit lang ang tatapos sa papel mo bilang tunay na asawa. At hindi lang 'yon, maiiwan ka pa na mag-isang mag tataguyud sa anak n'yong dalawa. Mag-isang magaaruga at magmamahal, wala naman sanang problima 'yon. Ang kaso nga lang, wala ng tatawagin ang anak mo na papa, daddy, tatay o ama.
Kahit ikaw pa ang legal kung hindi na ikaw ang mahal, talo ang ikinasal.
At 'yon ang mas masakit, 'yung nasaktan ka na nga, talo ka pa. 'Yung tipong tinangihan na n'ya ang pagpapatawad mo. 'yung wala ka na dahil meron ng iba.
Masakit, 'yung tipong…Hindi ka na kailangan. Hinda na ikaw.
Muling sinubukan ni Lyka ang hawakan ang kamay ni Susan subalit inilayo ito ni Susan.
Inihakbang ni Susan ang kanyang mga paa palayo sa dalawa at ngi isang sulyap ay hindi n'ya iginawad. Hinawakan ni Susan ang kamay ng lalaki n'yang anak at ipinasok ito sa kotse at mabilis silang umalis.
Habang nagmamaneho si Susan ay panay ang pag agos ng kanyang mga luha, kahit anong punas n'ya sa mga ito ay pilit parin itong tumotulo.
Nalungkot ang batang lalaki na makitang lumuha ang kanyang ina, pinahid ng bata ang luha ng kanyang ina at niyakap ito.
"Mommy, ako, hindi kita iiwan," sabi pa ng bata sa kanyang ina.
Napangiti nalang si Susan sa mga winika ng kanyang anak, subalit ang ngiting iyon ay may kalakip pa ring sakit. S'ya at si Edgar ay nag pasyang mag ampon ng bata noon, isang batang bubuo sa kanilang dalawang mag asawa. Subalit paano na ang batang ito ngayon? Adopted na nga, wasak pa ang pamilya. Nakaka konsensyang dalhin ang damdaming 'yon. Parang nag ampon lang sila ng isang bata upang ipadama rito kung paano ba ang magkaroon ng isang wasak na pamilya.
"Hindi rin kita iiwan anak," turan naman n'ya rito.
Habang si Kasandra naman ay tila parang sinampal ng malakas na hangin, naiwan ang kanyang utak sa ere at lumolutang ito sa kung saang lupalop ng alapaap.
"Kabit si mama? Pangalawa kaming pamilya? Nanira si mama ng pamilya? Manloloko si papa? A-ako? Anak ako ng makasalanan? Anak ako sa labas? Ha-hah? Anako ako sa labis?" Sunod-sunod na mga katanungan ni Kasandra sa kanyang isipan, kung ganoon totoo pala ang mga chismis sa kanilang barangay na kabit ang kanyang ina at anak s'ya ng makasalanan.
Bilang isang bata ay hirap rin si Kasandra na tangapin kung ano ang kanyang mga narinig at natuklasan. Kinamuhian n'ya ang kanyang ina at ama maging ang kanyang sarili. Hindi man n'ya tipikal na sinasabi ang mga katagang 'yon sa kanyang magulang, bitbit naman n'ya ito sa kaloobluobanloob ng kanyang puso at isipan.