Her Cruel Fate (Kasandra) -3
Nahuli ng tingin ni Kasandra ang pag igting ng mga bagang ng boss n'ya, pamaldito pa itong nameywang habang nakatingin sa kanya.
Unti-unti s'yang lumabas mula sa pagkakatago n'ya sa likod ng kanyang katrabaho. Pakiramdam n'ya ay para s'yang natatae o naiihi ba, parang binabaliktad o ginagalugad ang kanyang sikmura sa samot saring nyang nararamdaman. Hiya, kaba, takot, at kung ano-ano pa, gusto na nga n'yang tanggalin ang kanyang ulo at itapon sa labas.
"She's a worker here!?" malditong tanong pa nito sa manager, halatang naiinis Ito sa kanya, halatang-halata sa tuno nito.
Nakayuko siya pero alam n'yang lahat ng kanyang mga katrabaho ay isa-isa ng nagsitingan sa kanya.
"Ye-yes sir, worker mo po s'ya rito," kunot noong sagot ng manager, nagtataka kasi ito kung bakit ganun nalang ang pag bago ng tuno nito dahil kay Kasandra.
"How the hell you hired that kind of a b***h here!!!" nagulat ang manager dahil sa pagtaas ng tuno ni Edward, at si Kasandra naman ay kagat-kagat ang kanyang labi, hindi n'ya ito masisisi kung bakit ito galit sa kanya, talakan ba naman n'ya ito ng kay aga ie malamang…ganon nga ang resulta.
"b***h!" sambit ng kanyang mga katrabaho, nagtataka rin ang mga ito kung bakit ito galit sa dalaga.
"Hoi, Kasandra. Kilala mo si sir?" tanong ni lvy, katrabaho n'ya na malapit sa kanya.
"Hi-hindi, pero kasi…"
Hindi na naituloy ng dalaga ang dapat n'yang sabihin ng biglang humakbang ng napakalaki ng kanyang amo palapit sa kanya, tila parang aabot ng isang dipa ang bawat hakbang nito dahil sa inis sa kanya.
Pakiramdam ni Kasandra ay nais na n'yang maging yelo at matunaw ng mabilis.
Nanatili s'yang nakayuko at mistulang isa lang s'yang daga na nananalangin ng kaligtasan n'ya mula sa pusa. Ang tangkad ng kanyang boss at nanliit s'ya lalo ng tapatan s'ya nito. 5,5 na s'ya pero nge hindi man lang s'ya lumagpas sa balikat nito.
Dahan-dahan n'yang inaangat ang kanyang paningin kay Edward, pero agad din s'yang yumoko ulit ng magtama ang kanilang mga mata, galit talaga ang kanyang boss sa kanya, naniningkit ang mapungay nitong mga mata.
Habang ang manager at mga katrabaho naman n'ya ay puno ng katanungan sa kani-kanilang mga isipan, kung ano ba talaga ang problema ng dalawa.
"What's your name!?" pabagsak na sambit nito, mas nakakatakot pa itong pakingan dahil sa mabilog nitong tinig.
"Ka-ka-kassanndra si-sir," utal n'yang sagot, nanginginig talaga ang buo n'yang katawan dahil sa presensya nito, pakiramdam n'ya ay pati ang kanyang buhok ay unti-unti ng nalalagas. Wala ng tatalo sa kanyang takot na nararamdaman ngayon. Parang end of the world imbes na joy to the world.
"Kasandra ha! Kasandra, do you love your job?" kalmadong tanong nito.
"Ye-yes sir," sagot naman n'ya.
"That's good, but do you know. I need a worker here na maganda ang ugali?" sabi nito, at alam ni Kasandra na s'ya ang pinapatamaan nito.
"Kasandra, my company don't need a b***h like you! You're fired! Now, go out!" mariing sambit nito na ikinagulantang ng lahat, lalong-lalo na ni Kasandra.
"Si-sir, hindi pwede, baka pwede pa natin itong pag-usapan, aniya habang hinahabol ang bawat yapak ng kanyang amo na palabas na ng resto.
"Si-sir, kailangan ko po ng trabaho, kailangan ko po ang trabaho ko... Sir, sir, baka naman po pwede pa po nating pag-usapan 'to sir, sir…" aniya sa kanyang boss pero kahit konting tugon ay wala s'yang natanggap mula rito.
Suminyas pa ito sa guard, kasunod non ay ang pagkaladkad sa kanya palabas ng Hotel.
Nasa labas na ng Hotel ngayon si Kasandra, kulang na lang ay maglumpasay s'ya sa labas. Kutang-kuta na talaga s'ya ngayong araw, nabanga, napahiya, natangal pa sa trabaho, s'ya na yata ang award winning sa araw na ito.
Umangkas na s'ya sa kanyang motor at pinadyak ito.
Subalit ayaw pang umandar ng kanyang motor kahit nakailang padyak na s'ya rito. Gusto na n'yang sumigaw talaga, nais na n'yang umalis sa building na 'yon para naman makahinga na s'ya ng maluwag dahil labis na ang hiyang kanyang nararamdaman, dahil umabot pa talaga s'ya sa puntong ipinakaladkad s'ya palabas ng hotel.
"Ano ba 'yan partner… kota na nga ako dumagdag ka pa," aniya sa kanyang motor. "Nais kung malaman mo na wala na akong trabaho para magpatalyer sa'yo, kapag hindi ka pa talaga umandar, itatapon na kita!" pananakot pa n'ya sa kanyang motor na para s'yang tanga.
Habang sa itaas naman ng hotel ay nasa pinaka tuktok ng building ang opisina ni Edward, kasalukuyang nakatayo ito ngayon sa harap ng kanyang bintana tanaw-tanaw ang dalaga.
"Buti nga sa'yo," sabi pa ni Edward sabay tawa ng makita ang dalaga na i-tinutulak ang sarili nitong motor.
"Ipa-junk shop mo na 'yan," sambit pa ni Edward dahil halos kalansay na ang motor ng dalaga, pudpud na ang upuan nawawala pa ang ibang cover nito. Isang tigin lang sa motor na 'yon ay halatang sira-sira na rin ang makina non.
Isang katok ang ang umagaw sa attention ni Edward.
"Come in…" aniya at pumasok ang manager ng dalaga.
"Manager, what's your deal?" ani nito.
"Sir, I want to ask something, this is about Kasandra," sagot ng manager.
Tumaas ang isang kilay ni Edward.
"What's about her?"
"Sir, please hired Kasandra again, she's amazing employee here, she's so friendly and most of our customer dito ay nais s'yang makita, mayroon s'yang magandang hatid sa resto sir, at minsan kapag friendly ang service crew ay mas dumadalas pa ang pag punta ng mga customer… matalino rin s'ya sir. Hindi s'ya graduate sa kolehiyo pero may nakikita akong potential sa kanya na maging isang magaling na manage balang araw," sabi pa ng manager sa hindi maipintang mukha ng kanyang boss.
"Friendly? Do I heard your right? Really, friendly?" sambit pa ni Edward sa manager with a laugh. Isang tawa na hindi naniniwala.
"We can hire a new friendly one Troy, just not her," sabi pa ni Edward sa kanyang resto manager.
"But,"
"No more buts Troy," sabi pa ni Edward at umopo na sa kanyang table.
Walang nagawa si Troy kundi ang umalis na lamang, dahil bakas na sa mukha ni Edward na ayaw na nitong makipag-usap kung tungkol lang naman kay Kasandra ang lahat.
Makalipas ng halos kalahating oras ng pagtutulak ni Kasandra ng kanyang motor ay narating na rin n'ya ang bahay nila ng kanyang lola.
"Oh apo, ang aga mo ata?" sabi pa ng kanyang lola. "Anong nangyari at sobrang aga mong umuwi?"
Pinunas mona ni Kasandra ang kanyang tumatagaktak na pawis bago sumagot.
"Tanggal po ako sa trabaho lola," kaswal n'yang sagot at i-pinuwesto ang kanyang motor.
"Oh, paano na yan. Anong balak mo? Mababagot ka lang dito sa bahay kung matatambay ka," sabi pa nito sa kanya sabay ibinaba ang tinatahi nitong short.
"Ikaw bata ka, umupo ka muna at i-pagtitimpla kita ng kape, alam kong adik ka sa kape," dugtong pa nito at napangiti nalang si Kasandra sa kanyang lola, kahit mahina na ito at may diabetes ay hindi pa rin s'ya nito pinapabayaan. Kahit papaano ay nakakalimutan n'yang anak pala s'ya ng isang kabit.
Kinabukasan ay maagang nagpatalyer ang dalaga upang ipaayos ang kanyang motor.
"Kasandra, tapon mona itong motor mo, bulok-bulok na ito ie," sabi ni mang Kanor.
"Ay naku, Mang Kanor! Ayusin n'yo nalang po ang motor ko ng makaalis nako, maghahanap pa ako ng trabaho," sagot n'ya rito.
"Kas, kapag wala ka pang makitang trabaho, pupwede ka dito sa talyer ko, tuturuan kita kung paano mag ayos ng bawat sasakyan basta't lumapit ka lang dito," sabi pa nito sabay tapik sa balikat ng dalaga.
Makalipas ng isang araw ay natanggap si Kasandra sa isang resto, waitress s'ya doon. Habang lumalapag s'ya ng pagkain na inorder ng magkasintahan sa isang table ay biglang nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang isang pamilyar na mukha, mukha na kahit kailan ay hinding-hindi n'ya makakalimutan.
"Aba, husme naman!" mahina pero mariin n'yang bigkas ng sa dinami-dami ng waitress ay s'ya pa talaga ang tinawag ng maldito n'yang ex boss.