Chapter 4

755 Words
LUNA SANCHEZ POV: Lumipas ang mga araw, parati kaming pumupunta ni Calvin sa paradise. Hindi ko nga rin alam pero may umuudyok sakin na sumama nalang at sa palagi kong magsama sakanya, naging close na kami sa isa't isa. Marami na rin akong nalaman tungkol sakanya. Nalaman ko na hindi pa siya nagkakaroon ng girlfriend since birth, hindi nga ako makapaniwala na hindi manlang siyang nagkaroon ng girlfriend, sa gwapo niya 'yun, wala? Psh. At ang isa pa, wala pa daw siyang first kiss, darn. "Bakit sa nakikita ko nagiging close na kayong dalawa ng lalaking 'yun?" Sabi sakin ng kapatid ko na si Jinnie. "May pangalan siya at Calvin yun, tch" sabi ko sakanya "tsk whatever his name. Akala ko pa yung kakambal niya ang mahal mo? 'E bakit siya ang kasama mo?" Napaubo naman ako "Tumahimik ka nga Jin! We are just friends okay? At ang tungkol kay Casper, psh." Wala naman akong masasagot na tungkol kay Casper. Hindi ko naman ito nakikita kahit kasama ko si Calvin. Mukhang hindi sila masyadong close ng kakambal niya. Masyado silang distant sa isa't isa. "Ang lalim na naman ng inisiip mo" sabi niya sakin, hindi nalang sumagot. "Ate, what if magpakita satin sina mama at papa" napatigil ako sa pagkain, tinignan siya. I frowned " ano ba ang sinasabi mo, Jin? Ate you freaking crazy?" "What if lang naman diba?" I sighed "Then what if hindi naman? 'Wag na tayong umasa Jin, masasaktan lang tayo"  "Ate naman, saan mo naman nakuha ang hugot mo! Ang lupet! hahaha" tsk, hugot daw, 'e totoo naman. Hindi na kao umaasa na babalikan pa kami nina mama at papa, dahil mukhang may ibang pamilya na silang binuo at hindi kami kasama 'don. At kung babalik man sila, 'edi bumalik sila. Pero 'wag silang umasa na may mababalikan pa silang anak na babae. NAGLULUTO ako ngayon dito sa restau, hindi ilang minuto natapos ko na rin. Maaga ako pumunta dito sa restau dahil wala naman akong gagawin sa bahay, at may pasok pa si Jinnie sa eskwelahan. Sigh. "Mukhang nagkakamabutihan na kayo ni Sir Calvin, Luna." sabi sa akin ni Laura, napakamot naman ako ng batok at tumingin sakanya "Magkaibigan lang kami ni Sir Calvin, Laura. Hindi naman masama 'yun diba?" pagtatanong ko sakanya "Oo nga, pero nakikita ko na nagseselos na sayo ang iba dito, lalong lalo na nakikita ka nila na kasama si Sir Calvin. Matanong ko lang, may gusto ka ba kay Sir Calvin?" napatawa naman ako ng mahina, kung alam lang niya na si Casper ang gusto ko at hindi si Calvin, sigh. "Hindi 'no. Wala akong gusto kay Sir Calvin" sabi ko sakanya  "Mabuti na sa ganon, Luna. Dahil balita ko may nobya na si Sir Calvin na nasa ibang bansa" nabigla naman ako, nobya? May nobya si Calvin? pero papaano? ang sabi niya sa akin noon, hindi pa siya nagkakaroon ng nobya kahit isa manlang, tapos sinabi sakin ngayon ni Laura na may nobya ito? Naguguluhan ako "T-Totoo ba 'yan?" tumango naman si Laura "Oo naman, ang dinig ko ipapakilala na daw ni Sir Calvin ang nobya niya sa susunod na linggo. Napakaswerte naman ng nobya niya" sabi niya, napayuko nalang ako. Ibig bang sabihin 'non, nagsinungaling si Calvin sa akin? Jgh. Napatigil kami sa pag-uusap ni Laura ng may tumawag sa pangalan ko ,"Luna may naghahanap sayo" napakunot naman ang nuo ko, Sino naman kaya 'yun? "Sino naman?" pagtatanong ko at lumabas ng kusina, nanigas ako sa kinatatayuan ko ng makita ko si Casper sa harapan ko "Maiwan ko na po kayo Sir Casper" at umalis na si Gen. Tumingin ako kay Casper, nakapoker face ito habang nakatingin sa akin "B-Bakit?" pagtatanong ko sakanya, he suddenly held my hand at hinigit ako papalabas ng restau. O-kay? Ano ba ang nangyayari? Pumasok kami sa kotse niya "ah, bakit po Sir Casper?" tumingin siya ulit sa akin, at pinaadar ang makina ng kotse. f**k. "S-Saan po tayo pupunta?" pagtatanong ko sakanya "Drop the 'po' and 'opo', magkasing-edad lang tayo." malamig na sabi niya sakin "P-Pero b-boss po kita" mahinang paliwanag ko sakanya "Wala na tayo sa restau, so stop calling me 'sir'. Just call me Casper" "S-Saan ba tayo pupunta? Bigla bigla mo nalang ako hinigit papalabas ng restau. Hindi pa tapos y-yung s-shift ko" sabi ko sakanya "Good, I don't care kung hindi pa tapos ang shift mo. Sasabihin ko nalang si dad na sinama kita" sabi niya sakin, pero hindi pa rin ako nakunteto sa sagot niya. Saan ba talaga niya ako dadalhin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD