LUNA SANCHEZ POV: Hindi ako makapakali sa aking kinauupuan ngayon, sino ba naman ang magrerelax kung ang kasama mo ngayon ay ang man of your dreams mo diba? Sigh. "C-Casper..." pagtawag ko sakanya "Malapit na tayo" sabi niya sa akin, napatingin naman ako sa labas. Wait parang alam ko na kung saan kami pupunta. Doon pa sa paradise? Tumigil naman ang kotse, at tama nga ako, sa paradise nga kami pumunta. Kung saan ako dinala ni Calvin noon. Lumabas ako sa kotse at ganoon din siya. "Welcome to the paradise" he said, tumango naman ako. Hindi na ako namangha, nakita ko na kaya pero ang pagkaiba, si Casper ang kasama ko ngayon at hindi si Calvin. Mukhang nakita niya reaksyon, "Mukhang nagpunta na kayo ng kakambal ko dito, tama ba ako?" nagulat naman ako sa pagtatanong niya ngunit tumango nal