LUNA SANCHEZ POV:
Hindi ako umimik kahit nasa loob kami ni Calvin sa kotse niya.
"S-Saan ba tayo pupunta?" Binigyan lamang niya ako ng isang ngiti
"Hey, Kanina pa ako tanong ng tanong dito pero ngiti lang ang binibigay mo sakin. Saan ba talaga tayo pupunta?" Nagtanong ako ulit
"Ang hot tempered mo pala... " and he laughed, napa'tch' naman ako. Hindi maikakaila na pogi nga siya katulad ng kakambal niya na si Casper, pero mas pogi pa rin para sakin si Casper huehue.
ILANG MINUTO ang makalipas nakarating na rin kami sa destinasyon namin, tumigil kasi ang kotse na sinasakyan namin ni Calvin.
Lumabas ako sa kotse at inikot ang paningin ko sa paligid. Wow, just wow. Ang ganda.
"Nagustuhan mo?" I nodded my head
"We are here in my paradise" paradise? Talagang magandang paradise 'to.
Naglakad ako papalapit sa falls. Yes, meron falls dito. It's like a beautiful scenery, parang gusto ko na tumira dito. Napatingin ako sa isang nakaukit sa isang puno na malapit samin.
"Sainyo 'to?" Napakamot siya ng batok
"Yes, sa amin nga pero originally sa amin ng kakambal ko. Binigay samin ni mommy" at parang nalungkot siya sa sinabi niya. I smiled for him, at ginulo ang buhok niya. "Don't be sad. Alam kong masisiyahan siya dahil pumunta ka dito" hind ko pala nasabi sainyo na ang tunay na na ina ng kambal ay namatay na. At ang babaeng asawa ngayon ni Mr. Reyes, na ama nila ay stepmother lang niya.
Namatay ito dahil sa tumor sa utak 10 years ago. Nalaman ko lang yun noong nagtrabaho na ako kay Mr. Reyes.
Hindi ko nga manlang nakita ang itsura ng yumaong asawa ni Mr. Reyes at ina ng kambal, sigh.
"Matanong ko lang, anong itsura ng mommy niyo?" Tawag kasi nila sa tunay na ina nila ay 'mommy' habang yung sa stepmother nila ay 'mama'.
he looked at me and he suddenly held my face, nagulat naman ako " magkamukha kayong dalawa..." nanlaki ang mga mata ko
"Ano?!" He smiled "believe it or not, magkamukha kayo ni Mommy. Una palanh kitang nakita sa restau ni Dad, nakita ko na sayo si Mommy" malungkot na sabi niya sakin
"Kaya naman pala..." mahinang bulong ko sa sarili. Kaya pala na niyaya niya na lumabas ay dahil kamukha ko ang mommy niya. Bakit parang feeling ko nadisappointed ako, sigh.