CHAPTER FOUR

2026 Words
CHAPTER 4 As the days goes by naging kapansin-pansin ang pagiging blooming ni Angela na hindi nalingid sa mga magulang. Kagaya ng umagang iyon na naghahanda ang dalaga papasok sa kanyang trabaho. " Mukhang maganda ang gising mo anak ah." puna ni Darwin sa nag iisang babaing anak nila. " Si daddy naman siyempre araw araw namang maganda ang gising ko." nakangiting sagot ni Angela sabay dampot sa bag na naglalaman ng baon niya. " Pero mas naging maganda yata nitong mga nakaraang araw anak? Would you care to tell us what's on that happiness?" ani naman ni Lorie. " Wala po mommy. Masayahin naman po akong tao ah kaya huwag na po kayong magtaka kung bakit ako masaya ngayon. Siya nga po pala nasaan na si ate Belinda hindi ba siya sasabay sa akin ngayon?" sagot ni Angela. Hindi na niya sinabing totoo ang napapansin ng mga ito ayaw din naman niyang malaman ng mga ito na si Alex ang dahilan ng pagiging blooming niya. " Ewan ko sa kanya anak. Wala naman siyang nasabi sa iyo aba'y himala naman kung hindi sasabay sa iyo." tugon ni Darwin. " Baka naman may dinaramdam ang kapatid ninyo kaya hindi na siya makasabay sa iyo? Maaga pa naman ah akyatin mo muna kaya anak baka kung ano na nangyayari sa kanya." aniya ni Lorie. Na siya namang pagbaba ni Darrell mula sa pangalawang palapag ng kanilang tahanan. " Anak may ginawa ka na naman ba na labag sa kalooban ni Belinda? Inaway mo na naman ba siya? " salubong ni Darwin dito. " Dad naman huwag kayong ganyan ah anong kinalaman ko diyan eh kababa ko lang. Diyan na nga kayo ano ba naman iyan nakakasira ng araw." paiwas na tugon ni Darrell sabay dampot sa car key niya sa center table ng sala nila at nagmadaling lumabas sa kabahayan. " Asawa ko ayan nainis na naman ang anak mo. Puwedi mo namang kausapin ng maayos ang tao mamaya kayo naman ang mag away niyan." aniya ni Lorie sa asawa. " Walang masama sa pagtatanong ko sa kanya asawa ko. Lumaki na sila atin at nasubaybayan natin kung paanu niya tratuhin si Belinda kaya hindi ni'yo ako masisi na tanungin siya ng gano'n. Malakas ang kutob kung may ginawa na naman si Darrell at huwag na huwag siyang magkakamali dahil kahit anak ko pa siya kapag may kasalanan siya hindi siya makakatakas sa parusa ko." may igting na aniya ni Darwin bago bumaling sa anak na babae. " Pumasok ka na anak baka malate ka pa. Your a teacher and you should be the model of your students." aniya naman nito kay Angela. " Smile na daddy ikaw naman masyado kang hot o baka naman hindi ka pinagbigyan ni mommy kagabi?" biro ni Angela para gumaan ang atmosphere nila. At hindi nga siya nagkamali dahil nagsisismula na sanang magsalita ang ama niya lalo at nakakunot ang noo kaya't dali dali na siyang lumabas. At dinig na dinig pa niya ang pangangantiyaw ng ina niya dito. " Ayan umagang-umaga kasi nagagalit ka na tuloy ang anak mo na ang nangantiyaw sa iyo." dinig niyang kantiyaw dito ng ina pero hindi na niya ito binigyan ng pansin dahil ginagahol na siya ng oras. But in her mind, palaisipan talaga ang pag-absent ng kapatid nila though Belinda is not related with them by blood. Kaya't gusto niya itong kausapin pero napagdesisyunan niyang pag uwi na lamang niya kinahapunan dahil alam niyang nasa loob lang ito ng kuwarto nito. Pero hindi niya alam na ipinagpatuloy pala ng mga magulang niya ang pag uusap. " Ano kaya ang nangyari kay Belinda? May problema kaya siya?" hindi pa rin mapigilang tanong ni Lorie dahil nagtataka kung bakit sa unang pagkakataon ay hindi sumabay kay Angela. " Ano kaya kung puntahan na lang natin siya sa kuwarto niya at doon natin kausapin?" tanong tugon naman ni Darwin. " Sige asawa ko mas maiging maagapan natin kung ano man ang problema niya. Pero asawa ko naiisip ko lang posible kayang----". Hindi na naituloy ni Lorie ang pagsasalita dahil parang hindi niya matanggap ang nasa isip niya. " What asawa ko? Bakit ka napahinto sa pagsasalita mo?" takang tanong ni Darwin. " Diyos ko huwag naman sana dahil sa mata ng tao ay magkapatid sila." napaantadang aniya ni Lorie. " Naguguluhan ako sa iyo asawa ko. Ano ba kasi iyon ha?" pang-uulit na tanong ni Darwin dahil maski siya ay nahihiwagaan sa sinasabi ng asawa. " Asawa ko hindi kaya umiibig si Darrell kay Belinda kaya lagi itong galit dito para maikubli ang nararamdaman?" sa wakas ay natapos din nito ang sinasabi. Para namang hindi sumiksik sa isip ni Darwin ang sinabi ng asawa. " What did you say Lorie Joy? Si Darrell umiibig kay Belinda? How come asawa ko magkapatid sila---- " Listen asawa ko oo let's say sabay sabay silang lumaki dito sa piling natin at ikaw ang nagpalaki at nag aruga sa kanya mula ng dumating siya dito kasama ni nana Virgie pero isipin mo din asawa ko hindi siya nagmula sa dugo natin kaya posible at kahit bali baliktarin man natin ang sitwasyon ay hindi sila magkakadugo. At ang sa akin lang naman asawa ko ang malaman natin kung ano ang problema nila sa isa't isa. Kung nagmamahal man sila sa isa't isa well gusto ko na iyon upang hindi mapalayo sa atin si Belinda. Kilala na natin siya kaysa naman mapunta siya sa iba. As well as Darrell." pahayag ni Lorie sa asawa. Ang planong pag-akyat ng mga ito ay hindi na natuloy dahil napaupo si Darwin at sinapo ang ulo na hindi pa rin makapaniwala sa sinabi ng asawa. Kahit pa sabihing hindi pa nila alam ang dahilan pagkukulong ng dalaga ay hindi niya lubos maisip na may gano'ng tendency at dahilan ng trato ng panganay niya. Samantala inis na inis si Darrell sa ama dahil imbes na mas maganda ang umaga niya at handa na sanang kausapin ang mga ito tungkol sa paglago ng negosyong hawak niya ay hindi na dahil sinalubong siya ng hindi niya inaasahang tanong nito. " s**t! Bagay nga sa kanya." hindi niya napigilan ang napamura sa pagkakaalala sa babaing kinaiinisan niya simulat sapol. " Tsk! Tsk! Tsk! Early in the morning your coursing? What's the matter with you dude?" tanong ng kaibigan niyang sira ulo. " Abrasado! What the hell your doing here?" simangot ni Darrell dito. Hindi man niya ito lingunin pero sa boses pa lang ay kilalang kilala na niya ito. He's Pierce Wesley, and one of his buddies. Ang isa ay si Nathaniel Craig. Siya bilang isang negosyante, si Pierce Wesley na isang alagad ng batas, at ang pinakaseryoso sa kanilang grupo na si NC na isang architect na nagdala dito upang kahumalingan ang pagguguhit. Though, magkakaiba sila ng napiling bukasyon ay hindi ito naging hadlang upang mawalan sila ng communication sa isa't isa. " Grabe ka naman kapatid maka Abrasado what the hell your doing here ka wagas. Barilin kaya kita ngayon din?" biro ng huli. " Subukan mo at hindi ka na makakalabas sa building na ito na buhay. Ipapadala na kita sa Maynila na nakakahon." paismid na tugon ni Darrell sa kaibigan. " Grabe ka naman buddy kilabutan ka nga sa sinasabi mo. Tsk! Ano ba kasi ang problema mo at kay aga agang badtrip ka." aniya ni Pierce na pasalampak na umupo sa lamesa ng kaibigan. " Sana nga nandito si NC I'm sure mapapalo ka noon. Lamesa--- " Lamesa iyan at hindi upuan. Tama ba?" nakangiting pagtatapos ng huli sa pagsasalita ng kaibigan. Well linya daw ni De Luna iyun kaya hiniram niya muna dahil wala ito. Hindi na ito pinatulan ni Darrell dahil sa kanilang tatlo ito ang pinakamakulit at kahit dalawa silang magpapaalala dito ay wala pa rin sa kakulitan nito. Instead, ipinaliwanag na lamang niya ang dahilan ng pagkainis niya. ( Limited po si Darrell dito dahil may sariling story ) " Kung ako sa iyo kapatid kalimutan mo na iyan. Ang mga magulang alam nila ang nakakabuti para sa mga anak. Kaya't kung ako sa iyo mag asawa ka na para malaman mo ang pakiramdam ng mga magulang mo sa ngayon. Pero bago mo pa ako pauwiin baka naman puweding kumain muna tayo 'tol alam kung hindi ka pa kumakain eh." ani Pierce Wesley dito sabay kindat. Kaya't ang kaninang parang pinagsukluban ng langit at lupa ay napatayo at binatukan ang kaibigan. " Baliw!" tugon dito ni Darrell pero ang luko-luko mo ay tinawanan lang siya at dinampot susi ng sasakyan niya at nagpatiuna ng lumabas kaya't wala siyang nagawa kundi ang sumunod dito matapos mabilinan ang secretary niya. Samantala, bilang isang alagad ng simbahan natural na kay Alex ang laging nasa simbahan lalo na sa kanilang lugar. Kung hindi man sa simbahan sa mismong lugar nila ay nagtutungo siya sa Cathedral ng Bontoc at doon nakikihalubilo sa mga kapwa niya alagad ng simbahan. " Salamat sa pagdalaw brother Alex." Sabi ng Cora Paruko ng bandang hapon na at uuwi na ito. " Wala pong anuman father. Kung walang lakad sina mama at papa may sasakyan po akong gagamitin para muling dumalaw dito bukas. Pero kung mayroon po baka sa susunod na araw po ako muling makakadalaw dito." tugon ni Alex. " Walang problema brother pasyal ka dito anytime. Ikinagagalak namin na may pari dito sa mismong lugar natin. At ipinapanalangin ko kay Ama na sana malampasan mo ang buhay dito sa labas at makamit mo ang pangarap mong maging pari. God will make a way for you Alex specially if He knows that you're determine to be one of us." sagot ng pari. " Thank you father. Sige po mauna na po ako." tugon ni Alex at tuluyang sumakay sa sasakyan at pinausad pabalik sa kanilang barangay. " God I trust you oh Lord. I know that you are the one who will let me pass all the trials here outside the Vatican. I commit you my life oh God as I trusted you myself. " usal ni Alex habang nagmamaneho. Ilang minuto na ang nakaraan at ilang minuto na rin siyang nasa daan. " Huh! So far as I know wala pang kinse minutos mula sa bayan hanggang sa bahay ah. Even I'm tracking the right path but how come na-- Oh my God this is impossible!" aniya nito dahil parang pabalik-balik lang siya sa lugar na tinatahak niya. Ilang minuto na gano'n ang nangyari dito. At dahil sa nagtataka ito ay bahagya niyang itinabi ang sasakyan at lumabas mula dito. " Father in heaven I know this is one of your trials. Please show me the way on my way home to my parents home." dalangin nito na nakatingala sa kailangitan. Makaraan ng ilang sandali ay muli siyang pumasok sa sasakyan niya at pinausad ito at gano'n na lamang ang pasasalamat niya dahil makaraan ng ilang minuto ay natanawan na niya ang kanilang bahay. " Thank you God. I made it nandito na ako sa amin." usal ni Alex ng tuluyang makalapit sa kanilang bahay kaya't agad siyang nagbosena at pinabuksan ang gate. Iniayos muna niya ang sasakyan niya sa garahe bago pumasok sa kabayan at tuluyang pumasok . " Mukhang nawiwili ka dito sa ating lugar anak?" Salubong ni Amor sa panganay na siya ring pagdating nilang mag-asawa galing sa ubasan nila. Na ang mga tauhan dati ni Amor sa serbisyo ang mga namumuno. " Mano po papa. Yes papa sa cathedral ako galing at kasama ko si father sa misa." tugon ni Alex saka bumaling sa ina. " Mukhang gumaganda ka mama ah. Mano po pala." nakangiting aniya nito sa ina. " Kaawaan ka ng Diyos anak. Siyempre maganda pa rin kahit nagkakaedad na aba mahirap na noh baka malingat ako eh patulan ng papa mo ang mga tauhan niya ss ubasan." irap ng Ginang sa asawa. " Ayan ka na naman asawa ko. Kung may plano akong gawin iyan matagal na pero wala kaya huwag ka ng mag alala. Imbes na ang sabihin mo ay " oo naman dahil dati akong maganda " hindi dahil ayan inaataki ka naman yata ng pagkapraning." malumanay na sagot ni Amor. Hindi naman maiwasang matawa ni Alex sa mga magulang . Kung kailan nagkakaedad na ang mga ito saka pa sila nagiging madrama. " Tara na nga po sa loob mama, papa." nakatawang aniya nito sa mga magulang. Ilang sandali pa ay sabay sabay na silang pumasok sa kabahayan para lang salubungin sila ng surpresa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD