CHAPTER THREE

2055 Words
CHAPTER 3 " Welcome home anak. We miss you." salubong ng mag-asawang Amor at Dawn sa panganay nilang anak. " Thank you mama, papa." tugon naman nito at isa isang niyakap ang mga ito. " Oh nandiyan ka pala iha. Halika dito anak." tuwang-tuwa na ani Dawn ng makita si Angela na kasama ng anak. " Abah ang suwerte mo naman anak si AJ pa ang sumundo sa iyo sa Baguio. Kailan pa anak?" pabiro namang ani Amor. . " Hindi po ako tito si Xander po kaso nasiraan ang sasakyan ko sa daan at nagkataon namang sila ang dumaan at nag-offer na tulungan ako. Naiwan po si Xander at siya na daw po mag ayos sa sasakyan ko at pagdating po niya saka po ako uuwi." magalang na sagot ni Angela. " Walang problema anak. Alam mo namang kahit anong oras you're welcome ti come here. Pasok na tayo ng makapagmeryenda---- Pero hindi pa natapos ni Dawn ang sinasabi sa dalaga ay dumating ang binatang si Xander gamit ang sasakyan ni Angela. " Hello everyone." aniya nito sabay patay sa howling horn ng sasakyan na nakakabingi sa lakas. " Hey anu na naman naisip mo at para ka namang sinapian ng masamang espirito diyan sa busina mo." sita ni Amor sa bunso nilang anak. " Si papa naman wala bang welcome hug diyan bago investigation?" biro naman ng huli. " Abah anak hindi ka lang yata magiging abogado magiging artista ka pa yata ah." sagot naman nito dahil alam niyang nagbibiro na naman ito. Yumakap naman ang binata sa ama. Ito ang gusto niya dito bukod sa mapagmahal itong ama sa kanilang magkapatid ay marunong din itong makipagbiruan sa kanila na para silang magkakapatid. " Magseselos na ako niyan Xander si papa mo lang ba ang yayakapin mo?" pabiro ding aniya ni Dawn sa anak. " Oh no mother dearest of course ikaw din I'll hug you my beautiful mother." sagot ni Xander dito at yumakap sa ina. Samantalang tahimik lang na pinagmamasdan ni Angela ang mga ito. Oo close silang magpapamilya lalo at sama sama sila pero minsanan lang naman sila sabay sabay o magkapanagpo. Ang bunso nilang kapatid ay may sarili itong gymnasium kung saan daan-daang mga studyante ang nagpapaturo dito. Isang taekwondo master ang bunso nila at kadalasan ay umaga lang nila ito nakikita. Ang kambal niyang si Darrell Calvin ay siya namang namamahala sa negosyo ng pamilya nila kahit pa sabihing kasama nito ang kanilang ama pero ito ang nakamana sa dugong Santana na business minded. A serious bored man kung tawagin nila sa ugali mayroon ito. At sila ni Belinda ay mga guro sa secondary school sa kanilang lugar. " Mukhang nakalayo na yata ang imagination mo miss Arellano." tinig na pumukaw sa malalimang pag iisip ng dalaga. " Ah eh sorry na Xander parang gano'n na nga. Okey na ba sasakyan ko?" namumulang sagot ni Angela sa binata. " Okey na ate Angela Joyce Santana Arellano. Heto ang susi oh." buska pa ng binata dahil alam niyang hinahanap ng dalaga si Alex pero nauna na itong pumasok kaysa sa kanila. " Pasok ka muna iha ng makapagmeryenda ka man lang bago ka umuwi sa inyo." aniya ni Amor sa nag iisang dalaga ng matalik at baliw niyang kaibigan. " Salamat na lang po tito pero busog pa po ako. Kumain naman po kasi ako sa bayan kanina bago ako umuwi iyun nga lang nasiraan pa ang sasakyan ko bago ako makarating sa bahay." magalang na tanggi nito. " Siya iha kung hindi ka namin talaga papasok. Pero sabihan mo ang mommy at daddy mo ha bumalik kayo dito mamayang gabi para sa welcome party ni Alex. Try to convince also si Belinda para naman makapasyal dito sa amin. Hindi na kami umaasa na makakasama si bunso dahil sa trabaho nito. Si DC sabihan mo anak ha." bilin na lamang ni Dawn sa dalaga. " Opo tita. Sige mauna na po ako." tugon ng dalaga sabay pasok sa sasakyan niya. Hinintay ng tatlo na makaalis ang dalaga bago sila sumunod sa panganay nilang anak na nasa loob na at nakaupo na sa sofa pero halatang nagdadasal kaya't hindi na nila ito ginambala. Hinayaan na lamang nila ito hanggang sa natapos at sabay sabay na nagtungo sa dinning room nila at sabay na ring kumain ng late na lunch habang nagkukuwentuhan. Sa kabilang banda sa bansa kung saan galing si Alex, sa bansang Roma. " Father ano po sa tingin ni'yo? Makakaya kaya ni brother Alex ang isang taon niya sa labas?" tanong ng isang new ordained priest sa pinuno nila o sa cardinal. " Iyan ang hindi ko masasagot father Gabriel dahil kahit mga pari tayo at hindi naman natin alam kung ano ang buhay na naghihintay sa kanya sa labas ng Vatican. Pero kung sa performance at determination niya habang nandito sa loob ay oo ang sagot ko pero hindi eh. Diyan masusubok ang katatagan niya." sagot ng Cardinal. " Sabagay tama po kayo father hindi na po bago ang mga ganyang issue sa ating bokasyon. Maiba ako father may bagong seminarian galing po sa bansa natin. " aniyang muli ni Father Gabriel. " Yes father Gabriel at sana kagaya mo makakaya rin nila ito. May natatandaan ako sa kanila Rochelle Ann Zaragoza taga Ilocos Sur yata siya." tugon ng pari. " Tama po kayo father mayroon pong Rochelle sa kanila at taga Sta Maria po siya father." tugon ni Father Gabriel. " Wow kababayan ko pala siya father Gabriel. Pakicheck nga kung hindi sila busy at ng makausap natin siya. Alam mo naman sa higpit ng schedule natin minsanan na lang tayong makauwi sa atin bansang sinilangan." aniya ng cardinal na si father Burgos. " Saglit lang po father at tatawagin ko." tugon ng pari at pansamanatalang iniwan ang kausap para matawag ang kapwa nila pinoy na nasa loob ng Vatican. " Ama sana maging matatag silang sa anumang pagsubok habang nasa labas sila ng Vatican. Alam ko po Ama na marami ang puweding mangyari sa loob ng isang taon pero alam ko din po Ama na by your help makakaya nila ito. Ikaw po ang nakakaalam Ama kung ano ang nakatadhana sa amin. Lord have mercy on us specially to to those who badly needs you." taimtim na dasal ng cardinal. " Magandang araw po father. Pinatawag ni'yo daw po ako?" magalang na aniya ni Rochelle Ann sa pari na nagdadasal. " Magandang araw din sa iyo anak. Halika samahan mo kami ni Father Gabriel sa aming kuwentuhan." sagot ni Father Burgos sa bagong dating. " Salamat po father." tugon nito at naupo sa katapat na upuan ng pari. Nagpatuloy sa kuwentuhan ang magkababayan. Nalaman ng dalawang pari na bunga ng karahasan si Rochelle Ann pero hindi sumuko ang mommy nito sa pagtataguyod hanggang sa makilala nito ang taong nagmahal at tumanggap sa kanilang mag ina kahit gano'n ang pinagdaanan ng mama nito. " One last question anak ano ang rason mo at bakit naisipan mo ang pumasok bilang madre?" tanong ni Father Burgos. Ngumiti naman si Rochelle Ann sa tanong ng pari. Alam niya at sigurado siya sa kanyang sarili na simulat sapol ay pangarap na niya ang maging madre. " Since I was a kid father I dreamed to be one of them. Ang mga madre na nagsisilbi sa simbahan o sa tahanan ng Panginoon. Kaya't noong tinanong ako ni papa AC kung ano ang pangarap ko ay hindi ako nag-atubling sumagot na gusto kung pumasok sa seminaryo. Gusto ko pong magsilbi sa ating Ama na lumikha sa ating lahat father." baanag ang kaseryusuhan na sagot ni Rochelle Ann. " Nice answer anak at sana mapanindigan mo iyan. Ilang taon pa lang ay lalabas ka na rin dito at mamumuhay sa labas at dito masusubok ang katatagan ninyo. Salamat sa oras na ibinahagi mo sa amin at sana kapag may free time ka huwag kang mahiya na lumapit sa amin dito. Marami tayong mga pinoy dito sa loob ng Vatican. Maybe this time hindi mo pa sila nakilala lahat. One by one makikilala mo din sila." aniya ni Father Burgos. " Salamat din po father Burgos, father Gabriel. Mauna na po ako." tugon ni Rochelle Ann. " Pagpalain ka sana ng Maykapal anak." aniyang muli ng dalawang pari na tinugon nito ng ngiti bago tuluyang iniwan ang mga ito at bumalik sa kanilang room. Time for them to pray. Sa kabilang dako ay masayang naidaos ang welcome party ng bunsong anak ni capitan Sungit. At habang palalim ang gabi ay nagsimula ding umuwi ang mga dumalo. Maski ang mga kaibigan ni Xander na magpipinsan ay nakauwi na rin sa kabilang barangay. Nakaalis na ang karamihan sa bisita ng mga Dela Rosa maliban sa mag anak na Arellano. Namataan ni Xander ang kababata ng kuya niya na nakatanaw dito. Though, nasa malapit lamang ito ay alam niyang feeling nito ay nasa magkabilang mundo sila. Hindi pa man siya nagkakanobya sa edad na beyente singko (fling daw merun hihihi ) pero tao siyang may pakiramdam at ramdam niya since they're young na higit pa sa kapatid o kuya o kaibigan ang turing nito sa kapatid niya. " Ate anung ginagawa mo diyan at mag-isa ka lang?" tanung niya dito ng makalapit. Haist ang mga tao talaga oo mahilig humaba ang nguso! "Oh nguso mo ate---- "Kainis ka Xander eh ate ka ng ate." pout pa more girl. Hindi na napigilan ni Xander ang napatawa dahil dito. Pero ate naman niya talaga ito eh. Sila ng kambal nito at ang kuya niya ang magkakasing edad . Isang taon ahead ang mga ito pero bilang respeto ay ate ang tawag niya dito. Ang bunsong kapatid naman nito ay ahead siya ng apat na taon. " Siya Angela na ikaw naman kasi eh ate naman talaga kita------- oo na hihihi." nakataas ang palad na pagsuko ni Xander ng makitang nakaamba ang kamay nito upang kurutin siya. "But seriously Angela why you're alone here?" Why don't you come and join the olds?" aniyang muli ni Xander ng makuha niyang sumeryoso. " Okey na ako dito Xander. Ikaw bakit ka nandito eh birthday ni tita dapat nandoon ka sa tabi niya." balik ni Angela dito. " Actually Angela galing ako doon sa kanila pero namataan kitang nag iisa dito kaya lumapit ako." sagot ni Xander pero lihim niyang inuobserbahan ang kausap at hindi siya nabigo huling huli niya itong nakatingin na naman sa kapatid niya. Ang kuya Alex niya na feeling pari na dahil sa suot na sotana. Pero nakasotana man ito ay hindi maikukubli ang hitsura nito. Mas maputi ito kaysa sa kanya na namana sa kanilang ina ang kulay samantalang siya ay sa masungit daw nilang ama nakuha ang kulay niya. Pero. ...ahem kung sa kaguwapuhan ang pag uusapan promise peksman daw at maski mamatay man lahat ng mga epal mas guwapo siya kaysa kuya niya. Abah siya yata ang Xander Lam - ang Dela Rosa eh. " Ang guwapo niya noh? Sayang.... ay wala! Lord patawarin mo ako sa aking sinasabi." biglang bawi ni Angela sa sinabi na nagpangiti sa binata. Lumapit siya dito at walang-malisyang umakbay saka nagwika. " Alam mo Angela kong ako sa iyo samantalahin mo na ang isang pa niyang hindi pagpapari. Ibig kong sabihin marami pa ang mangyayari sa loob ng isang taon na nasa labas ni kuya Alex. Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin." makahulugang aniya ni Xander. Napayuko naman ang dalaga dahil sa tinuran ng binata. Pero tama naman kasi ito marami pa ang maaaring mangyari habang hindi pa ito ganap na pari. " Pero malaki itong kasalanan sa Diyos Xander. Di bale na lang na itatago at aalagaan ko ito kaysa sirain ko ang pagyakap niya sa mahal na PANGINOON." sagot nito. Napailing na lamang ang binata sa tinuran nito pero sa isipan niya ay nakakatatak nang hindi puweding maging pari ang kapatid niya dahil gagawa siya ng paraan para makasigurado na hindi ito matutuloy. Kagaya ng nakasanayan ni Alex sa Roma sa tuwing oras ng pagdarasal ay hindi nakakaligtaang ilaan ang oras niya para sa pagdarasal. Kagaya ng oras na iyon. " Maiwan ko po muna kayo saglit dito magnonovena po muna ako. Babalikan ko po kayo para makapagkuwentuhan tayo." paalam ni Alex sa mag asawang Arellano kasama ang ampon ng nga at sa mga magulang niya. " Go ahead anak. Hihintayin ka namin bago kami umuwi total nag-uusap pa naman sina Xander at Angela." sagot ni Darwin. " Sayang nga po tito hindi nakasama sina Greg at Darrell. Pero hayaan ni'yo po dadalaw ako sa inyo para naman makabonding ko sila." ani Alex bago tuluyang pumasok sa kabahayan at nagtungo sa kanyang kuwarto upang magdasal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD