CHAPTER 5
Madilim ang buong paligid, mula sa harapan ng mismong bahay ay wala ng ilaw na nakakapagtataka dahil bago pa man lulubog si inang araw ay maliwanag na ang buong paligid , kaya't labis na ipinagtaka ng mga ito kung bakit madilim ang paligid.
" Asawa ko baka naman kung anu na ang nangyari dito habang wala tayo? Baka naman may masama ng nangyari sa mga kasambahay natin?" nag-aalalang aniya ni Dawn.
" Baka naman nakalimutan lang nila mama. Huwag na po kayong mag-alala ni papa. Saglit po at check ko kung ano ba ang nangyayari bakit wala pa ring ilaw hanggang sa ngayon." sagot naman ni Alex.
" Maiwan ka muna dito asawa ko at samahan ko si Alex baka kung ano na iyan. Dito ka lang muna at huwag matigas ang ulo." aniya ni Amor at kinuha ang lisensiyadong baril niya sa owner type jeep na lagi nilang ginagamit na mag asawa sa ubasan nila.
" Mag-ingat kayo asawa ko, Alex anak." kabadong aniya ng ginang na sinagot ng mga ito ng tango.
In slow motion movement, walang kaingay-ingay na lumapit ang mag ama sa main.
" Kumatok ka." utos ni Amor sa anak in soundless motion.
Sinunod ito ni Alex pero lumipas ang ilang minuto ay wala namang sumagot.
" Ulitin mo." aniyang muli ni Amor na sinunod nito pero kagaya ng nauna nilang ginawa ay wala namang sumagot.
Pinihit ni Amor ang door knobs pabukas pero sinalubong sila ng isang malamyos na awitin kasabay ng pagbukas ng mga ilaw at tumambad sa kanila ang paligid na punong-puno ng decorasyon.
Ang sahig ay may mga nakakalat na petals ng rosas in different colors. Sa may center table ay may malaking cake na may design na mag asawang naghahalikan. And they never expected that their maids prepared for their wedding anniversary. On top of the milk-choco cake has a lettering.
" HAPPY 30th wedding anniversary ma'am Dawn and sir Amoricio"
And when they took a glance to the one who's singing with the piano, no other than Tuition Fee este Fee. She's playing the song I DO, CHERRIES YOU.
" Happy wedding anniversary po ate Pretty, kuya Handsome. Sorry po kung natakot namin kayo. Pero sinadya po naming lahat ito at sana po nagustuhan ni'yo." masayang sabi ni Tuition Fee.
Na siya namang pagsunod ni Dawn dahil nakita niya ang liwanag at narinig niya ang music galing sa loob.
" This is too much TF. Maraming salamat sa inyong lahat at kahit hindi namin ipinaalala sa inyo ang araw na ito ay kayo ang nagkusang gumawa ng efforts. Thank you so much sa inyong lahat." may ngiti sa labi na aniya ni Dawn.
" Walang anuman ate Pretty, naikuwento po kasi nila nana na dati rati daw po kayong naghahanda ng taunang anniversary ninyo kahit kayo-kayo lang daw at kanina sorry po pinakialaman ko ang piano ni kuya Alex sa music room naglinis po ako kaya ayan po ang ginamit ko." sagot naman ni TF.
" Tama ka diyan TF taunan naming pinaghahandaan ito pero this year nakalimutan lang talaga namin pero well appreciated ang efforts ninyo. No problem iha sa piano mabuti nga iyan ng magamit naman. Asaan na mga kasama mo dito?" aniya naman ni Amor.
" Suprise!!!" Biglang sabi ng mga ito na hindi na hinintay na sumagot ang tinanong.
Dahil dito hindi makasingit ang pari este ang magpapari na si Alex dahil sa ingay ng mga kasambahay nila.
" Ah father Alex lead the prayer na po para masimulan na ang party-party." untag ni TF kay Alex dahil hindi na ito nakasingit dahil na rin sa kaingyan nila.
Buong-puso namang pinaunlakan ni Alex ang paanyaya ni TF na mag opening prayer sa handa ng mga ito. They made an effort to his parents that made the day became special.
" Thank you God for this another year on my parents year of living as a husband and wife. May you give them more years to spend of their lives. Thank you Lord for this blessings infront of us that they prepared for them. In Jesus name, our Saviour, your Son. AMEN." panalangin ni Alex sabay baling sa mga magulang.
" It's your turn mama to say your prayer." aniya niya dito.
Lumapit naman si Dawn sa center table sa harap mismo ng cake at saka pumikit.
" God, our loving Father, we thank you for giving us life and uniting us in love. For years you have given us the joy of sharing oun life together. Today on our anniversary day, as we rededicate ourselves to live our life more authentically, we ask you Lord, to guide us in our life's journey.
May our love for each other be genuine and generous. and may nothing come between us that will bring disharmony and unfaithfulness.As you have brought us to the threshold of another year, give us the grace to live our lives fully and to share our joys and sorrows. Keep us happy and united. Forgive us Lord, our infidelity to your love and to each other. Amen." sambit naman ni Dawn.
" Papa." pukaw naman dito ni Alex.
Kagaya ng asawa, lumapit si Amor sa center table at pumikit saka umusal ng panalangin.
" O God, we thank you that you have given us another year of life together. We thank you for the love which grows more precious and for the bonds which grow more close each day. We thank you for the happiness we have known together , for the sorrows we have faced together , for all the experiences of sunshine and of shadow through which we have come, up to today.
We ask for forgiveness for any failure on our part, for any times when we became difficult to live with, for any lack of sympathy and understanding, for anything which spoiled even for a moment the perfect relationship which marriage should be. Spare us to each other to go on walking the way of life together, and grant that for us it may be true that the best is yet to be. Through Jesus Christ our Lord. Amen." usal nito.
" Let's start now. Party time." aniya ni Alex.
" Ay Alex iho baka naman puweding kiss the bride muna bago ang kainan?" pagbibiro naman ng mayordoma nila na siya rin tumayong yaya ng magkapatid na Alex at Xander.
" Oo naman nana. " tugon ni Alex dito bago bumaling sa mga magulang.
" Papa, mama, kiss the bride daw." aniya niya sa mga ito.
Hindi na sumagot ang mga ito bagkos ay humarap sila sa isa't isa at naglapat ang kanilang mga labi.
Tuwang-tuwa naman ang mga kasambahay nila dahil dito. Hindi nasayang ang effort nila instead it's well appreciated. Ilang sandali pa ay masaya na silang lahat na nagsalo salo sa ihinanda ng mga ito.
Samantala, dahil sa inspired at blooming si Angela hindi na niya namalayan na uwian na pala, kung tutuusin ay four p.m. ay tapos na ang last subject niya.
" Ahem miss Arellano wala ka bang balak umuwi?" aniya ng co teacher niyang si Alwyn Tenorio.
" Ikaw pala sir Tenorio. Pauwi na ako." sagot ng dalaga dito.
" Akala ko wala ka ng balak eh. Past five na kaya." tugon naman nito.
" Ikaw naman sir heto na uuwi na." nakangiting sagot ng dalaga.
Alam niyang may pagtingin ito sa kanya pero wala siyang balak tugunin ito ng higit pa sa kaibigan at kapatid.
" Sige na Angela magligpit ka na diyan sabay tayo sa pag uwi." aniya naman ng binata.
Hindi na sumagot si Angela bagkos ay iniligpit na niya ang mga term papers ng mga studyante niya at dinampot ang mga dapat niyang iuwi para ayusin niya sa kanilang bahay saka sila naglakad palabas sa office ng mga guro.
" Ah Angela puwedi bang dumalaw sa inyo mamayang gabi?" tanong ng binata ng nasa harap na sila ng sasakyan dalaga.
" Abah araw-araw na tayong nagkikita dito sa paaralan ah anong mayroon?" tugonng dalaga kahit alam na niya kung ano ang ibig sabihin nito.
" Ah wala naman Angela gusto lang kitang makausap ng sarilinan. Iba naman kasi iyong dito sa school dahil marami tayo at walang privacy and you know what I mean." seryosong sage ng binata.
Ayaw mang bigyan ni Angela ng pag-asa ang binata pero ayaw din namang bastusin ito kaya't labag man sa kalooban niyang pumunta ito sa bahay nila ay wala siyang nagawa kundi ang pumayag.
" Oo naman Alwyn walang problema diyan. Sige na mauna na ako dadaan pa ako sa mall." sagot ng dalaga.
" Salamat Angela. Sige uwi na rin ako mag ingat ka." tugon ng binata.
Hindi na sumagot ang dalaga bagkos ay ngiti na lamang ang itinugon niya dito.
" Sorry na lang Alwyn pero ang puso ko ay para lang kay Alex. Mas nanaisin ko pang maging matandang dalaga kaysa mapunta ako sa ibang lalaki. Siya lang ang tangi kung mahal. Siya ang GUHIT NG AKING PALAD." piping aniya ni Angela habang nagmamaneho patungo sa mall para muling bumili ng regalo niya sa mahal niyang si Alex Dave Dela Rosa.
Lingid sa kaalaman ng mga ito ay siya ang nagpapadala ng mga regalo dito. Walang palya ang pagpapadala niya ng regalo dito . In short siya ang nanliligaw sa kababata niya.
" Marami pa ang maaring maganap sa loob ng isang taon Angela. Kaya't kung ano sa iyo kumilos ka na habang maaga pa kung talagang mahal mo siya." parang sirang plaka na umaalingawngaw sa isip ng dalaga na laging sinasabi ni Xander sa kanya sa tuwing tumatawag man o nagkikita sila.
" Buti pa si Xander kahit kapatid niya si Alex Dave hindi siya galit sa akin bagkus siya pa ang nambubuyo. Sa dinami dami ng mga lalaki kung bakit pa kasi sa kanya ako nakaramdam ng ganito. Si Lord pa ang karibal ko." nakabuntunghiningang sambit ni Angela sa sarili bago ipinark ang sasakyan saka pumasok sa mall at muling pumili ng ipapadala niya sa mahal niya.
Kinagabihan, ,,
" Mukhang may lakad ka anak?" tanong ni Mildred sa anak.
" Ayaw mo noon asawa ko ng hindi matulad kay ate Lucy na matandang dalaga." sabad ni Alfie ang nag iisang anak ng kapatid ni Lucy o Luciana na si Albert.
" Ikaw Alfrie ako na naman nakita mo ah. Palayasin kaya kita dito at doon ka kay mama." tukoy nito sa ina nilang si Corazon.
" Si ate naman hindi na mabiro eh. Ito kasing pamangkin mo manliligaw daw sa dalaga ng mga Arellano." sagot naman ni Alfie sa tiyahin.
" Okey lang iyan Alfie para naman hindi mawala ang lahi nating mga Tenorio." tugon ni Lucy dito saka bumaling sa binatang si Alwyn na hindi na makasingit sa ingay ng mga ito.
" Pagbutihin mo ang panliligaw mo anak. Kapag ikaw ang ikakasal sagot ko ang gastos wala kang binitawan kahit pisong duling." aniya ni Lucy dito.
" Si tita naman eh manliligaw pa lang ako kasal na agad abah naman tita baka mapurnada pa ito ikaw din baka tuluyang mawala ang lahi nating mga Tenorio." kakamot-kamot sa batok na aniya no Alwyn.
" Lumakad ka na anak baka magbago ang isip ng liligawan mo. Pero retouch ka muna sa harap ng salamin." pagbibiro naman ni Mildred.
Hindi na pinatulan ni Alwyn ang pagbibiro ng mga magulang at tiyahin dahil alam niyang siya din ang susuko sa kakulitan ng mga ito. Sa tita na nga lang niya ay suko na siya what if pagtulungan pa siyang asarin. Kaya para makaiwas sa mga ito ay ngumiti na lamang siya at lumabas na.
Ilang sandali pa ay tinahak na niya ang saan patungo sa tahanan ng mga Arellano.
" Gagawin ko ang lahat Angela Joyce para makamit ko ang matamis mong oo." may determinasyong bulong ng binata habang nasa daan.
Sa kabilang banda, kagaya ng nakagawian ng pamilya Dela Rosa sabay sabay silang kumakain pero dahil sa surpresa ng mga kasambahay nila ay hindi na sila naghapunan. Ang mga ito ay nagpahinga na rin matapos nalinis ang kalat dulot ng kakulitan nilang lahat, ang mga magulang niya ay pumasok na rin sa kuwarto nila. Pero siya ay hindi dahil kinuha niya ang BIBLE niya at nagtungo sa harap ng grotto sa harap ng bahay nila. Ito ang nagsisilbing liwanag sa buong paligid kapag gabi.
" Ama nandito na naman ako para humingi ng tulong sa iyo. Gabayan mo po ako Ama para makayanan ko po ang mga susunod pang mga araw ko dito sa labas ng simbahan." taimtim na panalangin ni Alex habang yakap yakap ang BIBLE at nakapikit sa harap ng grotto.
But in a sudden moment, sa hindi malamang dahilan ay namatay ang ilaw ng grotto kasabay ng nakakapanindig balahibo na alulong ng aso na sinundan ng malamig na simoy ng hangin.