CHAPTER 2
Walang nangahas na sumagot sa mga kasambahay ng mga Arellano ng oras na iyun. Alam nila kung paanu magalit ang bunso nilang amo. Mabait ito kung sa kabaitan pero ayaw na ayaw nito ang gano'n. He's a little bit perfectionist. Kung hindi pa ito sinaway ng mga magulang ay nagpatuloy pa rin ito sa paninigaw sa mga kasambahay.
" Tama na iyan Greg huwag mo silang bulyawan. Baka nagkamali lang kung sinu man ang nagtimpla ng kape mo." malumanay na saway ni Lorie Joy sa anak.
Hindi na rin sumagot si Greg pero padaskol itong umalis sa tahanan nila at hindi na ito nag almusal.
Pagkaalis nito ay si Lorie Joy ang malumanay na nagtanong sa mga ito.
" Pagpasensiyahan ni'yo na si bunso baka mainit lang ang ulo. Huwag ni'yo ng pakaisipin ang nasabi niya na magbalot balot na ang gumawa ng kape niya. Pero sinu ba kasi sa inyo ang gumawa ng kape niya?" Tanong nito sa mga kasambahay nilang nasa kusina na pati ang ilan na naglilinis na ay napasugod sa kusina dahil sa pag aakalang may masamang nangyayari.
" Pinakiusapan ko si Karen na siya muna ang gumawa ng almusal ni Greg dahil busy ako kaya ako na lang ang pagalitan ni'yo Lorie. Nagkamali lang siguro siya ng nadampot kaya imbes na asukal ay naging asin. Ipagpaumanhin ni'yo na lang sana at huwag ni'yo na siyang pagalitan ako na lang." mapagpagpakumbabang sagot ni Aling Azon na tagaluto. Pero ang pamangkin nitong si Karen ang pinapakiusapan upang gumawa ng almusal ng bunso nilang amo dahil masakit ang buo niyang katawan.
" Hindi naman po ako nagagalit nana Azon. Nagtatanong lang po ako dahil nakita n'yo naman pong galit si Greg. Pero hayaan n'yo na lang po iyun kilala n'yo naman po si bunso galit ngayon pero mamaya hindi na. Sige na po magsibalik na po kayo sa mga trabaho ninyo." Sagot ni Lorie.
" Sorry na po ulit ma'am hindi na po mauulit." Sabad naman ni Karen na mangiyak-iyak dahil sa pagkapahiya at sa lakas ng boses ng bunso nilang amo.
" Huwag ka ng umiyak iha basta tandaan mo lang ang ayaw ni Greg. At huwag ni'yo ng ipaalam sa kanya na ikaw ang gumawa baka mas pag initan ka pa niya. Kalimutan mo na iyun iha bumalik ka na sa trabaho mo." Pang-aalo pa ni Lorie sa dalagang pamangkin ng tagaluto nila.
" Good ahead iha tama ang ate Lorie mo huwag mo ng pakaisipin iyun." segunda naman ni Darwin.
" Sige po ma'am, sir akyat na po ako naglilinis po ako sa taas." Tugon naman nito bago umalis upang ipagpatuloy ang iniwang trabaho.
Gano'n din ang mga kasamahan nila ay nagsibalikan sa kani kanilang trabaho.
" Grabe naman si bunso kung makasigaw wagas magpapalayas pa ng wala sa oras huuh!" Nakailing na wika ni Darwin.
" Nagmana sa iyong masungit asawa ko." biro naman ni Lorie.
" Masungit? Asawa ko naman kailan pa ako naging masungit asawa ko?" takang tanong ni Darwin.
" Ngayon lang asawa ko." Muli'y biro pa ni Lorie at binahiran ng layas este iniwan ang asawa niyang napapakamot sa ulo pero sinundan pa rin niya ito at pinag-usapan ang oras ng pagpunta nila sa tahanan ng mga Dela Rosa.
Samantala matapos naihatid ni Angela ang si Belinda sa paaralan kung saan sila nagtuturo ay agad siyang pumunta sa malaking pamilihan sa kanilang bayan. Nagpaikot ikot siya sa may dress section pero halos isang oras na siyang nag iikot pero wala siyang magustuhan.
Hanggang sa napadako siya sa jewellery section.
" Pasok ka miss para makapili ka ng maayos." aniya sa kanya ng sales lady.
" Sige po." tipid na sagot ng dalaga.
" Mamili lang po kayo ma'am ." aniyang muli ng tagapamahala.
Hanggang sa napadako ang kanyang paningin sa isang set ng jewellery. Isang kuwentas, isang pares na hikaw, isang singsing. Hindi naman siya mahilig sa mga lahas kahit sabihin pang may kaya ang pamilya nila bagkos ay nanatili silang nasa simpleng pamumuhay. Hindi niya maunawaan ang sarili ng oras na iyon dahil unang tingin pa lamang niya sa alahas ay nabighani na siya lalo ang kuwentas na may heart shape pendant na kahit sa gabi ay maaaninag mo ang kinang nito. Gawa ito sa pure gold pero ang pendat nito ay may diyamante na mas nagpakinang dito.
Dahil sa pagtitig niya sa alahas ay hindi niya namalayang napalalim ns pala ang pag iisip niya habang nakatingin dito.
" Gusto mo ba iyan miss? Actually miss ibinenta iyan sa amin nitong linggo. Parang kapos lang sa gastos dahil murang halaga lang niya ibinenta. Kung tutuusin hindi mo iyan mabibili ng isang daang libong peso pero parang gipit sa pera." Pagkukuwento ng sales lady.
" Wow ang ganda kasi niya ate. Unang tingin ko pa lang diyan eh nabighani na po ako kaya nga napalalim ang pag-iisip ko habang nakatingin diyan." Tugon ng dalaga.
" That's true ma'am. Bibilhin n'yo po ba?" Muli ay tanong ng sales lady.
" Magkano po iyan ate? I mean in one set." tugon ni Angela.
" May tag price po siya ma'am ayan po siya." Tugon nito sabay turo sa presyo.
Hindi na nag-atubling tingnan ni Angela ang presyo pero gano'n na lang panlulumo niya ng makita ang wallet niya na wala siyang dalang gano'ng kalaking halaga.
" Ate tumatanggap po ba kayo ng credit card ?" bakasakali niyang tanong.
" Oo naman po ma'am. You can pay it through your card or cash." Nakangiting sagot ng sales lady.
" Heto po ate ang card ko. Pakilagay na lang po sa cellophane ." Agad na tugon ng dalaga sabay abot sa card niya.
Ilang sandali pa ay nasa pangalan na niya ang set of jewellery na agad niyang inilagay sa bag niya at ibinalik na rin niya sa kanyang wallet ang credit card .
" Maraming salamat ma'am balik po ulit kayo." Ani ng sales lady.
" Walang anuman po ate sige po." Muli namang tugon ng dalaga sabay talikod sa mga ito at muling pumaikot sa section ng mga damit.
Ang hindi niya alam ay nagkatinginan ang mga nagtitinda.
" Di ba teacher iyun sa De Matanao High School? At parang impossible namang may gano'ng halaga sa ngayun na sahod ng mga guro." Ani ng isa.
" Kaya nga Shanang iyun din ang sasabihin ko pero naunahan ni'yo ako." sabi naman ng isa.
" Ang sabihin ni'yo baka may sugar daddy siya na naglalagay ng pera sa banko niya." ismid naman ng isa.
" Ano ba naman kayong dalawa porket nakabiliw na siya ng mamahaling alahas eh kung ano ano na ang pinagsasabi ninyo. Angela Joyce Santana Arellano nakita ko sa ATM niya ah. Malay ninyo kung isa siya sa tagapagmana ng negosyanteng si sir Arellano." sita ng sales lady na kausap ni Angela.
" Ang sabihin mo kinakampihan mo siya dahil ikaw ang nakabenta sa kanya. Pasipsip ka na naman diyan." aniya ng isa.
" Alam ni'yo bagay nga as inyo nag trabaho natin bilang mga sales lady dahil sa bilis ng utak ninyo pero ang mali sa inyo ay hindi naman ninyo nagagamit ng husto. Imbes na mag isip kayo ng strategic style ninyo para sa mga mas ikabubuti ng trabaho natin eh bumili na nga ang tao sa atin pinag iisipan ni'yo pa ng kung ano ano." aniya ng isa at iniwan ang mga ito.
Hindi naman nakaimik ang tatlo dahil dito. Pero makalipas ang ilang minuto at napaismid sila dahil hindi pa rin mawala wala ang inggit sa kanilang isipan.
Samantala, dahil halos paliparin ni Xander ang sasakyan niya ay ilang oras lang silang nasa biyahe.
" Kung hindi lang ako ang nangangailan Xander believe me hindi ako sasakay kapag ikaw ang driver." angal ni Alex ng sa wakas ay nasa way na sila patungo sa kanilang lugar.
" Alam mo kuya patawarin ako ng Diyos pero puwedi bang hubarin mo na iyang sotana mo. Sayang lang ang lahi nating mga Dela Rosa kapag naging pari ka." bagkos ay sagot ni Xander pero ang mga mata ay sa kalsada nakatingin.
" Almighty Father patawarin mo po ang kapatid ko sapagkat hindi niya alam ang sinasabi ." napaantadang sambit ni Alex dahil sa tinuran ng kapatid.
" Alam mo kuya hindi naman magagalit si Bossing kapag magpakatotoo ka eh." kibit-balikat na tugon ni Xander.
" Kung alam ko lang ganyan ang lalabas sa bunganga mo Xander naku kay papa na lang sana ako nagpasundo." ismid ni Alex.
" Chillax father Dela Rosa naku wala namang mali sa sinasabi ko sa iyo. Anyway----
" What? Why did you stop the car?" tanong ni Alex sa kapatid.
" May nakita akong magandang dilag kuya 'Lex baka gusto mong lapitan natin." Tugon ni Xander.
" Away ba ang hanap mo Xander? Maghintay ka at isusumbong kita kina papa at mama." Sagot ni Alex pero tinawanan lang siya nito bago tuluyang itinigil ang sasakyan sa tabi ng sinasabi niyang chicks.
" Oh ate anong nangyari sa iyo? Sa kabilang kanto pa ang mansion ni'yo ah bakit ka nandito sa kalsada?" kunot-noong tanong ni Xander kay Angela.
" Eh hindi ko ma start Xander hindi naman ako marunong magkumpuni eh. Ewan ko ba as sasakyan na iyan bigla na lang namatay eh." Tugon ng dalaga na kinakagat kagat ang index finger.
" Sakay na sa ate sa car ko ikaw na muna magdrive doon at ayusin ko ang sasakyan mo." aniya ni Xander.
" May kasama ka yata eh at isa pà nakakahiya namang maabala pa pa kita." Alanganing sagot ng dalaga.
" Si kuya Alex iyun ate kaya huwag ka ng mahiya at isa pa okey lang iyun akin na nag susi nitong sasakyan mo at doon ka na sa car ko. Wait n'yo na lang ako sa bahay." Tugon ni Xander.
Alam ng dalaga na darating ang ultimate crush niya pero hindi niya akalain na ng oras na iyun na rin. Hindi niya tuloy maiwasang nerbiyusin dahil doon.
" Oyy si ate AJ nagblublush andiyan si crush." panunukso ni Xander dito ng napansin na natigilan ang dalaga.
" Ate ka ng ate diyan eh. Ilang ulit ko bang sinasabi sa iyo na Angela na lang at isa pa ano bang pinagsasabi mo diyan ha Xander Lam-ang Dela Rosa!" kunwa'y galit na aniya ng dalaga para maikubli ang pamumula ng buong mukha. Sapol naman kasi siya ng binatang si Xander.
" Huwag ka ng magkaila ate alam ko naman eh kaya huwag ka ng magpatumpik tumpik pa. Do your best and God will do the rest ika ng nila eh abd besides samantalahin mo ang isang taon na nasa labas suya ng Vatican para mapigilan siya sa ordination next year." kibit-balikat na aniya ni Xander.
Ibubuka pa lang ni Angela ang bibig para sumagot pero naunahan na siya ng kapatid ni Xander na nasa sasakyan.
" Xander quickly! Anu ba iyang pinagkakaabalahan mo diyan at ang tagal mong bumalik dito ha!" aniya nito.
" Sige na ate puntahan mo na si kuya doon naku manenermun iyan na wala sa simbahan ng wala sa oras. Susunod ako after this." pambubuyo ni Xander sa dalaga na kitang kita niya ang pagka ilang sa mga mata.
" Eh baka ako ang sermunan niya Xander kapag nagkataon eh." tugon ni Angela.
" Anu ba Xander Lam-ang! What are you doing there? Naghihintay sina mama at papa sa bahay!" muli ay sigaw ni Alex.
" Galit na si---
" Mas magagalit iyan Angela kapag walang sasagot sa kanya. Kaya go na sabihin mong ikaw ang driver at sabihin mong sira ang sasakyan mo kaya ako ang maiwan saglit dito para kumpunihin ito." putol ng binata sa pag aalinlangan ni Angela.
Walang nagawa si Angela kundi ang sumunod kay Xander. At kagaya nga ng sinabi nito sa kanya ay nagulat ang kuya nito pero mas nagulat siya ng makitang nakasotana na ito. Alam niyang magpapari ito pero hindi niya inaasahang nakasotana na ito.
" Where's Xander? And why you're here instead of him?" aniya nito sa kanya.
" Ah nasira po kasi iyung sasakyan ko kuya 'Lex kaya sabi niya ako na muna magmaneho dito at ayusin muna niya ang sasakyan ko at susunod na daw siya sa atin." tugon ng dalaga.
" Huuh! Ang taong iyan talaga oo hindi man lang niya masabi an ikaw ang tinutukoy niyang chicks. Dito ka na lang sa inipuan ko at ako na lang ang magmaneho. Napaka ungentleman ko naman kapag ikaw pa ang magmaneho." tugon ni Alex.
Ang hindi nila alam ay pinapanood sila ni Xander kaya't kitang-kita nito kung paanu nagkapalit ng puwesto ang dalawa bago umusad ang sasakyan niya.
" God will forgive me pero mas gusto ko pang maging hipag ang kinakapatid namin kaysa maging pari si kuya." bulong nito sa kawalan bago pinagtuunan ng pansin ang sasakyan ni Angela at sumunod na rin sa mga ito.