CHAPTER 1
" Attention to all passengers bound to Philippines with the flight number **** of Air Argentina, please proceed to the gate four. Aniya moment from now the gate will be opened ." umalingawngaw ng tatlong beses sa paliparan ng Rome, Italy kung saan naroon si Alex Dave para sa kanyang flight pauwi ng Pilipinas.
Well, it's the beginning of his one year freedom outside the Vatican. Kung saan masusubok ang kanilang katatagan bago pa sila maging ganap na pari.
" Father tara na po sa waiting area ng flight natin." ani ng kapwa niya pasahero.
" Magiging pari pa lang kapatid. I'm on my one year freedom outside the Vatican. Salamat pala kabayan." Tugon ni Alex sa lalaking pumukaw sa kanya.
" Ah sorry kabayan akala ko kasi pari ka na. Kasi sa suot mong sotona ay paring-pari ka na. Ako nga po pala si Joey." lahad sa na aniya ng lalaki sabay pakilala ni Joey.
" Ako naman si Alex. Kuya na lang itawag mo sa akin hindi pa naman ako pari pero after one year in God's will I'll become a priest." Muli'y tugon ni Alex at sabay na nagtungo sa gate kung saan sila maghintay pero siya rin namang pagbukas ng gate kaya't sumabay na lang sila sa pila habang nag uusap.
Dito niya nalaman na isang TNT si Joey pero dahil nakahanap ng guarantor at tumulong dito upang maging legal ang mga papeles. Ang hindi niya nagustuhan sa narinig niya ay ang mga kapwa Pilipino din nito ang nagpahamak dito kaya't natunton ng mga alagad ng at nakulong ng ilang buwan bago naging legal ang papeles.
" Sana kuya Alex magkikita pa tayo sa Pilipinas para naman makapagkuwentuhan tayo ng maayos. Kapag may time ka po dalaw ka sa amin sa Ilocos Norte." Ani Joey ng makaupo na sila sa kanilang mga upuan na pinalad na magkatabi.
" Sure Joey ikaw din ah dalaw ka sa amin para maipasyal kita sa ubasan ni papa at mama." Tugon din ni Alex.
" In God's will kuya Alex kapag okey sila inay doon dadalaw ako doon at isa pa pala may kakilala ako sa Baguio baka doon din ako dederetso kapag makadalaw ako. Siya nga pala kuya Alex maiba ako sabi mo taga Bontoc po kayo di po ba?" Wika ni Joey.
" Yes Joey taga doon kami, bakit may kakilala ka doon?" Sagot ni at tanong niya(Alex).
" Mayroon kuya Alex pero sa pagkakaalam ko patay na siya si lola Goria na lang yata nandoon kasama si tita Cora." sagot ni Joey.
" Mga Aguillar ba ang tinutukoy mo?" Tanong ni Alex na inayos na ang seat belt.
" Yes kuya at kung hindi ko nagkakamali siya yata ang general ng Camp Villamor ngayon. " Sagot nito.
Napatango na lamang si Alex dahil hindi na niya ito nasagot dahil tumapat na sa kanila ang mga stewardess na nagbibigay ng pagkain kaya't bahagya silang natahimik mula sa kuwentuhan nila.
Sa kabilang banda, sa tahanan ng mga Dela Rosa. Kasalukuyang naghahanda ang lahat para sa pagdating ng kanilang panganay na anak.
" Manang tapos na po bang nalinis ang kuwarto ni Alex?" tanong ni Dawn sa mayordoma nila.
" Tapos na iha sa katunayan ay nakailang beses ng nakabalik sa paglilinis si Fee doon para naman daw mafeel ni Alex ang sariwang hangin dito." Tugon naman ng mayordoma.
" Oh nasaan na naman ang taong iyun ni hindi mapakali laging may ginagawa ah. Hindi pa siya napapagod sa katratrabaho?" Ani Dawn ng narinig ang sagot ng mayordoma nila.
" Si TF pa ba ang sabi mo nandoon iyun sa kusina tinutulungan ang nagluluto habang nakaradio." Tugon nito sa butihin nilang amo.
" Manang pakidala naman itong fresh na ubas sa kusina. Pakihugasan na rin at pakilagay sa refrigerator sakto ang lamig niyan pagdating nila mamayang hapon." Sabad ni Amor na bagong dating galing sa ubasan nila. Ang kabuhayang namana nito sa mga magulang. Kung noon ay isang ektarya lang ang nakamulatan nitong taniman ng ubas hindi na sa ngayon dahil halos hindi mo na maaninag ang tao dulo sa dulo.
" Akin na Amor at dalhin ko na sa kusina. Anong gusto mong meryenda?" Tugon ng mayordoma pero magalang na sumagot at tumanggi ang una.
" Salamat na lang po manang. Nakisalo ako sa ubasan kanina may bagong gawang wine galing sa ubas alam n'yo naman pong every week ang new invention ng mga production." Sagot ni Amor bago tumabi sa mahal niyang asawa.
" Kumusta ang pakiramdam mo asawa ko? Sabi ni TF kaninang paglabas ko masama raw ang pakiramdam mo?" Tanong niya sa kanyang maybahay.
" Okey na ako asawa ko. Alam mo naman itong si TF naku hindi lang pagiging kasambahay ang serbisyo niya dito all around kaya ayon bago ko pa siya mapakiusapang kumuha ng gamot sa medicine kit ay naibigay na niya sa akin ang nararapat kung inuming gamot. Tsaka na excite lang siguro ako sa pagdating ng anak natin alam mo namang paminsan minsan lang magsiuwi mga anak natin. Si Xander nga na nandito sa Pilipinas ay minsanan lang din umuwi gano'n din kay Alex halos hindi natin nakikita. Kaya hindi ni'yo ako masisisi kung biglang tumaas ang blood pressure ko." sagot ni Dawn sa asawa.
" Wala naman tayong magagawa diyan asawa ko kundi ang supurtahan sila sa kanilang mga adhikain. Alam mo namang simulat sapol pangarap na nila ang maging pari at maging abogado." Tugon ni Amor sa kabiyak.
Ngumiti na lamang ang ginang bilang sagot sa asawa dahil totoo naman lahat ang sinabi nito. Parehas lang dalawa nilang anak na isang taon na lang ay ganap ng maabot ng mga ito ang kani kanilang pangarap. Si Alex ay kaya umuwi ito para sa isang taong buhay nito sa labas ng Vatican at kapag mapagtagumpayan nitong matapos ng mapayapa ang isang taon ay ma ordain na ito sa susunod na taon. Samantalang si Xander ay isang taon na rin lang ang nalalabi nito sa pag aaral at maging ganap na itong abogado. Hindi naman kasi kaduda duda kung grades lang ang pag uusapan dahil laging nasa top five ito simulat sapol na pumasok ito sa paaralan.
Sa kabilang banda, sa tahanan ng mga Arellano.
" Kuya pakisabay naman si ate Belinda may lakad ako kaya hindi ko siya maidaan sa paaralan." Pakiusap ni Angela sa kambal niya pero kuya kung tawagin niya.
" Tsk! Nag-iinarte lang iyan sabi naman ni daddy na bilhan siya ng sasakyan eh paayaw ayaw naman eh ano ngayon. Manigas siya diyan may meeting ako ngayon. Luluwas akong Baguio." Ismid ni Darrell.
" Ayan ka na naman kuya---
" Kung ayaw mong mag-away tayo huwag mo ng ipagpilitan ang gusto mo." putol ng binata sa kapatid.
" Okey lang ako Angela huwag kang mag alala kahit hindi mo ako maidaan sa paaralan. Magtricycle na lang ako." pagitna ni Belinda sa kambal na anak ng umampon, nagpalaki, at nagpaaral sa kanya hanggang sa natapos siya ng pag aaral. Iyun din ang isang ipinagpuputok ng kalooban ng binata dahil kung ano mayroon ang mga ay gano'n din siya.
" Epal! Diyan na nga kayong dalawa." Pabulong na aniya ni Darrell sa dalaga dahil natanawan ang mga magulang nila kasama ang bunso nilang kapatid na halatang tinanghali.
Parang gusto tuloy ng dalaga na pagsisihan ang paglapit sa kambal niya. Tuloy nasaktan na naman ang ate Belinda nila.
" Ate sorry ha. Halika na at idaan na lang kita total maaga pa naman." bawi ng dalaga dito.
" Huwag na Angela malate ka lang sa lakad mo kapag idaan mo pa ako sa paaralan. Hayaan mo na lang tsaka puwedi namang lakarin kaya huwag ka ng mag alala." nakangiti pa ring aniya ni Belinda.
" Hindi ate tara na may klase ka pa naman ng 10 dibale ako dahil mamayang hapon pa naman kaya okey lang. Isa pa ate puwedi bang huwag mong hayaang ginaganon ka mo kuya. We are all adults already pero naku hindi na nagbago ang pakikitungo niya sa iyo." salungat ni Angela dito.
" Hayaan mo na lang siya Angela may karapatan naman siya at totoo naman kasi na sampid at ampon lang ako. Kita mo namang wala akong kamag anak at kung nagkataon lang na masamang tao ang mga magulang ninyo matagal na akong abandunado kaya hayaan mo na lang ang kuya mo kaysa kayo naman ang mag away. Okey lang ako sis." Ani Belinda na nakuha pang ngumiti.
" Hindi puwedi ang gano'n ate alam kung nasasaktan ka rin sa trato ni kuya kaya labanan mo din siya kapag alam mong sumusubra na siya. Tara na bago ka pa tuluyang malate." Salungat pa rin ni Angela sa dalaga sabay punas sa pisngi ng nito.
" Oh anong drama iyan guys. It's early in the morning pero mukhang nagdradramahan na kayo." sabad ni Gregory James. Ang bunso ng mga Arellano. The taekwondo master of their generation kaya't lagi itong ginagabi sa pag uwi dahil sa laging puno ang gymnasium nito ng mga gustong magpaturo dito.
" May drama kasi kami sa school Greg kaya naisipan naming mag practice ni Angela para naman kapanipaniwala ang maituturo namin sa mga studyante namin." salo ni Belinda dahil ayaw niyang lumaki pa ang isyo lalo na kapag magsalita ito. Ayaw din naman niyang laging nag aayaw ang mga ito at higit sa lahat ayaw naman niyang napapagalitan ang binata.
" Hmmm ate Belle sabi mo eh kaya sige na nga lumakad na kayo at tanghali na baka nagsiuwian na mga studyante ninyo." Ani na lamang ni Gregory James kahit alam niya kung ano ang early drama.
Nakahinga ng maluwag ang dalawang dalaga ng hindi na nagtanong ang mga magulang nila pero parang isang leader sa PMA training si Angela dahil bigla itong nag about face dahil sa narinig.
" Oh akala ko ba papasok na kayo sa school anak? Bakit parang gusto mo pang maglambitin sa leeg ng daddy ninyo?" buska ni Lorie Joy dito.
" Eh si mommy naman eh. Anong sabi mo darating si Alex?" naexcite na aniya ng dalaga.
" Oist ate huwag mo ng pantasyahin si kuya Alex ikaw ha magpapari iyun kaya ibaling mo na lang diyan kay kuya Santos diyan sa kanto." kantiyaw ng bunso nila na tinutukoy ang matandang binata sa kantina sa kanilang lugar.
" Hmp! Kung hindi lang kami malelate ni ate Belle naku sasampalin talaga kita Gregorio ka! Diyan na nga kayo."
" Ate Belle tara iwan na natin ang baby damulag na Goriong iyan diyan." namumula na aniya ni Angela dahil sapul na naman siya ng bunso nila.
Hindi na nagsalita ang mga ito pero nakatawa naman. Alam nilang malakas mang asar ang bunso nila kaya't hindi sila nag aalala o never pang pumasok sa isip nila na nag aaway ang mga ito. Kabaliktaran ito ng kuya nila na seryosong tao.
" Ikaw anak alam mo namang pikunin ang ate mo eh ginatungan mo pa." nakailing na aniya ni Darwin sa anak.
" Sarap niyang asarin daddy kita mo namang pulang pula na naman. Narinig lang na darating si father Alex eh halatang may gusto siya sa paring iyun." bagkos ay nakatawang sagot ni Gregory James sa ama.
" Maghunos dili ka nga sa sinasabi mo anak naku napagtripan mo na naman ang kapatid mo. Agahan mo naman ang umuwi mamayang gabi alam mo namang lagi tayong inaasahan ng tito Amor mo para dumalo sa anumang okasyon sa kanila." saway naman ni Lorie Joy sa bunso nila.
" Naku mommy kita mo namang ang reaction ni ate. Hayaan ni'yo at dismiss ko ng maaga ang session sa gym para maka attend ako sa welcome party ni kuya Alex. Uwi din yata si kuya Xander hindi lang ako sure sa narinig ko." tugon ni Gregory James sabay higop sa kapeng pinatimpla sa kasambahay nila.
Pero hindi pa nakapagsalita ang mag asawang Darwin at Lorie Joy ay naibuga ng bunso nila ang kape nito na siyang pagdaan ng isang kasambahay at ito ang natamaan ng mainit na kape.
" Ouch!" maluha-luhang daing nito.
" I'm sorry Liezel I didn't mean to do that to you." agad na aniya ng binata at nilapitan ang pobreng kasambahay.
" Okey lang po kuya sige maiwan ko na po kayo diyan at mapalitan ko ang damit ko bago ko linisin ang carpet." nakatungong sagot ng dalagang kasambahay.
" Okey ka lang ba talaga anak? Dalhin ka na ng kuya mo sa bayan para mapatingnan ka sa doctor." nag aalalang tanong ni Lorie dito.
" Huwag na po ate okey----
" SINU ANG GUMAWA NG KAPE KO NGAYONG UMAGA! HINDI KAYO SINASAHURAN NINA MOMMY AT DADDY UPANG LASUNIN AKO I KAHIT SINU PA SA ATIN DITO. HINDI ASUKAL ANG PINANGTIMPLA NINYO KUNDI ASIN! KUNG SINU KA MAN MAGBALOT BALOT KA NA BG GAMIT NO DAHIL PINAPALAYAS NA KITA NGAYON DIN!"
Putol ng parang kulog na umalingawngaw sa loob ng kusina nila. Hindi natapos ng dalagang kasambahay ang sinasabi dahil sa gulat nila sa lakas ng boses ng binatang si Gregory James.
.
.
.
.
.
.
.
ITUTULOY!!!